Calming The Wild Heart ✓

By Bubblemiiint

3.4K 162 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with... More

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 33

32 2 0
By Bubblemiiint

Chapter 33

WHEN the work immersion for Grade 12 started ,I was very nervous. I thought that when the day came ,I would be really ready ,but I wasn't ,that's when I started getting nervous. Fortunately ,I have Kevin my side—when he senses I'm nervous ,he alway pats my shoulder to make me feel less nervous.

Thankfully ,naging maayos naman ang first day ko. Nang magbreaktime ay kasabay ko si Kevin kumain sa cafeteria. Habang kumakain ako ay tutok ang mata ko sa cellphone dahil ka-chat ko si Bryle.

Bryle Zendrano:

Kumain ka na?

Gallianna Navarro:

Oo ,how about you? kumusta work immersion mo dyan sa ospital?

Bryle Zendrano:

Okay naman ,masyadong masaya dito sa ginagawa ko. Ang babait ng mga nag guguide samin dito.

Gallianna Navarro:

That's good.

"Kumain ka kaya muna? bago ka dyan magcellphone."napatigil ako sa pagtitipa nang marinig ko ang boses ni Kevin.

Tumingin ako sa kanya ,"Oww sorry ,kausap ko kasi boyfriend ko."

Nakita kong napaismid siya sa sinabi ko kaya natawa ako ng mahina.

"Tsk! Yabang naman!"he pouted his lips.

"Mag girlfriend ka na kasi bago tayo grumaduate. Para di ka na diyan mairita sa akin kapag ako ang kasama mo."

Ayokong ipamukha sa kanya na single siya. Nakakaawa naman siya kung ganon.

"Tsk! di bale na lang oy ,'pagak siyang natawa ,"Gusto ko pang maging sikat na businessman in the future. Yang girlfriend girlfriend na yan ,distract lang yan sa pag aaral."

"Sus ,ang sabihin mo lang wala nagkakagusto sayo. Dinahilan mo pa yang pangarap mo!"pang aasar ko sa kanya saka niya ako inirapan.

"Ewan ko sayo Arianne ,kumain ka na nga lang tayo. Matatapos na breaktime natin baka hinahanap na tayo don."sabi niya at tumango na lang ako.

Nang makauwi na ako sa bahay ay talagang malakas akong napabuntong hininga dahil sa sobrang pagod. Di na ako nagpasundo kay Bryle dahil gusto ko na ipahinga ang katawan ko sa bahay.

Nang nasa loob na ako ng bahay ay pansin ko walang ka-tao tao ang sala. Hinanap ko sina Tita Helen at Mommy dahil sure ako na nakauwi na ang dalawang yon. Habang naglalakad ako ay may narinig akong nag uusap malapit sa kitchen area kaya napag isip ko na lumapit doon.

"Pano pag nalaman ng anak mo yan Carmela?"napatigil ako sa paglalakad na marinig ang boses ni Tita Helen ,"Siguradong sigurado ako na magagalit yon sayo!"

Sino magagalit?

"I know ate ,kaya gusto ko muna itago mo muna mga nalalaman mo ngayon. Di pa panahon para malaman ni Gallianna—"

Naputol ang sasabihin ni Mommy na bigla akong magsalita.

"Mukhang seryoso ho ata pinag uusapan niyo diyan?"sabi ko at parehas sila napalingon sa gawi ko. Nagtaka ako na parang bigla ata namutla si Mommy na makita niya ako sa harapan niya.

"K-kanina ka p-pa ba diyan Gallianna?"tanong ni Tita Helen kaya napatingin ako sa kanya.

"Kadadating ko lang ho."sagot ko sa kanila at parang kumalma sila sa sinabi ko ,"Ano ho pinag uusapan niyo? parang nabanggit po yung pangalan ko."

Curious lang ako dahil ang seryoso nila kapag nag uusap sila.

Nagkatinginan silang dalawa kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Di ko alam bakit parang ganyan sila makatingin sa isa't isa na parang may tinatago sila sa akin hindi nila dapat sabihin sa akin.

"Uh......nothing 'nak! Napag usapan lang namin ng Mommy mo kung kumusta na ang 1st day mo sa work immersion!"pagak na natawa si Tita Helen habang nakatingin sa akin.

"Uh...yun lang pala pinag uusapan niyo akala ko pa naman kung ano ,"I chuckled ,"Okay naman po first day ko po ,na enjoy ko po."

"Ganon ba?"Tita Helen asked then I nodded ,"I think ,kumain na tayo. Sigurado akong gutom na gutom ka ngayon. Halika ,naghain ako ng masarap na dinner natin today!"

