The Princess And I

By annneo6

2.8K 63 0

In the world of Holypia, there are eight powerful fairies and they rule their palace. what if Ann gets a glim... More

The Princess And I
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Epilogue

Chapter 6

101 3 0
By annneo6

Maaga kaming nagising upang magsimula ng hanapin ang bolang diamante.

"Kanina ka pa balisa, ann? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni kylish na agad kong kinailing.

"Umilaw kasi kagabi ang kwentas kaya hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung ano ang ibig sabihin nun"

"Ah? Kung ganun ay malapit na dito ang bolang diamante"

"Hindi ganun ang pakiramdam ko"

"Kung ganun ay ano?"

"May kakaiba na naman akong panaginip"

"Ano iyon?"

"Ang kaluluwa ko daw ay pumasok sa ibang katawan, ang sama hindi ba?"

"Ah? At ano naman ang ibig sabihin nun?"

"Kailangan kong mahanap ang babaeng yun" napangiwi na lamang siya sa akin.

Sumakay na kami sa sasakyan ni zack na agad niyang minaneho.

"May malapit na gubat dito, sa tingin ko doon na muna tayo maghanap" sambit ni zack na kinatango namin.

Halos kalahating oras din ang byahe kaya medyo sikat na ang araw. Bumaba na kami sa sasakyan at pumunta sa bukana ng gubat.

"Mag-iingat kayo, baka may mababangis na hayop dito" tama, kailangan ngang mag-ingat.

Nagsimula na kami maglakad at sobrang tahimik dito at kakaiba ang pakiramdam ko.

"Kapag may pagala-galang kaluluwa dito baka ako ang unang umalis" sambit ni zia at humawak pa kay paul na agad siyang tumawa.

"Ang matatakutin mo"

"Tse!"

"Ang luwang ng gubat na ito, baka hindi natin agad mahanap iyon" saad ni kylish.

"Tiwala lang" sagot ni tydish, napabuntong hininga ako.

"Tao ang inyong hanapin"

"Ano ang ibig mong sabihin, ann?"

"May nakakuha na ng bolang diamante"

"Ano?! Sino?!" Gulat na sigaw ni kylish at zia.

"Sino?" Tanong din ng tatlo sa akin.

"Hindi ko alam basta isa siyang matanda"

"Kung ganun kailangan natin siyang mahanap" tumango ang apat sa sinabi ni kylish na agad kong kinailing.

"Nararamdaman ko ang presensya niya dito sa gubat, hindi tayo pwedeng umalis dito hanggat hindi natin siya nakikita"

"Pero, saan natin siya hahanapin?"

"Hindi ko alam, sa tingin ko kailangan na muna nating maghiwa-hiwalay"

"Ano?! Nakakatakot kaya dito sa gubat" reklamo agad ni zia na kinakunot noo ko.

"Anong ikakatakot mo sa isang maliwanag na gubat?"

"Ano ka ba, ann! Maraming mababangis na hayop dito noh!"

"May kapangyarihan ka at mas may laban ka kesa sa kanila. Ano ikinakatakot mo doon?" Napailing na lamang sila sa akin. "Sige, ako na lang ang hihiwalay at kayo ay magsama-samang maghanap"

"Sasama ako sayo" sambit agad ni zack ng tumalikod ako sa kanila, tumango na lamang ako at nagsimula ng maglakad.

Medyo malayo na kami sa kanila at medyo tahimik na dito kesa doon.

"Kanina pa tayo naglalakad, saan ba tayo pupunta? Naaamoy mo ba kung nasaan siya?" Napakunot noo ako sa sinabi niya sakin.

"Hindi ako aso para alam ang amoy niya, kung nagrereklamo ka naman ay pwede ka munang magpahinga dito"

"Hell no! Dito? Really? Hindi naman halatang nakakatakot noh?!"

"Sumama ka ba prinsepe para magreklamo?" Tinaasan lamang niya ako ng isang kilay.

Naglakad na ulit kami at habang naglalakad kami ay may naririnig kaming ingay, ingay ng isang katuwaan. Dahan-dahan kaming lumapit doon at sumilip kung ano ang kaganapan.

"Hmm! Pakawalan niyo kami!" Sigaw ng isang lalaki na nakatali, bali tatlong lalaki ang nakatali at halatang kanina pa sila nahuli ng mga ito.

