MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

17.9K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 46

264 14 1
By NassehWP

Chapter 46

Nakabusangot kong inilapag ang sinandok na kanin sa ibabaw ng mesa at mabilis na tumalikod ng mapansin ang pagsulyap sa akin ng bwesitong bisita namin sa hapunang iyon.

Talagang tinotoo ng lalaki ang pagbalik nito sa bahay namin at ngayon makikikain pa!

"Myrna, ang ulam hanguin mo na sa kawali at nang makakain na tayo ng sabay-sabay." Narinig kong utos ni Nanay.

"Ate pati yung bagoong pakisabay na rin."

Mabilis kong nilingon ang kapatid kong lalaki na si Marlon at binigyan ito ng nakamamatay na tingin.

"Huwag mo akong utusan! Tumayo ka diyan at ikaw ang kumuha ng bagoong!"

"Nay o, si Ate nasigaw."

"Myrna, Kunin mo nalang ang bagoong. Nakaupo na ang kapatid mo."

"Ako na lang po Anti ang kukuha ng bagoong." Prisinta ng Negro at patayo na sana ito ng pigilan ko sa pamamagitan ng singhal.

"Huwag na! Ako na!"

"Myrna anak! Bakit mo naman sinisigawan si Noli?" Saway ni Tatay sa akin matapos kong sigawan ang lalaki.

Hindi ako nakasagot. Tumalikod ako at inasikaso na lamang ang ulam at nagsandok sa malaking mangkok.

"Tay, alam mo ba kanina inaway ni Ate si Kuya Noli."

Napapikit ako nang mariin ng marinig ang pagsusumbong ng kapatid kong si Marlon.

"Aba'y bakit naman inaaway ng ate mo ang Kuya Noli mo?" Narinig ko pang tanong ni Tatay sa bata.

Bumalik ako sa mesa bitbit ang nakamangkok na ulam at saka 'yun inilapag sa mesa.

Naupo ako sa tabi ng kapatid ko dahil doon lang naman ang may bakanteng upuan.

Napalitan na pala ang mesa namin. Ang dating tagpi-tagpi at butas na mesa namin ngayon ay mahaba na at makinis. Kasing kinis ng mukha ni Loklok.

Punong kahoy ng melina ang ginamit para sa pang gawa ng mesa. Ginawa iyon apat na tabla at saka iyon pinagdikit-dikit.

Sina Mark at Denver pala ang gumawa ng mesa namin. Si Tatay lamang ay ang naging demonstrators. Tagasunod naman ang dalawang lalaki.

Pagkaupo ko agad kong tinampal sa hita ang batang lalaki sa ilalim ng mesa.

"Aray!"

"Anong problema Marlon?"

"Si Ate po kasi biglang namamalo!"

Lumipat ang tingin sa akin nila Tatay at Nanay maging ang Negro ay nalipat ang atensyon sa akin. Si Marina inosenteng nakikinig sa isang tabi. Mukhang natatakot na makisali.

"Ano bang nangyayari sa iyo Myrna? Kung hindi ka naninigaw ay namimisikal kana ngayon. May problema ba anak?" Si Nanay na siyang bakas sa mukha ang pagkalito dahil sa inaakto ko.

Napapahiyang nagyuko ako ng ulo.

"Wala po Nay."

Narinig ko ang pagpapakawala ni Nanay ng mabigat na hininga. Mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang kakaibang kinikilos ko nitong buong araw.

"Baka gutom lang ang panganay natin kaya nagsusuplado." Mayamayang narinig kong sambit ni Tatay.

"Siguro nga. O siya, Magdasal na tayo at nang makakain na." Wika ni Nanay.

"Saglit!"

Gulat kaming napatingin lahat sa mesa kay Tatay.

"Bakit Tay? May problema?" Tanong ni Nanay kay Tatay.

"Wala naman pero—" Sinulyapan ako ni Tatay. Lumipat ang tingin ng matanda sa katabi nitong binata. Kay Noli.

Mayamaya ay tumayo si Tatay mula sa pwesto nito at nagtungo sa tabi ko.

"Myrna anak, Lumipat kanang upuan mo."

"Po?" Nakamatang sambit ko.

