FLAMES OF ROZE | Season 1 | T...

By sainreenity

8K 522 133

LOGLINE: A rebellious maiden who runs away from her family after recovering from a mental institute struggles... More

NOTA AUCTORIS (read this first⚠️)
PROOEMIUM (proem)
DUX FABULAE (story guide)
EXORDIUM (Pt. 1) - BEGINNING OF SEASON ONE
EXORDIUM (PT. 2)
CAPITULUM 1
CAPITULUM 2
CAPITULUM 3
CAPITULUM 4
CAPITULUM 5
CAPITULUM 6
CAPITULUM 7
CAPITULUM 8
CAPITULUM 9
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
CAPITULUM 68
CAPITULUM 69
CAPITULUM 70
CAPITULUM 71
CAPITULUM 72
CAPITULUM 73
CAPITULUM 75
CAPITULUM 76
CAPITULUM 77 - END OF SEASON ONE

CAPITULUM 74

27 0 0
By sainreenity

74 | Shadows  

XIAFEZIN'S POINT OF VIEW

I decided to take a warm bath after that. It felt so tiring that I couldn't help but take a nap inside my bathtub. Nagising lang ako nang may kumalabog sa'kin sa bathroom. I cursed so loud. Muntikan pa yata akong atakihin sa puso! Who the hell is it now?!

Tinapos ko ang pagligo at lumabas agad nang hindi sinasagot ang pagsigaw-sigaw niya roon. Tanging roba ang suot ko nang bumungad sa'kin si Kendall na naghihintay sa labas.

She looked so worried as she scanned me from head to toe. Umirap ako.

"Kanina pa kita kinakatok! Akala ko may nangyari na sa'yo. Kailangan talaga tatlong oras ka maligo?!"

"Where's Darcee?" tanong ko na lang at pinasadahan ng tingin ang kwarto.

"He's outside. Kausap si Marshall." Kumalma rin ang boses niya.

Dumiretso na lang ako sa walk-in closet ko para makapagbihis na. Pulang pares ng pantulog ang kinuha ko. I don't really feel like wearing any sexy nighties for tonight. This day is so fucked up anyway.

"Care to explain what happened, Xia? What was that? Naisip ko nang may gagawin kang hindi maganda sa kaniya like...you'd hurt her or you'd choose to embarrass her! Pero iyong kanina?! I didn't expect that you'd really try to kill her!" ani Kendall.

"So you came here to just lecture me?" pagod kong tanong nang nakalabas na sa closet.

"Oh, come on! Deal with me! Kanina ang tapang-tapang mo, 'di ba?"

"I'm fucking dealing with you now!"

Hindi siya agad nakapagsalita. Umupo na ako sa harap ng tukador para magsuklay. Pati pagsusuklay ng sariling buhok ay nakakapagod para sa'kin.

Blangko ang mukha ko nang tingnan ko siya pabalik sa salamin.

"That won't happen...if they immediately get her rid of me right after I acted rude. Nakita na ni Randee na hindi ko gustong kasama si Cruzita, pero anong ginawa niya? Anong ginawa nila? Pinilit pa rin nilang ituloy!" habang sinasabi ko iyon ay may nakita akong aninong dumaan sa likuran ko.

Malay ko kung sino iyon?! Ipinagsawalang kibo ko na lamang iyon na parang wala akong nakita.

"Xia..." kabado niya akong tinawag.

"Why do we even have to consider having Cruzita in this training? She's fucking out of this war and honestly, I don't really care about her! Besides, panggulo lang naman siya! I'm sure just like what she did earlier, idadamay niya lang lagi ang mga issues namin sa lahat ng magiging laban namin! Very unprofessional! It sucks that I just want to choke her to death!"

"Then what about you? Hindi ka ba unprofessional sa lagay mong iyan—"

"It was her fault! Did you expect me to compromise? Hell, no!"

Napahilot si Kendall ng sentido at napapikit siya nang marahan. Ako naman ay naestatwa sa narinig na halakhak nang kung sino sa tainga ko. It sounded like teasing me.

Tinaboy ko iyon at tila humampas lamang ako sa hangin. Nakakapang-init ng ulo na nagawa pang magtago ng aninong iyon.

Palihim na humagod ang tingin ko sa buong kwarto. Nang dumilat si Kendall ay umayos ako.

"Kendall, I can never stand that woman. And if you don't want me to lose my mind again, you have to make sure...na hindi na kami maglalapit ng babaeng iyon!" sabi ko habang inis na kinukuha ang mga skin care ko. "I hate her, obviously, but they still keep on pushing me at my limits!"

"Malaki ang maitutulong niya sa'tin laban sa pamilya niya, Xia! Hindi mo ba naisip? Kung anong kalamangan natin laban sa mga Acosta kung nandito rin si Cruzy sa grupo natin?"

Umirap ako sa salamin.

"Hindi mo man lang ba siya pagbibigyan? Xia, please! For once! Tiisin mo muna ito..." pakiusap niya.

I glared at her in the mirror. I can't believe this. Tiisin? Hanggang kailan ako magtitiis, kung ganoon?!

"Kung Acosta lang din naman ang kailangan, bakit hindi si Kaleb?" punto ko at nagtass ng kilay.

Padarag kong binitiwan ang toner at bahagyang inikot ang upuan para maharap siya. Humalukipkip si Kendall.

"I trust that guy more than her! Matagal na natin siyang kaibigan, bakit hindi siya? Bakit si Cruzita pa talaga?!"

"Cruzita is Zayden Mondevalle's girlfriend now! Sino sa tingin mo ang mas matimbang sa paningin ng mga Valerious?"

"But she was a traitor, Kendall!" sigaw ko, sinabayan ako ng hindi ko kilalang boses. "At malay natin, hanggang ngayon?! Paano kung kinukuha niya lang ang loob ni Zayden para sa kung anong benepisyong maaari niyang makuha? She deserves what I've done! After all, she's an Acosta! Hindi mabubura ng pagiging nobya niya kay Zayden ang mga kasalanan na ginawa niya sa'kin at sa'ting lahat noon!"

"You better mind it some other time, Xia! We have earned the Valeriouses' trusts and we can't afford to lose that! Aren't you afraid? We gonna lose them if you continue acting this way—"

"So what the fuck do you want me to do? Do you want me now to kneel down and apologize to her?!"

"Xia, sisirain mo ang tiwala ng mga Valerious sa'yo kapag pinagpatuloy mo ito! Just please...don't do something stupid again!"

"And you're brave enough to call that stupid?" I laughed sarcastically.

Umugong din ang mga batang halakhak sa pandinig ko. In a split second, I tried to shake them off but I remembered that Kendall's watching. I need to act fool.

"It's Cruzita Acosta! We shouldn't underestimate that woman. Ang sinasabi ko lang naman, huwag kang magpadalos-dalos sa mga gagawin mo!"

"How can I not?! Kendall, can't you understand? Tiwala ko sa kanila ang mawawala kapag pinagpatuloy nilang gawin ito! And what's the harm now, huh?! Kung masisira naman na talaga ang tiwala nila sa'kin sa oras na malaman nilang patay na si Roze!" tumayo na ako at halos sugurin siya.

