Eros' Diary | ✔

By StarAsteria

857 162 0

It was Eros' diary after all... StarAsteria ©2023 Status: Complete | February 26, 2023 More

i. 3208
ii. playlist
3208 - one
page 1
3208 - two
page 2
3208 - three
page 3
page 4
page 5
page 6
page 7
page 8
3208 - five
page 88
3208 - six
page 9
page 10
page 11
page 12
page 13
page 14
page 15
page 16
page 17
3208 - seven
page 51
page 52
page 80
page 81
page 82
page 83
page 84
page 85
page 86
page 87
3208 - ∞
3208
author's note

3208 - four

37 4 0
By StarAsteria

Dawn

Inilipat namin ni Ashley sa ika-apat na pahina ngunit wala iyong laman, same sa page five, and so on.

Nagkatinginan kami ni Ashley at dahan-dahan niyang inilapag ang notebook.

"Ibalik mo na. Baka may curse ang notebook na 'yan, mapahamak pa tayo," aniya.

Tumango ako. "Ikaw kasi, eh! Sabi ko sa 'yo ang eerie ng datingan ng notebook na 'yan, eh. Baka nasumpa na tayo!"

When our break time was over, pumasok na agad sa room namin ang next subject teacher namin at nagturo. After three subjects ay uwian na at dali-dali kaming dalawa ni Ashley na pumunta sa room kung saan ko nakuha ang notebook.

Wala ang teacher namin kung kaya't nakapasok agad kami.

"Saang desk?" tanong ni Ashely habang inililibot ang tingin.

"Doon sa gilid sa third row," sagot ko sa kanya at itinuro iyon.

I chickened out kaya siya na ang pinagbalik ko. Mamaya kasi may humila nalang sa akin doon!

Pinuntahan ni Ashley ang desk na itinuro ko at inilagay doon ang notebook kung saan dating naka pwesto iyon. Medyo natawa ako dahil parang huminto pa siya para magdasal after niya ibalik.

"Ano ginagawa mo?" natatawa kong tanong sa kanya.

Itinaas niya ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Nagdadasal. Malay ba natin kung dedo na ang may ari ng notebook, 'di ba?"

Muling nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Isa pa, bigla kasing humangin nang malakas!

"Tigilan mo na nga pananakot— Hoy, ano nangyari sa 'yo?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makitang dahan-dahang itinaas ni Ashley ang kamay niya ay may itinuturo sa likod ko.

Napakagat ako ng labi ko dahil sa takot.

"Hoy!" sigaw ko ngunit hindi niya ako sinagot. Nakaturo lang siya sa likod ko.

Nagdadalawang-isip pa ako kung lilingon ako, pero nang makaramdam muli ako ng malamig na hangin galing sa likod ko at humakbang ako papaharap at dahan-dahang lumingon.

"Ka-Kapag ako niloloko mo lang," utal na wika ko.

"Ha!"

"AHH!" Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng paglingon ko nang may bigla na lamang humawak sa pagkabilaan kong balikat at sumigaw.

Huli na ang lahat nang mapagtanto ko na si Eros lang pala iyon. Nakatili na ako nang malakas at hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Rinig na rinig naman sa loob ng room ang malakas na pagtawa nilang dalawa no Ashley.

"Ano ba!" Tinanggal ko ang pagkahawak sa akin ni Eros at tinalikuran siya.

Ramdam ko ang maiinit likodong lumalabas sa mata ko kaya tinakpan ko ang buo kong mukha.

"Hala, Dawn. Sorry, natakot ba kita?" Rinig kong tanong ni Eros.

"Ayos pa ba kaluluwa mo?" Rinig ko namang tumatawang tanong ni Ashley.

Hindi ko sila sinagot na dalawa at pinaglatuloy lamang ang pag-iyak dahil hindi ko makalma ang sarili ko.

"Lagot ka!"

"Anong ako? Panigurado may ginawa ka para matakot siya ng gano'n!"

Itong dalawa na 'to, may umiiyak na sa harapan nilang dalawa, magtatalo pa!

Pinakalma ko ang sarili ko habang silang dalawa ay nagsisisihan. Nang makakalma na ako at umayos ako ng tayo at nakuha ko ang atensyon nilang dalawa.

"Ayos ka na?" tanong ni Eros at inayos ang buhok ko. "Ano ba kasi ginagawa n'yo rito?"tanong niya pa.

