Calming The Wild Heart ✓

By Bubblemiiint

3.4K 162 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with... More

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue

Chapter 45

72 2 0
By Bubblemiiint

Chapter 45

"Sabihin mo na kasi na anak ka ni Gilbert Navarro."

Di ako kumibo sa pinagsasabi sa akin ng mga kidnapper. Nang magkamalay na ako ay di na ako makagalaw dahil nakatali ang paa at ang kamay ko sa mga upuan. Tatlo ang nakikita kong kidnapper ang nakatingin sa akin na parang may aasahan sila na magpapakilala ako sa kanila!

"Hindi ko nga tatay yon ,"naiiritang sabi ko ,"Bakit ba ang kulet niyo? Wala kayong maasahan sa akin! Mamumuti lang ang mga buhok niyo kakahintay!"

Pinipilit ko pa rin makawala dito pero sadyang matigas at parang ang higpit ng pagkakatali nila sa akin. Mahigit dalawang araw na ako nandito sa lumang warehouse ata at hanggang ngayon kinukulit nila ako na tatay ko yong hinahanap nila.

Tatay ko yon pero wala akong balak aminin sa kanila yon! Sino ba sila sa inaakala nila?!

"Wag ka ngang magsinungaling babae! Kamukhang kamukha mo ang magaling mong tatay kaya di kami nagkakamaling sa nadampot namin!"pasigaw na sabi ng isa pang kidnapper kaya napapikit ako.

Di ko nga kamukha yon!

Dumilat ulit ako at isa isa ko silang tinignan ng masama ,"Wag na kayong umasa na dadating pa yong hinihintay niyo. Nagsasayang lang kayo ng oras sa akin kaya kung ako sayo pakawalan niyo na ako dahil lagkit lagkit na ako sa sarili ko!"

Naiinis ako dahil dalawang araw na at di pa rin ako nagpapalit ng damit! Nandidiri na ako sa sarili ko dahil mabaho na ako!

"Magtiis ka diyan!"tumayo sa pagkakaupo niya at nagsindi siya ng sigarilyo niya ,"Hinihintay lang namin na tumawag ang tatay mo samin parang mahingian namin siya ng malaking pera para mailigtas ka dito!"

Di na ako sumagot sa kanila. Lumalayo na nga ako sa sarili kong tatay ako pa yung napapahamak!

Isang sikat na architecture ang tatay ko at siguro sa sobrang inggit ng boss nila kuno ay nagawa nila akong kunin na hindi sila nahihirapan! Ang pangit pangit naman mga gumanap!

Palibhasa wala sigurong achievement natatanggap yung inggiterong nilang boss kaya kinidnap na lang niya ako para magka easy money siya!

Iniwan na ako ng mga kidnapper dito kaya ako na naman ang mag isa dito. Kahit anong pilit ko ay malabong makakatakas ako dito dahil seguridad na seguridad ang lugar na 'to dahil ang daming tauhan na nagbabantay sa labas.

O diba ,masyado ba silang takot kapag nakatakas ako at magsumbong ako sa pulis?

Nang sumunod na araw ay nandito na naman ang mga kidnapper para dalhan nila ako ng pagkain. Di ko ginagalaw yung pagkain na hinahatid nila dito dahil ayoko pang mamatay sa mga kamay nila. Malay ko malason ako sayang naman ang lahi ko kung mamamatay na lang ako bigla.

"Lintek ka! Kumain ka nga sabi!"pikon na sabi na naman ng kidnapper sa akin ,"Inutusan pa ako ni Boss na ipagluto ka dahil para magkaroon ka naman ng lakas!"

Ay wow ,so utang na loob ko pa pala na nilutuan niya ako?

"Di ko kailangan ,"I replied ,"Tsaka di ko gusto yang niluluto mo. Really? sardinas talaga ipapakain mo sa akin? Sa gandang kong to ipapakain mo lang ako ng sardinas. Engks salamat na lang pero di ako kumakain niyan."

Maarte na kung maarte pero kahit sobrang gutom na ako ay di ko maiisipan kumain ng sardinas.

"Alam mo napakaarte mong tao!"sigaw niya sa akin kaya tumaas ang kilay ko ,"Walang budget si Boss para bigyan ka ng matinong pagkain! Kaya sa ayaw at sa gusto mo kainin mo yan!"

"Ayoko ngang kainin..."napipikon na ako.

"Aba't sumasagot ka pa! Gusto mo ako magpakain sayo ha parang matanggal na yang kaartehan mo sa katawan mo tangina!"sobrang galit na siya kaya nagpanic na ako na unti unti na siya lumalapit sa akin habang dala dala niya yung pagkain na niluto niya.

No way!