Di na ako nakasagot dahil hinawakan na ni Tita Helen ang pala-pulsuhan ko kaya wala na akong nagawa kundi magpahila na sa kanya.

Sumunod na rin sina Mommy samin kayang kaming tatlo ang kumakain sa dining area. Habang kumakain ako ay pansin kong parang ang tahimik ni Mommy at mukhang may malalim na iniisip.

"Hey 'mmy ,are you okay?"I asked then she glanced at me. Mukha siyang natauhan dahil base sa itsura niya.

Gusto ko lang tanungin kung ayos lang siya dahil di ko talagang ugali magtanong sa kanya kung ayos ba ang araw niya ngayon. First time ko lang magtanong ng ganito talaga.

"I'm okay anak ,"she forced her smiled ,"Napagod lang siguro ako kanina kaya wala akong gana para magsalita."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Kahit sinabi niyang ayos lang siya ay feeling ko hindi talaga. Di ko na lang pinilit sabihin niya sa akin kung ano ang bumabagabag sa kanya.

"Pahinga na lang siguro kayo after dinner."I smiled.

Nagkatinginan na naman ulit silang dalawa pero pinasawalang bahala ko na lang. Ang weird nila ngayon kaya tahimik na lang ako kumain.

After dinner ,nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa taas para makapagbihis na rin. Masyadong pagod ako ngayong araw kaya deserved ko ipahinga ang sarili ko.

Nagsuot ako ng pajama dahil wala naman akong balak lumabas kapag ganitong oras.  Kinuha ko ang laptop ko sa study table ko dahil ngayon ko na gagawin ang PPT para sa research namin. Masyadong abala ako sa pag-gagawa ng PPT kaya di ko napansin na tumutunog na yung cellphone ko.

Tinignan ko kung sino nagchat sa akin at bumungad sa akin ang name ni Bryle.

Bryle Zendrano:

Hey ,ano gawa mo?

Gallianna Navarro:

Ginagawa ko ang PPT ng research. How about you? Nakauwi ka na ba?

Bryle Zendrano:

Oo ,nakauwi na ako. Pwede ba ako mag video call?

Gallianna Navarro:

Sure.

Bryle Zendrano:

Nakakaabala ba ako?

Gallianna Navarro:

No.

Walang abala abala kapag siya ang kausap ko!

Bryle Zendrano:

Ganon ba? Buti naman. Gusto lang kita makita ,miss na kita.

Namula pa bahagya ang pisngi dahil sa sinabi niya. Ilang minutes ako di nagrespond sa kanya dahil mas inuuna ko kilig ko dito kaysa i-chat siya.

Nagulat na lang ako na bigla na lang siya tumawag sa akin! Fuck ,di na siya nakatiis!

I answered his video call.

Bumungad sa akin ang mukha niya at pansin ko parang nasa labas siya. Parang...naglalakad.

"Saan ka pupunta? Naglalakad ka ba?"tanong ko sa kanya.

"Oo ,naglalakad ako papunta sa inyo."sabi niya at agad nanlaki ang mata ko. What the fuck!?

"Ha? bakit ka naman pupunta dito?"nakakunot ang noo ko sa harap ng camera ko at para siyang natawa habang nakatingin siya sa camera.

Ano naman kaya pumasok sa utak niya at gustong pumunta dito sa amin?

"Ice cream tayo ,"sagot niya at umuwang ang labi ko ,"I think deserve natin mag ice cream ngayon."

Napaisip ako. Papayag ba ako? sa itsura niya kasi parang pagod na pagod siya at sa tingin ko kailangan niya ng pahinga.

"Sure ka ba? I think kailangan mo ng pahinga. Mukhang pagod na pagod ka oh!"napanguso at natawa siya.

Gusto ko rin naman mag ice cream kami pero syempre mas gusto priority ko ang kalagayan ni Bryle!

"Ayos lang ako babe ,wag mo ako alalahanin."he smiled ,fuck ang pogi niyang ngumiti ,"Ice cream date tayo okay? libre ko. Deserve naman siguro ng girlfriend ko ng ice cream."

Dahil sa sinabi niya at namula pisngi ko. Nagawa pang magsalita ng sweet words!

"Nasa labas na ako ng bahay niyo."sabi niya pa at doon nanlaki ang mata ko.

"What? ang bilis mo naman! Sandali ,bihis lang ako—"naputol ang sasabihin ko na magsalita ulit siya.

