17

29 2 0
                                    

. . .










"Sino ka-chat mo, par?" tanong ni June kay Karl na siyang abala sa pagpipindot sa cellphone nito na tila may kausap sa internet. "Kanina ka pa d'yan, par.."

"Oo nga.. Nag-aaway nanaman yata kayo ni Danica eh. Tama na muna 'yan, kumain ka na. Natutunaw na yung sundae oh!" kalabit naman ni Jay sa kaibigan na natawa at umiling..

"Mga tarantado.. Hindi si Danica ka-chat ko. Si Nella."

"An'sabe?" napalingon silang lahat kay James na siyang itinigil ang paglalaro ng Mobile Legends at tutok na tutok na tinitigan si Karl.. "Huy?"

"Grabe talaga.. Patay na patay ka na sakaniya, 'no?"

"G-gago.. seryoso, anong sabi? Ilang araw na siyang absent.. Sabi sa Monday lang siya mawawala, eh bakit lumipas na yung Wednesday wala padin siya?"

"Wehh?? Miss mo lang, eh.."

"C-concern lang kaya ako, ang issue mo naman.."

"Sus, ayaw pa aminin.. Wala kang maloloko sa pamilya na 'to."

"Ano nga kasi! Sabihin mo na, Karl!"

"Tanga.. Tinanong ko kasi kung bakit hindi siya pumasok. Nasa ospital pala siya---binabantayan yung lola niya. "

"Ayy.. weh?! Ano daw ba nangyari?"

"Na-heat stroke.. Nung tuesday pa daw yun. Ngayon, pinagpapahinga lang muna yung Lola niya tapos papasok na daw siya kaagad kinabukasan."

"Nako naman.. Kailan ba siya mauubusan ng mga problema? Nakakaawa na siya. Binigyan nga siya ng isang araw na pahinga, binigyan nanaman siya ulit ng pagod.." mahina ngunit sapat upang marinig ng lahat na sabi ni Jay. "Buti kinakaya niya pa, 'no?"

"Malakas yun, eh.. Nella kasi yun.." proud na proud pang ani ni Bj na tila isa itong nakatatandang kapatid ng dalaga..

Kinabukasan.. Maagang pumasok ang buong magbabarkada dahil na din sa may mga quizes silang gagawin. Ayaw sanang pumasok ni Jay dahil Thursday na at cleaners siya. "Si gago parang baliw oh.." tatawa-tawang duro ni Jay kay James na siyang nakaupo doon sa railings sa mga gilid ng pintuan.

Yun kasi ang design ng room nila. May railings sa bawat gilid at wala silang alam kung bakit may gano'n doon sa room nilang mga Grade 10 Students.

"Manahimik ka, Jay ah.. Tumatambay ako.." pagdadahilan ng binata dahilan para mapatawa ang mga barkada niya.

"Hoy! Lasing! Wala kang maloloko dito.. Kagabi ka pa nagsasabi sa amin kung ayos ba yung mukha mo! Ngayon.. Nagsasabi ka pang paano ka kikilos sa harapan niya! Sus! Hindi na crush 'yan, in love ka na!"

"U-ulol.. OA niyo. Never akong maiinlove."

"'Yan din sabi mo, beh.." agad na singit ni Maeya.. "Sabi mo hindi mo magiging crush si Anes pero ano ka ngayon? Daig mo pa aso na sabik na sabik nang makita yung amo niya.. Arf arf?"

Nagsihagalpakan nanaman ng tawa ang mga kaibigan ng lalaki na ngayon ay ngingisi-ngisi lang na umiling.. Pero agad nawala iyon nang bumukas ang pintuan. Sa pag-aakala na si Nella na iyon, pero nadismaya lang siya nang makasalubong niya ang paningin ni Brena. Akala ni Brena ay inaabangan siya ng lalaki kaya medyo lumapit siya dito at kinalabit ito.

"Hinihintay mo 'ko?"

"Hindi." iling agad nito at sumulyap sa pintuan kaya napasulyap siya doon, wala namang tao.

"Wala ka namang ibang hihintayin, 'di ba? 'Wag ka nang umupo d'yan, baka mahulog ka.." utos nito kaya napaangat ang kilay ni James. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pag-uutos nito sakaniya na akala mo naman ay mayroon pang sila,. Pero sa katunayan, wala naman talagang sila. M.U. lang naman. "J-james.."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now