Akmang hahawakan na niya yung baba ko na biglang may nagsalita kaya napatigil yung kidnapper sa pamimilit sa akin para kumain.

"Wag mong pilitin kumain kung ayaw ,"napatingin ako sa nagsalita at nakita kong may hawak siyang sigarilyo sa kamay niya. Masyadong bata itong tingnan hindi katulad sa mga kidnapper na nakita ko na may mga edad na.

Nasa mids 30 siguro dahil batay sa pangangatawan niya. May itsura din kahit papaano kaya di mo mapaghahalataan na kidnapper siya.

"Wag ka ngang makialam dito Froilan!"pagalit na sabi ng isang matandang kidnapper.

"Diba sinabi sayo ni Boss na wag na wag sasaktan ang anak ni Gilbert ,"seryosong saad niya ,"Kaya kung ako sayo hayaan mo na lang siya diyan kapag nalaman pa ni Boss na sinasaktan mo yan baka mauna ka pa niyang patayin."

Di makasagot ang matandang kidnapper. Tinignan niya ako ng masama dahil doon at marahas niyang inilapag na lang sa baba yung pagkain.

"Pasalamat ka bata ,pinoprotektahan ka ni Boss na di ka masaktan."nanlilisik na mata niya saka siya umalis sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko. Bakit di ako hinahayaang masaktan?

"Ayos ka lang?"napapitlag na lang ako na biglang magsalita yung isang kidnapper dito.

"Hindi ako okay kung yan ang gusto mong malaman!"I sarcastically said then I rolled my eyes.

Alam na ayoko dito sa lungga nila nagtatanong pa siya kung ayos lang ba ako? Tanga ba siya? Tsk!

Di na lang siya kumibo bagkus umalis na lang siya sa harapan ko—kaya ang ending ay ako na naman ang mag isa dito. Mabuti na rin yon para magkaroon ako ng oras para umisip ng paraan para makatakas sa napakabahong warehouse na 'to!

Ilang oras ako nakatulala pero para maghanap ng paraan pero bumagsak na lang ang balikat ko senyales na sumuko sa kahibangan ko na 'to. Ilang araw na ako nakatali dito at wala man lang tao ang gustong sumagip dito sa akin!

Kumusta na kaya si Kevin? Ayos lang ba siya? Wala na ako naging balita sa kanya dahil kinuha ako bigla ng mga kidnapper. And about Bryle? Hinahanap din niya kaya ako dahil dalawang araw na akong nawawala?

I'm sure nakarating na rin 'to kay Bryle dahil alam kong ibabalita ni Kevin ang nangyari pang-kidnap sa akin ngayon. Sana mahanap din nila ako dahil gustong gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makawala sa bangungot na 'to.

Hindi ko ma-imagine sa buhay ko na bibigyan ako ng ganitong pagsubok. Di ako sinasaktan dito pero.....pinapahirapan ako sa pananatili ko. Na parang pinipilit ko na lang maging malakas para di nila makita ang kahinaan ko. Pinipilit ko maging matibay para wala silang gawin na masama sa akin.

I wonder...kung gumagawa na ba ng paraan ang daddy ko para mahanap agad ako? Is he making a way for me to get out of this place? Since, he's the reason why I am here today? I'm the one suffering because I'm his only daughter?

Nakakatawang mang isipin pero hinihiling ko na sana magawan niya ako ng paraan para mailigtas dito. Ayoko na dito! Natatakot na ako sa pwedeng mangyari sa susunod pang mga araw.

Kahit may sama ng loob ako sa kanya gusto ko pa rin na may magawa siyang paraan tungkol sa akin. Responsibilidad niya ako dahil anak niya ako—umaasa ako na kahit kaunti ay may maramdaman ko lang na may ama pa ako.

Habang tumatagal ang pananatili ko dito sa mga kidnapper ay nakakaramdam na ako ng takot. Palaging may nakabantay na kidnapper dito sa kwartong kung saan ako nilagay ,masyado na akong natatakot dito dahil habang tumatagal ako dito ay nag iiba na rin ang paraan ng tingin sa akin ng ibang mga kidnapper. Malagkit at mula ulo hanggang paa ako tinitignan. Uncomfortable na sa akin dahil anytime pwede nila akong gawan ng masama kahit sinabi na ng mga boss nila di nila pwedeng gawin yon sa akin.

"That's it ,Gallianna Navarro ,"kahit nanghihina ako ay nagawa kong i-angat ang tingin ko sa boses na narinig ko. Malabo man ay nakita ko na pumasok ang isang lalaki galing sa pintuan at nagtaka ako na yumuko ang mga kidnapper na nandito.

Boss kaya nila ito?