"Xia, please! Kalma. Ang puso mo!" paalala niya sa'kin.

Nanatili akong nakatayo, masamang-masama ang tingin. Nagtataas baba na ang dibdib ko sa labis na paghinga galing sa galit.

Ano man ang sabihin niya, alam kong tama lang ang ginawa ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako may lakas at may pagkakataon para gawin ang mga dapat kong gawin habang wala si Roze, so I better grab the opportunity to pester that Acosta!

Right!

By now, she should have realize that it was wrong and hard to deal with me!

"Kung nandito lang si Roze...siguradong mas pipiliin niyang manahimik na muna. We're preparing for much bigger war with De Marchis and Vasilievs. You should focus on that! Malaki ang maitutulong ni Cruzita sa laban na ito. So please, can't you be a little bit nice?"

"Nice?!" sabay hawak ko sa dibdib ko.

My jaw dropped. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Sobrang sumama ang loob ko. Hindi niya alam kung anong hinihiling niya sa'kin. All this time...I thought she's with me. Pero kakampihan niya rin pala si Cruzita!

Mas lalong tumalim ang tingin ko kay Kendall at naramdaman kong may malamig na tumabi sa'kin.

"Xiafezin...Hindi ka niya gusto. Traydor din siya. Ginagamit ka lang niya. Pero ayaw sa'yo. Walang nagmamahal sa'yo at kahit kailan...HINDI KA NILA MAMAHALIN! HINDI KA NILA MAMAHALIN! HINDI KA NILA MAMAHALIN! HINDI KA NILA MAMAHALIN! HINDI KA NILA MAMAHAL—"

"SHUT THE FUCK UP!" sigaw ko sa anino at tila abo siyang nawala sa gilid ko.

Even when it was already gone, my eyes remained wide in madness. Nakatakip pa ako sa magkabilang tainga nang dahan-dahan kong binalik ang mata kay Kendall.

Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa'kin.

"X-Xia?" tawag niya.

Tumingin siya sa banda ng anino kanina bago niya binalik ang tingin sa'kin. Nakaawang ang kaniyang bibig.

"A-Are you seeing someone?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Wala akong interes. Lumabas lamang iyon sa kabilang tainga ko. 

"Don't you think it's a little bit too much for me to see that woman?!" sigaw ko.

Nanatili siyang gulat na nakatitig sa'kin. Nagpatuloy ako.

"You don't expect me to act like a saint! Of course! That day would be like hell! They just made me face that whore and they have no rights to fucking complain!" nabasag ang boses ko sa dulo.

"Xia!"

Agad na dumalo sa'kin si Kendall nang muntikan na akong mapaluhod. Sapo ko and dibdib at mariin ang pikit habang inaalalayan niya. I feel like I'm going to pass out.

My heart started palpitating and it's getting hard to breathe.

"Don't touch me! Don't touch me! I said...DON'T!" sigaw ko kay Kendall sa iritasyon.

"Xia, w-what's wrong?! Are you in pain?!"

Tinulak ko siya at agad siyang napalayo. Napaluhod ako sa sakit ng dibdib nang mabitiwan niya ako.

She panicked and tried to lift me up, but I feel weak that I cannot help myself to stand. The numbness of my extremeties and my chest are only getting worse whenever I fight it.

"Blanka!" pagtawag niya at kinabig ako palapit.

My vision slowed down. I was lying so weak in Kendall's arms when I saw Blanka entered. Namilog ang mga mata ko habang naghahabol ng hininga. She's already holding a syringe for something.

Agad akong napaatras, sapo pa rin ang dibdib.

"What's that?! What's that?!"

Darcee entered along with Marshall. They were trying to calm me down as Blanka tried to come closer. I panicked and almost ran away. Umiling ako nang umiling at hinawi ang kamay niya. Mas lalo akong nagwala nang makarinig ako ng mga hagikhik ng mga demonyong paslit.

Masayang-masaya sila. Fucking so happy that they even started to sing together using the language I'm not familiar with.

Above me, there they are in big smiles. Nakahulma ng isang perpektong bilog at magkakahawak ang mga kamay. Sumasayaw sila habang nag-aawitan at nakatingin sa'kin. Pakiramdam ko dudugo ang tainga ko sa tinis ng kanilang tinig.

Pinakakalma ako ni Kendall sa gilid hanggang sa nakita kong pinasa na ni Blanka ang syringe kay Darcee.

"Does she need water?!" Marshall's concerned voice.

"Yes, please!" ani Kendall.

"Xia, please. Don't make this hard for you..." si Blanka.

"Baby, calm down please. It's okay. We're here."

Umiling pa rin ako at hinawi ang kamay ni Darcee. Kendall's already busy doing massages and applying pressure in my chest to stop my heart palpitations.

Umaalon na ang paningin ko at mabigat na ang hininga. Chills, tremblings, and throat tightening attacked me all at once. Mga pakiramdam na sobrang pamilyar na sa akin, pero tila sobrang bago rin. I felt like being choked and being squished in giant walls.

Unexpectedly, Darcee's voice boomed. May binanggit siyang kung anong salita at nakita ko ang pagtingala niya sa kisame. The music abruptly stopped, and the evil shadows vanished.

Nang lumapit na si Marshall para hawakan ako, pinagtulungan na nila akong pakalmahin. I screamed so bad and asked them to stop but it was too late.

Naramdaman kong tinusok na sa'kin ang syringe. Lumamlam ang mga mata ko sa gaan na naramdaman. I tried to speak but all I could do was to murmur some words.

"Here..." inabot ni Marshall ang tubig kay Darcee.

He brought it closer to me and I tried my best to drink. Nakalahati ko ang tubig at inilayo agad nang hindi ko na maubos. Unti-unting kumalma ang paghinga ko ngunit malalim pa rin.

Blanka tried to talk to me but I couldn't get myself to answer.

My eyes are already closed. Nakaramdam na rin ako ng antok habang naririnig ko ang mga boses nila. As soon as I felt Darcee's tender kiss on my forehead, everything peacefully went black.

I made a deafening scream in my brain. No! No, I can't be drowned in the dark...again!

DAWN KENDALLINE'S POINT OF VIEW

I stared at her in horror.

She calmed down and fell asleep after being injected. I thought...hindi na ulit siya makararanas ng ganoon, ngunit naulit naman ngayon. Natatakot akong baka maulit pa ito...sa ibang mga araw. Sa ibang mga pagkakataon, at sa ibang mga panahon.

Marahang binuhat siya ni Darcee at dinala sa kama. Sinamaan agad ako ng tingin ni Blanka.

"Sabi ko naman sa'yo na huwag mo muna kauusapin tungkol doon, 'di ba? Tingnan mo ang nangyari!" pagalit niyang bulong sa'kin.

Yumuko ako at bahagyang nahiya lalo na kay Darcee. "Tang ina naman kasi...akala ko makakausap ko siya nang maayos."

