My Angel In Disguise

By AkoSeaGelai07

716 55 60

Mahirap talagang hanapin si Mr.Right. Ang mabuti pa, hayaan mo na lang siya ang makahanap sayo! More

Update #2
Update #3
Update #3
Update #4
Update #5
Update #6
Update #7

Update #1

194 11 8
By AkoSeaGelai07

My Angel In Disguise

Simple lang kung bakit nagpalit ng course si Ahra. Ayaw niyang makita ang hinayupak na ex niya na makapal ang mukha para sundan pa siya sa pinili nyang course noon. Hindi pa ito nakuntetnto at talagang humanap agad ng babaeng ididisplay sa kanya araw-araw kaya naimbyerna na siya at nagdesisyon na lumipat na sa Business admin course. Nakamove-on naman na siya pero ayaw lang niya na may umiistorbo pa din sa katahimikan niya.

Unang araw niya ngayon at medyo kinakabahan pa siya dahil wala na naman siyang kakilala sa mga kaklase niya. Hindi pa naman siya yung tipo na magaling makipag-usap. Napagsasabihan nga siya madalas na supladita dahil kung hindi talaga siya ang unang lalapitan, hindi siya kikibo.

Nagkakagulo ang mga estudyante sa loob ng classroom pagdating ni Ahra. Lalo siyang kinabahan dahil mukhang magkakasundo na ang mga ito at mukhang out-of-place siya. Hinagod niya ng tingin ang classroom nila at natuwa siya nang mapansin niya ang isang bakanteng upuan malapit sa isang lalaki na bukod tanging walang kausap. Tahimik ito na nakatutok sa pagbabasa ng manga at parang walang pakialam sa mundo.

Lumapit si Ahra at tinanong ang isang babae kung may nakaupo na sa bakanteng silya. Ayaw niya kasing maistorbo ang lalaki na nagbabasa. Nagkibit balikat lang ang babae kaya naupo na lang si Ahra.

Inilalapag niya ang dala niyang libro nang nagsalita ang lalaki na ngayon ay katabi na niya.

"Miss, bago ka?" Nahihiyang tanong nito.

Medyo natulala si Ahra nang makita niya ang mukha ng lalaki. Gwapo pala ito at ngayon lang niya napansin dahil nakayuko ito kanina. Maayos ang pagkakahugis ng jawline nito. Mahaba ang mga pilikmata ngunit may 'angas' ang tingin. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Parang nakakita si Ahra ng paborito niyang artista.

"H-ha? Ay, oo, nagshift kasi ako." Nauutal pa niyang sagot. Medyo yumuko siya at nagkunwaring inaayos ang bag para itago ang pagbablush ng pisngi niya.

'Ahra, unang araw landi agad?!' Pinagalitan niya ang sarili sa isipan. Bakit naman kasi ganito ang epekto sa kanya ng lalaki na ito! Sanay naman siyang nakakakita ng mga gwapo pero ngayon lang siya nakaramdam ng pagkailang. Bumilis ang tibok ng puso nya at biglang uminit ang pakiramdam niya.

"Anong course mo dati?" Tanong ulit ng lalaki.

"Com Sci." Matipid niyang sagot habang patuloy ang paghahalungkat niya sa bag niya kahit wala naman talaga siyang hinahanap.

"Wow medyo malayo sa nilipatan mo.. Ako nga pala si Kwangmin." Magalang na pakilala nito sabay abot ng kamay niya.

"Ahra." Walang nagawa si Ahra kundi kunin ang kamay nito. Medyo nahiya pa siya dahil malambot ang kamay ni Kwangmin at parang mas babae pa tuloy ito kesa sa kanya kung kamay ang pagbabatayan.

Parang bumagal ang takbo ng oras at may wind effect pa nang maghawak sila ng kamay pero biglang nawala ang 'moment' ni Ahra nang may narinig siyang boses ng lalaki.

"Miss, upuan ko yan." Pasimple pang umubo ang lalaki bago inistorbo ng tuluyan sina Ahra at Kwangmin.