Kahit nanlalabo ang mata ko dahil sa tindi ng pagod ay pinilit kong tingnan siya. Magka-edad lang sila ni Daddy dahil sa mukha at tindig niya. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa bulsa niya habang palapit ng palapit sa akin.

"Hi ,Gallianna Navarro ,"lumuhod siya sa harapan ko para magpantay kaming dalawa ,"How are you?"

Seryoso ko lang siya tinignan. May ngisi sa kanyang mga labi na parang wala ng bukas. Kumunot ang noo ko—di ako kumportable na magkalapit kaming dalawa kaya inilayo ko ang mukha ko sa kanya saka ako umiwas ng tingin.

He chuckled ,"Don't worry Gallianna. Wala akong balak na galawin kita habang nandito ka sa poder ko."napailing siya saka siya tumayo sa harapan ko.

Buti naman!

"Kung di mo pa ako kilala ako nga pala si Architect Viktor Macadema. Dating kaibigan ni Gilbert Navarro."he smiled to me while he offered his hand for me.

Tinignan ko siya. Wala akong pakialam kung siya man ang katrabaho ni Daddy.

Tsaka ,di bagay sa kanya yung title niya. Parang walang pinag aralan dahil nagawa pa niya akong kidnapin!

"Wala ka man lang ibang sasabihin sa akin? sa tingin ko naman may ideya ka na kung sino ang taong naglagay sayo dito sa lumang warehouse na 'to?"he smirked.

"Oo ,alam ko."I replied to him ,"At nakakatawa man isipin na ikaw ang puno't dulo nito kung bakit ako nandito. Sayang pagiging isa mong architect kung sa pakikidnap lang ang naging bagsak mo."

Ang ngisi sa kanyang mga labi ay naglaho dahil sa mga sinabi ko. Ngumisi ako ,na-offend ba siya dahil yon ang totoo? Di ko na kasalanan yon ,nagsasabi lang ako ng totoo batay sa nakikita ng mata ko.

"Sinabi sa akin ng isang tauhan mo kung bakit mo ako kinidnap na lang basta basta. Dahil sa tatay ko di'ba?"I asked then he didn't answered my question ,"Dahil sa inggit mo dahil kay Daddy dahil nagkaroon siya ng mataas na posisyon noon na matagal mo na dapat inaasam. Pero dahil si Daddy ang napili ay nagkaroon ka ng galit sa kanya dahil di mo natanggap sa sarili mo nakuha niya ang gusto mong posisyon."

Balita ko din na mahusay talaga siyang architect noon sa kompanya kung saan doon din nagtrabaho si Daddy. Naging team leader pa nga siya noon dahil sa galing niya sa trabaho niya. Pero nang dahil pumasok doon si Daddy ay nagkaroon siya  ng katunggali sa trabaho niya. Magaling na architect din si Daddy at madalas siya purihin sa mga gawa niyang proyekto ,naging magkagrupo silang dalawa para sa isang big project at kalauna'y naging magkaibigan sila.

Pero sabi ng tauhan niya ay katunggali pa rin ang tingin ni Viktor sa Daddy ko kahit magkaibigan na sila. Na parang ayaw siyang malamangan—na sa tingin niya ay siya ang magaling sa lahat. Kaya nang malaman niya na nagkaroon ng mataas na posisyon si Daddy sa kompanya ay doon sumabog ang matindi niyang galit.

Kaya kahit 16 years na ang nakalipas ay para sa kanya ay sariwa pa rin at hanggang ngayon paghihiganti pa rin ang gusto niyang mangyari. At nangyari na nga yon dahil ako ang naging kabayaran para lang makaganti siya!

"Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko kaya nakakagalit na ang gusto kong posisyon ay napunta lang sa taong kinakainisan ko!"nanlilisik na mata niya habang nakatitig sa akin ,"Gustong gusto ko ang posisyon na yon noon pa man kahit di ko pa siya naging ka-trabaho. I was busy working just to get the position I wanted. I became a workaholic person just for the position I wanted—that I couldn't even give my time with my family because of that position. Then I'll just know, Gilbert easily got the position I was wanted for even though he had been working at the company for less than a year!"

Kita ko ang frustrated sa kanyang itsura dahil namumula ang kanyang bandang tenga. Nanatili lang ako nakikinig sa kanya dahil wala naman akong karapatan para di siya pakinggan diba? Gusto kong alamin ang puno't dulo kung bakit ganun na lang ang katindi ng galit niya kay Daddy.

"Ang galing ni Gilbert magpaikot ng tao kaya pati may ari ng kompanya ay naimpress siya! Kaya hanggang ngayon ay mas lalo siyang nakikilala at yumaman dahil sa kompanya na yon. Samantalang ako ay matagal na nasa serbisyo pero ni minsan di ako nakahawak ng malaking pera dahil di na ako madalas nakakatanggap ng kliyente. Pero s'ya ,kahit tumatanda na yung gago ay siya ang nakakatanggap ng kliyente at mas lalo siyang sumisikat!"