"Kiro, tyron, jack?" Napatingin ako kay zack sa sinabi niya, kilala niya ang tatlong lalaki? "Tulungan natin sila" tumango ako sa kaniya at agad siyang pinigilan ng subukan niyang lumapit doon.

"Hindi sa ganiyang paraan"

"Pero, may panlaban tayo! May kapangyarihan ka, hindi ba? Kaya mong--"

"Delikado ang nasa isip mo, ano na lamang ang masasabi nila tungkol sa atin? Pagkakamalan nila tayong halimaw"

"We don't have a choice" umiling na lamang ako sa kaniya. "If you---"

"Huli kayo!!!" Agad kaming napatalon sa gulat ng bumungad ang mga bandido samin. Napataas kami ng kamay ng tutukan nila kami ng patalim nila.

"Mukhang masarap ang pagkain natin ngayong linggo" saad ng isa na agad kong kinalunok ng hawakan nila kami. "Dalhin na ang mga iyan" hinila nila kami papunta sa gitna kung kaya't pinagtitinginan na din kami ng ibang kasamahan nila.

"Zack!" Tawag ng mga kaibigan ni zack kaya napatingin kami sa kanila.

"Tawagin ang mga pinuno!" Sigaw ng isa kung kaya't agad silang kumilos upang tawagin ang pinuno nila.

"Anong gagawin natin?" Bulong ni zack na kinabuga ko ng hangin.

"Hindi tayo basta-basta makakakilos, mukhang marami ang nakatingin sa atin"

"Naku naman! Ayoko pang mamatay" napakagat labi ako upang pigilan ang pagtawa.

"Kumalma ka, prinsepe. Hindi pa tayo mamatay"

"Tignan mo naman ang ginagawa nila sa atin! Papunta na tayo doon"

May dalawang lumapit samin at agad tinali ang kamay namin sa upuan.

"Bitawan niyo kami!" Inis na sabi ni zack ngunit hindi nakinig ang mga ito.

May nagpatunog ng trumpeta at agad silang nag-grupo at agad silang sumigaw ng kakaibang salita. Mukhang paparating na ang pinuno nila. Agad kaming napatingin sa babaeng naka-upo sa kawayan habang buhat ito ng mga kalalakihan, maganda ang pinuno nila at tila maamo ng ngumiti ito sa amin.

"Ano ang nangyayari dito? Bakit tayo'y may panauhin?" Saad ng pinuno at tila walang alam sa nangyayari.

"Pakawalan niyo kami!" Sigaw ni zack kaya napatango ang pinuno.

"May isang kondisyon ang paglaya niyo" tumayo ang pinuno kaya agad siyang inalalayan ng mga alagad niya pababa ng kawayan. "Kung matalo niyo ako sa isang labanan ay makakalaya kayo, ngunit! Kung manalo ako sa labanan ay kayo ang aming handa mamayang gabi"

"Payag ako ngunit ako ang una mong kalabanin" napatingin ako kay zack at agad umiling.

"Ako ang dapat maunang kumalaban---"

"Shhh, I can handle this" umiling ako ngunit tinanguhan niya lamang ako.

Ginilid ako ng mga alagad ng pinuno at pinakawalan nila si zack, hindi niya alam ang ginagawa niya. Tumingin ako sa pinuno ng ngumiti ito ng pilyo habang inaayos niya ang kaniyang sandata. Mukhang mali na pumunta pa kami dito ngunit pakiramdam ko malapit na kami sa matanda.

Nagsimula na ang laban sa pagitan ng dalawa at natatakot ako para kay zack dahil baka mapahamak siya sa gagawin niya. Unang umatake si zack na agad namang naiwasan ng pinuno, sunod na umatake ang pinuno at dahil sa sobrang bilis ng galaw niya ay natamaan niya si zack. Pumutok agad ang gilid ng labi ni zack dahil sa sobrang lakas ng pagkatama.

"Zack" bulong ko sa sarili ko ngunit nagulat ako tumingin sakin si zack at tumango sa akin, pahiwatig na ayos lamang siya.

"Zack, tama na! Wala kang laban sa kanila" sigaw ng mga kaibigan nila, ngunit hindi pa din nakinig si zack dahil umatake na naman ito sa pinuno.

