The Lost Billionaire (His Pro...

By Shadow_Lady04

102K 2.7K 312

(COMPLETED ✅) "Puro nalang kamalasan ang nangyari sa buhay ko mag mula ng dumating sya." Azelya, isang si... More

WARNING!
DISCLAIMER
PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
NEXT

Kabanata 10

1.9K 67 4
By Shadow_Lady04

"Sasampalin kita dyan! Wag ka ngang magulo dyan." saway ko sakanya saka inambaan sya ng sampal.

Inaayos ko ang dahon ng saging na paglalagyan ng ginagawa kong suman habang hawak nya ang kutsara at paulit ulit yong tinitikman.

"Mauubos mo na yan e.. Paano ko pa yan ibibinta?" inis na asik ko sakanya.

"Ang damot mo naman... Ang liit lang ng nakain ko e" inambaan ko sya ng hampas dahil sa sinabi nya.

"Naubos mo ang isang buong platong suman tapos maliit pa yon sayo? Napakatakaw mo! Nag iipon nga tayo dahil ipapagawa pa natin yang bubong tapos ikaw hindi kapa marunong magtipid." inis na asik ko sakanya saka inaayos ang pagkakarolyo ng suman sa  dahon ng saging.

"Yan lang oh.." nginuso nya ang maliit na suman kaya inis ko na iyong nilapag sa harap nya.

"Ayan! Pagkatapos mong kumain ay mag igib ka doon sa balon dahil wala na tayong tubig, baka umulan mamayang gabi dahil sa iba ang kalamidad ngayon sa bayan ng Alumna." napailing nalang ako ng makitang dinalawang subo nya lang yon.

Napakaisip bata nya!

Tinali ko ng tigdadalawa ang mga suman saka inayos sa tupperware.

"Halikana dalhin muna natin to sa pwesto nila Lola- - ay ano bayan! Nakalimutan ko pala yong didikdikin kong halamang gamot." napasabunot ako sa buhok ko sa katangahan ko.

"Hey.. Stop hurting yourself." magaan nyang inalis ang kamay ko sa buhok ko na para bang takot syang sumabit yon sa kamay ko at masaktan ako.

"Tigilan moko! Akala mo ba hindi ko alam na nakikipag usap ka sa Rosario nayon? Nakita ko kayo, ang landi mo.. Kapag talaga nasagad mo ang galit ko patutulugin kita sa labas!" galit na asik ko sakanya saka malakas na nagbuga ng hangin.

"Oh D*amn.. Akala ko bubugahan nya ako ng apoy." rinig kong bulong nya habang sinisilip ako.

"Nakakainis kana talaga! Akala mo ba ay nakikipaglukuha ako sayo? Kalalaki mong tao at may asawa ka rin, KONG HINDI MO MAGAWANG HINDI MANGBABAE AY MAGHIWALAY NA TAYO!" galit na sabi ko sakanya kaya napamaang sya saka ako hinarap.

"Okay? What's wrong with you today? I'm not even doing anything! Is it because of that d*amn suman? Fine! D*mn it! It's all yours." nabakas kong naubos narin ang pasensya nya saka padarag na tumayo at umalis ng bahay.

Imbis na matuwang wala na sya sa bahay ay tahimik akong umiiyak.

Nakakagalit kasi! Noong isang araw ay sobrang lambing nya tapos ay makikita kong may nakayakap sa braso nya habang nagtatawanan sila sa bayan!

Ano ba ako? Asawa nya ako at ang lakas ng loob ng hiyain ako sa harap ng mga tao sa ginagawa nya.

Usap usapan ang pagiging babaero nya sa bayan at imbis na kainisan yon ng ilan ay mukhang maraming kababaihan ang naengganyo ng malaman yon.

Tapos kahit masama ang loob ko kapag gabi na nagtatabi kami ay hindi nya yon napapansin at kong hindi hahalikan ay yayakapin ako ng mahigpit, nakakasama ng kalooban kasi akala nya ay hindi ko alam ang mga nangyayari sakanya sa bayan kapag pumapasok sya sa tabaho.

Hindi nya sinasaalang alang ang nararamdaman ko.

Napahikbi ako dahil sa naisip, kaya ayaw kong pumasok sa ganitong sitwasyon habang bata pa ako ako dahil bukod sa naninibago ay mahirap ding ilugar ang sarili mo lalo na kong ang taong yon ay hindi ka maintindihan.

Buong maghapon syang hindi umuwi kaya malungkot akong naglilinis ng buong bahay.

Napabuntong hininga nalang ako saka kinuha ang malaking Drum at ako ag nagpabalik balik mag igib sa balon at dahil sa hindi ko maayos na mabuhat ang maliit na balde ay dumulas ako pababa.

Dahil sa lungkot marahil ay hindi ko narin ininda ang ilang sugat at gasgas na nakuha ko doon.

