SA1: She Captured My Heart (G...

By letmebed1

225K 8K 561

[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Le... More

Introduction
CAST
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 ⚠️
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 ⚠️
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 ⚠️
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 🩷
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 26

2.3K 141 21
By letmebed1

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Pagmulat ko ng mga mata ay parang umiikot ang paligid ko, at pakiramdam ko masakit ang buong katawan ko, at namamanhid. Ang kaliwang balikat ko ay kumikirot.

"Gising ka na pala, Reign. Kumusta ang pakiramdam mo?"si Agent Bright.

"Masakit ang katawan ko."

"Nagulat ka ba nong makita mo ako?"

"Bakit naman ako magugulat?"

"Hindi mo alam? Kaya nga Bright ang tawag sa akin dahil kapag nakita mo ako ay liliwanag ang buhay mo."

Inirapan ko siya.

"Wala bang ibang doctor na pwedeng humawak sa akin?"

"Wala! Kaya magtiis ka, ako ang magiging doctor mo hanggang gumaling ka."

"Nakakainis naman."sagot ko.

"Ang arte nito! Oh, mag umpisa na tayo, pakinggan mo ang sasabihin ko. Tinamaan ka ng bala sa kaliwang balikat mo. At mukhang malakas ang pagkakahulog mo, ha. Tatlong araw kang tulog. Pero huwag ka mag alala, mga binti mo lang ang pinutol ko."

"Ano?! Walangya ka Bright!"

Uupo sana ako para tingnan ang mga binti ko pero kumirot ng matindi ang balikat ko kaya hindi ako makabangon.

Bigla siyang natawa.

"Biro lang, ano ka ba! Buo pa ang katawan mo. Ayan nakaganti na ako sa pagiging suplada mo. Buti nadala ka agad dito, kung hindi baka natigok ka na dahil madaming dugo ang nawala sayo."

Saka lang kumalma ang pakiramdam ko nang sabihin niyang buo pa ang katawan ko.

"Sinong nagdala sa akin dito?"

"Sino pa eh di yong maganda mong Agent. Yong mukhang mabait. Seya ba yon?"

Si Seya?! Napangiti ako.

"Mukhang mabait? Akala mo lang yon."

"Naku, alalang-alala siya sayo. Halos maiyak siya sa kalagayan mo. Siya! Magpahinga ka muna at magpagaling, okay?"

Tumango ako. Habang nakahiga ako ay saka naman ang pagdating ng mga hawak kong Agents. Maliban kay Seya, hindi nila kasama. Kinamusta nila ako.

"Anong nangyari?"tanong ko sa kanila.

"Ang mga nakabarilan natin nong una ay kinokumpirma pa ng mga investigator ng Elite, pero mukhang na-set up tayo."si Rio.

"Nireview ni Heart ang mga CCTV sa palibot ng location natin noong araw na iyon, Reign. Bago pa mangyari ang putukan ay nakita niya sa mga CCTVs ang pagpunta ng mga pulis sa location natin. Ibig sabihin, bago pa magkaputukan alam na ng mga pulis ang mangyayari. Mukhang may nagtimbre sa kanila na may magaganap na putukan sa building na iyon. Kaya mukhang naisahan tayo ng mga kalaban."

Tumango lang ako.

Kung ganon, tama nga ang kutob ni Seya. Binalaan na niya ako nu'ng una palang na baka pa-in lang ang kinakaharap namin. Wala talaga roon ang suspect.

"Nasaan si Seya?"

"Nasa kwarto namin."si Rio.

"Iwanan niyo na ako. Tawagin mo si Seya. Kakausapin ko siya."

"Okay Reign."

Umalis na sila. Ilang saglit pa ay dumating naman si Seya.

"Reign, pinapatawag mo raw ako?"

"Ikaw lang ang wala rito kanina. Bakit ayaw mo ba akong makita?"

Halatang malungkot ang mga mata niya.