"Lumipat ka ko ng upuan mo. Doon ka sa tabi ni Noli."

Nalukot ang buong mukha ko.

"Ayoko po! Dito po ako!" Tanggi ko sa inuutos ni tatay sa akin.

"Bakit ayaw mo? Kakainin ka ba ng buhay ni Noli?" Nakamatang sabi na iyon ni Tatay pa sa akin.

"Hindi po Tay!"

Si Noli tahimik lang na nakamasid sa amin ng pamilya ko. Ewan ko kung natutuwa

"E bakit ayaw mong lumipat sa tabi niya?"

"E kasi nga Tay dito ang gusto kong pwesto! Sa tabi ni Marlon!" Pagmamatigas ko.

"Ate ayaw kitang katabi. Nananampal ka ng hita eh." Patutsada bigla ng kapatid kong lalaki.

Pinandilatan ko ito ng mata.

"Huwag ka ngang maarte na bata ka! Ate mo naman ako eh!"

"May ate bang nanakit?"

"Heh!"

"Tay Oh, Si Ate nagagalit na."

"Anak, sige na. Lipat na sa tabi ng dati mong nobyo."

"Tay!"

Naginit ang buong mukha ko dahil sa sinambit ng matandang lalaki.

"O bakit Anak? May mali ba sa sinabi ko." Patay-malisya pang tanong ng matandang lalaki. Ang sulok ng tuyot nito mga labi ay nakaangat.

Bumisangot ako at humalukipkip sa pwesto ko.

Mukhang pinagtitripan ako ng sarili kong ama!

"Myrna anak sige na. Sundin mo na ang inuutos ng tatay mo. Lumipat ka sa tabi ni Noli." Mamayang singit Nanay sa amin ni Tatay.

Bumugtong-hininga ako. Pinararamdam sa paligid na talagang ayaw kong makatabi ang lalaki.

"Okay lang naman po sa akin Anti, Angkel, kung ayaw akong makatabi ng panganay niyo." Utas ng Negro.

Sumiring ako bagamat mahina lamang.

"Myrna anak?"

"Oo na po! Lilipat na!"

Kahit masama ang loob. Sinunod ko pa rin ang gusto ng mga magulang ko na lumipat sa tabi ni Noli.

Tumayo ako at padabog na lumipat sa tabi ng lalaki.

Yumuko ako upang hindi makita ang mukha ng katabi ko.

Ayoko siyang tignan!

"O edi mas magandang tignan!" Narinig kong palatak ni Tatay.

"Oo nga Tatay! Ang gandang tignan nina Ate at Kuya Noli." Segunda naman ng kapatid kong si Marlon.

Sinamaan ko siya ng paningin.

"Manahimik ka riyan!" Asik ko sa bata.

"Ang ate naman para nagsasabi lamang ng totoo eh."

"Basta! Tumigil ka!"

"Tay, Nay, Si Ate Oh,"

"Naku, tama na iyan at baka mapikon pa ang ate mo Marlon." Saway ni Nanay sa kapatid ko. "O siya, Tayo nang magdasal at nang makakain na."

Nagsiyukuan kami at tahimik na nagdasal sa harapan ng mesa. Habang nagdarasal nakikita ko naman sa sulok ng aking mga mata ang panakanakang pag sulyap ng lalaki sa akin.

Kunot-noo kong nilingon si Noli.

"Problema mo?!" Tanong ko rito bagamat mahina lamang ang boses.

"W-wala naman."

"Wala? E ba't pa sulyap-sulyap ka sa akin?"

"Kasi namimis ka raw niya ate." Singit ng maliit na boses kaya parehong kaming napatingin ng lalaki sa may-ari non.

Ganon na lamang ang pagkapahiya ko ng malamang kanina pa pala natapos ang pagdarasal! At kanina pang nakatingin sa amin ang pamilya ko.

May panunudyo sa mata ng mga ito lalong-lalo na ang dalawang nakababatang kapatid ko. At tila tuwang-tuwa sa nakikita. Akala mo naman ay may naiintindihan sila!

"Nay, Pakiramdam ko kaysarap kantahin uli ang 'Muling Ibalik' ni Imelda Papin."

