54

14 2 0
                                    

. . .


THE EVENT 🎀










Naunang pumunta si James sa Welcome Event niya dahil kailangan siya ng mas maaga doon at kailangan na din namang ayusan si Nella dahil kailangan na maging mabusisi ang pag-aayos dito lalo na't iaanunsyo na din ng binata na sila'y nagkabalikan na.. "Good morning, President Harvin!" bati ni Mr. Cha na siyang isa sa mga naging ka-partner ng lalaki sa mga nagdaang proyekto.

"Good day, Mr. Cha! And of course.. good day, Mrs. Cha!" ngiting bawi na bati ng binata at nakipagbeso kay Mrs. Cha na tinapik pa nga ang likod niya habang matamis na nakangiti. "You really look good together.. Wala pa din talagang kupas!"

"Thank you! I like your outfit today! Mukhang espesyal ang araw na 'to, ah? And.. !! Wow! You look good on your new haircut!"

"Oooh.. you noticed! Thank you!"

"Yeah! Dito muna kami ni Asawa kasi mag-aabang kami ng mga kumpadre't kumadre hehe!"

"Oh, yeah go on! Make yourself comfortable!" ngiting ani ni James bago bumati sa ibang bisita.. Karamihan doon ay ang mga enpleyado niya, at ang iba naman ay mga naging ka-partner niya sa nagdaang projects ng My Donna Company.. May iba namang dati niyang kaklase noong kolehiyo siya na ngayon ay mga umaasenso na din.

Habang abala siya sa pagbati sa mga dumadalo, at parami na din nang parami ang tao sa buong venue--ay biglang dumating iyong mga barkada niya, kasama ang mga magulang niya. Dali-daling pumunta si Karl sa kaibigan na nagulat pa nung sumulpot siya sa likod nito. "Nakakagulat ka naman! Pero, wow! Gwapo natin, ah? Bakit blooming ka?"

"Secret. Hehe! Kasama namin sila Melo."

"Girlfriend ko? Nasaan?"

"Kasabay sila Zena. Si Tonyo ang maghahatid sakanilang tatlo kasi nga 'di ba? Mag-fiancé yung dalawa."

"Hindi pa pinauna yung girlfriend ko.. Miss ko na."

"Tang ina ka naman! Halos magkasama na nga kayo palagi, tapos gan'yan ka pa kung masabik sakaniya? Utol, natulog naman kayong magkasama 'di ba?"

"Oo nga pero.. miss ko padin. King ina ka, bakit ba ang pakielamero mo?! Akala mo naman hindi ka gan'yan kay Danica! Ulol ka! Doon ka na nga! Lumalabas nanaman pagiging maldito ko kapag ikaw kaharap ko!" angil at pagsusungit pa ni James kaya tatawa-tawa na lang na bumalik ang kaibigan sa iba pa nilang kabarkada na tatawa-tawa din.

Mula sa pwesto ng mga ito ay pinapanood nila ang binata na mamula sa inis at irita dahil sa pangungulit at pangloloko ng isa pa nilang kaibigan.

Ilang oras pa ang lumipas ay naghahanda na ang mga host dahil iilang saglit na lang ay magsisimula na ang event nila. Dahil madami na din ang mga bisita at halos kumpleto na ang mga listahan ng mga V.I.P visitors nila..

"Wala pa si Nella?" tanong ni James sa mga kaibigan na nangibit-balikat. Wala siyang makukuha na sagot sa mga ito dahil wala ding alam ang mga ito. Kanina pa kasi nila hinihintay sila Misty ngunit wala padin silang nakikitang Nella, Misty, Tonyo at Zena.

Magsisimula na lang ang lahat, ay wala padin silang apat. "Natext niyo ba si Tonyo?" tanong pa ulit ng binata sa mga kaibigan na tumango..

"Wala nga, ayaw sumagot.. Pero ini-seen na niya. Padating na yata yun. Si Nella ba, tinext mo?"

"Na kay Jorji yung cellphone ko. Hindi ko din naman mahanap.." kunot na ang noo na saad ng lalaki bago bumaling sa Bodyguard na nasa tabi lang niya. "Sila Jorji, nasaan?"

"Nagpaalam po sila sa akin na may aasikasuhin lang saglit. Siguro yung mga documents na inatas ni Manager Kang iyong inaasikaso nila.."

"What.. ?? May event tayo, bakit nila inaasikaso yun? Kanina pa ba sila nawawala?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now