"Maraming namamatay sa maling akala, Kendall. Kung hindi naagapan agad...baka sumunod na si Xia kay Roze," pabulong niya sa'kin.

Ngumiwi ako at mas lalong napayuko. Galit na sumulyap lang sa'kin si Darcee ngunit hindi na siya nagsalita. Nanatili siya sa tabi ni Xia, inaayos ang kumot at ang buhok nito.

"Oh. Zayden..."

Napatingin kami sa pinto nang marinig iyon galing kay Marshall. Namilog ang mga mata namin nang nakitang nakatayo na roon si Tylex at Randee. Nasa likod nila si Krystal at Zayden na gulat na nakatingin kay Xia.

Shit!

"K-Kanina pa kayo riyan?" tanong ko.

"Long enough to see what's happening," sagot ni Tylex na kay Xia pa rin ang mga mata. 

Nilipat ko ang tingin kay Krystal. He looked so shocked that he couldn't say anything. Kung sa bagay, ngayon niya lang nakitang ganito si Roze, nagwawala.

"An anxiety or panic attack?" tanong sa'kin ni Randee nang makalapit siya.

"I-I don't know. Maybe both. We can experience both an anxiety and panic attack at the same time. Both may feel similar but...I think this is more like anxiety attack."

"What's the matter?" tanong ni Darcee sa mga bagong dating.

"Kakausapin lang sana namin si Xia, Darcee. Hindi naman namin alam na ganito ang madadatnan namin," paliwanag ni Tylex.

"Hindi niyo siya pwedeng kausapin ngayon. Nakita niyo naman ang resulta ng extreme emotions niya," sambit ni Marshall.

Tylex eyes widened a bit. "Is this dilated cardiomyopathy?!"

"That's what I thought. Hindi pa naman siya nadadala sa ospital. I hope this is just panic attack, triggered by stress."

"She was diagnosed with heart anxiety neurosis before, right?" litong tanong ni Blanka. "Ano ba talagang nangyayari sa kaniya..."

"Darcee. I'm so sorry," sambit ko at tumingin sa kaniya. "Hindi ko naman kasi—" 

"You don't have to explain, Kendall," sa malamig na boses.

Right.

Napayuko ulit ako. Nanatili siyang nakatingin kay Xia nang sabihin niya iyon. Lumapit si Marshall sa likod ko at hinawakan ang kamay ko.

"I told you so."

Ngumuso ako sa kaniya. "Sorry."

"I want you all out of this room. She needs to rest," ani Darcee.

Nagkatinginan kami ni Blanka. Tylex is already beside her, checking Xia. Pinasadya talaga namin ni Blanka na maraming medical supplies para kay Xia kung sakali na may mangyari. Si Tylex naman ay may dalang stethoscope sa kaniyang medical bag. Laking pasalamat ko talaga na doktor siya. Malaki ang naitutulong niya kay Roze...at Xia.

Pero...kung alam nilang patay na si Roze...tutulungan pa kaya nila si Xia? Magbabago kaya ang tingin nila sa kaniya?

"Is she okay?" Krystal asked.

"She's pretty fine, Krystal. Pagpahingain na lang muna. But I still suggest you should take her to the hospital as soon as possible, Darcee..." ani Tylex at sinabi na ang stethoscope sa kaniyang leeg.

Tiningnan pa nila si Xia saglit at kalaunan ay lumabas na sa kwarto para makapag-usap. Gusto kong manatili sa kwarto ngunit iniisip ko si Krystal.

Bukod doon, interesado ako sa mapag-uusapan kaya nang makitang maayos na talaga si Xia, lumabas na rin ako ng kwarto.

Kinabukasan ay nagising si Xia at nakatulog ulit pagkatapos kumain ng agahan at maligo. Hindi raw maganda ang pakiramdam niya kaya hinayaan muna naming magpahinga. Tingin ko ay side effects iyon ng tinurok na pampakalma.
Maghapon siyang tulog at ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya nang magising noong umaga.

Maghapon din siyang binantayan ni Darcee.

Nang dapit hapon na ay saka siya nagising. Nahihilo at masakit ang ulo niya dahil sa labis na tulog. Kaagad dumalo si Darcee sa kaniya. She then looked more calm and comfortable when she saw him beside her.

Nasa pintuan ako, kararating lang galing sa mall at dumiretso agad dito para tingnan kung gising na siya. Pagkabalik ko'y nandito pa rin si Darcee at nasa ganoong pwesto pa rin sa gilid ni Xia.

"I want something sweet..." I heard her little request.

"What do you want? I'll make something for you..." malambing na boses ang ginamit ni Darcee.

"Mango shake...I don't like banana, okay?"

"Okay."

Napangiti ako habang pinapanood sila. Parang may humawak sa puso ko.

"I bought pizzas and quesadillas!" maligaya kong sinabi at tinaas ang mga box at supot na dala ko.

Nagulat sila sa presensiya ko roon. Sa sobrang okupado nila sa isa't isa ay hindi nila napansin ang pagpasok ko sa kwarto.

"You bought where?"

"Pagkatapos ko sa school, gumala kami sa mall ni Marshall, kasama si Yassi at Heidi. Binili namin itong pasalubong. Bakit?"

"Gusto raw niya ng mango shake," ani Darcee.

"Sige, mag-o-order ako," lalapit na sana ako sa telepono nang pinigilan niya ako.

"No. Beverages from outside aren't that good," iling ni Darcee.

I rolled my eyes playfully. "E 'di gagawa tayo! Xia...sa'yo muna ito, okay?" nilapag ko ang mga dalang pagkain sa coffee table at binuksan ang TV niya. "Nood ka muna. Mango shakes lang ba gusto mo o...?"

"Mango shakes lang," aniya at ngumiti ng maliit.

Nagkatinginan kami ni Darcee. Kalaunan ay nagpaalam na kami kay Xia at dumiretso na ng kusina. Kinukuha na niya ang blender at hinahanda na ang ibang mga gagamitin. Ako naman ay kinukuha ang mga mangga sa lalagyan na kasama ang mga saging at iba pang mga prutas.

"Levi!"

Sabay kaming gulat na napatingin kay Blanka na ngingisi-ngising pumasok sa condo. Binato ko agad siya ng saging na agad niyang sinalo.

"Gulat ka, 'no?" hagikhik niya, pang-aasar pa niya kay Darcee. 

"Tang ina ka talaga, gising na si Xiafezin!" I hissed.

Natuptop niya agad ang kaniyang bibig. Doon ko napansing lasing pala siya kaya heto at pangisi-ngisi.

"Tsss...hindi niya narinig! Kung narinig niya, pagbilang ko ng tatlo dapat nakalabas na siya ng kwarto..." aniya at lasing na nagbilang hanggang tatlo.

Nag-abang kaming tatlo sa paglabas ni Xia. Abot-abot ang tahip ng puso ko sa takot na baka nga narinig niya.

Ngunit napabuntonghininga kami nang hindi naman siya lumabas. She's probably enjoying the food now that I bought.

"See?" Humalakhak si Blanka at dumiretso na sa kitchen island para kumain ng mga ubas doon.

