Falling for the Billionairess...

elisestrella द्वारा

3.1M 82.3K 16.2K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... अधिक

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 29 - Later that Night

43.6K 1.2K 161
elisestrella द्वारा

MALAPIT nang mag-8, nasa bahay pa rin kami ni Kuya Lex. Sabay kasi kaming nag-shower eh alam mo namang... Matagal akong maghilod. Saka wala kaming hair dryer ni Kuya. Ang lupit ko naman kung iuuwi ko si Meredith na lukot na nga 'yung damit eh basa pa ang buhok. Sabi nga nila, better late than obvious. Ano raw?

Ako na ang nagtuyo ng buhok niya gamit ang extra tuwalya saka ako na rin ang nag-brush n'un para sa kanya. Na-realize kong masaya palang gawin 'yun. Nakaka-relax. Sa 'ming dalawa. Hikab na nang hikab si Mere kaya hinalikan ko siya sa batok at sinabing magbihis na kami.

Nasa bahay kami ng mga Balajadia nang mga 8:30. Kasabay naming nag-dinner ang parents niya. Medyo na-late din pala ng uwi si Tito Eman kaya hindi naman nakakahiya na natagalan kami ni Mere sa banyo, este sa pageempake ng mga damit ko.

After dinner, sinamahan ko siya sa kuwarto niya. First time kong umakyat d'un at excited ako. Basta 'wag ko lang tingnan 'yung kama... 'yung queen-size bed niyang may makapal at mukhang napakalambot na kutson, comforter at malalaking mga unan na iba't ibang shades ng violet ang mga punda. Parang ang sarap humiga doon, ang sarap niyang ihiga d'un—

"Dito ka lang o sasama ka sa loob?" tanong ni Mere nang mapansing nakatingin ako sa kama niya. Nakatayo na siya sa pintuan papasok sa isa pang kuwarto at pinagmamasdan ako.

"Sama 'ko." Na-di-distract ako sa kama eh. Baka makalimutan ko 'yung panata kong maging maginoo at ulitin sa kama niya ngayon ang ginawa namin kanina sa kama ko kahit pa nasa labas lang ang tatay niya.

Malinis ang kuwarto niya, maayos, at susmaryosep, ang bango. 'Sing bango ni Meredith. Halos kasing laki rin n'un 'yung kuwarto ko sa bahay ng tatay ko. Ang naiba lang, may malaki siyang mga bookshelves na puno ng mga libro at wala siyang TV.

Sumunod ako sa kanya. Kasing laki naman ng kuwartong pinasukan namin ang kuwarto ko sa condo ni Kuya Lex. Naroon ang mga closets niya, mga shoeracks na mukhang display case ng department store, at isang mesang mukhang workstation ng makeup artist.

Pinaupo niya ako d'un sa silya sa dresser at pinanood ko siyang kumuha ng mga damit. Ang dami niyang office attire! Pero malamang naman di ba? Kasi vice president siya ng kompanya. Dinala niya 'yung mga damit na nakalagay na sa mga garment bags at inilagay iyon sa arm chair na malapit sa kinauupuan ko.

"Nasaan 'yung dadalhin mong bag?" tanong ko.

Itinuro niya ang isang cabinet. "Nand'un, 'yung trolley bag."

Tumayo ako at nagpunta sa cabinet na itinuro niya. Parang display case ng Louis Vuitton 'yung cabinet. Kumpleto 'yung koleksyon eh. Lahat ng sizes meron.  

Kinuha ko 'yung isang trolley bag na, sa isip ko, ay perfect para sa apat na araw na mga damit at dinala iyon sa kung saan ibinababa ni Meredith ang mga pantulog na dadalhin.

Naupo ako sa sahig, binuksan ang trolley bag at kinuha ang mga damit. "Okay lang ba'ng ako ang mag-empake para sa 'yo o may special technique ka sa pag-aayos ng gamit?"

Sumilip siya sa 'kin mula sa closet at ngumiti. "Hindi, okay lang na ikaw na."

"May plantsa naman d'un sa hotel ano?" tanong ko habang unang inilalagay ang mga pantulog.

"Yup. Saka paplantsahin ko naman talaga 'yang mga 'yan sa hotel bago ko isuot. Kahit gaano ka kaingat mag-empake, may malulukot pa rin talaga d'yan eh."

Napatingin ako sa kanya. "Marunong kang mag-plantsa?"

"Oo naman. Wala naman akong kasamang plantsadora kapag may conference or meeting ako sa ibang bansa eh. Ikaw ba hindi?"

Natawa ako, nahihiya. I kind of feel useless now. "Ngayon nga lang ako natutong maghugas ng pinggan eh."