"Baka kasi ma-stress ka kapag nakita mo ako."sabi niya saka siya umupo sa monobloc chair na katabi ng higaan ko.

"Tingin mo ba ganon ako?"

Tumango siya.

"Buti alam mo. Pero salamat sa pagdala sa akin dito. Pakitingnan mo nga kung may paa pa ako."

"Ha? Bakit pinutulan ka na ba ng paa?" Sinilip niya ang ilalim ng kumot at naramdaman kong pinisil-pisil niya ang paa ko. "......may nararamdaman ka ba?"

Napangiti ako.

"Hay, salamat. Akala ko wala na akong mga paa."

"Pinakaba mo naman ako, Reign."

Lumapit siya sa akin saka niya hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan, pero masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya. Ang bango-bango niya.

"Matanong kita, Seya. Bakit may dala kang rifle sa condominium? Kaya ba malaki ang bag na dala mo nong kumuha tayo ng gamit mo rito dahil nagdala ka ng rifle?"

"Oo, sorry Reign."

"Kelan ka ba makikinig sa akin?"

Napakagat siya ng labi. Ang totoo hindi ako galit sa kanya. Siya ang nagligtas sa buhay ko.

"Hindi ko alam basta gusto kitang bantayan, kahit nasa malayo ako."sagot niya.

Kakaiba talaga ang babaeng 'to.

"Uy, Commander Reign kumusta ang pakiramdam mo?"si Thorn.

Napakunot noo ako. Nagtataka ako kung bakit siya naririto. Aalis dapat si Seya pero pinigilan ko siya.

"Diyan ka lang, Seya. Huwag kang aalis."

Umupo ulit siya sa monobloc chair.

".....ayos lang ako Thorn. Nagalusan lang ako."

"Mabuti at okay ka lang. Kaya ako nagpunta rito para kumustahin ka at isa pang dahilan ay inutusan ako ni Boss na kunin ang profile ni Marco Redendo sayo. Mula ngayon ako na ang hahawak sa kaso niya."

"Ano? Hindi ko pa nakakausap si Boss tungkol diyan."

Iniabot sa akin ni Thorn ang papel. Nakasaad dito ang pagtransfer mula sa team ko papunta sa team ni Thorn ang kaso ni Redendo, signed by Boss. Hindi ko mapigilan magtiim bagang.

"Walang personalan ito, Reign. Ang gusto lang ni Boss ay maresolba agad ang kaso na ito, at madala sa kanya nang buhay si Redendo. Kaya kukunin ko ang profile niya sayo kung maari lang, para makapagsimula na ang team ko sa paghuli sa kanya."

Wala naman akong magagawa sa bagay na ito. Nakadesisyon na si Boss. Tumingin ako kay Seya.

"Kunin mo ang profile ni Redendo at ibagay mo kay Thorn."

"Okay Reign------Ahm Thorn dadalhin ko sa opisina mo yong profile ni Redendo."

"Sige Seya. Aalis na rin ako Reign, magpagaling ka."sa mga ngiti ni Thorn ay hindi mo siya makikitaan nang pag-aalala kundi pang iinsulto ang gusto niyang iparating sa akin. Matagal na siyang nakikipag-kompetensya sa akin pero hindi niya ako matalo. Pero dahil pumalpak ako, sa kanya napunta ang kaso ni Redendo.

Hindi ko kasi akalain na papalpak ako sa pagkakataon na ito. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung anong nangyari?

Mali ba ang profiling namin? Mali ba mga ang intel ko? Imposible 'to! Eto ang unang pagkakataon na mabigo ako sa misyon ko.

__________________________________


Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

Hinanap ko ang profile ni Redendo dito sa filing cabinet ni Reign. Nang makita ko ay inalis ko ang mga mahahalagang impormasyon sa files nito.

Magpakahirap din sila!