"Bakit ka ba kasi nandito? Paano kung si Xia ang naabutan mo rito?" pagalit kong saway ngunit mahina lang. "Hindi ka ba nag-iisip? Napunta yata sa talampakan ang utak mo, ano?"

"Grabe ka naman! Sa tuhod lang yata?" she laughed again.

Hindi ko na siya kinausap dahil halatang sabog siya. Nagpatuloy na kami ni Darcee sa ginagawa. Hinihiwa na ni Darcee ang mga mangga at ako naman ay kumukuha na ng crushed ice sa fridge.

"I'm kinda drunk. She'll think I just have a huge crush on his ex that's why I keep on mentioning him until now..." ngisi niya.

Natawa na ako at tiningnan ang dalawa. Darcee's already on his pissed mode, but a small smirk is plastered on his lips. Si Blanka ay nanunuya ang tingin. Hindi ko alam kung dahil ba sa lasing siya o sa ibang dahilan...

Bakit nga ba naglasing ang isang 'to?

"She won't think that Levi's actually here. So chill, Kendalline," sabay shoot niya ng ubas sa bibig.

Ngumiwi na lang ako at inabala ang sarili. Heto na naman sila.

Dumampot bigla si Darcee ng mga ubas at nilagay iyon lahat sa bibig ni Blanka. Blanka tried to evade him but she failed. Nagtawanan sila.

"'Yan! Nang manahimik ka na..."

Nakangiwi na ako habang tinitingnan silang nagkukulitan. Should I just leave them alone now?

Ang tagal bago naka-recover ni Blanka, natatawa pa. Seryoso na ulit ngayon si Darcee sa paglalagay ng manga at ako naman sa crushed ice at gatas.

"By the way, anong ginagawa niyo? Mango shake?" Blanka, asking what's obvious.

"Nag-request ang kapatid mo. Maghapon siyang tulog, nahihilo at gusto ng matamis kaya heto..."

"Huh? Nahihilo pala, e, mas lalala ang hilo kapag malamig ang binigay niyo!"

"This is what she wants. Alam mo naman iyon...kakaiba ang mga gusto..." nagkibit balikat ako.

Nag-blend na kami ni Darcee. Hindi ko masiyadong nilagyan ng gatas. Nakagawa kami ng isang pitsel at gagawa pa ulit ng isa pa.

"Hindi ka pa rin umaamin sa kaniya?" tanong bigla ni Blanka, nakapangalumbaba at nakatitig pa rin kay Darcee.

Natigilan si Darcee. Mula sa nakangiting mukha dahil sa pagkakatuwa niya sa dami ng nilagay kong mangga ay napawi ang ngiti niya.

Sinamaan ko ng tingin si Blanka. Kahit kailan ay panira ang isang ito.

"This is not the perfect time to tell her, Blanka..."

"Buti hindi pa niya nakikita ang ebidensya?" tanong niya.

Sinulyapan ko tuloy ang likod ni Darcee. Kahit nakadamit siya, parang nakikita ko rin ang tattoo. Hindi ba minsan naiisipan ni Xia na tingnan ang likod niya?

"Hindi pa..."

Nagkatinginan kami ni Blanka. Sa paraan ng pagtingin niya sa'kin ay mukhang parehas kami ng iniisip. Unti-unti akong ngumisi, siya rin. Kalaunan ay humagikhik kami pareho at nag high five pa.

Nagtataka kaming tiningnan ni Darcee.

"What?"

"Don't tell us...hindi pa kayo nagsasabay maligo?" nagtaas ako ng kilay.

Pairap siyang nag-iwas ng tingin sa'min. Humalakhak ako. Kahit iritado ay kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi niya ako sinagot.

"'Di nga? Seryoso?" hindi makapaniwala si Blanka. "Knowing, Xia's attitude...baka siya pa ang magyayaya sa'yo..."

"Nagsabay, isang beses. Pumayag na ako dahil sobrang kulit. Pero sinigurado kong hindi niya nakita..."

"Malay mo nakita niya na? Ilang beses ka nang nakahubad sa gym at kitang kita ang likod mo!"

He shook his head. "I know her. Kung nakita niya, dapat sinabi na niya sa'kin. Besides during gym, her eyes were somewhere else so..."

Natahimik kami at hindi na nagsalita. Kahit hindi niya tinuloy ang sinasabi ay alam na namin ang ibig niyang sabihin. Inubos na namin ang mga mangga at dinala ang mga nagawang shake sa kwarto.

Pagkapasok ay hindi kami nilingon ni Xia. Nanatili ang mga mata niya sa TV.

"Tadaaa!" maligaya kong sinabi.

Nilapag na namin ang mango shake sa lamesa at nanatiling nasa TV ang paningin niya. She looked so shocked there that she couldn't move or even blink. Napatingin tuloy ako sa news. Si Darcee ay nauna nang tumingin doon sa matalim na mga mata.

The news was about the De Marchis, still trying to rule the world and make the people servants of them. Hindi nga lang namin alam kung anong pumipigil sa kanilang tuluyan nang masakop ang mga bansang gustong makuha.

Something unusual is really happening outside of Terra Reale.

It's pathetic and the same time so evil that I just wiped it off my mind because it's stressing me out. Isip kasi ako nang isip sa mga dapat na gawin. I feel so bad for those people out there. I wished the creator of all would save them right away from this evilness.

Maswerte ang pamilya ko, dahil kahit paano ay matatakbuhan nila ang mga La Spada, ganoon na rin ang mga Delgado. Maswerte rin ang mga Realian at Oscurian dahil hanggang ngayon ay wala pa naman akong nababalitaang nasakop. Pero paano naman iyong mga normal na tao lamang?

Matagal na naming alam ang balitang iyon, hindi lang gaanong sinasabi kay Xia dahil nakakaapekto iyon sa paraan niya ng pag-iisip.

It's either she gets too aggressive or too emotional about it.

Pinatay ni Blanka ang TV sa kalagitnaan ng pagtatapos ng balita. Sa sobrang gulat ni Xia ay hindi siya makapagsalita sa lahat ng narinig. Mabilis siyang dinaluhan ni Darcee at pinakalma.

"Hey...are you okay?" Hinaplos ni Darcee ang kaniyang pisngi.

"I...I'm fine. Don't worry about me.." aniya kahit namumutla. "S-S-Si Dad...nakakausap mo pa ba si Dad?"

"If you're worried about the La Spadas, don't be. Maayos sila sa Flaming Society."

Tumango si Xia at suminghap. Agad ko siyang sinalinan ng shake at pinainom sa kaniya para kumalma. She's having difficulty again in breathing.

Tinitigan ko siya. Noong unang nagkukwento ulit kami noon patungkol sa mga De Marchi sa kaniya ay okay pa naman siya at parang laging handang sumabak sa giyera. Ngayon ay...naninibago ako...dahil para bang takot na takot siya.

May ideya ako sa dahilan ngunit pilit kong isinantabi sa isipan. Hindi naman siguro. Huwag naman sana...