Lumapit siya sa 'kin na may dalang isang bag na may floral design. Naupo siya sa tabi ko at inabot ko 'yung bag. Hindi pa niya nasasara 'yung zipper n'un kaya nakita ko kaagad 'yung laman n'ung mga sikreto ni Victoria. Alam mo naman ako, mabilis ang mata sa panty...

"Hindi ko pa yata nakikitang suot mo 'to ah!" biro ko bago hinila palabas ng bag 'yung kulay dark blue na low-rise bikini panties.

Tumatawa niya iyong hinablot pero inilayo ko 'yun sa kanya. "Eh ilang beses mo pa lang naman ako nakikitang naka-panties lang eh! Akin na 'yan!"

"Kiss muna." Pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magtanong o tumutol kasi hinawakan ko siya sa batok (gamit 'yung kamay na walang hawak na panties) at hinila siya palapit sa 'kin para halikan.

Nalimutan niya 'yung hawak ko eh. Napakapit siya sa mga balikat ko. At nang muling magliwanag ang lahat, naka-upo na siya sa kandungan ko, nakayakap sa mga balikat ko at nakayakap na rin ako sa baywang niya. Ibang pares ng panties na rin ang hawak ko. 'Yun nang suot pa niya.

"Utang na loob, nasa labas lang ang tatay mo," hingal ko habang nakasubsob sa dibdib niya. Gayunpaman, di ko hinila palayo 'yung kamay ko.  

"Hindi tayo maririnig n'un," sabi niya habang pinauulanan ng halik ang mukha ko.

Hindi nga. Kaya pwedeng... hindi. Hindi, Ash! Sit! Stay! Down, boy!

"Hindi pwede," sabi ko habang isa-isa kong inaangat 'yung mga daliri ko mula sa balakang niya. Sakit eh. Para 'kong nirarayuma kasi di ko maunat 'yung mga daliri ko.

Tumingala ako sa kanya at lumabi siya sa 'kin pero nanindigan ako. Hinalikan ko siya sa mga labi bago ko siya pinabalik sa tabi ko. O, tukso, layuan mo ako!

At least di niya ipinilit.

Sayang. Di ko pa naman siya mahindian.

Tahimik na naman kaming nagtulungang mag-empake ng mga gamit niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko siya sa buo kong katawan. Parang pati kuko ko sa paa tumitibok eh.

Shit. Matitiis ko ba 'to eh magkatabi pa kaming matutulog? Paano kung bigla niya 'kong lundagin eh pakiramdam ko huminga lang siya sa direksyon ko, maglalabas ng banda at magpapaputok na ng fireworks si Taho Boy.

Pinagmasdan ni Meredith 'yung laman ng bag niya. "Hmm. Wala naman akong nakalimutan di ba?"

"'Yung pills mo."

Nilingon niya ako, napapangiti. "Sa dami kong pwedeng malimutan, 'yun ang ipapaalala mo sa 'kin?"

Nagkibit-balikat ako. "Eh sa lahat ng dadalhin mo, 'yun ang pinaka-importante sa 'kin eh!"

Tumawa siya. "Kayo talagang mga lalaki! Kaya maraming nabubuntis nang wala sa oras eh! Ang dami ninyong ayaw mag-condom!"

"Kaya ayan, ang dami ring may STD."

Nakita ko na naman ang ekspresyon na 'yun ni Meredith, 'yung kaparehong ekspresyon na gamit niya nang itanong niya sa 'kin kung bakit sa kanan paboritong tumambay ni Taho Boy.

"Ano ba kasi ang difference ng merong condom sa wala?" Ayun na na ba ang tanong niya. "Iba ba talaga ang feeling?"

"Well, sa totoo lang, di ko sigurado."

"Ha?" tanong niya, naguguluhan. "Di ba sabi mo ako lang 'yung... 'yung ano..."

"'Yung babaeng di ko ginamitan ng condom?"

She blushed. "Parang ang pangit pakinggan, but yes," sagot niya habang nagngangalit ng mga ngipin.

Napangisi ako. Inabot ko siya at hinalikan sa sentido at naghandang mas lalo pa siyang papulahin. "Oo, ikaw lang. Pero ganito kasi 'yun. Mas masarap siya nang di hamak n'ung tayo pero di ko alam kung dahil ba wala akong condom n'un o dahil masarap ka lang talaga."

Malakas siyang tumawa. "Bastos!" tili niya habang itinutulak ako palayo.

"Mahalin!" tawa ko rin habang hinihila siya pabalik sa 'kin. "Masarap kang mahalin!"

"Mahalin ka d'yan! Mahalin sa kama?" tanong niya na iniiwas ang mukha habang nasa noo ko ang isang palad dahil nanunulis ang nguso ko para makakiss sa kanya.