Yumuko ang pinuno para iwasan ang pag-atake ni zack ngunit sa pag-yuko ng pinuno ay may napansin akong kakaiba. May marka sa batok ng pinuno at ang markang iyon ay nagsisimbolo ng rosas. Nakaramdam ako ng kaunting takot dahil may nararamdaman akong kakaiba sa pinuno na ito.

Muling bumagsak si zack dahil sa lakas ng pwersa ng pinuno. Ano ba ito? Kakaiba ang liksi niya. Mabilis akong kumawala sa mga alagad ng pinuno ng sasaksakin na sana ng pinuno si zack, inilayo ko si zack sa sandata ng pinuno at agad akong humarap sa pinuno nila na agad napangisi sa akin.

"Handa ka na bang mamatay diwata?" Mayabang nitong sabi sa akin ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.

Unang sumugod ang pinuno sa akin at muntik na niya akong masugatan ng sandata niya, sobrang bilis niya! Ngingisi na sana ulit siya ng agad akong sumugod sa kaniya at mabilis siyang tinadyakan sa mukha. Napa-upo siya sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko. Inis siyang tumingin sa akin at kinuha niya ang mas malaking sandata niya. Napa-lunok ako dahil kakaiba ang sandatang ito, may kakaiba sa sandata niya at nakakaramdam ako ng kapangyarihan dito.

Agad akong umatras ng pumakawala siya ng kakaibang kapangyarihan sa sandatang ito, sabi na eh! May kapangyarihan ang sandata niya. Ngumisi ito at inangat pa ang ulo, pinapahiwatig niya na katapusan ko na.

"Wala kang laban dito" mayabang nitong sabi na kinatango ko na lang.

Umatake na naman siya sa akin at agad akong umikot at siniko siya sa likod na agad niyang kinadaing sa sakit. Hirap siyang tumayo at galit na humarap sa akin, tinaas niya ang sandata niya at may lumabas na kakaibang kapangyarihan dito, isang bolang apoy ang kumawala.

Hinagis niya sa akin ang bolang apoy kaya agad akong nagpakawala ng tubig sa aking palad upang maging panaglang ito.

"Mahusay, ngunit tignan natin ngayon kung maka-ilag ka pa sa susunod kong atake!" Mayabang nitong sabi at nagpakawala na naman siya ng isang malaking bolang apoy na agad kong inilagan dahil kakaiba ang isang iyon, may halong kidlat ang isang yun.

Mabilis akong umikot at agad ko siyang sinikmura, sa susunod kong atake ay agad siyang umilag. Parang pamilyar ang mga atakeng ginagawa niya, paano? Paanong alam niya lahat ng ito? Hindi kaya, siya iyon?

"Zisha?" Napatigil siya sa aking sinabi, gulat ang mukha niya at hindi agad siya naka-galaw sa pagka-bigla. "Tama, ikaw si zisha"

"Sinong zisha ang sinasabi mo?"

"Ikaw. Iyon ang ngalan mo"

"Mali ka, anong kahangalan ang sinasabi mo? Huwag mo akong idaan sa mga biro mo"

"Hindi mo ako madadala sa ganiyan mo, kilala ko ang mga galawan ni zisha. At naniniwala ako na ikaw siya"

"Arghhh!" Agad akong natamaan sa tagiliran ng bigla siyang umatake sa akin. Napasalampak ako sa sahig dahil sa ginawa niya. "Tumigil ka na! Wala na si zisha! Patay na siya!"

"Ann!" Sigaw nila zia na kakadating lang, hindi ko sila pinansin dahil nakatuon lang ang pansin ko kay zisha na gulat na gulat ng makita niya si tydish.

"Zisha?" Gulat na bigkas ni tydish habang nakatingin siya kay zisha na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. "Zisha!" Sigaw niya ng talikuran siya ni zisha.

"Umalis na kayo!"

"Ang tagal kitang hinanap at nandito ka lang pala! Bakit? Bakit umalis ka sa holypia?!"

"Umalis na kayo!!"

"Hindi kami aalis hanggang hindi kita nakaka-usap"

Kilalang diwata si zisha sa buong holypia at lagi siyang pinag-uusapan sa buong palasyo kung kaya't nakilala ko siya hindi sa mukha ngunit dahil sa galing niyang pakikipag-laban. Ngunit hindi ko alam kung bakit umalis si zisha sa holypia, may nangyari kayang hindi maganda?