"Pinapatay nila kapag hindi sumusunod sa kanila," nanginginig niyang sinabi.

Napalunok ako at sinulyapan ang TV kahit nakapatay na iyon.

"They cut people's heads off and—"

"Shhh...please, baby. Hush it."

"You don't tell me to hush! Anong gagawin natin, Darcee?! I don't want them to win over them! They have no rights to do this!" pagwawala niya at agad na akong lumapit.

This isn't Xia. Dahil kilala ko ang isang iyon. Ang alam ko, wala iyong pakialam lalo sa hindi kilalang mga tao. I do believe this is just because of her connection with Roze.

Kahit na magkahiwalay sila, pakiramdam ko na may tali pa ring nagdudugtong sa kanilang dalawa.

After all, iisa lang sila ng puso.

Nalito ako. She's trying to tell something to us...but it seems so hard for her to speak. Panay ang turo niya sa labas ng bintana habang humihikbi.

Pinatabi ko agad si Darcee. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin. Umiiyak na naman si Xia at hindi niya maintindihan ang dapat na gawin. So, I made her only look into my eyes so I could make her forget everything she saw and heard from the news.

Compelling, yes. It's for her own good.

Pinahiran ko ang mga luha niya. Nang matapos sa pagbura ng alaala niyang iyon ay napakurap siya at nagtaka kung bakit nasa harapan niya ako.

"What happened?"

Ngumiti ako at tumayo. Binuksan ko na ang isang box ng pizza at quesadilla na parang walang nangyari.

"Natulala ka na naman!" tumawa ako at binigyan na siya ng pizza. "Kain ka na, oh."

Bumuntonghininga si Blanka sa likuran ko. Si Darcee ay mapupungay ang mga matang tiningnan si Xia.

Ngumiti siya at tinanggap ang pizza. Kinagatan niya agad iyon at tiningnan kami, nagtataka kung bakit nakatingin pa rin kami.

Napababa na lang ako ng tingin.

Roze, please. Help us. Help her.

XIAFEZIN'S POINT OF VIEW

Natulala ako nang magising kinabukasan.

Alam kong dapat nang bumangon ngunit ayaw pa ng katawan ko, kaya nanatili ako ng ilang oras sa higaan.

Hindi na ako sumulyap sa orasan sa takot kong umusbong ang kagustuhang bumangon para may magawa naman sa araw na ito.

I want to think of things that just happened. Hindi ko iyon nagawa kahapon sa sobrang gulat ko pa sa mga nangyari.

Nanatili akong nakayakap sa unan ko, nakatingin sa ulap sa labas ng bintana. Iniisip ko pa ang mga nangyari noong isang gabi nang may narinig akong kumatok sa labas.

Bumuntonghininga ako at natigil sa pag-iisip.

"Xia?" boses ni Kendall.

Nilingon ko lang ang pinto at hinintay na bumukas. Kapag nakakatulog naman kasi ako ay hindi nila nilolock ang pinto.

"Good morning. Akala ko tulog ka pa..." aniya nang mabuksan na ang pinto.

Nanatili akong nakatingin.

"Hindi ka pa babangon?"

Nakakatamad magsalita pero pinilit ko.

"Hindi."

"Hindi ka papasok sa school? How about your work? Our training? Naka-schedule na buong araw tayo, 'di ba? Sabihin mo lang kung 'di ka papasok para masabihan ko agad si Darcee..." she said in a more relaxed tone.

"Hindi."

Nagtagal ang tingin niya sa'kin.

"S-Sigurado ka? Tatanggalin ka na ni Easton sa trabaho kapag hindi ka pa pumasok ngayon."

Umiwas ako ng tingin at humarap na lang sa kabilang side ng kama para maiwasan siya.

Hindi dapat ako magalit dahil lang sa sinabi niya noong gabing iyon. Wala akong karapatang magalit dahil nag-aalala lang naman siya sa'kin. Maaring nagtatampo ako pero hindi naman deserve ni Kendall na tratuhin ko siyang ganito...dahil lang sa nagtatampo ako.

"Hindi na ako papasok..." tunog nagtatampo iyon kaya nagdagdag ako sa mas maayos na boses. "May naipon naman na ako."

Hindi siya sumagot agad. Inabot pa ng ilang sandali bago niya nasuklian ang sinabi ko.

"A-Are you sure?" tanong ulit niya sa nag-aalalang boses ngayon.

Bumuntonghininga ako.

"Yes."

Hindi na siya sumagot kaya hindi na rin ako nagsalita. Lumabas siya ng kwarto ko at pagbalik ay may dala ng breakfast.

Nakatingin lang ako habang hinahanda niya iyon sa harap ko. Nakaupo na ako ngayon. She even made a glass of milk for me. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagtimpla niyon kahit na alam namang mas gusto ko ang kape sa umaga.

"May pakiramdam na akong hindi ka kakain, pero kailangan mong kumain. Kailangan mo rin uminom ng gamot pagkatapos..." aniya sa banayad na boses.

"I can take care of myself, Kendall. You can go now," I said in a dismissing tone.

"Yes, you can take care of yourself...but you aren't doing it, Xia! So let me be."

"Nasaan ba si Darcee?" tanong ko dahil siya ang gusto kong gumawa nito.

But...Kendall's fine, too.

"Nasa trabaho. Binilin niya na hintayin muna kitang magising at makakain bago ako aalis. Pagkatapos daw ng trabaho, pupuntahan ka niya agad."

Gumaan ang pakiramdam ko. "Okay."

"Sigurado ka bang...dito ka lang muna sa condo? Wala kang kasama."

"Ayos lang, sanay naman akong mag-isa. Dito na lang ako mag-aaral sa kwarto. Pakisabi rin kay Easton na hindi na ako papasok."

Kumunot ang noo niya. Nagtataka sa sinabi ko.

"Sandali. Hindi ba masiyadong mabilis na pagpapasiya iyan? Dati gustong gusto mo ang posisiyong iyon, tapos ngayon ayaw mo na. Baka...pwede pa pakiusapan ang pinsan mo?"

Umiling ako. "Napapagod na ako."

Natigilan siya. "W-What do you mean?"

"Sa trabaho. Napapagod na ako. Marami na akong iniisip, ayokong parusahan ang sarili ko..." banayad kong sagot. 

"Paano sa training? Hindi ka rin pupunta?"

Yumuko ako at nilapit ang tray ng pagkain sa'kin.

"Galit sila sa'kin...kaya bakit pa?"

Namilog ang mga mata niya.

"Hindi sila galit sa'yo! In fact...gusto kang kausapin ni Zayden."

"Bakit daw?" tanong ko kahit parang wala lang at nagsimula nang kumain.

She smiled a bit. "Hindi niya exactly sinabi ang dahilan. But I think he'll apologize. Gusto na siguro niyang maayos ang lahat. Kagabi kasi, nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan si Randee at Blanka kaya nag-away iyong dalawa through texting. Until now...hindi pa rin sila okay kaya gusto na siguro ni Zayden na maayos ang lahat at ayusin na ang gusot niyong dalawa. He actually did message me earlier this morning. Tinatanong kung gising ka na ba at kung okay ka. Hanggang ngayon hindi ko pa nare-replyan."

