High School Sweethearts

By gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

28

16 2 0
By gazery

. . .










Pabuntong-hininga na iminulat ni Nella ang mga mata nang maramdaman niyang nagigising na siya. Ramdam niya ang init ng mga mata niya't hininga na lumalabas sa dalawang butas ng ilong niya. May malamig din na kung ano na nakapatong sa noo niya na hula niyang bimpo na basa.

Paglingon niya sa bintana ay madilim padin, at nung tumingin siya sa orasan ay alas-kwatro na ng madaling-araw. Babalik pa sana siya ulit sa pagtulog nang bigla siyang mapabaling sa gilid ng kama niya kung saan, doon niya natagpuan si James na nakahiga ang ulo sa tabi ng hita niya habang nakahawak sa kumot niya.

'Binantayan niya ba ako??' tanong ng babae sa isipan saka napabuntong-hininga.. Pumasok nanaman sa isipan niya na naging pabigat muli siya sa binata. Ayaw niyang naabala niya ito nang dahil sa personal niyang dahilan. Nung nagpapractice sila at pinagpahinga siya, gising padin naman ang diwa niya at buong oras siyang binantayan nito. Ni hindi ito sumali sa practice dapat ng mga lalaki para lang masiguradong nababantayan siya.

Gusto niya sanang gisingin si James ngunit nung matitigan niya ang mukha nito ay kusa na siyang pinigil ng sarili.. Parang bata itong nakasiksik sa gilid ng hita niya na para bang nilalamig na pero pinipilit na hindi maramdaman iyon lalo. Malaki din ang pasasalamat niya dito dahil grabe ang pag-aalaga nito sakaniya.. na hindi naman niya inaasahan na magagawa nito. Hindi kasi ito iyong tipo ng lalaki na mag-aabala pang bigyan ka ng pag-aalala at pag-aaruga dahil kadalasan, hindi ito nagbibigay ng atensyon sa mga taong hindi naman nito gano'n kaclose.

Habang abala ang mga mata ng dalaga sa pagtitig sa nahihimbing na binata ay natagpuan na lang niya ang sariling palad na umalis sa tabon ng makapal na kumot at marahang lumapag iyon sa malambot na buhok ng lalaki. Marahan niyang sinuklay ang buhok nito habang pinapanood ang pag-angat at baba ng balikat nito, senyales na nasa gitna nga ito ng mabigat na pagtulog.

Ilang oras na nanatili doon si Nella sa posisyon na iyon na para bang hindi siya nangangalay. Sa katunayan, wala siyang nararamdaman na pangangalay. Ang ginawa pa nga niya, mula sa ulo nito ay bumaba iyon sa malambot nitong pisnge saka marahang hinaplos iyon.

*CLICK*

Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang pagbukas non. Nung makita niya kung sino ang nagbukas ay napatigil siya. "Ma'am Jams.." namamaos niyang tawag dito kaya bumakas ang pagkagulat dito at dali-daling umupo sa kabilang parte ng kama.

"You're awake na pala! Titignan ko lang sana kayo ni James dito, kasi baka nahihirapan siyang mag-alaga.. Hindi kasi siya sanay na mag-alaga ng may sakit. And share ko lang, ha? It's his first time taking care someone sick."

"T-talaga po.. ?"

"Yup.." ngiting tango nito saka niyakap ang sarili dahil ang suot lamang nito ay Satin bath robe.. "Alam mo, Nella.. I'm really thankful na nagustuhan ka ng anak ko.. kasi he changed a lot. Sa twing nagkukwento kasi siya sa'kin noon abput sa mga ka-flings niya.. He always like.. 'You know, Mom? I have my new fling now.' And I'll respond.. 'Oh, again anak? Hindi ka ba nauubusan? Akala ko ba magkakabalikan kayo ni Rebecca?' and then, he will just smirk at me.. Para siyang Daddy niya noong college days namin.. Jordan always have a lot of girls on his hands.. Kapag may pagtatalo sila ni girl 1, he will immediately go with his girl 2.."