Napatingin si Ahra sa bagong dating. Nakatayo ito sa harap niya. Matangkad, maputi, gwapo at may pagkakahawig kay Kwangmin ang lalaking nagsalita.

"Nako, sorry!" Nagmamadaling binitiwan ni Ahra ang kamay ni Kwangmin. Kinuha niya ang libro sa armchair at tatayo na sana nang tumawa ang lalaki sa harap niya.

"De, joke lang. Dun talaga ko sa likod mo. Bakante talaga yan, hehe." Sabi nito sabay pigil sa kanya.

Napatingin ng masama si Ahra sa lalaki. Ni hindi sila magkakilala pero pinagtripan agad siya!

"Lakas ng topak mo bro!" Napangiti si Kwangmin at kumaway sa bagong dating.

"Bago nating classmate, si Ahra. Ahra, bestfriend ko, si Youngmin. Pasensya ka na ha, ganyan lang talaga yan pero mabait yan." Pakilala ni Kwangmin.

Dahil ayaw naman ni Ahra na isipin ni Kwangmin na masungit siya, ngumiti na lang siya kay Youngmin kahit bwisit na bwisit siya sa ginawa nito. Pumunta naman si Youngmin sa likod niya kung saan talaga ito nakaupo. Nagkwentuhan na silang dalawa ni Kwangmin at naramdaman na naman ni Ahra na out-of-place siya. Buti na lang dumating na ang professor nila at nagsitahimik na ang klase.

"Tulad ng sabi ko last meeting may quiz kayo ngayon kaya close all your notes at kumuha na kayo ng papel. Ms. Yoo, except sayo, bibigyan na lang kita ng special quiz pag nakahabol ka na sa lesson, ok?" Sabi ng professor nila pagpasok nito. Tumango lang si Ahra.

"Kainis naman, ayaw na naman sumulat!" Napansin niyang kinakatok ni Kwangmin ang ballpen niya sa armchair. Isusulat na sana nito ang pangalan niya sa papel pero hindi lumabas ang tinta.

Nagmamadali namang kinuha ni Ahra ang ballpen niya at inoffer kay Kwangmin. Nagulat din siya sa ginawa niya dahil parang atat na atata siyang magpapansin dito.

"Salamat ha." Ngumiti si Kwangmin at kinuha ang ballpen ni Ahra. Para namang high school na kinikilig si Ahra pero pilit niya itong tinago. Syempre ayaw niyang mahalata ni Kwangmin!

Ilang sandali pa, naramdaman niyang may kumalabit sa likod niya. May pagkaconservative siya kaya ayaw niyang basta na lang siya kinakalabit ng kung sinu-sino. Lumingon siya at nakita si Youngmin.

"May papel ka?" Tanong nito.

Naiinis na kinuha niya ang papel at binigyan si Youngmin kahit labag sa kalooban niya. Ayaw niya talaga magsungit at baka matakot sa kanya si Kwangmin.

"May extra ballpen ka pa?" Tanong ulit ni Youngmin pagkatapos mabigyan ng papel.

Ugali na kasi ni Ahra na magdala ng extra ballpen at papel. Ayaw niya sanang pahiramin si Youngmin pero inisip na lang niya na matutuwa si Kwangmin kung mabait din siya sa bestfriend nito kaya pinahiram na rin niya.

"scented pa talaga, sosyal!" Pagkasulat ng pangalan, narinig pa niya si Youngmin na nagsalita sa likod.

Nainis na naman si Ahra. Feeling niya tuloy lahat ng sasabihin ni Youngmin maiinis na siya agad! Allergic na yata siya sa ugali nito!

"Pakopyahin nyo 'ko ha di ako masyado nakapagreview." Sabi pa ni Youngmin sa mga katabi na lalong ikinainis ni Ahra. Sa lahat ng ayaw niya yung nangongopya!

"Ms. yoo, siguro sa labas ka muna habang may quiz." Sabi ng professor nila kaya tumayo na si Ahra.

"Sir, bantayan nyo pong mabuti si Youngmin, pakopya daw sabi sa katabi niya." Dinaan niya sa biro pero gusto niya talagang ipahiya si Youngmin kaya sinabi niya ito bago umalis ng classroom.