Nang sumapit ang gabing hindi parin sya dumadating at tapos na akong magluto ay tinakpan ko nalang yon at hindi narin kumain.

Masama ang loob akong natulog habang nakatalikod sa hihigaan nya.

Hindi ko alam kong imahenasyon ko lang nang may maramdaman akong tumabi saakin at magaan akong pinaunan sa kong anong matigas na bagay.

Naramdaman ko ang kong anong malambot na bagay na dumampi sa noo ko.

"I'm sorry.."

Hindi kona yon pjnagtuunan ng pansin at tuluyan na akong hinigop ng tulog.

Kinaumagahan ay nagising akong mabigat ang pakiramdam at wala ng katabi sa kama pero may naririnig ako sa labas kaya naman inayos ko ang sarili saka ako lumabas ng kwarto.

Mataas na ang sikat ng araw mukang matagal akong nakatulog sa pagod kahapon.

Dumiretso ako sa kusina habang tinatali ang mahaba kong buhok pero napakunot ang noo ko ng may makitang pagkain doon.
Napataas ang kilay ko saka ako sumilip sa bintana.

Napamaang ako ng makitang nakahubad ang pang itaas nyang damit habang nagsisibak ng malalaking kahoy.
Pawis na pawis sya dahil sa sobrang init kaya bahagya akong nakaramdam mg habag sakanya.

Nagulat ako ng bigla syang lumingon saakin.
Hindi sya nakangiti at seryoso lang ang mukha nya hindi kagaya noong mga nakaraang araw kaya nakaramdam ako ng ilang.

Kinuha nya ang isang pamunas at pinunasan ang pawisan nyang katawan saka pumasok sa loob ng bahay.

Napatingala ako sakanya ng nasa harapan ko na sya.
Nakatitig sya sa mga mata ko habang pinagmamasdan ako.
Ilang sandali pa ay marahan nyang hinawakan ang kamay ko sala yon hinaplos.

"About what happened yesterday.. Im sorry." mababa ang boses na sabi nya kaya nag init ang sulok ng nga mata ko dahil sa sama ng loob.

Marahan nyang hinaplos ang mukha ko saka ako niyakap kaya tuluyan na akong napaiyak.

"Shh.. Please don't cry.. Im so sorry wife.." pag aalo nya saakin kaya napahawak ako sa damit nya.

"A-akala ko naiintindihan mo ako.. Asawa kita Ross.. Nasaktan ako kasi akala ko sa lahat ng tao ay ikaw ang nakakaintindi saakin.. Napatunayan ko lang kahapon na hindi naman pala." napasinok ako dahil doon at napahagulgol.

"Aminado naman akong masama ang ugali ko pero wag mo namnag ipqramdam kong gaano ako kasamang tao dahil wala din naman kayong alam."

Marahan nyang hinahaplos ang buhok ko saka ako paulit ulit na hinalikan doon.

"I'm sorry.. I was just carried away." pag aalo nya saakin.

Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko kaya napaangat ang tingin ko sakanya.
Malamlam ang mga mata nya saka sinipat ang noo ko.

"You have a fever wife... What have you done yesterday?" nabakas ko ang pag aalala sa boses nya saka ako marahang binuhat.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.
Naramdaman kong binaba nya ako sa kama pero nanatiling pikit ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay umuusok ng init ang mga mata ko at mabibigat din nag paghinga ko.

"Sh*t! your burning.." naramdaman ko ang pag alis nya at ilang sandali pa ay may nararamdaman akong nagpupunas saakin.

"Bakit puno ng tubig ang drum? Don't tell me ikaw ang nag igib non? Napakatigas talaga ng ulo mo Alya..."

Hindi ko alam pero agad akong hinigop ng tulog.

Ng magising naman ako ay marahan nya akong inalalayan pasandal ng hingaan.

Gulo gulo ang buhok ko habang inaayos nya ako.
Pinasadahan nya ng kamay ang buhok ko at bahagyangngumuti at tinitigan ako.

"Kumain kana ba?" marahang tanong ko sakanya at napangiwi dahil namamalat ang boses ko.

"Don't worry about me... Let me feed you.." kinuha nya ang pagkain na binaba nya kanina sa sahig.
Napataas ang kilay ko dahil doon.

"Sino nagluto nyan? Baka naman may lason yan?" natawa sya sa sinabi ko kaya napasimangot ako.
Kinuha nya ang kamay ko saka yon dinala sa mga labi nya at paulit ulit na pinatakan yon ng halik.

"Hindi pa ako nababaliw para mawala ang asawa ko." napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya.

"C'mon.. I'll feed you." inumang nya saakin ang kutsara kaya naman nagpasubo nalang ako sakanya.

Mariin ko syang tinitigan at nakita kong may mga sugat sa kamay nya kaya hinawakan ko yon at sinipat.

"Saan mo nakuha to?" takang tanong ko sakanya at sinipat ang kamay nya.