"Grabe naman po pala si Sir Jordan noon, Ma'am? Paano naman po kayo nagkakilala?"

Bago sagutin iyon ng ginang ay kinuha nito ang bimpo sa noo niya at inilublob sa may stainless na balde na maliit lang naman. Saka nito piniga iyon at ipinatong sa noo niya. "So.. Uhmm.. Nagkakilala nga kami ni Jordan sa college days namin.. And if specific, I was an SC officers that time and pinagalitan ko siya kasi ang kulit-kulit niya. He always yelling with his kabarkada."

"Gano'n din po si James, eh.."

"Kaya nga, 'di ba.. ?! Ako ang nagdala sakaniya ng siyam na buwan, but kuhang-kuha niya si Daddy niya. Yung height, yung boses, yung tindig, yung mukha and yung ugali! Kung alam mo lang kung gaano ko pinaghahampas si Sir Jordan mo dahil nung ipinanganak ko nga si James, mukhang-mukha niya.."

Mahina namang natawa si Nella at hindi na nararamdaman ang sarili na hinahaplos at hinihimas padin ang pisnge ni James.. Kanina niya pa ginagawa iyan habang nagkukwentuhan sila ng ina ng binata.

"I just want to thank you, Nella.. I'm really thankful.. Hindi ka lang naging happiness ng panganay ko, naging inspiration ka din niya para makapag-aral siya ng maayos na hindi ko in-expect na gagawin niya.. Ang dami mo nang natulong sa amin, and napakalaki na ng utang na loob namin."

"Wala po yun, Ma'am.. Marami din naman po kayong naitulong sa akin, kaya patas lang po tayong lahat.."

Napangiti naman ito sakaniya saka nito tinapik ang pisnge niya ng marahan.. "I'm going back to sleep na, ha? Ikaw din.. Go back to your sleep para gumaling ka na.."

"AYAN NAAAAA!" hindi maiwasan ni Nella ang mapangiti nang sugudin siya nila Sam at nila Athea ng yakap nung pagkababa niya sa court na pinagpapractice-an nila. "WAAAAAHHHH!"

Ilang araw siyang hindi nakasali sa mga sayaw na natapos na ng lahat, at tanging siya nalang din talaga ang hinihintay dahil panay siya ang ginigitna ni Coach Halls. "Hello!!" napapatalon na bati ni Coach Halls sa dalaga na nakangiting tinanggap ang yakap nito. "The dancing queen is back! Ano?! Ready na bang sumabak?! Wala ka na bang sakit?!"

"Wala na po, keri ko na!"

"Edi, simulan na!"

Katulad ng inutos nito ay nagsimula nga silang mag-ensayo. Maayos naman na ang lahat at nililinis na lang lahat, especially ang stunts nila dahil medyo may pumapalya pa sa Pyramid nila pero naaayos din naman kung paminsan. Iyong mga choreographies naman na dapat matutunan ni Nella ay kumpleto na niya kaya saktong-sakto na.

"Kaya mo bang mag-tumbling?" tanong ni Coach Halls sa babae.. Nagpapahinga na sila dahil iyon na ang bago nilang routine. Kapag daw kasi tapos na ang sayaw nila ay puro linis na lang. Like markings, doings, markings, doings tapos pahinga, markings ulit at doings. Para mas makabisado nila't maayos ang performance. "Kaya mo??"

"Cartwheel, try ko po muna.." tango ni Nella saka inayos ang suot na itim na t-shirt saka tumalon-talon muna bago tumakbo at nag-cartwheel..

"Eh, ibang tumbling pa.. Roundoff.."

"Try ko po ulit.." natatawang saad ni Nella at tumingin sa harapan.. Ang mga kaklase niya ay nakatingin sakaniya, kasama ang guro nila na inaabangan din iyon. "Okay.." tango na ng dalaga saka siya tumambling na at nung makaladlad ang paa niya sa sahig ay na-out of balance pa siya kaya napakapit siya sa malapit na poste 

"Ang hirap nitong pagdesisyunan kung saan, 'no, Sir? Hindi ko kasi pwedeng bitawan 'to sa dancers, kailangan na kailangan kasi hahatakin niya yung mga judges eh.." natatawang sabi naman ni Coach Halls kaya napatawa din si Sir Dan.. "Nag-aral ka ba ng pagsasayaw dati?"