Di ko alam kung bakit lahat na lang kamalasan sa buhay niya ay sinisisi niya kay Daddy. Sa tingin ko hindi na kasalanan ni Daddy kung bakit hanggang ngayon ay may natatanggap pa siyang kliyente. Magaling siyang architect kaya pinagkakatiwalaan na siya ng tao.

"Di niya kasalanan ang nangyayaring kamalasan mo sa buhay mo ,"seryosong saad ko ,"Kung hindi ka man naging successful sa buhay mo ngayon sana....wag mong isisi sa iba."

Di ko lang talaga magets ang mindset niya.

"Di mo ko maiintindihan dahil di mo pa nararanasan ,"he mumbled ,"Saka mo na sabihin yan kapag naranasan mo ang naging karanasan ko."

Pagak akong natawa ,"If mangyari man yan. Mas pipiliin ko na lang na mas ayusin ang buhay ko kaysa maghiganti. May second chance pa para makamit ko ang gusto ko—at aabutin sa abot na makakaya ko na hindi gumaganti sa tao."

Wala sa ugali ko ang maghiganti kaya nasasabi ko 'to sa kanya.

Sama ng loob ,oo.

"Ang pakikipag usap ko sayo ay walang kwenta."malamig na sabi niya ,"Tutal nandito na rin naman ako ay kailangan ko na siguro tawagan ang magaling mong ama para bigyan siya ng ilang araw para mabawi ka niya sa akin. Ilang araw ko na siya pinagbigyan para tawagin niya ako pero naghintay lang ako sa wala."

Di ako kumibo sa sinabi niya.

"Kaya ako na ang tatawag sa kanya parang malaman na niya kung nasaan ang  nag iisa niyang anak ,"he seriously said.

Kinakabahan ako sa gagawin niya.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon. Kinalikot nga niya ang cellphone niya habang seryoso pa rin ang kanyang tingin. Wala pang isang segundo ay nilagay niya ang cellphone niya sa tenga niya habang nakatitig ng seryoso.

"Hintayin mo lang ,alam ko sasagutin 'to ng Daddy mo."

Di na lang ako kumibo. Kung gusto niyang tawagin ,edi tawagan niya. As if namang may pake yon? Ilang araw na ako nandito pero hanggang ngayon ay di pa rin ako nakakalabas dito. Ramdam ko wala talaga silang pakialam sa nangyayari sa akin. Dahil kung may pake sila ,edi sana natunton na nila ang kinaroroonan ko.

Pero wala pang isang minuto ay nakita ko ang napakalaki ng ngisi ni Viktor. Umirap ako sa kanya.

"Kumusta Friend ,"malaking ang kanyang ngiti habang kausap niya sa cellphone ang Daddy ko ,"Alam mo hinihintay kita talagang tumatawag."

"Ibalik mo na ang anak ko!"narinig ko malakas na sigaw ni Daddy. Kaya inilayo konti ni Viktor ang cellphone niya sa kanyang tainga ,"Ano bang ginawa kong kasalanan sayo para ganituhin mo ako?"

"Chill ka Mr. Navarro ,"he grinned ,"Safe na safe ang nag iisa mong anak kaya wag ka diyang mag alala."

Safe? My ass!

"Anong wag diyang mag alala? Kinuha mo ang anak ko! Kung may galit ka sa akin wag mong idamay ang anak ko!"nahimigan ko sa tono ni Daddy ang pag alala ,"Tayo ang may problema kaya pwede bang pakawalan mo na anak ko!"

"Well ,hindi ganung kadali yon. Ang anak mo na lang ang magiging kabayaran sa lahat ng mga kasalanan mo ,"ang kanyang ngisi ay napalitan na ng pagkagalit ,"Sayang ,ang ganda pa naman ng anak mo—masasabi kong nagmana siya talaga sayo dahil ang tapang ng anak mo."

"Subukan mong galawin ang anak ko Viktor ,baka mapatay na lang kita..."

"Try me Gilbert ,sa tingin ko naman bago mangyari yon baka bigla na lang di mo na makausap ang anak mo—"

"Pwede bang Mr. Macadema wag mo na pag aksayahan ang oras mo dyan sa taong yan ,"sumabat na ako sa pag uusap nila. Kunot noo siyang tumingin sa akin ,"Wala kang mapapala diyan sa kausap mo ,wala siyang malaking pera para bawiin ako dito."

Di ko alam kung gaanong kalaki pera ang gusto ni Viktor para mabawi lang ako dito. Wala akong alam sa pagtatrabaho ni Daddy sa nakalipas ng taon ay naging mayaman ba siya. Ewan ko.