Pinaghirapan ni Reign ang bagay na ito tapos madali lang nilang makukuha! Mukha nila! Nangalahati ang folder dahil sa mga pinagtatanggal ko na papel at naiwan ang mga hindi importante sa profile ng suspect.
Nilagay ko sa pinaka-ilalim na drawer ni Reign yong mga pinagtatanggal ko na papel.

Pagdating ko dito sa opisina ni Thorn ay kumatok ako saka sumilip.

"Thorn, ito na yong hinihingi mo na profile ni Redendo."

"Salamat Seya, siya nga pala kumusta ka na?"

"Okay lang ako."

"Hindi ka na tumuloy sa paglipat sa team ko. Atin nalang ito, alam ko naman na ayaw mo sa commander mo di ba? Dahil binalak mo ngang umalis sa team niya. Sampal ito kay Reign kaya alam ko sasama ang loob niya sa akin, lalo na kapag nahuli ko si Redendo."

Tatawa tawa siya.

"......baka umiyak pa si Reign. Dahil gusto niya lagi siya ang nangunguna dito sa Elite. Pero hindi na ngayon dahil nawalan ng tiwala si Boss sa kanya. Isipin mo hindi niya nahuli si Redendo."

Napaka-presko naman ng taong ito. Ano na ba ang napatunayan niya? Pumapangalawa lang naman siya kay Reign. Mas magaling pa rin ang babes ko sa kanya!

"Oo, nga. Tingin ko mahuhuli niyo agad si Redendo."naka-ngiting sagot ko. Yon ay kung mahuli niyo!

"Kapag nangyari iyon, hihilingin ko kay Boss na ilipat ka sa team ko. Okay ba yon sayo Seya?"

Eh? Epal nito! Nananahimik ako, kukunin niya ako?! Ayoko nga! Ayoko sa preskong katulad niya.

"Hindi. Okay na ako sa team ni Reign, kasi close na kami ni Rio. Maganda siyang ka-bonding."

"Ahh, si Rio. Oo mabait ang taong 'yon."

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na.

"Alis na ako kasi baka hanapin ako ni Reign. Goodluck sa team mo Thorn."

"Salamat Seya."

Kapag nahuli niya si Redendo good for him. Kapag hindi tatawanan ko rin siya gaya ng ginagawa niya kay Reign ngayon. Feeling ba niya magaling siya! Tignan natin.

Binalikan ko si Reign dito sa recovery room. Nakapikit siya pero mukhang gising naman.

"Reign naibigay ko na kay Thorn yong profile ni Redendo."

"Okay."

"Ahh Reign gusto mo bang ikuha kita ng pagkain?"

"Sige, pero sabaw lang ang gusto ko."

"Sige, saglit lang ha."

Nagpunta ako rito sa canteen at naabutan ko itong lima sa table, si Cyborge, Night, Cloud, Heart at Rio.

"Anong pinaguusapan niyo?"tanong ko.

"Naka-received ako ng message mula kay Boss na ililipat ang paghawak sa kaso ni Redendo, mula kay Reign papunta kay Thorn."si Heart.

"Ahh Oo, nagpunta kanina si Thorn sa recovery room at may gana pa siyang insultuhin si Reign. Nakita na nga niyang nagpapagaling pa yong tao."

"Kung ganon ito ang unang 'failed mission' ni Reign." bigla akong nalungkot sa sinabi ni Cloud.

Kasalanan ko ba? Baka malas ako sa team ni Reign.

"Pagbubutihin na lang natin sa susunod."si Night.

"Ito ang unang mission ko kasama si Reign pero hindi ako nalulungkot. May tiwala ako kay Reign."si Rio.

"Tama! Hindi pa ito ang huli. Marami pa tayong mission na gagawin. Kaya huwag tayong malungkot. Magtiwala tayo kay Reign."si Cyborge.

Ang tataas ng energy nila. Hindi kasi sila ang laging nasesermonan, kundi ako.