"Saka sa banyo," dagdag ko na isiniksin sa leeg niya ang mukha kasi di ko maabot ang mga labi niya. "Sa sahig, sa sofa, sa dingding..." Kiniliti ko siya at itinulak pahiga hanggang sa tuamatawa na siyang nakahiga sa sahig. Sumubsob na naman ako sa dibdib niya.

"Meredith?"

"Holy Tita Marianne, Mother of God!" bulalas ko nang marinig ang boses ng mommy niya.

Napalakas ang tawa ni Meredith bago siya naupo ulit habang naghahanap naman ako ng escape hatch.

Kumatok si Tita sa pinto ng dressing room ni Mere. Lord, sana bingi siya at hindi niya narinig ang mga pinagsasasabi ko dahil bahagyang nakabukas 'yung pintong 'yun.

"Hi!" sabi ni Tita na mukha namang walang kaalam-alam sa mga pinaggagagawa ko sa anak niya. "Tapos na ba kayo mag-empake? Gusto raw ba ninyong sumama sa 'ming mag-tea o chocolate milk sa kitchen bago tayo matulog sabi ng daddy."

Daddy?

Nilingon ko si Mere sabay kindat. "Samahan natin si Daddy?"

"Tawagin mo siya n'yan mamaya."

"Ayoko nga."

Tumawa ang mag-ina.

"Subukan mo nga, Ash," hamon ni Tita. "Tingnan natin kung ano ang sasabihin."

"Okay na pong di ko alam ang sasabihin niya Tita."

Muli silang tumawa.

BUMABA kami sa kitchen matapos ayusin ang iba pang mga gamit. Ten o 'clock na at alas-tres kami aalis ng bahay para sa six a.m. flight ni Meredith. Naisip kong 'wag nang matulog kaya nagkape ako. Ang tapang magtimpla ng kape ni Tito Eman. Di ko alam kung sinadya niya para maging nerbyoso ako o 'yun talaga ang timpla niya.

Nag-usap tungkol sa business, sa mga meetings at sa trabaho ang mag-ama habang inoorasyunan ko ang kape kong mas matapang pa kay Andres Bonificio. May mga bilin si Tito Eman kay Meredith (business-related) at gan'un din si Tita Marianne (shopping related).

"Ano'ng gusto mong pasalubong pala, Ash?" tanong ni Mere sa 'kin.

Wala. Gusto ko lang umuwi siya kaagad. Pero dahil ang mais n'un, nagkunwari akong nag-iisip. "Ano bang meron sa Singapore?"

"Hinanese chicken," wala sa sariling sabi ni Tito Eman at natawa kaming lahat. "O, eh totoo naman! O kaya 'yung keychain na may merlion."

"Dad naman!" tumatawang sabi ni Meredith. "Sana naman 'yung medyo kakaiba naman."

"Ba't n'ung huling beses na nand'un ka, T-shirt na may 'I love Singapore' lang ang pasalubong mo sa 'kin?" nagtatampong tanong ni Tito Eman.

"Hoy! Inuwian kaya kita ng Singapore Sling n'un! Saka wala talaga akong oras n'un! Kung ano lang 'yung nasa gift shop ng hotel, 'yun lang ang nabili ko!"

"Nagdadahilan pa."

"Dad!" Tumayo ang girlfriend ko at niyakap ang nangingiti niyang tatay.

Napangiti na rin ako. Natutuwa kasi ako sa kanila. Alam mo 'yun? Ang close nila saka ang affectionate sa isa't isa. Hindi ko maalalang niyakap ako ng tatay ko kahit pa noong bata pa ako. Si Ate Kaye din. Si Kuya Lex pa pero matagal na 'yun, 'yung totoong yakap, hindi 'yung batian lang. Kung magyayakapan kami ngayon, kailangan ng maraming alak para pwede naming idahilang lasing kami pareho.

"Hindi ba pupunta ang Kuya mo sa Singapore, Ash?" tanong ni Tita Marianne sa 'kin at napatingin ako sa kanya.

"Ah, hindi po niya nabanggit. Saka kung may papupuntahin po si daddy d'un, 'yung ate ko po 'yun."

At para akong biglang sinilaban sa puwet nang maisip na paking shet na malagket! Posible ngang nasa Singapore si Ate Kaye bukas! Fuck!

"Ano'ng pangalan ng Ate mo, Ash?" tanong naman ni Tito. "Kate ba?"

"Kaye po. Kaye Montesines-Camacho." Kailangang hyphenated dahil mas kilala ang apelidong Montesines sa business world. Kung makakalusot nga lang, baka 'yung asawa pa niya ang pinagpalit niya ng apelido eh.

"Tama," sabi ni Tito Eman. "I've met her."

Nang wala na siyang sabihin bukod d'un, na-gets ko nang baka mas nagustuhan niya si Kuya Lex kaysa kay Ate Kaye. At least di niya pinintasan si Ate. At ayaw ko na rin naman siyang pag-usapan dahil bigla akong naka-isip ng kung anu-anong mga scenario na maaaring mangyari kapag magkita sina Ate Kaye at Meredith.