"Nothing, may ginawa lang ako kahapon." kibit balikat na sabi nya kaya tinitigan ko sya.
Natatawa naman syang tinitigan din ako saka tinaas ang kanang kamay na parang nangangako.

"Promise.."
Hinaplos ko ang kamay nya saka yon dinala sa mga labi ko at pinatakan yon ng halik.

Hindi na ako makatingin sakanya ng matahimik sya kaya agad na akong nahiga patalikod sakanya at inayos ang kumot sa katawan ko.

"Tapos na akong kumain... Kumain kana rin.. Magpapahinga muna ako." malat na sabi ko.

"Baby dragon..." hindi ako lumingon sakanya kahit pa marahan ang boses nya at sinubukan ng umidlip.

Naalimpungatan ako ng may maramdamang tumulo sa mukha ko.
Narinig ko ang malakas na kulog at kidlat sa labas kaya nanghihina akong napabangon.

Mukang sobrang lakas ng ulan sa labas.

Tumayo ako saka kinuha ang maliit na tabo sa tabi ng kama at nilagay yon sa mga tumutulong tubig muka sa bubong.

Lumabas ako at nakita si Ross na paulit ulit na winawalis ang tubig sa sala namin dahil pinapasok na kami ng tubig.
Basa na sya at maputik narin dahil hindi naman simento ang sala.

Nakita kong may mga balde sa mga parte kong saan malakas na bumubuhos ang ulan.

Malalim na ang gabi at ngayon pa talaga umulan kong kailan wala akong lakas.

Napalingon sya saakin at bakas ang pagod sa mukha nya.

"Ross... Ano ba yang ginagawa mo? Madumi na yang suot mo, pumasok kana dyan dahil baka mabasa ka at magkasakit, kahit ano pang gawin mo dyang talagang babaha yan.. Hayaan mo na yan dyan.. Bulas na yan, matulog na tayo." tawag ko sakanya dahil nakikita kong unti unti narin syang nababasa.

"Don't worry about me.. I can hamdle myself, go back inside, you have a fever." pagod na usal nya saakin.
Namaywang ako sa harap nya at tinaasan sya ng kilay.

"Kapag hindi ka pumasok ay lalabas ako kahit pa magkasakit ako ulit." banta ko sakanya kaya naman pagod nyang binitawan ang walis at naglakad palapit saakin.

Nag aalala akong kumuha ng towel sa sya hinila sa kama namin at pinaupo.

"Ano ba naman kasing kabaliwan ang ginagawa mo? Alam mo namang malakas ang buhos ng ulan pero bakit mo pa winawalis?" pinunasan ko ang katawan nya pati narin ang buhok nya dahil medyo basa ito.

"I will make sure that we can demolish this house.. I can't believe your livinga hoise like this for years." mariing giit nya kaya napailing nalang ako.

"Tigilan mo na nga yan.. Matulog na tayo para makapagpahinga kana din." masungit na saad ko at inayos ang hihigaan nya.

Inabot ko ang damit na nakasuksok sa tabi at sinuot yon sakanya.

"Halikana.. Baka hanggang madaling araw pa ang ulan." hinila ko sya at sabay kqming bumahsak sa kama.
Umayos sya ng higa at maayos akong hinarap.

"How's your feeling?" marahang tanong nya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Ayos lang ako." hinapit nya ako sa baywang at sumubsob sa leeg ko.
"I'm sorry about what happened." mahinang sabi nya kaya marahan kong hinaplos ang buhok nya at pinatakan yon ng halik.

"Wag kana ulit aalis ng walang paalam alam mo bang sobra akong nag alala.. Sumama ng tudo ang loob ko dahil akala ko ikaw ang nakakaintindi saakin.. Alam mo namang ganito talaga ang ugali ko diba?" mahinang tanong ko sakanya na bahagya nyang tinanguan.

Tumingala sya saakin saka ako siniil ng halik sa mga labi.
Marahan nyang pinapasadahan yon ng dila nya kaya napahawak ako sa matigas nyang braso.

Sa huli ay binitawan nya rin ang mga labi ko at magaan akong hinalikan sa noo.

"Let's sleep." mahinang bulong nya saakin saka ako mahigpit na niyakap.
Ginantihan ko ang yakap nya saka ko inabot ang kumot at tinabon yon sa katawan namin.

Ang init ng katawan ng isa't-isa ang nagsilbing kumot namin sa buong magdamag.

Hindi ko sukat akalain na magmula ng araw na iyon ay mas susubukin ang pagsasama namin bilang mag asawa.

°°°

Enjoy Reading Guys ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 165 15
Lottie is a woman who lives in Essex England. She just moved out of her mams house cause her dad was abusive. He friend jade said she could move in w...
18.9K 411 12
This is a story about Miles Morales and Y/n, Them being neighbors but never really speaking to each other until one interaction. But what they both d...
2.9M 67.1K 21
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
1.3M 101K 41
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...