43

16 2 0
                                    

. . .










Nagising kinabukasan si Nella na ramdam ang napakahigpit na pagkakapulupot ng mga braso ng kaniyang bunsong kapatid na mahinang humihilik pa. Hindi na siya nito halos binitawan sa buong gabi na sila'y nahihimbing sa pagtulog. Parang natatakot na itong makaalis na siya kahit wala naman na sa plano niya ang umalis.

"Ate.. 'wag kang aalis.." parang sanggol na atungal nito kaya hindi maiwasan ni Nella ang mahinang matawa at hinaplos ang likod na palad ng kapatid.. "D.. dito ka lang po."

"Dito lang si Ate, 'wag ka nang mag-alala d'yan.." bulong niya at mrahang humarap dito para yakapin ito paharap at tapikin ito upang bumalik sa pagtulog.

Agad namang inihiga ni Melo ang pisnge sa dibdib ng Ate Nella niya habang ang mga braso ay mas humigpit ang kapit sa katawan ng nakatatandang kapatid habang nakadantay pa ang isang hita sa pang-ibabang katawan nito upang masigurado na hindi makakawala sakaniya ang Ate niya.

Hinayaan lang naman iyon ni Nella dahil alam niyang sinusulit at binabawi ni Melo ang mga taon na malayo sila sa isa't isa.. Alam niya kung gaano kinasabikan ng kapatid niya ang mayakap siya sa twing oras na ng pagtulog. Ang walang sawa na pagtapik niya sa likuran at pwetan nito hanggang sa bumagsak na ito sa pagtulog. Ang pagpatak niya ng napakaraming halik sa mukha nito na halos paliguan na ito ng mga halik ay siyang kinasasabikan araw-araw ni Melo.

"Nella," napabaling ang dalaga sa lola na pumasok sa kwarto nila ng bunso at nagpamaywang. "Bakit hindi pa kayo tumayo ng kapatid mo?"

"Gusto pa pong matulog, Lola, eh.." mahina ngunit sapat upang marinig ng Lola niya ang kaniyang sinasabi.. "Puyat na puyat po yata."

"Aba'y binantayan ba naman ang pagtulog mo. Baka daw kasi tumakas ka't iwan nanaman siya."

Mahinang natawa si Nella at naihiga ang pisnge sa ulo ni Melo at marahang hinimas ang likuran nito paitaas at baba. "Ayaw po yata niyang maniwala na hindi na ako babalik sa Amerika."

"Kaya nga, eh.. Tumayo ka na d'yan, dahil baka kumukulo na iyang sikmura mo."

"Mamaya na po, hindi pa gising si Melo eh.."

"Gising na 'yan.. Nagpapalambing lang." ngiwi ng Lola niya at lumapit sa gawi nila saka nito malakas na hinampas ang pwetan ng bunsong apo na napaangil at mas isiniksik ang malaking katawan sa katawan ng nakatatandang kapatid niya.. "Tumayo ka na d'yan! Baka nagugutom na 'yang Ate mo!"

"Ayoko pooo!!" angil nito kaya hindi na maiwasan ni Nella ang matawa..

"Tumayo ka na, isa! Tanghali na, oh! Tara na! Baba na, Melo!"

Pagkasabi ng lola nila non ay mas napaangil pa si Melo at napasubsob ang mukha sa damit ng Ate Nella niya na tinatapik-tapik padin ang likuran niya. "Nella, tumayo na kayo ng kapatid mo.. Isa ka pang kinukinsinti iyan."

"Eh, ngayon lang naman po kami natulog na magkatabi eh."

"Aba'y pwede niyang gawin iyan mamaya matapos kumain! Tara na! Kapag hindi pa kayo bumaba, pareho ko kayong paaluin sa puwit!"

"Osige na po.." tango na ng dalaga at nung makalabas na ang lola ay ginising na niya ang bunso niyang kapatid na sumunod naman at agad humalik sa pisnge niya bago ito dumeretso sa cabinet nito para kumuha ng damit at magpalit.

"Ate, tara na.." hawak ni Melo sa kamay ng Ate niya at pinagsaklob ang mga daliri nila. Mahigpit ang kapit nito sa Ate na tatawa-tawa. "Kakain na daw tayo. Pareho tayong malalagot kay Lola niyan."

"Ayaw mo pa kasing gumising eh, ayun tuloy.."

"Ehhh, ayaw ko pa eh! Gusto ko pa matulog! Tara na!" inip nitong aya kaya nagpahatak na lang ang babae sa kapatid dahil wala na din naman siyang takas dito.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now