"Atsaka , di kami okay niyan kaya kung ako sayo wag mo ng subukan manghingi diyan ng malaking pera para mabawi ako. Wala nga yang pake sa akin! Kaya tingnan mo ako —hanggang ngayon ay nandito pa rin ako at mukhang wala siyang balak para iligtas ako dito!"

"Anak hindi totoo yan—"

"Shut up ,kausap ko ang tatay mo kaya kung ako sayo manahimik ka na lang diyan ,"pagbabanta niya sa akin kaya di na ako nagsalita. Kinausap niya ulit si Daddy sa cellphone niya ,"Huling chance mo na 'to Gilbert Navarro para mailigtas mo ang anak mo ,Bibigyan kita ng dalawang araw para makahanap ka ng 10 million para mabawi ang anak mo."

What?! Seryoso ba siya?!

"I-tetext ko sayo ang time and exact location kung saan tayo magkikita. And take note ,wala kang dapat kasamang pulis o sino man dahil kung hindi mo susundin ang utos ko pasensyahan na lang tayo at may mangyayaring masama sa nag iisa mong anak."

Napasinghap ako.

"At kung di ka sisipot ,sorry na lang pero kailangan ko ng i-dispatcha ang anak mo.."

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib dahil sa sinabi ni Viktor. Seryoso ba siya? Papatayin niya ako kapag di sumipot si Daddy?

No way......di pa ako handa para mamatay dito!

Pagkatapos sabihin yon ay bigla na lang niya pinatay ang tawag. Tumingin siya sa akin at sumilay na naman ang ngiti sa mga labi niya na parang may nakakatuwa sa mga pinagsasabi niya.

"Ipagpray mo na lang na makakahanap ang Daddy mo ng 10 million sa loob ng dalawang araw ,"sabi niya saka siya lumapit papunta sa akin ,"Dahil kung hindi ,ipagdasal mo na lang ang natitirang mong buhay."

No way....

Di ko magawang matulog sa gabing yon dahil natatakot ako sa mangyayari. Masyado pang maaga para magkaroon ako ng banta sa buhay ko. Umiiyak na lang ako dahil bakit ko ba ito nararanasan? Bakit ako pa kinuha? Bakit pa ako pinapahirapan?!

Di ko alam kung makakaya ba talaga akong iligtas ni Daddy gayong wala naman  siyang gaanong kalaking pera! Kahit si Mommy wala ganon! Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag sa loob ng dalawang araw di nila ako mababawi! Di ko na kayang magtapang tapangan dito dahil nangangamba na ako sa pwedeng mangyari sa akin.

Hindi tao ang pwedeng magdesisyon sa kamatayan ko. Hindi tao....

At paano na lang si Bryle? Hindi ko siya kayang iwan dito ,hindi ko kayang mamatay lalo na't may taong alam kong naghihintay sa akin! Hindi ko kaya....

Di ko pa panahon para mawala na lang ako...

Sa natitira kong araw dito ay humihina na ang katawan ko. Hindi na rin ako pinapakain dito o pinapainom ng tubig aniya naman ay mamamatay rin naman ako. Tinanggap ko na lang ang mga sinabi nila dahil totoo naman. Wala na akong lakas para magtapang-tapangan sa harapan nila.

Kahit hindi ko pa oras nararamdaman ko na lang na parang pinapatay na ako dahil sa panghihina na ng katawan ko. Anytime ,pwede na akong bumagsak.

"A-anong gagawin niyo sa akin?"nagpanic na ako ng tinatanggal na ng isang kidnapper ang tali sa kamay ko at wala akong kaalam-alam dahil yung ibang kasamahan din nila ay nandito.

"Ililipat ka ni Boss sa ibang lugar ,"seryosong saad ng kidnapper habang patuloy niya pa ring tinatanggal ang tali ,"Ngayon na ang huling araw mo kaya sa ibang lugar ka dadalhin dahil doon magkikita ang Daddy mo at si Boss!"

Di na lang ako kumibo sa sinabi niya. Nang matanggal na sa pagkakatali ang kamay ko ay may nagtawag siya ng isang kasamahan para alalayan ako. Hinawakan nilang dalawa ang magkabilang braso ko para masigurong di ako makakatakas.

Pilit nilang hinihigpitan ang pagkakahawak nila sa akin sa mga braso ko kaya napapangiwi na lang ako sa sakit. Parang wala silang pakialam na sa paraan ng pagkakahawak nila ay nasasaktan na ako.

"Sandali lang ,"napatingin ako kung saan nang gagaling yon. At nang malaman si Froilan ay kunot noo ko siyang tinignan ,"Ako na mag aalalay sa kanya. Mukhang nasasaktan si Gallianna sa paraan ng pagkakahawak niyo."

