MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

18K 722 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 47

301 13 1
By NassehWP

Chapter 47

Sa araw-araw na yatang pagdarasal ko sa panginoon na sana'y hindi na pagtapuhin ang landas namin ng Negro ay hanggang ngayon hindi parin nadidinig!

Araw-araw sira ang araw ko!

Dahil sa tuwing pinagtatagpo kami ng tadhana ay siya naman madalas na pag init ng aking ulo. Kadalasan pa ay nawawalan na ako ng mood at madalas ng sigawan kung sinuman ang makasalubong ko.

Tulad na lamang ngayon, Araw ng linggo. Dapat mabait ako at nagmumuni-muni sa loob ng maliit naming tindahan na naipundar ko ng huling taon pero hindi yun nasunod dahil sa lalaking kulang na lang ay tumira na sa amin!

Oo nga pala, Noong nagtatrabaho palang ako sa Ramon sa may Grocery kina Sir Geovan ay nakapagisip na akong magbukas ng maliit na negosyo para pandagdag sa pangangailangan namin. Tuwang-tuwa sina Nanay at Tatay at ang mga kapatid ko dahil may sarili na kaming tindahan at hindi na kami mangungutang ng sardinas kung saan-saan tindahan.

Panay naman ang usisa ng mga kapit-bahay namin noong nagtatayo si Tatay ng maliit na pwesto sa harapan namin. Paano raw kami nagkaroon ng lakas ng loob na magtayo ng negosyo gayong wala naman raw kaming sapat na puhunan.

Ngumiti ako sa kanila upang pigilan ang pagsagot sa kanila ng hindi tama. Nakakainsulto kasi ang katanungan nilang iyon. Para bang pinararating na kahit kailan ay hindi na kami magkakaroon ng pag asang gumanda ang pamumuhay naming ng pamilya ko.

Sumagot ako kahit na may kaunting kirot sa aking dibdib dahil sa pangmamaliit nila sa buhay na mayroon kami.

"May trabaho na po ako. Sa grocery. Saleslady po ako roon. Hindi man po kalakihan ang sahod ko pero kumikita parin naman po ako at sapat para makabili ng isang kilong bigas at mga delata at kung ano-ano pang kailangan namin."

Iyon ang sagot ko sa kapit-bahay naming si Aling Meyang na siyang madalas maliitin ang buhay namin.

Isa na ang nawala sa amin kaya kailangan na naming gumawa ng paraan para hindi na iyon maulit pa dahil lang sa wala kaming perang pang pa-gamot at pambayad sa hospital sa tuwing may nagkakasakit sa amin.

Ginamit ko ang mga salitang araw-araw naririnig ko sa mga taong nasa paligid namin na walang ibang ginawa kundi maliitin, kutyain at apakan ang buong pagkatao namin dahil sa estado ng aming buhay.

Lumakas ang loob ko. Nagkaroon ng tapang sa aking dibdib upang harapin ang hamon ko sa buhay. Hindi dahil naranasan na naming mawalan ng minamahal kundi...nagsasawa na akong nakikitang nasasaktan ang pamilya ko dahil sa ibang tao.

Nakapagpundar ako ng materyales para sa bahay namin. Gusto ko kasing maging maayos ang tirahan namin. Ang dati naming butas-butas na yero at sako-sako ay napalitan na ng bagong galva. Ang dating sako ring naming pader ay may hollowblock na bagamat may ilang parin de kahoy ang gawa. Pati ang pintuan maayos na din. Napalitan na ring iyon ng tabla. Semento na din ang sahig namin. Hindi na lupa na madalas maging putik sa tuwing umuulan at tumatagos sa butas-butas naming yero.

Ang mga gamit namin sa loob ng bahay ay unti-unti na ding napapalitan. Mula sa mga plastik na baso, may pingas na basong babasagin, pinggan plastik at mga yupi-huling kutsara. Lahat na iyon ay de metal at babasagin na. May babasaging pitsel na ding kami at magandang mesa.

May mga lagayan na ding kami ng mga damit. Mga Durabox. Tig-isa kaming maganak. At may maliit na TV. May mga matitino na ding kaming mga unan at kumot at banig na may kutson. Hindi na kami natutulog ng walang sapin. Komportable na kaming matulog sa magandang higaan.