"Ah, hindi po.."

"Ah, talaga?"

"Mm.."

"Okay. Akala ko natuturuan ka kasi ang galing mo din talaga sumayaw. Kaya nga kita ginigitna, eh.." ngiti nitong sabi pa bago tumingin sa cellphone para may i-check doon..

"Hmm, gago.. !!" tatawa-tawang pagtampal ni Jay sa baba ni James na nahuli niyang nakanganga habang nakatitig kay Nella.. "Inamo ka, ha.. Nababaliw ka nanaman."

"Parang tanga ka, Jay.."

"Ikaw nga parang tanga d'yan, eh.. Nakanganga ba naman."

"Mainit kasi!"

"Anong konek?! Mainit tapos nakatitig kay Nella? Eh, para kang die hard fan na pantasyang-pantasya sa idol niya! Para namang hindi mo nakikita 'yan sa bahay niyo!"

"Manahimik ka nga! TIGILAN MO 'KO!" paniniko ng binata sa kaibigan na natawa nanaman at akmang babatukan siya nang sabay silang mapatingala kay Brena na siyang biglang sumulpot doon at umupo na lang bigla sa tabi ni James at inihiga ang ulo sa balikat nito.

"Huy, Brena.. !" seryosong pagsaway ni Jay sa babae na hindi siya pinansin at pumikit lang. Si James naman ay napakunot ang noo at susubukan sanang alisin ang ulo ng babae ngunit yumakap ang mga braso nito sakaniya.

"Tang ina naman.." bulong niya sa sarili dahil sa pagpipigil na tulakin ang babae. Kung wala lang siguro siyang kakarampot na respeto dito ay tinadyakan niya na ito. Hindi niya tuloy maiwasang mapatingala kay Nella na hindi naman napapatingin sakanila na mas mabuti, dahil baka akalain nitong may nangyayaring hindi maganda sa kanila.

"Huy, Brena.. Inang 'to, oh.. Hoy, Sam! 'Tong bestfriend mo, awatin mo naman!!" kalabit ni Jay kay Sam na napatingin kay Brena at napairap din. Nag-away yata ang dalawa kaya siguro gano'n ang ikinikilos ni Brena.

Ngunit hindi sapat iyon na dahilan para kay James dahil una sa lahat, wala siyang pakielam kung anong mangyari sa dalaga. Mag-away man sila ng mga kaibigan nito o ano man.. Nakakailang at nakakairita para sakaniya dahil pakiramdam niya'y niloloko niya si Nella sa simpleng paghiga lang ng ulo nito sa balikat niya samantalang kapag sila Maeya ang gumagawa non ay ayos lang naman.

"Hoy, Brena! Umalis ka nga d'yan.." saway naman ni June sa babae ngunit parang bingi itong hindi sumusunod bagkus ay mas siniksik nito ang sarili sa lalaki na panay ang pilit na paglayo. Marahan din nitong inaalis ang nakakapit niyang palad sa braso nito ngunit sadyang madikit ito.

Hindi tuloy maalis nila June ang mga masasamang tingin sa babae.. Maayos naman na sila kay Brena, eh dahil parte din naman ito ng barkadahan nila ngunit hindi padin nila nakakalimutan kung ano ang ginawa nito kay James.. Magpapatawad sila pero hindi sila makakalimot.

Ayaw din nila ng ganoon.. May namagitan noon kila Brena at James, pero ngayon ay wala na sila dahil may iba nang inaasikaso si James at kita nila kung gaano kaseryoso ito sa nililigawan tapos biglang sisingit sa eksena itong si Brena na animo'y may hinahangad siya sa binata. Kahit naman kasi puro kalokohan ang inaabala ng magbabarkada ay hindi naman sila mga tunay na loko-loko para suportahan at hayaan na lang ang posisyon ng dalawa. Malaki ang respeto nila kay Nella. Botong-boto sila dito.