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. It's too early to think about that.

"Siguradong kakausapin ka rin ni Darcee about this...so you better think of it now."

"Think about?"

"Think if you want to talk with Zayden or not. 'Wag mo na hintayin na si Darcee pa ang kumausap sa'yo."

I laughed. I don't know if it came sarcastic or not. Basta natawa ako sa narinig.

"Think if I want to talk with him? So I have choices then."

Her brows furrowed. Medyo nalito siya sa sagot ko. Kalaunan ay tumango siya.

"Yes. You have choices. Ayaw ka namang pilitin ni Zayden makipag-usap kung ayaw mo pa. He's willing to wait."

Uminit ang gilid ng mga mata ko kaya tiningnan ko na lang ang pagkain.

"You know what? I'm not really a fan of Zayden Jax Mondevalle. But I guess you should both talk things out...just like before? It's about time. Nagkakaintindihan naman kayo noon...kaya siguro naman kaya niyong magkaintindihan ngayon?" ramdam ko ang pag-asa sa tono ni Kendall.

It made my heart ache. Para iyong kinukurot.

"Bakit pa kami mag-uusap..." wala sa sarili kong sinabi.

But honestly, pagkagising ko kaninang umaga, naisip ko nang magsorry. Wala lang akong kapal na mukhang gawin iyon pagkatapos ng ginawa ko.

"For closure. Hangga't hindi kayo maayos, hindi magiging maayos ang pagti-training mo dito sa Terra Reale. Iyong nangyari kahapon? Walang ka-filter filter ang mga bibig natin at naging insensitive nga naman tayo sa feelings ni Cruzita. Ikinainit iyon ng ulo ni Randee...at siguro pati na rin ng iba."

Halos umirap ako, ngunit ramdam kong mas lalong umiinit ang gilid ng mga mata ko.

"Paano kung sabihin kong ayoko na mag-training at sukuan na lang ang mga problemang ito? At na uuwi na lang ako ng Maria Estrella para hanapin si Levi?"

Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Ngumisi ako at tinawanan ang sarili.

"Just kidding..."

Bumuntonghininga siya, parang nabunutan ng tinik.

"Bakit ko pa siya hahanapin kung mayroon na akong Darcee? At bakit ko susukuan ang problemang ito kung nandiyan si Darcee? You know I can't just leave him alone in this fight as well as you, guys."

Napatitig siya sa'kin at malungkot na ngumiti.

"You did lost Roze...but you're still the same rational friend of mine."

Ngumiti rin ako pero pilit iyon. Nag-iwas ako ng tingin.

"Let me just ask you one thing..."

Napatingin ako sa kaniya.

"Are you happy with him?" hindi ko alam kung pang ilang beses na niya sa'kin ito tinanong.

Nagulat ako, ngunit kalaunan ay tumango rin. Nagtataka man ako sa tanong niya ay hindi na ako nagsalita.

Pakiramdam ko kasi may idudugtong siya.

"Mahal mo ba talaga siya?"

Tumango ako...sa mabagal na paraan. Nagtagal ang tingin niya sa'kin na tila inaalam kung nagsisinungaling ako o hindi.

Nag-iwas ako ng tingin at tumawa.

"Hindi ako nakikipagrelasyon sa hindi ko mahal, Kendall. Alam mo 'yan."

"Then why are you still hurting this way?"

Matalim ko siyang tiningnan ngayon. Hindi ko alam kung paano niya iyon nasabi gayong wala naman akong binabanggit.

But maybe it's evident in my eyes.

"Hindi naman ibig sabihin na nagmahal ka ng iba...hindi ka na masasaktan sa muling pagkikita niyo," nanginig ang boses ko.

Hindi na ako makatingin sa kaniya. What I said was true. I tried to ignore it but that's what I truly feel.

Kumawala ang ilang mga luha at agad ko iyong pinunasan. Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata at ambang aaluin niya ako ngunit tinaas ko ang mga kamay ko at pinalayo siya.

"I'm fine...I'm fine, okay?"

Nanatili ang pag-aalala sa mga mata ni Kendall. I sighed heavily and cheered myself up.

"Tingin ko naman...normal lang maging bitter sa taong nakita iyong taong mahal niya na sinaktan siya noon. Don't worry, Kendall. Sa simula lang naman ito. I have to go through this to finally move on. I'll be okay too, I assure you that..." sinubukan kong ngumiti. "Lalo na't...nakita ko naman na mahal talaga ni Cruzita si Zayden. Kasi kung hindi...bakit ngayong pagbalik ko, siya pa rin ang makikita kong kasama ni Zayden?" 

Ngumiti rin siya niyakap na ako. May mga luha ulit na kumawala. I wiped them off again.

Kendall's my worst bully before when I was a little girl. Parang kailan lang...Ngayon ilang taon na kaming magkaibigan.

I'm so grateful to have someone like her who'll always choose to be there when I need someone to talk to.

"I'm glad you're back in the right state of mind..." nahimigan ko ang pang-aasar niya.

I only pursed my lips.

Napansin kong may idadagdag pa siya ngunit tinikom na niya ang kaniyang bibig. Nag-usap pa kami saglit at sinuguro niyang nakainom ako ng gamot bago niya ako iniwan.

All I want to do now is to clean my condo before I turn on my laptop to study.

Niwalis ko ang buong condo at nag mop na rin ng sahig. Diniligan ko rin ang mga halaman ko sa balcony. Habang ginagawa iyon ay naisip ko ang mga sinabi ni Kendall sa akin. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kaya ko na siyang kausapin...alam kong hindi ko kaya. Lalo na't kasabay ng pag alala ko sa nakaraan namin...ay kasabay din ng pagtingin ko sa isang banda.

That I have another one...who is also not meant for me. Ngunit hinayaan ng Diyos na mahalin ko. Hindi ko alam kung bakit.

Akala ko talaga kaya ko na...but now, after what happened. I don't know if I can get over it again once I turn back.

Pakiramdam ko kapag binalikan ko iyon at pinag-usapan ang tungkol doon, mahihirapan ulit akong makaalis.

Pagkatapos ng paglilinis ay naglaba ako at sinampay ang mga damit sa rooftop. May dryer naman pero mas gusto kong matuyo sila mula sa labas.

Pagod na pagod ako pagkatapos gawin iyon.

Naghugas pa ako ng pinggan at naligo pagkatapos. Dumiretso agad ako sa study desk para makapag aral na. Iniwasan kong tingnan ang cellphone ko kanina pa sa takot na baka makakita na naman ako roon ng mga notifications na hindi maganda sa mata.

Nang tumagal ako ng isang oras sa pag-aaral at pakikipag-usap sa isang prof ko, lumipat na ako sa kama para doon ipagpatuloy. Gusto kong makahiga.

Studying is really tiring. Kahit nakaupo at nagbabasa lang ay marami pa ring enerhiya ang kailangan para makapag-aral.