"Ah, alis muna ako. Kukuha lang ako ng sabaw kasi iyon yong pagkain na gusto niya."

Nagpaalam na ako sa kanila. Nahihiya kasi ako. Pakiramdam ko kamalasan ang dala ko sa team.

Pagbalik ko ng recovery room inilapag ko ang bowl dito sa maliit na table na katabi ng kama.

"Reign, andito na yong sabaw."

Naglagay ako ng unan sa likod niya para makasandal siya. Sinubuan ko siya ng sabaw. Nakailang higop din siya.

"Reign sorry, ha?"

"Bakit ka nag-so-sorry?"

"Kasi ako ata ang malas sa team. Kaya hindi nahuli si Redendo."

"Bakit mo naman naisip yan?"

"Basta sorry."

"Ako ang may kasalanan, Seya. May mali sa akin kaya huwag ka mag isip ng kung anu-ano diyan."

"Hindi ka galit sa akin?"

"Gusto mo bang magalit ako sayo?"

Umiling ako. "Ayoko."

Hindi ako umalis dito sa tabi niya. Dito na ako natulog, dito mismo sa bed niya magkatabi kami.

"Seya ano bang ginagawa mo? Bakit di ka matulog sa kwarto mo?"

"Paano kung may kailangan ka. Uutusan mo na lang ako. Matulog ka na para gumaling ka agad."

Nakatalikod ako sa kanya.

"Anong klase. Ako pa talaga ang nag-adjust dahil sayo."

"Ang dami mong reklamo. Inaantok na ako patulugin mo ako."

"Hay naku! Sige na matulog ka na." reklamo niya. Napangiti na lang ako. Gusto ko rito sa tabi niya para maalagaan ko siya. Pumikit na ako at natulog.

"ARAY!" may pumitik sa noo ko kaya ako nagising------si Rio! Sumenyas siya na bumaba ako sa higaan kaya bumaba ako. Si Reign tulog pa.

"Bakit?"

"Anong bakit? Baka mamaya ikaw yong maturukan ng dextros diyan. Sira ka talaga."

Pagtingin ko sa orasan, nakatulog din pala ako ng limang oras.

"...matulog ka na sa kwarto ako na muna ang magbabantay kay Reign."

"Ayoko."sagot ko.

"Sige na, maligo ka na rin." Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho. Pero parang amoy gamot na ako.

"Ikaw muna bahala sa kanya, Rio."

"Oo, sige na." Sinunod ko siya. Pagdating ko rito sa kwarto namin ay naligo muna ako at pagkatapos ay humiga ako dito sa kama ko.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko, nakatulog agad ako.

Bigla akong napabalikwas! Hinihingal.

Pumasok na naman siya sa panaginip ko. Ang demonyong 'yon------si Carl! Malamig naman ang buga ng aircon pero pinagpapawisan ako nang magising ako.

Ang lalaking iyon, buhay pa kaya siya? Sana buhay pa siya dahil hindi pa ako nakakaganti sa kanya.

Babalikan kita Carl, maghintay ka lang. Magkikita ulit tayo at sisiguraduhin ko na magiging masaya ako kapag nagkita na ulit tayo!

.....

Continue Reading

You'll Also Like

234K 6.1K 53
GxG!!! They both started with marriage but on paper. Can they both handle it?
683K 15.9K 40
Akala nila Nica at Bianca dumating na ang kuya Drew nila, kaya pa simple silang pumunta ni Bianca sa bahay nito, nag silbing look-out si Bianca para...
1.1M 36.2K 37
"Marry my daughter or I will kill you." pagbabanta ng matipunong lalaki na may hawak na baril habang nakatutok sa makinis kong noo. Napapitlag ako s...
231K 8.2K 45
Rae Lewis, nagmula ito sa isang mayaman na pamilya, isang sikat at kilalang celebrity sa buong bansa. Hinahangaan ng nakararami, mapababae man o lala...