"Tumigil ka nga—"di na natapos ang sasabihin na bigla na lang ako hilahin ni Froilan palapit sa kanya.

"Ako na ang bahala sa kanya."malamig na sabi niya.

Napakamot na lang ng ulo ang dalawang kidnapper. Kalaunan ay sinunod na lang ang gusto ni Froilan. Kaya marahan niya akong hinahawak-hawakan sa mga braso ko. Di na ako kumibo dahil doon ,wala na akong oras para magpasalamat sa kanya dahil ano pang silbi yon? Mamamatay rin na naman ako dito.

And worst di naman niya ako tutulungan para makatakas sa impyernong 'to.

Ipinasok na nga niya ako sa loob ng van na gamit nila. Buong biyahe ay tahimik lang ako at parang wala na ako sa sarili dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. Nakatali na ulit ang kamay ko kaya wala na talaga akong pag asa para tumakas dito. Di ko na rin balak takasan sila dahil baka sa kamay pa nila ako mamatay.

Nang nakarating nga kami sa abandonadong building ay bigla na lang ako itinulak ng mga humawak sa aking kidnapper. Kahit nanghihina ako ay tinignan ko sila ng masama.

Mamamatay na nga ako nagagawa pa nilang dagdagan sakit ng katawan ko.

"Manahimik ka diyan!"pasigaw na sabi ng kidnapper bago nila akong talikuran at pagsaraduhan ng pinto.

Napahiga na lang ako dahil sa sakit ng katawan ko. Hindi ko na alam kung susuko na ba ako sa mga nararanasan ko sa kamay ni Viktor.

Balita ko na tuloy nga ang pagkikita nila ni Daddy dahil may dala ng malaking pera para makabawi ako dito. Di ko inaasahan na nakagawa ng paraan si Daddy para mabigay ang guston ni Viktor Macadema. Nagkakaroon pa ako ng kaonting pag asa na makaalis dito dahil kay Daddy.

Inaasahan ko siya para mamaya...

Umaasa ako...

Nang dumating ang oras na pagkikita nilang dalawa ay nagkaroon ako ng kabang nararamdaman. Nakikita ko na ang pigura ni Daddy na may bahid na pag aalala habang nakatitig sa akin.

"D-daddy...."mahinang sabi ko dahil sa sobrang panghihina ko ay di ko na kayang ipagpatuloy kung ano man ang sasabihin ko.

"Finally ,nandito ka na rin sa wakas!"nahimigan ko ang boses ni Viktor sa tabi ko ,",Akala ko di ka makakapunta sa location na sinabi ko! Handa pa naman ang gagawin ko para sa anak mo."

"Nandito na ang hinihingi mong pera sa akin ,ibigay mo na ang anak ko!"saad niya at inilapag niya ang malaking bag na siguro nagkakalaman ng malaking pera ,"Tumupad ako sa usapan kaya sana ikaw rin tumupad."

"Masyado naman napakabilis kung ibibigay ko din agad ang anak mo ,"kahit nanghihina ako ay nagawa kong tingnan si Viktor ,"Maglaro muna tayo Gilbert."

"Wala akong panahon para makipag laro sayo Viktor. Babawiin ko lang ang anak ko kaya pwede bang tumupad ka sa usapan!"

Humalakhak na lang ng malakas si Viktor kaya lalo akong naiirita sa presensya niya. Ano ba gusto niyang mangyari? Gusto ko ng umuwi ng bahay para matapos na!

"Sayang ang pagpunta mo dito kung hindi tayo maglalaro. Ibibigay ko din naman agad ang anak mo pero gusto ko muna makipag laro ako sayo—"

"Pwede bang—hindi na natuloy ang sasabihin ni Daddy na makarinig kami ng putok. Dahil doon biglang nagkagulo ang paligid at nakaramdam ako ng kaba ng dibdib dahil sa putok narinig.

"Sinasabi ko na nga ba!"galit na sabi ni Viktor dahil doon bumunot siya ng baril at pinapatukan niya yon kay Daddy. Agad din naman nakaiwas si Daddy dahil doon.

Nagsi-alisan ang ibang tauhan ni Viktor dahil sa paputok na narinig. Tanging si Froilan na lang ang naiwan dito dahil hawak hawak niya ako sa balikat.

"Froilan ,dalhin mo sa ibang lugar sa Gallianna!"sabi ni Viktor habang nag aalab sa galit ,"Wag mong hahayaang maitakas iyan!"

"Y-yes boss!"agad na sagot ni Froilan kaya nagpahila na ako sa kanya dahil di ko na din alam ang gagawin ko. Hindi ko kaya isigaw ang  pangalan ni Daddy dahil di ko alam ang gagawin.