"Ay, Ako din Tay, ang ganda pa naman ng pinararating ng bawat liriko ng kantang iyon. Mamaya ilalabas ko yung lumang Radyo natin na nakatago sa karton. Matagal-tagal na ding hindi nagagamit iyon."

"Aba'y sige Nay, matagal-tagal na ring tayong hindi nakikinig sa Radyo. Puro nalang kasi tayo nuod ng TV."

"Aba'y pasalamat ka nga at nagkaroon na tayo ng TV. Kung hindi dahil sa panganay mo ay baka hanggang ngayon nakikinuod parin tayo sa mga kapitbahay nating madadamot."

"Aba! Oo naman! Kung hindi dahil sa panganay natin. Wala tayong matatamasa. Kahit na sa grocery lang ang trabaho niya alam kong may mararating siya! Proud ata akong ama niya!"

"Ako din naman Tay eh!"

"Basta, Mamaya. Awitin natin ang 'Muling Ibalik'. Kaysarap 'atang balik-balikan ang kantang iyon ni Imelda Papin."

"Sinabi mo pa."

Kumunot ang noo ko sa pinaguusapan nila Nanay at Tatay. Iyon ang paborito nilang kanta? Ang pagkakaalam ko ay 'Kahit maputi na ang buhok ko' By: Rey Balera at Sharon Cuneta.

Pero madalas ko ring naman naririnig ang kantang 'Muling Ibalik' sa FM radio kapag nagpapatugtog ang kapit-bahay namin si Aling Porita. Madalas din nitong sabayan ang kanta.

At ayon kay Aling Melya. Hiwalay daw sa asawa ang kapit-bahay namin si Aling Porita at may anim na anak sa dating napangasawa nito. Balita ko din ay pinaghatian ang mga anak. Ang tatlo ay nasa lalaki at naiwan namang tatlo ay nasa kay Aling Porita.

Nakakalungkot isipin na gano'n lang pala kadali para sa kanila ang maging isang 'Broken Family' at hindi nila binigyan ng pagkakataong maayos ang pamilyang dapat sana ay pwede pang mabuo.

Nagpapasalamat ako dahil kahit anong hirap ang sinapit ng pamilya namin ay hindi bumibitaw ang isa't isa kina Nanay at Tatay. Dahil para sa kanilang dalawa. Ang pamilya ay malaking biyaya para sa mga tao. Hindi ka sasaya kung wala kang pamilyang magmamahal sa 'yo.

Kaya naman, Ang laging bilin sa akin ni Tatay.

Lagi mong tatandaan na ang instrumento ng isang pamilya ay pagmamahal at tiwala sa isa't isa. Dahil kung wala ka non hindi ka liligaya at sasaya sa piling ng taong minamahal mo.

"O anak? Tulala kana diyan? Nakapagisip kana ba?"

Napatingin ako kay Tatay.

"Po?"

Nailipat ang atensyon ko sa katabi ko. Sa negro. Bigla kasi itong natawa.

"Bakit ka tumatawa?" Paasik na tanong ko rito.

Umiling siya at Nagkibit-balikat lamang.

"Naku Tay, huwag mo nang asarin ang pa agang mo. Kumain na lamang tayo at ng mabusog pa." Anang Nanay at nagsimula ng sumubo.

Habang kumakain ay kapansin-pansin ang palitang ng tingin nila Tatay at Noli. At pagkatapos ay susulyap sa akin!

Ano bang meron?!

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

12.3K 33 19
This is the second instalment to my 3 Part series of Books about a Young Blonde Teen Girl who suddenly starts to loose control of her bladder and bow...
140K 14.6K 75
මට ඕනේ හැමදාම... නුඹෙ තුරුලටම වී ඉන්න... 🌹 TaeKook Non Fanfiction #1 roses #1 marshmallows #1 nonfic #1 nonfanfiction #1 nonff #1 nonfanfic 2023.1...
236K 8.1K 38
A crazy story about the life of a 17 year old highschooler
54.8K 2.3K 22
Story about a married couple who's life was so toxic to live in. ⚠️ !!!𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡!!!⚠️ ♡ This story is going to contain domēstic abu$e, so r...