Nagtawanan naman ang buong klase pati na rin ang professor nila. Nagtataka tuloy si Ahra pero hinayaan na lang niya. Pagkatpos ng quiz, tinawag na siya ng professor. Nagchecheck na ng papel ang klase pagbalik niya. Nagulat pa siya na si Youngmin ang pinakamataas na nakuha sa quiz.

"Matalino kasi si Youngmin. Last year nga kasama dapat yan sa top five ng klase." Bulong ni Kwangmin sa kanya.

Napangiti na lang si Ahra nang alanganin. Mukhang nahalata ni Kwangmin na di siya makapaniwalang si Youngmin talaga ang nakasagot sa quiz. May duda siya na kinopya lang yon pero hindi pala. Ngayon naintindihan niya bakit pinagtawanan lang siya ng sinabi niya kanina na bantayan mabuti si Youngmin. Napahiya na naman siya at kagagawan na naman ni Youngmin!

"Ahra, mamaya ko na lang isosoli ballpen mo, baka kasi may quiz na naman sa next subjects. Thank you!" Kinalabit na naman siya ni Youngmin na lalo niyang ikinaasar.

Tumango na lang siya at hindi na umimik sa sobrang inis. Hindi tuloy siya nakapagconcentrate mabuti sa lesson nila dahil sa inis. Mabuti na lang naibalik niya ang focus niya sa mga sumunod na subjects dahil tinuturuan siya ni Kwangmin sa mga hindi niya alam kaya nawala ang inis niya kay Youngmin at napalitan nang kilig para kay Kwangmin.

Inaya ni Kwangmin na sa kanila na sumabay si Ahra maglunch dahil wala naman daw itong kakilala pa sa klase nila. Kunwari nagpakipot muna si Ahra pero sa loob niya tuwang tuwa siya at kinikilig siya. Pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante sa canteen dahil sa dalawang gwapong kasama niya, pero mas gwapo pa din si Kwangmin para sa kanya.

Pagkatapos ng last subject nila, humiwalay na si Ahra sa bago niyang mga kakilala para umuwi. Ayaw niya kasi na masasabay siya sa madaming tao paguwi kaya nagmamadali siya.

Nag-aabang si Ahra ng masasakyan sa harap ng school gate nang biglang may umakbay sa kanya. Naramdaman niyang may matigas na bagay din na itinutok sa tagiliran niya sabay bulong ng isang lalaki.

"Wag kang lilingon, wag kang gagalaw at wag na wag kang sisigaw. Ibigay mo sakin yung bag mo kung ayaw mong masaktan." Mahinahon pa ang boses ng lalaki pero nanlamig at natakot pa din si Ahra.

Sa dinami dami ng lugar, dito pa talaga siya mahohold-up?! Sa harap ng school kung saan may security guards at madaming tao na pwedeng makapansin?! Sumigaw kaya siya sabay takbo? Pero baka baril yung nakatutok sa kanya at pwede siyang mabaril pag tumakbo siya.

Pinagpapawisan ng malamig si Ahra dahil sa takot. First time niya makaranas ng ganitong sitwasyon at parang mahihimatay siya sa kaba.

"Ibibigay mo ba o hindi?!" Mariing tanong ng lalaki kaya maingat na ibinigay ni Ahra ang bag niya na hindi siya lumilingon at halos hindi gumagalaw.

"Oh, eto na ballpen mo, ayan ha nilagay ko pa sa bag mo." Nagtaka siya ng inalis ng lalaki ang pagkakaakbay sa kanya pagkakuha ng bag. Inalis din nito ang nakatutok na matigas na bagay sa tagiliran niya.

Napansin ni Ahra na inilagay ng lalaki ang ballpen niya sa bag. Pagtingin niya sa lalaki, si Youngmin pala!

Napanganga si Ahra pero walang salita na lumabas sa bibig niya. Ramdam pa rin niya na namumutla siya sa takot. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya na hindi totoong hold-up o magagalit na talaga siya dahil hindi magandang biro ang ginawa ng baliw na kaklase niya!