Nakatanggap ako ng messages galing kay Darcee ngunit hindi ko nag reply. I was just too busy finishing all my late homework. Though, I'll still pass even if I do nothing. Pero siyempre...I still want to learn something. Tutal ay wala na rin naman akong ginagawa.

Nagtimpla ako ng kape para hindi antokin nang dapit hapon na. I think I already need to reply to my baby's message that's why I looked for my phone beside me. Kalalapag ko lang ng mainit na kape sa gilid ng kama nang tumunog iyon. Nakita ko agad kung sino ang tumatawag.

Dy's calling...

Sinagot ko agad iyon. Nasa labas daw siya ng condo ko. Agad ko siyang pinahintulutang pumasok. May spare key naman siya kaya hindi ko na kailangan lumabas ng kwarto.

"You didn't pick up my calls...didn't even reply to my messages," aniya nang pumasok na siya sa kwarto.

Binaba niya ang kaniyang bag sa sofa ng aking kwarto at agad ko siyang sinalubong ng halik.

"I'm sorry. I was just busy." I smiled.

"Busy with...?"

Sinenyas ko ang kama ko. Nilingon niya iyon. Ngumuso siya nang makita kung gaano kagulo doon. Nagkalat ang mga papel at libro. Sa gitna naman ay naghihintay ang nakabukas kong laptop.

"I studied. By the way, how's your day?" tanong ko para maibigay niya muli sa'kin ang kaniyang atensyon.

"Good. Have you had your lunch? How do you feel now?"

Natigilan ako nang napagtanto na ang huli kong kain ay iyong hinanda pa ni Kendall. Gusto ko sanang magsinungaling at sabihing busog na busog nga ako, ngunit gusto kong makita ang reaksiyon niya.

Besides, it's wrong to lie.

Nagpigil ako ng ngiti.

"Well, I feel better now. Hindi pa pala ako kumakain...Kakain ako pagkatapos-"

Natigil ako sa matalim niyang pagtingin sa'kin ngayon. Para bang sobrang mali ng ginawa ko.

"Ano bang ginawa mo rito at hindi ka kumain? This is the reason why I just want to bring you at work so I can check on you!" medyo iritado niyang sinabi.

Tumawa ako.

"I forgot, okay? Or maybe I just really don't feel like eating since I was alone."

"You didn't eat and you didn't pick up my calls..."

"I said I'm sorry. Well...I did my laundry kaya hindi ko siguro naabutan ang pagtawag mo. Naglinis din ako at nag-aaral kaya...hindi na muna ako nagreply. Alam ko rin namang papunta ka na dito..." kabadong paliwanag ko. "And I was actually about to reply when you called."

"Alright. I'm gonna cook something for you..." hinubad niya na ang kaniyang coat.

Akala ko pagagalitan pa niya ako.

"No, it's okay!" tanggi ko agad dahil kauuwi niya lang sa trabaho...tapos paglulutuin ko?

Even if I did ask him to do it or not, I can't still let him do that.

"Come on, Xia. You need to eat..." pagod niya akong tiningnan.

"Dito ka ba kakain?" tanong ko.

Tumango siya.

"I'll cook for myself then!" sabi ko at niyakap siya.

"I'll help you then..."

All right. I rolled my eyes. Hindi siya magpapatalo. Sabay na kaming nagtungo sa kusina at naghanap ng magandang lutuin doon. Nang matapos ako sa paghihiwa ng mga rekado ay siya na ang nagpatuloy sa pagluluto. Nanonood ako sa kaniyang likod habang kinukwentohan niya ako ng nangyaring pag aaway daw ni Randee at Blanka.

Nang mapansing nangangalay na ako sa pagtayo roon ay pinagalitan niya ako at pinaupo sa upuan ng kitchen island.

Tumawa ako at hinayaan siya. Nakapangalumbaba na ako ngayon habang pinapanood siyang hintayin matapos ang niluluto.

Naayos ko na kanina ang mga kubyertos namin. Ulam na lang ang hinihintay.

"I'm sorry for the trouble I did. I hope they're okay now..."

"Don't blame yourself. Isang beses lang naman iyon. Hindi naman siya namatay," Darcee smirked.

Sinalinan ko siya ng apple juice at binigay iyon sa kaniya.

"You told me to kill her if I can. Does it mean it's fine with you if I really kill her?"

"Of course not."

Honestly, I already expected it. Pero nagulat pa rin ako sa sagot niya.

"Then...why did you tell me that?" tanong ko kahit na may ideya na ako kung bakit.

"I just want you loosen up. Alam ko namang hindi mo talaga siya papatayin lalo na't nandito si Zayden. He still affects you, right?" nagtaas siya ng kilay at pinatay na ang apoy sa nilulutong ulam.

Hindi ako nakasagot at uminom na lang ng juice.

"Alam kong ipapasok ni Zayden si Cruzita sa training..." aniya na ikinagulat ko.

Napatingin ulit ako sa kaniya. Halos mapaatras pa ako sa kaniyang sinabi. Did he just...

"Bakit 'di mo sinabing alam mo?" lito kong tanong.

Ngumisi siya at kinulong ako sa counter gamit ang mga kamay niya sa gilid. Napalunok ako at hindi inalis ang tingin sa kaniya.

"Don't get mad at me, please? It's for your own good. I didn't tell you because it was part of my plan. I didn't tell them that I had a dark plan, though. Zayden will kill me for that. He just thought Cruzita's presence fine with me."

WHAT?!

"But I asked you..." nalilito kong sinabi.

"I acted like I didn't know but the truth is...Zayden already asked for my permission. He can't just do that without my consent. Pumayag ako...not to hurt you or something. But because I want you to set the fire out in your heart. I know you would act that way. And I told you to kill her if you can for a reason. Gusto kong ibuhos mo lahat ng galit mo...kahit isang araw lang hanggang sa kontento ka na."

"And you think I am?" I spat.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago nag angat ng mapungay na mata sa'kin.

Hindi ko magawang magalit nang lubusan dahil hindi rin naman siya nagsinungaling talaga. Hindi niya lang sinabi sa'kin. I just concluded that he didn't know because he looked shocked the moment I traced his vision and I saw it was directed at Cruzita.

"At least now you know...Cruzita won't hurt you anymore. Kung nakita mo lang siya ng maayos kagabi sa meeting namin...she's so damn scared and traumatized of what happened that she just want to immediately leave the country..."

Oh...so they really had a forum meeting.

"And because she loves my cousin, and my cousin loves you too, I'm sure she won't do anything wrong again. Ni gantihan ka...hindi na niya maiisip pa, Xia. She's now focusing to Zayden..." banayad niyang sinabi.

Umawang ang bibig ko sa lahat ng pakiramdam na rumagasa sa'kin. I don't know what to say. I'm so stunned that all I could do is to wait for him to say something again. Pakiramdam ko hindi pa siya tapos.

"Don't fret. Ayon kay Zayden magbabakasyon na lang muna sila ni Cruzita. You don't have to deal with this for long. Ngayong gabi ang huling training nila at bukas ang alis nila pabalik sa Pilipinas."