Tumango lang ako sa kanya. "May ibinalik lang. Ikaw?" tanong ko pabalik.

"May ibibigay lang kay Ma'am. Pauwi na ba kayo? Sabay na tayo!"

"Ayaw nga! No boys allowed." Pangaasar sa kanya ni Ashley na may kasama pang pagdila.

Natawa naman ako dahil binigyan lamang siya ni Eros ng walang pake na reaksyon.

"Corny mo talaga kahit kailan," sabat sa kanya ni Eros.

"Wala pa si Ma'am, eh," wika ko. "Ayaw ko maghintay dito." Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom at nangilabot na naman ako.

Naglakad siya papunta sa desk ni Ma'am. "Hindi, ilalapag ko lang sa desk niya." Ngumiti siya at ipinakita sa amin ang paglapag niya sa isang envelope sa desk.

Tumango lamang kaming dalawa no Ashley na nauna na lumabas. Hindi ko yata kaya mag-stay sa loon ng room. Natatakot ako! Bakit ko pa kasi nalaman 'yong diary na 'yon, eh!

"Takot na takot ka naman. Hindi 'yon totoo. 'Wag mo na alalahanin," bulong sa akin ni Ashley at tinapik ako likod ko.

"Tara na!" sigaw ni Eros nang makalabas na siya ng room.

Si Ashely at Eros ay ang dalawa kong kababatang kaibigan. Elementary palang ay kaibigan ko na sila at palaging kasama sa kahit saan. I'm surprised nga at palagi kaming nasa iisang section. Kahit nga ngayong grade 11 na kami, magkakaklase pa rin kami.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan habang nag-uusap tungkol sa kung ano-ano.

"Oo nga pala. Baka mamaya may valentines date kayong dalawa, ah!" Hinampas ako at si Eros ni Ashley. Buti nalang at naka ilag ako dahil nasa gitna namin si Eros.

Umismid si Eros. "January 28 palang, kumalma ka!"

"Ang ka-date ko sa 14 ay textbooks ko." Pag-irap ko naman.

Kada taon na sumasapit ang February 14, ganito pala si Ashley, tapos sa huli siya pala 'yong may ka-date!

"Baka kasi mamaya may ka-date pala kayo, eh!"

Sabay kaming sumimangot ni Eros. Babagsak na nga ako sa English class namin, date pa? Makakakuha ba ako ng deploma kapag may gano'n ako? No'ng nagka-crush nga ako, biglang lumagapak sa 85 ang grade ko sa isang subject!

"Paano ko yayayain gusto ko makasama, e wala ngang kaalam-alam?"

Napatingin kaming dalawa ni Ashley kay Eros nang magsalita ito.

Ngumiwi ako. "Baka kasi hindi ka nagfi-first move? O baka hindi ka na naman nagpakilala?"

Sumangayon naman sa akin si Ashley. "Laki mo pa namang torpe."

Pareho kami ni Ashley na nakatanggap ng masamang tingin mula sa kanya na kinatawa namin. Tama naman. Malaking torpe si Eros. Noong junior high school palang kami ay wala nga siyang maaya sa JS Prom dahil hindi raw sinasagot ng crush n'ya ang letter na sinulat n'ya. Sinong tanga ang mag-aaya sa isang babae gamit ang letter tapos hindi pa siya nagpakilala? Oo, hindi siya nagpakilala! Poor girl, baka natakot siya sa ginawa ni Eros.

"Sorry, ha, pero I believe kasi na the right time will come if the right person found it!" giit niya at binilisan ang paglalakad.

Binulungan ako ni Ashley, "Siguro inaya na naman n'ya crush niya gamit letters."

"Kailan ba siya matututo?" Pagsangayon ko.

At dahil nga sobrang bilis ni Eros maglakad, iniwan niya kami dahil umandar daw bigla ang jeep pagkatapos niyang sumakay. Minsan talaga may pagka engot siya, eh.

"Dito na ako, Dawn!" Kumaway si Ashley ng paalam sa akin at tumakbo papunta sa bahay nila. Tinanguan ko lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Magkakalapit lang kasi ang bahay naming tatlo, nagkataon lang talaga na magkapit-bahay kaming dalawa ni Eros. Dati nga ay sa kabilang barangay pa si Ashley at dumadayo sa amin kaya naging kaibigan namin siya, eh!

"Bakit kasi ang bagal n'yo!" Salubong sa akin ni Eros habang naka sandal sa pader at halatang hinihintay ako.