"No need. Kung ano yung suot mo ,ayos na yan."he said.

"Naka pajama lang ako ngayon ,okay lang sayo?"tanong ko sa kanya. Siyempre ayoko namang magpakita sa kanya na ganito suot ko!

"Ayos lang. Maganda ka na kaya di mo na need mag ayos."he sweetly said ,"Baba ka na diyan sa kwarto mo. Excited na ako malibre ulit kita ng ice cream."

Wala na akong nagawa kundi i-end ang call niya. Bago ko magpasyang bumaba ,humarap ako sa salamin para tignan ang sarili ko. Inayos ko ang buhok ko dahil parang ang gulong tignan. Naghanap ako ng tali para sa buhok ko masyadong mainit sa labas kaya kailangan di ako pwede pagpawisan.

After that ,lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Pansin ko na wala ng tao sa baba dahil nakapatay na ang mga ilaw. Past 11 PM na rin kasi at ganitong oras ay nagpapahinga na mga kasama namim dito sa bahay. 

Dahan dahan pa ako maglakad hanggang makarating na ako sa pintuan dahil baka bumaba si Tita Helen o si Mommy—mga ganitong oras ay di na ako pinapayagan ni Mommy na lumabas lalo na't kapag di ako nagpapaalam. Kaso masyadong makulit si Bryle at ganitong oras siya kung mang-aya lumabas!

Nakalabas rin naman ako ng pinto at kita ko nga nasa labas na nga si Bryle at nakasandal siya sa pader. Binuksan ko na nga ang gate kaya napalingon na siya sa gawi ko.

"You're here..."he smiling again..

"Sorry kung natagalan ,"I aplogized immediately ,"Tara na?"

Tumango siya sa sinabi ko kaya lumabas na nga ako sa gate. Paglabas ko isinarado ko ng tahimik yung gate dahil baka marinig ni Mommy or ni Tita Helen na lumabas ako ng bahay.

Naisipan na lang namin maglakad ni Bryle dahil sayang pa daw sa pamasahe if sasakay pa kami ng jeep papunta sa ice cream shop na madalas niyang puntahan. 30 minutes lang naman ang layo sa bahay namin kaya di na rin naman ako nagreklamo. Beside ,mas gusto kong maglakad para magkaroon kami ng mahabang usapan ni Bryle sa daan..

Unfortunately ,nakarating na rin kami agad ni Bryle sa ice cream shop. Sa sobrang dami naming napag usapan sa daan ,di na lang namin namamalayan na nakarating na kami sa pupuntahan namin!

Pumasok na nga kaming dalawa ni Bryle doon at ang staff lang ang bumati sa'min. Mukhang wala dito si Ate Gabbie dahil narinig ko kay Bryle na mismo si Ate Gabbie ang bumabati sa kanya kapag nandito siya pumupunta.

Thankfully ,kokonti lang ang tao kaya umupo na kaming dalawa ni Bryle sa gitna. Siya na mismo ang umorder ng ice cream ko kaya wala na akong nagawa kundi titigan lang siya.

What the fuck? Ampogi niya talaga! Kung may dala lang akong phone kanina ko pa siya pinicturan!

"Baka matunaw ako sa titig mo niyan ,"natauhan na lang ako na bigla na lang magsalita si Bryle. Nakakahiya! ,"Pogi ba ako kaya di maalis-alis ang tingin mo?"

I rolled my eyes ,"Of course. Masama bang titigan kita?"

He chuckled ,"Not really. Di lang ako sanay na tinititigan mo ako matagal! Feeling ko may iba kang ginagawa sa akin sa paraan ng tingin mo!"

Napaawang ang labi ko. Ang kapal naman ng pagmumukha niya! Ako pa talaga may ganang may gawin sa kanya na masama ha?

"Wow ,ang kapal naman ng mukha mo!"napalakas ata ang boses ko kaya may napatingin na customer saming dalawa ,"Sa ating dalawa ,ikaw lang ang naiisip kong may gawing masama sa akin ,baliw na baliw ka kaya sa akin."hininaan ko na ang boses ko.

Natawa siya ,"Really? sa itsurang kong to may gagawing pa akong masama sayo? Maybe ,baliw na baliw ako pero may gawing masama? I don't think so na magagawa ko yon."

Wow ,nai-speechless ako ng slight don ah?

"Talaga lang ha?"

"Oo nga ,"he said calmly ,"By the way ,dala mo phone mo?"

Umiling ako ,Hindi ko dala. Iniwan ko sa kwarto ko ,hassle kapag dinala ko pa. Kakain lang naman tayo ng ice cream."