Tumayo ako at kita ko sa mukha ni tydish na nangungulila siya kay zisha, ano bang meron sa dalawang ito?

Tinulungan ni zia si zack na tanggalin ang tali sa tatlong kaibigan ni zack. Nalilito pa din ang tatlo sa mga nangyayari, sabagay ganoon din ako.

"Papatayin ko kayong lahat kung hindi pa din kayo aalis!" Humarap siya sa amin habang galit-galit ang kaniyang mata, sobra ang hinanakit niya at hindi ko alam kung kasali pa ba kami doon o kay zack lang siya may hinanakit?

"Ano bang nangyayari sayo? Aalis kami at isasama ka namin!"

"Kailanman hindi ako sasama sa inyo! Umalis na kayo bago ko pa kayo ipahuli sa mga alagad ko"

"Sasama ka sa amin!"

"Tydish!" Sigaw namin ng bigla siyang matamaan ng palaso na nanggaling sa kung saan. Agad kaming naging alerto dahil nasisiguro namin na may iba pang kalaban bukod sa kanila.

Nagulat si zisha sa nangyari ngunit agad niya din lang binawi ang emosyon niya. Anong ibig sabihin nun? Tinulungan ni zia si tydish upang hindi ito matumba, natamaan kasi siya sa braso na kinahina agad nito. Ngumisi sa amin si zisha ng may lumabas na kalalakihan na naka-itim.

"Katapusan niyo na! Hindi ba't sinabi ko naman ng umalis kayo? Pero, hindi kayo nakinig!" Ngumisi siya sa amin at tinignan ang mga kalaban, napakunot noo ako dahil kakaiba ang kilos ng mga naka-itim kumpara sa mga tauhan ni zisha. Hindi kaya kalaban din nila ito?

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni zack sa gilid ko kaya tinignan ko siya.

"Itakas mo na ang mga kaibigan mo, kami ng bahala sa kanila"

"Ano? Hindi pwede!"

"Mapapahamak sila kapag nagmatigas ka pa, prinsepe" magsasalita pa sana siya ngunit pinigilan na lang niya ito at napabuga Ng hangin.

"Sumunod kayo kaagad, ah" ngumiti ako at tumango.

Niyaya na niya ang mga kaibigan niya papalayo dito, muli akong humarap sa kanila at nakita ko kaagad ang mas dumaming naka-itim.

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni zia sa gilid ko.

"Kailangan nating tulungan si zisha"

"Ano? Nahihibang ka na ba? Muntik ka na niyang patayin tapos handa mo pa siyang tulungan ngayon?!"

"Mahalaga siya sa holypia"

"Pero, tinalikuran na niya ang holypia at wala na siyang babalikan doon!"

"Isa pa din siyang diwata, zia" napailing na lamang siya sa akin, bukod doon ay may nais pa akong gustong malaman sa kanila ni tydish.

Nagsimula na ang laban kung kaya't humanda na din ako sa pakikipag-laban, mas mabilis ang kilos nila kesa sa amin. Sino ang mga ito? Bakit kakaiba ang kilos nila?

Agad kong inilagan ang nasa likod ko at agad akong umikot at sinipa siya dahilan para tumalsik siya. Nagulat ako ng magpakawala si zisha ng kakaibang kidlat, may kasama kasi itong apoy na nagliliyab.

"Tigilan mo yan, zisha!" Sigaw ko sa kaniya dahil pati siya ay pwedeng mamatay dito ngunit ngumisi lang siya sa akin.

Nagpakawala din si zia ng dambuhalang lupa at agad niya yun inihagis kay zisha na agad tumalsik sa puno.

"Zisha!!" Sigaw ni tydish at agad niyang nilapitan si zisha na nanghihingalo na.

"Kapag hindi pa kayo umalis, dudurugin ko ang mga balat niyo!" Sigaw ni zia sa mga naka-itim na agad nagsi-atrasan dahil sa takot.

Lumapit ako kila tydish at nakita kong hirap ng huminga si zisha.

"P-Patawarin mo a-ako" hirap na sabi ni zisha na agad kinailing ni tydish.