"Muntik mo na kong mapatay sa takot letse ka!" Hinampas niya ng malakas sa balikat si Youngmin gamit ang bag niya. Nasangga naman ito ni Youngmin na tumatawa pa. Mukhang gusto talaga siyang maasar!

"Nakakainis ka!" Sigaw niya kay Youngmin pero tumatawa tawa lang ito sa kanya.

"Sorry na... Masyado ka kasing seryoso." Depensa nito ng mapansin na malapit na talagang mapikon si Ahra.

"Makauwi na nga! Bwisit!" Hinampas niya ulit si Youngmin ng bag. Sakto na may paparating na taxi kaya pinara agad ito ni Ahra.

Nagulat na lang siya ng sumakay din si Youngmin na parang hindi siya nakikita.

"Manong, nauna po ako." Sabi niya sa driver at sinabi niya rin kung saan ang uuwian niya.

"Ayos! Dadaan ka pala sa pupuntahan ko! Manong tara na ho!" Tuwa pang sabi ni Youngmin at sinabi sa driver kung saan naman siya bababa.

"Ano ba?!" Galit na tanong Ahra.

"Wag ka magalit. Makikisabay lang oh.. Wala akong pamasahe kasi ngayon kaya magpapalibre sana ko. Sige na! Ilalakad kita kay Kwangmin!" Pang-uuto pa ni Youngmin sa kanya. Dahil sa pagtatalo nila, minabuti ng driver na paandarin na ang taxi at sundin ang parehas na sinabi ng mga pasahero niya.

"Ang kapal mo! Sa babae ka pa magpapalibre!" Irap ni Ahra.

"Kesa naman magnakaw ako ng pamasahe sa babae di ba? Isa pa, ilalakad naman kita kay Kwangmin di ba?" Sagot naman ni Youngmin.

"Teka nga, wala akong gusto kay Kwangmin!" Pagkakaila ni Ahra pero nararamdaman na naman niya na nagblablush siya.

"Weh? Kunwari pa..." Pabulong pero malakas pa din na sabi ni Youngmin. Sinadya niya talagang iparinig kay Ahra.

"Hindi nga kase! Ang kulit nito! Tumahimik ka na nga! Sige na ililibre na kita ng pamasahe tumigil ka lang sa pangtritrip!" Para di mahalata, gumawa na lang ng paraan si Ahra para manahimik na ang ungas.

"Manong, dito na lang po ako." Bumaba si Youngmin sa mall malapit sa bahay nila Ahra.

"Salamat sa libre ha. Hayaan mo ikikiss kita kay Kwangmin mamaya! ingat!" Nang-aasar na sabi nito sa bintana ng taxi kung saan nakasilip si Ahra.

"Hindi ko nga kasi gusto si Kwangmin!" Sigaw niya.

"Manong, alam nyo na yan ha." Sabi ni Youngmin sa driver sabay tapik sa taxi. Umandar na ulit ito papunta naman sa bahay nila Ahra.

Pagbaba ni Ahra, magbabayad sana siya pero umiling ang driver.

"Mam binayaran na po nung kasama nyo kanina yung pamasahe nyong dalawa." Sabi ng driver at tinanggihan ang bayad ni Ahra.

"Wala naman pong pamasahe yun.." Nagtataka si Ahra dahil di naman nya nakitang nagbayad si Youngmin.

"Nung nagpapaalam po sa inyo inabot na po nya sakin yung bayad. Nagtatalo pa po kasi kayo kaya hindi nyo napansin." Paliwanag ng driver.

"S-sige po." Hindi na nakipagtalo pa si Ahra.

Napaisip siya habang naglalakad papasok sa kanila. Mukhang gusto lang talaga siyang asarin ni Youngmin pero may pagka-gentleman naman din pala ito.

"Pero nakakainis pa din!" Napalakas pang sabi niya ng maalala niya yung hold-up prank na ginawa ni Youngmin sa kanya kanina.

~~~*~~~*~~~*~~~

Continue Reading

You'll Also Like

149K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
522K 16.6K 124
I saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
162K 3.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...