Lahat ng wala kami noon ay mayroon na kami ngayon.

At ang lahat ng natatamasa namin ngayon ay pinagpapasalamat ko sa panginoon. Nagpapasalamat ako na hanggang ngayon. Hindi niya kaming pinababayaan sa kabila ng nangyaring trahedya sa buhay namin.

Alam kong sa bawat hamon na binibigay niya sa akin sa amin ng pamilya ko ay hindi yun madaling harapin at alam kong hindi niya ako bibigyan ng isang hamong hindi ko kayang harapin.

Katulad na lamang ngayon uli, Kailangan kong harapin ang bakas ng kahapon!

Ang kanina pa ako nabubwesit dahil hanggang ngayon ay nasa harapan ko parin ang lalaking nag ngangalang NOLIVEROS SANTILLAN!

"Hindi kaba hinahanap ng Nanay mo? Baka magalit 'yon kapag nalaman niyang nasa pamamahay kanang dukha." Wika ko sa matabang na tono.

Bahagyang natigilan ang lalaki at napatingin sa akin.

"Hanggang ngayon ba ay galit ka kay Nanay?" Tanong na pabalik sa akin ni Noli.

Tumalikod ako at hinanap ang Calculator. Dahil mahina ako sa math gumagamit ako non.

"Hindi ko kailangan magalit sa Nanay mo Noli. Totoo ang lahat ng mga sinabi niya noon. Dukha kami at wala ng pag asa pang gumanda ang buhay tulad niyo...ng iba." Sagot ko ng hindi siya nililingon. Nagumpisa na akong magkwenta ng mga nagastos nitong mga nakaraang isang linggo. Tuwing Sabado kasi ay kailangan kong maginventory at tignan ang wala sa paninda.

"Pero gumaganda na ang buhay niyo Myrna." Aniya.

"Kaya naririto ka uli?"

Hinarap ko si Noli.

"Naririto ka uli dahil unti-unti ng nababago ang buhay namin at iniisip mong kayang-kaya ko ng ipagmalaki ang pamilya ko kasi—" Sandali akong tumigil sa pagsasalita at inikot ang paningin sa kabuuan ng tindahan. "Dahil may maliit na kaming negosyo at kaya na naming bumili ng de lata at bigas at hindi na kami mangungutang? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka narito?"

Nagdilim ang kaniyang mukha. Nagsigalawan din ang kaniyang panga.

"Alam mong hindi ako tumitingin sa estado ng buhay Myrna!" Matigas na sabi ni Noli sa akin. "Kung ano ka noon ay tinanggap kita!"

"At ngayon?"

Bahagya siyang natigilan.

Mayamaya ay lumamlam ang kaniyang mga mata.

"Tinatanggap parin kita Myrna."

Napangiti ako ng mapait.

"Kung tinanggap mo ako. Dapat noon pinaglaban mo ako Noli." Mapait na sambit ko.

"Myrna,"

Tumalikod uli ako at pinagpatuloy ang ginagawa kanina.

"Hindi ko alam kung anong pinaplano mo Noli. Araw-araw kang nandito at kulang nalang ay dito ka tumira. Kung ang paghingi lang ng tawad ang pinupunta mo dito ay matagal na kitang pinatawad Noli. Kaya itigil mo na ang pagpunta-punta mo dito."

"Ayaw mo na ba Myrna?"

Ako naman ang natigilan sa tanong na iyon ni Noli.

Muli ko siyang hinarap.

"Anong ibig mong sabihin?"

Humakbang siya palapit sa akin at walang sabi-sabing kinuha ang dalawa kong kamay at masuyong hinawakan iyon at inangat.

"Ayaw mo na bang magumpisa tayo uli?"

Napamaang ako. Mabilis na binawi ang sariling mga kamay sa kaniya.

"Kalokohan ang sinasabi mo Noli!"

"Anong kalokohan roon Myrna? Kalokohan bang gusto kong bumalik tayo sa dati?"

"Oo!"

"Hindi!"

"Noli, matagal na tayong tapos! Ang ang nararamdaman natin noon ay hindi totoong pag-ibig! Masyado pa tayong mga bata noon at Puppy love lang ang lahat ng iyon! Kaya huwag mong bigyan ng katotohanan ang nararamdaman natin noon!"