"Tang ina, hahatakin ko 'yan.." bulong ni Michelle kay Karl na napangisi ng sarkastiko.. "Hoy, Brena! Umalis ka nga d'yan! Talaga 'to, oh.."

Dahil doon sa ingay nila ay napapabaling na din ng tingin ang iilang kaklase nila na nagbulungan na din. "Ang lagkit talaga niyang si Brena, 'no?" ngiwing saad ni Danica.

Si Athea naman na nakaupo sa tabi nila ay tila nanlilisik na ang mga mata habang nakatitig kay Brena na para bang walang pakielam sa mga apula ng magbabarkada na para bang iniisip na lang nito na biro lamang iyon. "Sarap sapakin, eh.." bulong niya at napatingin kay Nella na abala sa pakikipag-usap sa coach nila..

Tumayo naman agad siya para sana sabihin dito ang tungkol doon pero naunahan na siya nito dahil nung sandaling ibinaling ni Coach Halls ang tingin sa guro nila ay agad bumaling si Nella sa gawi nila James na ganoon padin ang sitwasyon.

"Oops.." bulong niya sa sarili at bumalik sa inuupuan kanina bago pinanood kung ano ang gagawin ng kaibigan niya.

Nakapamulsa na ito ngayon habang nakatitig sa dalawa.. Naniningkit pa ang mga mata nito habang tumatagilid na ang ulo.. "Ayan na nga ba sinasabi ko.. Jelly ace everywhere.." malisosyo niyang saad kaya hindi maiwasan nila Athena ang mapaimpit ng tili.

"Ano kayang drama 'to? May sabunutan ba?" pumapadyak namang sabi ni Danica kaya napatawa ang mga kaibigan niya.. "Ay gusto ko 'yan.."

"Hindi hilig ni Bal yun.. Alpha namin 'yan, eh."

"Wow.. Alpha siya?"

"Siguro.. ?? Tawagan lang namin, imbeto lang! Vibe lang niya kasi yung Alpha kasi for me ang ganda ng personality niya.."

"Taray!"

Napabuntong-hininga si Nella at napatitig lalo sa dalawa. Pinagmasdan niya si James at kita niya kung gaano ito hindi kakomportable sa paglingkis ng babae dito. At hindi niya gusto ang ideya na iyon.

"Ah, excuse." tapik na niya sa balikat ni Brena na dahan-dahang iminulat ang mga mata saka tumingala sakaniya. Iyong magbabarkada ay nanahimik bigla habang nakatitig sakaniya na hindi naman niya binalingan ng atensyon niya. "Palit tayo."

"Uhm.. pwede pahiram muna ako kay James?"

"Hindi naman gamit 'yan para hiramin." prangka niyang pagsagot dito saka deretsong tumingin sa mga mata ni James na nakatitig sakaniya.. "Excuse, Brena.."

"Please, kailangan ko muna si James.."

"Nand'yan maman si Sam.. Bakit sa dinami-rami ng pwede mong kailanganin, yung akin pa?"

"Halah.." bulong ni Jay at napasapo bigla sa bibig. Nung mapatingin sila kay James ay palihim silang napangiti dahil sa pamumula na ng mga pisnge at mga tenga nito.

"Pwede bang umalis ka na, Brena? Hindi komportable si Bremen sa'yo at matuto kang i-distansya 'yang sarili mo.." kalmado ngunit nangmamrangka na saad ng dalaga at pinanood ang babae na dahan-dahang umalis doon na para bang napapahiya.









...

"Halah.." same Jay.. Same !! 😭✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

538K 21.3K 31
- "Y/n will you marry me, when we grow up?" -"Only, If you'll treat me to my favourite ice-cream every day then I will marry you." ••••••••••••••••••...
4.5M 285K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
52.3M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...
3.6M 198K 48
A WATTPAD FEATURED STORY #1 IN HUMOR "SATAN!" Gabby grinned, out of the blue. "Dude, why on earth will you find us a ship name? That too SATAN...