Tumango lang s'ya sakto namang dumating ang ice cream namin kaya doon lang kami natahimik. Habang kumakain ako ay di ko pinagkakausap si Bryle. Nasasarapan ako sa ice cream na inorder nya sa akin kaya kahit dinadaldal niya ako ay puro tango lang ako sa kanya.

"ANG sarap ng ice cream babe!"sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami pauwi ,"Balik tayo doon kapag mag fifinal exam na tayo."

"Sure ,"he smiled.

Magkahawak kamay kaming dalawa ni Bryle habang naglalakad. Past 12:30 AM na kaya kailangan na niyang ako i-uwi sa bahay. Maaga pa kami para bukas kaya kailangan di kami masyadong magtagal sa labas lalo na't madaling araw na.

"Ouch!"napatigil ako sa paglalakad na maramdaman ko na kumikirot na ang paa ko. Napatigil din sa paglalakad si Bryle at pinagmasdan niya ako.

Di na ata keri ng paa ko na maglakad pa ng matagal kaya kumirot na!

"What's wrong? may masakit sayo?"he said worried.

"My feets hurts."I honestly said.

Lumuhod siya sa harapan ko at mariin niyang tinignan ang paa ko. Pagkatapos nun ,tumingin siya sa akin saka siya tumayo.

"I give you piggybank ride ,"he casually said.

Kumunot ang noo ko ,"Sure ka? baka sumakit ang likod mo kapag binuhat mo ako ng matagal."

Di naman ako gaano mabigat kaso nga lang nakakahiya sa kanya if bubuhatin niy ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Malayo pa kami!

"I don't mind. Sumampa ka na sa likod ko ,baka lalong sasakit paa mo kapag tinanggihan mo 'tong offer ko.."he chuckled.

I sighed heavily ,"Sige na nga. Kapag mabibigatan ka sa akin pwede mo ako ibaba okay?"

He nodded quickly. Tumalikod na nga siya sa akin kaya sumampa na nga ako sa likod niya. Narinig kong natawa siya saka siya nagpatuloy maglakad. Thankfully ,di siya nagrereklamo habang pasan niya ako sa likod. Parang wala siyang iniindang sakit dahil buhat buhat niya ako. Feeling ko mabigat ako kahit hindi naman! but still ,parang ang saya saya niya na pasan pasan niya ako sa likod.

Nang makarating na ako sa tapat ng bahay ay doon lang niya ako binaba. Pansin ko na mabilis ang paghinga niya kaya alam kong sobrang napagod siya na pinasan niya ako. But still ,nakangiti pa siya!

"Salamat..."I sincerely said ,"Masaya na ako na nakasama kita ngayon."

"Thank you I guess?"he said then I heard his chuckled ,"But anyway ,masaya ako na nailabas kita ngayon. Alam kong miss na miss mo ko kahit di mo sabihin."

Tsk! ang kapal niya ah?

"Tsk ,as if naman."pabulong na sabi ko at bigla na lang niya kinurot pisngi ko.

Trip talaga ng lalaking 'to kuruting pisngi ko! Ano kaya ang meron at yun ang palagi niyang kinukurot?!

"Sige na ,pasok ka na sa bahay niyo. Maaga ka pa magigising mamaya."he gently said.

"Sige ,"sabi ko sa kanya at ilang segundo kami nagtitigan bago ko magpasyang tumalikod na. Nang tatalikod na ako ay napatigil ako—lumingon ulit ako sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin at kalmado lang siya habang hinihintay niya ako makapasok.

"Bryle ,"I called him.

"Hmm?"

I stared at him for a long time before I decided to approach him and gave him a kiss on his lips. He was stunned by what I did because couldn't move. Ilang segundo ko siya hinalikan bago ako lumayo sa kanya.

Naka-estatwa pa rin siya at parang di pa siya nakapaniwala sa ginawa ko. Mariin niyang hinawakan ang labi niya kaya patago akong natawa.

Di niya siguro ineexpect na ako mismo ang hahalik sa kanya!

"Tama ang sabi mo ,sobrang miss na miss kita ,"I honestly said ,smiling ,"Take care of yourself. See you."sabi ko at tumalikod na ako sa kanya para pumasok na at iniwan ko na siyang nakatulala.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 2.5K 25
In new moon when Edward leaves Bella. The cullens are in England, When the door bell ring Carlisle answers it. There in baskets are five little babie...
947K 83.8K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
7.4M 207K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
1.1M 59.9K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...