Wala pa namang injection si Ate Kaye. Baka ma-rabies si Mere.

Nang maubos ang kape ko at ang Chocolate Truffle na Swiss Miss ni Mere, nagpaalam na kami sa parents niya para makapag-quality time naman sila.

Nag-toothbrush na kami sa magkahiwalay na banyo bago kami bumalik sa "kwarto" namin, 'yung TV room nila. Naglatag kami ng sofa bed at nagsiksikan sa ilalim ng comforter. Sumandal siya sa dibdib ko and I curved my body over hers. Hinawakan niya 'yung mga kamay ko habang gamit niyang unan 'yung isa kong braso at nakayakap naman sa baywang niya 'yung kabila.

"Tahimik ka," sabi niya.

Kinakabahan kasi ako lalo sa pag-alis mo.

"Naiisip ko lang na aalis ka bukas," sabi ko na lang na totoo naman.

Nilingon niya ako na nakalabi. "Iwan ka."

 Hinalikan ko siya sa sentido. "Apat na araw lang," sabi ko na parang sandali lang ang apat na araw. Four fucking days.

Nilingon niya ako. "Mula n'ung una tayong nagkakilala kelan tayo nahiwalay sa isa't isa nang apat na araw?"

"Okay. You have a point."

Natahimik kami, parehong nakasimangot. Bumuntong-hinina ako at ibinaon ang mukha sa mabango niyang buhok. "I'm going to miss you like crazy," I groaned.

Inabot niya ang batok ko bago umakyat ang kamay niya sa buhok ko. "I know," sabi niya. "I'm going to miss you like crazy, too. Ano'ng gagawin mo ng apat na araw?"

Dinaan ko na lang sa biro. I nipped at the side of her neck. "Makikipag-close sa kamay ko."

Nilingon niya 'ko. "Ano?"

Hinila ko 'yung isa kong kamay mula sa pagkakahawak niya at minuwestra kung ano malamang ang magiging libangan ko sa gabi habang wala siya.

"Oh, my God, Ash!" bulalas na naman niya.

Malakas akong tumawa at niyakap siya ulit sa baywang. "Pero seryoso marami akong gagawin. Kuwento ko sa 'yo pagbalik mo."

Marami talaga akong plano eh, mga plano sa buhay ko at sa buhay naming dalawa.

Natahimik kami ulit bago siya nagsalita. "Hindi mo pala sinabi sa 'kin kanina kung ano'ng gusto mong pasalubong."

"Kahit 'wag mo na 'kong bilhan ng kung anu-ano. Basta bilisan mo lang umuwi."

Binitawan niya ang mga kamay ko at binalingan ako. "Earliest possible flight pabalik ang kinuha ko. I'll be here by Saturday afternoon."

I smiled. "Sunduin kita sa airport?"

Tumango siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya bago ko siya marahang hinila palapit gamit 'yung brasong nasa ilalim na ng mga balikat niya. I cupped her head and lowered mine para mahalikan ko siya. Eh nilamig na naman 'yung kamay ko kaya isinilid ko 'yung sa ilalim ng damit ni Mere.  

Sa oras na 'to hindi ko na alam kung ano 'yung logic kung bakit ayaw kong makipag-sex sa kanya sa bahay nila. Alam ko importante 'yun kaya nanindigan akong di ko gagawin 'yun. Mananatili si Boy Taho sa loob ng brip ko kahit ano'ng mangyari.

Gusto kong lang i-memorize 'yung pakiramdam ng balat niya kahit pa naka-imprint naman na 'yun sa utak ko. Gusto kong maalala 'yung lasa niya saka 'yung mga tunog na ginagawa niya.

I moved my hand over hot skin, cupping tender flesh, moving my thumbs over one aroused peak before slowly moving my hand down.

I had to press my mouth harder against hers when, a few minutes after my fingers started stroking her, she started trembling, and I caught her scream in my mouth. I held still while she shuddered in my arms and I gentled the kiss when she started grasping at my shoulders. Kinuha ko ang kamay niya nang magtangka siyang hawakan ako. I didn't need anything right now. I only needed her.

Kahit siya lang, kahit ganito lang, okay na ako. Kaya ko na 'yung susunod na apat na araw. Magpapakatatag na ako para sa kanya. Tindi ng dialogue di ba? Pero sana rin kasi, kung sakaling nan'dun nga si Ate Kaye at may sabihin man 'yun sa kanya tungkol sa 'kin, sana maging matatag din si Meredith para sa 'kin. 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
241K 13.6K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
504K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro
3K 349 72
A story in which Gayle Johanna met again her rival, after six years. What will happen? Are they going to have another comeback, or another series of...