Hawak ni Froilan ang pala pulsuhan ko habang tumatakbo kami. Rinig na rinig pa rin ang putukan ng baril dito kaya wala na akong lakas para kalabanin pa si Froilan.

Natigil lang kami sa pagtakbo na inilagay ako ni Froilan sa isang abandonadong kwarto na madilim. Kumunot ang noo ko dahil sa tinuran niya ,ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang tinititigan siya.

Akala ko ba iaalis niya ako sa lugar na ito?

"Dito ka lang Gallianna ,"he said then my eyes widened ,"Wag kang lalabas dito kapag di ako nakabalik dito."

"A-ano? Diba iaalis mo ako sa lugar na to—"

"Hindi kita iaalis dito kung yan ang iniisip mo! Itatakas kita dito laban kay Viktor. Kailangan kong labanan ang mga kidnapper na nandodoon!"

"Pero diba kakampi mo sila—"

"Pero hindi na ngayon. Kailangan maging ligtas ka dito at ayokong dito matatapos lang ang buhay mo. Di ko na kayang nasa kamay ka pa ni Viktor! Kailangan ka ng pamilya mo ,"he said seriously ,"Kaya pakiusap wag na wag kang lalabas dito hangga't hindi pa ako bumabalik."

Mabilis akong tumango sa sinabi niya kaya nginitian niya ako ng tipid bago siya umalis sa harapan ko.

Hawak hawak ko ang dibdib ko sa kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko pa rin ang putok ng baril kaya doon lalo akong kinakabahan! Nangangatog na rin ang kamay ko dahil baka di na bumalik dito sa Froilan...

Sana ayos lang siya para makabalik siya.

And kay Daddy...sana okay din siya. Sana walang mangyaring masama sa kanya lalo na't alam kong nasa panganib ang buhay niya ngayon...

Naghintay ako na makabalik si Froilan dito pero halos umabot na ako ng 15 minutes sa kahihintay sa kanya pero hindi pa siya nakakabalik dito.

Please ,please sana okay lang siya...Sana makabalik pa siya...

"Gallianna ,nasaan ka na!"napatigil ang pagbilis ng puso ko na marinig ko ang boses na pamilyar.

Boses na matagal ko ng gustong marinig... boses na miss na miss ko na. Kilalang kilala ko ang boses na yon at di ako pwedeng magkamali...

Nandito si Bryle....

Dahil sa pagkakasabik ay nagawa kong buksan ang pinto kung saan ako nagtatago ngayon. Nang buksan ko ang pinto ay doon bumagsak ang luha ko na makita na ang nagmamay ari ng boses na narinig ko.

Si Bryle.... kita ko ang frustrated sa mukha niya dahil pilit niyang tinatawag ang pangalan ko. Di kong magawa makapagsalita dahil sa taong mahal na nasa harapan ko.

"Gallianna—"naputol ang sasabihin niya na biglang nagtama ang aming mata. Sa loob ng isang linggo na pamamalagi ko dito sa kamay ni Viktor iniisip ko na lang na sumuko na lang dahil parang malabo na may taong liligtas pa sa akin dito.

Di na ako umaasang makakatakas dito dahil sa sobrang higpit ng seguridad. Malabo pa sa sikat ng araw na mailigtas ako. Pero sa di ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko na ang taong matagal ko ng hinihintay...

"Bryle...."naiiyak na sabi ko habang di ko pinuputol ang titig ko sa kanya.

"Gallianna...."I could see the pain in his eyes as he looked at me.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit sa sobrang higpit na tipong di ko na siya muli papakawalan.....

Ngumiti siya ng tipid sa akin kahit halata sa kanya ang pamumungay ng kanyang mga mata. Lalapit na sana ako para mayakap ko na siya pero di pa ako nagsisimulang maglakad ay may humawak sa leeg ko kaya napangiwi ako sa sobrang sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak sa aking leeg.

"Di ka makakatakas sa kamay ko!"nahimigan ko na agad ang boses na nasa katabi ko. Si Viktor na naman!

"Bitiwan mo ako!"pinipilit kong makawala pero di ko kaya dahil sa sobrang higpit niya kung humawak. Napalunok na lang ako na makita ko na may hawak siyang baril na nakatutok din sa leeg ko.

Kailan ba to matatapos?

"Subukan mong lumaban Gallianna ,gusto mo bang matuluyan ng wala sa oras?!"sigaw na sabi niya kaya napapikit ako ng mariin dahil sa banta niya.

No....