"You can really do that for me?"

Darcee smiled. I could almost see Krystal in his smile, only that I knew it's totally different in a sense, because they only resembles each other, but he's not him so I should stop thinking about it.

"It was a big risk. Paano kung napatay ko siya? O ako ang napatay niya?"

"Nah. You won't kill each other because Zayden loves you both..."

Sinimangutan ko siya. "And...it's okay with you if ever he really loves me?"

"I can't blame him. Who wouldn't fall in love to you?" hinuli niya ang takas kong buhok sa gilid ng mukha at nilagay iyon sa likod ng aking tainga.

"He hurt me. So that's not love, Darcee. If he truly loves me then he should've considered my feelings."

"I'm sorry..."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit ka nagso-sorry?" 

Nanatili ang ngiti sa kaniya labi pero may bahid na iyon ng kalungkutan kaya naalarma ako.

"You're...not ready for this..." bumagsak ang mga mata niya sa magkahawak naming mga kamay. "You're not completely moved on. Hindi muna dapat kita...inangkin—"

"No. No, please...don't say that." Lumapit ako at bahagyang hinaplos ang kaniyang labi gamit ang daliri para matigil siya.

Darcee lifted his soulful eyes on me. Mayroon pang isang sandali na parang saglit siyang nawala sa pagkakatitig sa'kin.

Pakiramdam ko tumagos hanggang kaluluwa ko ang kaniyang tingin. Naroon ang galit at takot sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung paanong nagsama ang dalawang magkaibang emosyon sa kaniyang berdeng mga mata.

"I am yours, and my heart is yours alone. Despite my pain and setbacks, I know I will soon be healed because you love me. You are the focus of my affection and the center of my world now. I love you, and let's continue building our relationship together, okay? Because that's what's important now."

"I love you...more, Xia."

Halos maduling ako sa kaniyang paglapit hanggang sa mapapikit ako, anticipating his lips. Nang lumapat ang labi niya sa'kin ay nawala agad ako sa sarili. Tila ba masiyado siyang nalulugod sa narinig kaya heto ang kapalit.

Darcee gave me a soft and sensual kiss as he grabbed me closer to him. Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niyang haplos sa likod ko. Dinama ko ang labi niya nang mabuti at ginantihan siya sa parehong intensidad.

He groaned and kissed me more.

Kinarga na niya ako habang pinauulanan ng mapupusok na halik. Everything went blank and I can already see smoky dots. Inupo niya ako sa ibabaw ng counter at agad kong pinulupot ang mga binti sa kaniyang bewang.

Padulas niyang hinawakan ang mga braso ko at siya na mismo ang nagpulupot ng mga iyon sa kaniyang leeg. Kumapit ako ng mabuti at halos sabunutan siya sa panlulunod niya sa'kin gamit ang kaniyang labi.

He gently bit my lower lip and pushed his tongue against me. He tasted all the corners of my mouth before his killer tongue slowly went down my neck.

It sents me chilling shivers. Napasinghap ako at napaliyad na nang tuluyan bago sumakay sa kaniya. He was damn ready for that move of mine. Tumaas ang kapit ng mga binti ko sa paghagod niya agad sa hita ko patungong puwitan, para alalayan ako.

I was ready for wherever this would go when I heard a sudden opening of a door and a gasped.

Napadilat ako.

Ako ang unang bumitaw sa halik dahil mukhang walang balak na tumigil si Darcee. Nilingon ko agad kung sino ang pumasok at halos mahulog ako sa pagkakahawak ni Darcee nang makita kung sino iyon.

"Shit..." hindi ko na napigilan.

What the hell is he doing here?

Bukas ang pinto ng condo ko. Nakatayo roon si Krystal at sandaling natulala sa'min.

"K-Krys..." kinagat ko ang ibabang labi ko.

Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata habang tinitingnan ang kapatid at kung hindi ako nagkakamali, takot. Nilipat niya ang tingin sa'kin at nanghina ako sa nakitang matinding pagtatampo sa mga mata niya.

Kalaunan ay nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na kayanin.

Nanunuyo ang lalamunan ko at kinabahan ako sa kaniyang reaksiyon. Tumayo ako nang maayos at lumayo nang kaonti kay Darcee. Hindi ako makahinga.

Ramdam ko ang titig ni Darcee sa'kin ngunit nanatiling nakababa ang tingin ko.

"Nakabukas ang pinto...kaya pumasok na ako," matabang na sabi ni Krystal.

Umigting ang panga ni Darcee at hindi siya nagsalita. I wonder if they're in good terms but...it seems like they're not.

Nagkatinginan ang dalawa. Gusto ko sanang magsalita para walain ang tensyon, pero kabado ako sa nadatnan niya.

Marahil dati pa niyang narinig ang tungkol sa amin. Ngunit alam kong nakakagulat nga naman ang nakita niya. Pakiramdam ko ngayon lang tuluyang nag-sink in sa kaniya ang totoong relasyon ko kay Darcee!

Ano ngayon? Hindi ka pa rin ba makapaniwala? This is the result of your absence in my life the moment I needed you so much. So, don't look at me like I did something so wrong, because this is the only right thing I know I did in this another life!

May kung anong kumukurot sa puso ko at gustong bawiin ang mga sinabi sa isipan. Pakiramdam ko kahit na hindi namutawi sa mga labi ko, narinig pa rin niya iyon, at lalo siyang nasaktan.

"Sa susunod matuto kayo'ng magkandado ng pinto..." sa matabang pa rin na tono.

Nakaawang pa rin ang bibig ko, naghahagilap ng sapat na hangin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya 'pagkat sa'kin siya nakatingin.

Ngumisi si Darcee, ngunit may bahid iyon ng panunuya at sarkasmo. Napataas din siya nang kilay, tila ba namamangha sa sinabi ng kapatid.

"Sa susunod din matuto ka'ng kumatok..." malamig na sinabi ni Darcee.

Naestawa na ako sa kinatatayuan. Bumitiw din si Krystal ng tingin at hindi na sumagot. Binaba niya ang mga dala sa hamba ng pintuan bago siya umalis nang hindi nagdadalawang tingin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam. Bigla akong natauhan. Nanatili ang mata ko kung saan nakatayo si Krystal kanina. Ni hindi ko nagawang sulyapan kung ano iyong mga dinala niya.

Pinipiga na ang puso ko ngunit nagawa kong ngumisi.

No, Xia. No.

This is the only right thing to do. Hurt him. Hurt him until you see him bleed to death. And you will not care at all as well as he didn't mind to care about you back then.

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 550 45
In a distant village there are five Dominant Clan. It is protected by the Sage, the ruler. Inside this village there are people who have various abil...
2.1K 211 39
Lahat tayo ay may sari-sariling hiling and all she wants is her desired effects. But everything changed in just a snap because of the people who's re...
2.2K 530 43
Sechrie Marie Sequez was just a normal high school student- not until her friend, Hannan, killed herself. Sechrie blames herself for what happened. S...
20.8M 763K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #01 β—’ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...