Tinawanan ko siya. "Kaka the right time will come if the right person found it mo, pinili ka tuloy ng jeep na sinakyan mo!"

Naka bansungot pa rin siya hanggang ngayon pero wala akong pake at patuloy lang ako sa paglalakad habang tumatawa.

"Hindi kasi gano'n 'yon!" Dabog niya na mas kinatawa ko dahil binilisan na naman niya ang paglalakad. Kung kanina ay nasa gilid ko lang siya, ngayon ay tatlong metro na yata ang kayo niya sa akin.

"Dadabog ka dyan, kasalan ba namin na nagsusulat ka ng letters para sa crush mo tapos hindi ka niya sinasagot?"

Binagalan niya muli ang paglalakad at hinintay ako. "Sobrang daming signs na ang binibigay ko sa kanya tapos hindi niya pa rin alam," buntong-hininga niya.

"Kasi, Eros, kung magbibigay ka ng letter sa isang babae, make sure naman na nagpapakilala ka. Ang creepy kaya ng may letters kang natatanggap tapos hindi mo alam kung kanino galing! Ako, iisipin ko na may stalker ako at mapapahamak ako!" sermon ko sa kanya.

Parang mababali naman na ang spine niya dahil bagsak na bagsak na ang balikat niya. "Hindi ninyo naiintindihan ni Ash. Ang ibig kong sabihin sa the right time will come if the right person found it ay kapag nakita na niya ang mga sulat ko para sa kanya."

"Ha?" Natunganga naman ako. "You mean, hindi pa nababasa ni girl ang letters mo?"

Hindi ako makapaniwalang nakanganga sa kanya. "HA?"

Tumango naman siya at inihilamos ang hangin sa mukha.

"Eros," pagtawag ko sa kanya. "Anong klaseng kabobohan 'yon?"

"Hindi 'yon kabobohan. It's called, 'testing tadhana'."

Ngumisi ako. "Tama nga si Ash," bulong ko. "Tatanda ka ngang binata."

Bigla naman niya akong hinila sa leeg ko gamit ang braso niya at ginulo ang buhok ko. "Ano ba!"

Tinapik ko ang kamay niya upang tumigil siya sa paggulo ng buhok ko. "Anong 'ano ba'? Hindi ako makapaniwala na ang isang with high honors student ay may pagka-engot sa love life!"

"Kaya nga the right—"

Tinapik ko ang bibig niya. "Itikom mo 'yan, Eros. Tanggapin mo nalang na tatanda kang binata."

Sinimangutan niya lamang ako. "Gusto mo malaman secret tungkol sa letters ko sa kanya?"

Naintriga naman ako. "Secrets? Ang dami mong alam, 'wag ka na kaya magkagusto?"

"Gumamit ako invisible ink sa mga sulat ko sa kanya."

Nahampas ko ang pagmumukha niya nang kindatan pa ako after niya ako ng mas nakaka disappoint na idea.

"Eros, tama na," pagmamakaawa ko at ako naman ang binilisan ang lakad.

Imbis na sabihin mong sweet siya dahil nagsusulat siya ng letters para sa nagugustuhan niya, matatawag mo pa soyang engot dahil sa pinaggagawa niya. Ganito ba ma-in love ang matatalino? Madaming pagsubok pati sa love? Buti nalang at hindi niya ako kasing talino, ayaw ko mabaliw ng gano'n!

—3208—

Bagong araw na naman at may klase kami sa room kung saan nakalagay ang notebook na nakita ko kahapon. Sana naman ay kinuha na ng may ari. At sana naman ay buhay pa ang may ari!

Kahit na takot ay pumunta na ako sa desk ko dahil ayaw ko naman masumbatan ng subject teacher namin. Nang makaupo ako ay inilagay ko na sa ilalim ng desk ko ang bag ko at halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang makita ang notebook, ngunit bahagya itong nakataas na parang may naka ipit sa gitna ng mga pahina.

Nabalik lang ako sa katinuan nang batiin kami ng teacher namin.

Continue Reading

You'll Also Like

26.3K 1.3K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
36.1K 1.5K 21
always his friend, never his girl
54.4K 7.6K 38
[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regr...
282K 7.9K 31
Moving on is not easy as they say, and that is why Xial Gian Bustamante presented himself to be the rebound of Jana Dayne Encarnacion to help her to...