"Ako ang dapat humingi ng tawad, patawarin mo ako zisha. Patawad kung hindi kita pinaglaban noon, patawarin mo ako" umiiyak na sabi ni tydish, ngumiti si zisha at agad niyang pinunasan ang pisngi ni tydish.

"M-Matagal na kitang n-napatawad, t-tydish. Mahal na mahal k-kita"

"Mahal na mahal din kita---zisha?! ZISHA?!" Agad nataranta si tydish dahil hindi na gumagalaw si zisha. "Zisha, gumising ka!" Ginungun niya si zisha ngunit hindi na talaga ito gumagalaw, hinawakan ko siya sa balikat kung kaya't napatingin siya sakin. Umiling ako kaya agad siyang napa-hagulgul lalo.

Agad akong napatingin sa madilim na parte ng gubat dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa kilos namin, agad akong napakunot noo ng may matang nakatingin sa amin. Pero agad din yun nawala ng bigla itong tumingin sa akin, mabilis akong naglaho papunta sa kaniya. Ngunit wala akong ibang makita kundi dilim, napatingin ako sa kwentas na suot ko ng bigla itong umilaw, ibig sabihin malapit dito ang bolang diamante. Ang kwentas lamang ang nagsisilbing liwanag dito sa madilim na lugar na ito.

"Lumabas ka, alam kong nasa paligid ka lang" biglang humangin ng malakas at kasabay nun ang paglitaw ng matandang babae sa harap ko. Ngumiti ito kaya agad akong napa-atras, kakaiba ang tindig niya.

"Kakaiba ang mga mata mo, parang may hiwaga ditong natatago, hija"

"Alam kong nasa iyo ang bolang diamante, kung maaari po sana ibalik niyo na sa akin ito"

"Hindi ganoon kadali, hija"

"Kung ganoon, paano ko makukuha pabalik?" Ngumisi ang matanda at gumawa siya ng lagusan. "Pumasok ka dito at malalaman mo ang buong sekreto ng holypia"

"Bakit ako lang? Maaari ko bang isama ang mga kaibigan ko?---"

"Pumasok ka na! Mawawala na ang aking lakas!"

"Ngunit--" nagulat ako ng bigla niya akong itulak sa lagusan, napapikit ako dahil sobrang lakas ng liwanag.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko ng makarinig ako ng huni ng ibon. Anong ginagawa ko dito sa centro ng palasyo?

"Oh, prinsesa ann anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa piging ka pa darating?" Anong nangyayari? Bakit pakiramdam ko maliit akong tao? Napatingin ako sa mga kamay ko at agad akong nagulat dahil ang liliit ng kamay at daliri ko, mabilis kong hinawakan ang pisngi ko at mas lalo akong nagulat dahil ang liit ng mukha ko. "Ayos ka lamang ba? May masakit ba sayo?"

"S-Salamin"

"Ah?"

"Kailangan ko po ng salamin" naguguluhan man siya ngunit agad din akong binigyan ng salamin, nang makita ko ang mukha ko sa salamin ay mas lalo pa akong nagulat. Bakit naging bata ulit ako? Naging sampung taong gulang ulit ako!

"Hinahanap mo na ba ang iyong ina at ama?" Napabuga ako ng hangin at napahawak sa kwentas na suot ko, nandidito pa din naman ang kwentas na bigay sakin ng reyna kung kaya't nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi pa po, salamat"

"Hahaha, akina yan zisha!" Boses ni tydish iyon na nanggagaling sa isang silid. Sa pagkaka-alam ko ay hindi ako tumuloy doon noon dahil tinawag na agad ako nila ama.

Lumapit ako sa silid na iyon at kumatok, makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto at agad nagulat si tydish ng makita ang mukha ko.

"P-Prinsesa ann, anong ginagawa mo dito?"

"Maaari ba akong makisali sa laro niyo?"

"Ann, anak" napatingin kami sa bagong dating, si ama at ina. Aayain na nila akong bumalik sa palasyo.

"Ama, ina"

"Halika na, kailangan na nating umuwi" saad ni ina na agad kong kinangiti.

"Ina, gusto ko pong makilaro muna sa kanila"

"Sigurado ka ba, anak?" Tumango ako kaya mas lalo silang napangiti.

Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 1.3K 43
Letting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kap...
1.8M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
76.4K 2.8K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...