Pagak siyang natawa.

"Tanginang Puppy love na 'yan! May Puppy love bang nasasaktan ah Myrna?!" Sambulat niya sa galit na tono.

"Huwag kang magmura!"

"Edi Sorry! Pero tangina parin! Kung puppy love lang ang nararamdaman natin noon edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito! Sana hindi ako nagmakaawa sa tatay mong huwag ipagkait sa akin ang panganay niya! Tangina! Hindi ako luluhod at hihingi ng pangalawang pagkakataong para mabawi ang tiwala ng anak niya kung putanginang puppy love lang pala itong nararamdaman ko sa 'yo Myrna!"

"E tangina din pala eh! Bakit mo ako iniwan? Bakit ka umalis ng walang paalam? Tangina Noli! Araw-araw. Gabi-gabi akong nagpupunta sa inyo. Nagmamakaawa sa harapan ng Nanay mo makausap ka lang! Wala akong ibang hinangad ng mga oras na iyon kundi makausap ang lalaking mahal ko! Pero wala akong ibang narinig sa Nanay mo kundi panlalait, pangkukutya sa pagkatao ko!" Sabi ko sa tonong nanunumbat ngunit may kirot sa aking dibdib sa tuwing maaalala ang nakaraan.

Naginit ang mga mata ko at Nagumpisa nang mamuo ang luha.

"Walang araw na hindi ko naranasan ang pang mamata ng Nanay mo sa aking sa tuwing susubukin kong kausapin ka Noli! Oo! Hindi kami mayaman! Wala kaming sariling lupa! Hindi nakapagtapos ang mga magulang ko! Walang magandang trabaho! Panay kami utang ng bigas at sardinas para lang makakain! Pero tangina Noli! Masakit! Masakit na sa mismong Nanay ng lalaking mahal ko maririnig lahat ng pangunguyat! Ang mga tao sa paligid natin. Mga kapit-bahay natin! Ang tingin sa akin ay desperada dahil naghahabol parin ako sa 'yo! Pero lahat ng iyon tiniis ko dahil mahal kita Noli! Pero anong ginawa mo? Naghanap ka agad! At iniwan mo akong sa panahong kailangang kita!" Lumuluha ng sumbat ko sa kaniya.

"M-Myrna..."

"Kailangan ko nang masasandalan ng mga panahong iyon Noli pero wala ka..."

"Nang mawala ka kasabay naman ng pagkawala ng mahal ko sa buhay Noli. Nawala ang kapatid ko at hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahong iyon. Wala akong ibang hinangad at inisip noon Noli. Na sana...na sana...nandyan ka sa tabi ko." Umiiyak ng sambit ko.

Tinalikuran ko siya at naupo sa upuan at sinubsob ang mukha sa ibabaw ng maliit na mesa at doon umiyak ng umiyak habang ninanamnam ang sakit dulot ng nakaraan.

"Nangako ka Noli na hindi mo ako sasaktan at iiwan na kahit anong mangyari." Umiiyak paring sabi ko. "Umaasa ako na sana isang araw dumating ka pero ni anino mo ay hindi ko nakita."

"H-hindi k-ko a-alam ang n-nangyari Myrna. W-Walang nagsabi sa akin. Kahit si Nanay ay walang sinabi sa akin." Parang nakokonsensya g sabi niya.

Ngumiti ako kahit umiiyak.

"A-alam mo ba kung ano ang pinagsisihan ko noon Noli?" Garagal na tanong ko habang nakasubsob ang mukha sa ibabaw ng mesa.

"A-ano."

"Iyon ay ang mahalin ka..."

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

34.1K 7.1K 35
OPEN! Join a community of passionate readers, where the love of literature meets a welcoming and professional atmosphere.
8.1K 253 5
Yasmin Monroe signs up for Love Island 2024 looking to find her perfect match.
9.8K 1K 85
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...
185K 19.9K 56
"කේතු දන්නවද මම කේතුට කොච්චරක් ආදරෙයි කියල ?" "හැමතිස්සෙම වචනෙන් නොකිව්වත් සර්ගෙ ඇස් මගේ ඇස් එක්ක පැටලෙනකොට ඒ දිලිසෙන ඇස්වලින් මට පේනවා සර් මට කොච්...