Tumingin na lang ako kay Bryle at nakita ko ang pagpigil niya ng emosyon dahil sa sitwasyon ko ngayon. Nakatutok pa rin ang baril sa akin kahit gusto kong magsalita ay natatakot ako dahil baka totohanin ni Viktor na barilin na lang ako dito.

"Pakawalan niyo na po siya...."pagmamakaawa ni Bryle habang pigil na pigil niya pa rin ang emosyon niya.

"Hinding hindi ko pakakawalan ang girlfriend mo bata ,tutal hindi sumunod sa usapan si Gilbert mas mabuti pang si Gallianna na lang ipapalit ko dahil sa panloloko niya—"

"Wag please! Nakikiusap ako sa inyo....."he bit his lips ,"Walang kasalanan si Gallianna sa inyo kaya please nagmamakaawa ako sa inyo. Ako na hihingi ng tawad kung ano man ang naging kasalanan si Tito Gilbert sa inyo noon. Wag lang yung anak niya...."

"Bryle..."

"Nagmamakaawa ako sa inyo....wag po—"di na natuloy ang sasabihin ni Bryle na bigla ko na lang inapakan ang paa ni Viktor. Kaya napabitaw siya sa pagkakahawak niya sa akin at napangiwi siya dahil sa sobrang sakit. Kaya wala na akong nagawa kundi lumapit na kay Bryle.

Nang makalapit na ako kay Bryle ay humigpit ang yakap ko sa kanya. Sobrang higpit na parang wala ng bukas. May ngiti sa mga labi na naramdaman ko na ulit ang presensya niya pero napawi na lang ang ngiti ko na bigla akong  nakarinig ng putok ng baril at nanlaki na lang ang mata ko na makaramdam ng pangingirot sa katawan ko. Sobrang sakit—napahigpit na lang ang yakap ko kay Bryle dahil sobrang kirot na nararamdaman ko.

"G-Gallianna...."narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ,"N-no......"

Kahit masakit ay nagawa kong i-angat ang tingin ko sa kanya. Biglang may luha lumandas sa mga pisngi niya samantalang ako ay nakatingin sa kanyang mukha.

I smiled bitterly ,"B-bryle..."

I shot my back.

"I miss....."di ko na magawang makapagsalita dahil may lumabas ng likido sa bibig ko at doon ko nakita na mas lalong umiyak si Bryle sa harapan ko.

"Please....no!"naiiyak na saad ni Bryle at bigla lang siya napaupo sa kinatatayuan namin at nakahawak sa likod ko samantalang ang isang kamay niya ay nakahawak sa pisngi ko. Nanghihinang napahawak na lang ako sa kanyang mahigpit sa kanyang damit.

Di ko na kayang makapagsalita dahil sa sobrang kirot at sa mga likidong lumalabas sa aking bibig ko.

"Di mo ako pwedeng iwan Gallianna...."napasubsob na lang siya sa leeg ko dahil sa pagbagsak ko ,"No....please wag."

Katapusan ko na ba? Dito na ba matatapos ang buhay ko? Karma ko na ba 'to sa mga nagawa kong kasalanan sa  ibang tao at sa pamilya ko? Kabayaran na ba to dahil napakasama kong tao.

Habang tinitignan ko si Bryle di ko napigilan ba may tumulong luha sa aking mga mata. Gusto ko pa siya matagal makasama pero sa tingin ko....dito na rin matatapos ang buhay ko dahil nanghihina na ako. Anytime ,pwede na kong mamatay.

"Bryle ,"dahan dahan kong iniangat ang kamay ko patungo sa kanyang pisngi. Tumingin siya sa  akin at bakas sa kanya ang pag iyak ,"Thank you f-for loving me.."

"Wag....."

"I don't h-have t-the strength to s-speak anymore ,"unti unti pawala wala na ang boses ko ,"Basta p-palagi mong tatandaan n-nandito lang ako sa t-tabi mo.."

Then he sobbed again. Gusto ko mang lumaban pero di ko na kaya ang panghihina ng katawan ko ,pagod na ako at siguro ito nga ang kapalaran ko.

Panahon ko na.....

Panahon na para iwan na ng tuluyan ang taong minahal ko. Panahon na para iwan ang mahal ko sa mga buhay. Panahon na para tanggapin ang kapalaran ko.

"I love you...."I said sweetly to him until I closing my eyes.

And for the last time...I told him my last words I wanted him to hear before I die..

Continue Reading

You'll Also Like

11K 316 13
I do not own these characters, those rights go to Julie Plec. Caroline is a human, and doesn't know anything about Supernaturals, yet. That wil...
200K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
145K 1K 98
Because BTS world is taking too much space on my phone More than 70 chapters and counting
79.1K 2.1K 20
Lauren just moved to Castle Rock, she's looking for friends, but what she finds is much better. She meets four boys that will change her life forever.