Behind her Mask

Queen_Eysii द्वारा

384 43 142

Sa angkin niyang kagandahan at inosenteng mukha, natatago ang isang masalimuot na nakaraan. Paano kaya niya m... अधिक

Disclaimer
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight

Chapter One

79 11 36
Queen_Eysii द्वारा

Sweat continued to gush down the little child's face. Her doe eyes are now full of tears as she witness how her father is pleading some men while kneeling down outside the closet.

"Shh," her mother reminded her as she cover her mouth tightly. Her mother is silently crying as well, wishing that no one would know they are hiding inside.

"Where is your wife?" the man outside asked. Two men were grabbing his father behind him, in his arms and head. Another one, probably the one asking him, held his jaw tightly. "Bakit ikaw lang ang nandito? Nasaan ang asawa mo?"

Her father shook his head. "Wala! Wala sila dito! Ako lang ang nandito!"

The man just laughed. "'Wag mo akong niloloko. Saan nagtatago ang asawa at anak mo?"

The child looked at her mom who looked back at her. She hugged her mother as the latter also covered her ears.

Minutes later, the armed men brought his father out of the room, followed by the others. Her mother cupped her cheeks. "Annarih, listen to mommy."

Annarih saw her mom smiled as the latter wiped her tears. "Be strong. Avenge us."

That was her mother's last words before she brought her to the hidden passage in the floor and went out.

She covered her ears as she heard the loud thuds, and voices outside the room. She knows she needs to get out of the place but she's worried for her parents. Sneakily, she stepped one by one so lightly in the wooden floor until she reached the door. She peaked into it and her eyes widened by what she saw.

Her dad...lying on the floor, headless. She saw her mom looked at her one last time before suddenly, a head was being cut from its neck.


-

ANNARIH woke up breathing heavily. Bumangon siya sa higaan niya at tinitigan ang litrato sa lamesang katabi ng kama niya. Her parents.

She sighed before speaking. "Maipaghihiganti ko rin kayo."

She looked at the time. 3 am pa lang. Masyado pang maaga, pero alam niyang hindi pa siya makakatulog nito agad. Sa tuwing napapanaginipan niya ang masaklap na pagkamatay ng mga magulang niya, hindi niya 'yon agad maialis sa isipan niya. Nananatili 'yon at paulit-ulit siyang binubulabog. At alam niyang patuloy siyang hindi matatahimik hanggang hindi niya nakukuha ang hustisya.

Bumaba siya sa kusina para kumuha ng tubig. Kailangan niyang mahimasmasan. May trabaho pa siya kinaumagahan at kailangan niyang umayos. Naalala niyang may kaso pa siyang aasikasuhin kaya naman kailangan niya muna talagang maiwaglit sa isipan niya ang napanaginipan niya para umayos ang kondisyon niya.

Nang mahimasmasan ay agad na rin siyang umakyat sa kwarto niya. Saglit niya pang tinapunan ng tingin ang litrato nilang buong pamilya bago bumalik sa pagkakahiga.

-

ANNARIH held her head upon waking up. Napatingin siya sa wall clock niya. "Shit," bulong niya nang makitang alas-dose na ng tanghali. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang phone niya. Marami nang mga missed calls ang nandoon. "Fuck, mamaya na kayo."

Agad na siyang nagpunta ng banyo para maligo at mag-ayos ng sarili. Kailangan na niyang magmadali dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin. Unang-una na doon ang paghahanap sa mga hayop na pumatay sa mga magulang niya.

Nang matapos siyang maligo ay bumaba na rin siya para maghanda ng makakain niya. Pancakes and chocolate flavored coffee. Iyon ang laging hinahanda ng kanyang ina bilang almusal niya noon kaya iyon na din ang nakasanayan niya.

Tiningnan niya ang folder na nasa gilid ng plato niya at tsaka ibinuklat. Mga unang nakalap na impormasyon 'yon ng informant niya. Marami pa ring kulang.

Kinuha niya ang telepono at tsaka tinipa ang numero ng taong 'yon. Wala pang isang minuto nang sagutin 'yon ng nasa kabilang linya. "Hi, Annarih!"

"Alcher," bati niya. Alcher Dee Reyes. Her informant for over a year now. Ito ang tumutulong sa kanyang lutasin ang nangyaring brutal na krimen sa pamilya niya lagpas sampung taon na ang nakakaraan.

"Anong maipaglilingkod ko?" tanong ni Alcher habang nakangiti kahit na hindi naman 'yon nakikita ni Annarih.

"About what happened more than a decade ago," sagot ni Annarih. "Any updates?"

Napabuntong-hininga si Alcher bago umiling sa telepono. "Wala pa. Pero hindi naman ako tumitigil sa pag-iimbestiga."

Napakurap si Annarih sa sinabi ng kausap. "Then make it fast. Kailangan na nating magmadali. Hindi pwedeng mapatagal pa ang paghahanap natin sa kanila."

Tumango si Alcher. "Alam ko. 'Wag kang mag-alala. Malapit na."

Alcher Dee Reyes' POV

NANG ibaba ni Annarih ang tawag ay bumangon na rin ako sa higaan ko. As usual, she's too eager to look for her parents' killers. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil kung ako rin naman ang makaranas at makakita no'n sa murang edad, baka hindi ko pa kayanin. Buti nga at nakaya niya, eh.

Kinuha ko ang files ng mga nakalap kong impormasyon sa table ko sa loob ng office. Marami-rami na rin 'to, pero marami pa rin ang kulang. Marami pang mga bagay na hindi ko mapagtagpi-tagpi.

Nang muli kong ma-scan ang mga 'yon ay napagdesisyunan ko nang maligo. Nag-ayos na rin ako ng sarili para humanda na sa pag-alis. Alam ko na kung saan ako ulit mag-uumpisa. Pero bago ang lahat, kailangan ko munang magpalamig.

-

"YES SIR, WHAT'S YOUR ORDER?"

Nginitian ko lang ang waitress na sumalubong sa akin. "Later."

Naghanap ako ng upuan na bakante para doon pumwesto. Ayoko nang masyadong matao dahil nahihirapan ako mag-isip. Kailangan ko ring ingatan na walang ibang makakita ng mga hawak ko kung hindi ako at si Annarih lang.

Nang makahanap na ako ng bakanteng pwesto ay tiningnan ko na ang menu na nakalapag doon. Hmm. Mukhang masarap naman ang mga tinda nila. Napangiti ako nang makita ang section ng mga cakes. Mahilig si amo ko sa strawberry cheesecake. Nakakatawa na sa tapang at misteryosa niyang iyon ay strawberry cheesecake ang hilig niya.

"Miss," sabi ko at itinaas ang kamay ko. Nilapitan naman ako ng babaeng sumalubong sa akin kanina. "One shot of Espresso and Oreo Frappe. Pa-take out na rin ng isang strawberry cheesecake," ngiti ko na agad niyang tinanguan.

Nang makaalis na siya ay yumuko ako sa lamesa. Ala-una na ng hapon pero inaantok pa rin ako. Madaling-araw na rin kasi ako nakatulog. Nahihirapan na rin ako sa ginagawa ko pero... ginusto ko 'to, eh.

"Hay, Annarih," sabi ko habang nag-uunat. Kung sakaling kasama ko siya ngayon, nabatukan niya na ako. Mainitin pa naman ang ulo no'n.

Kinuha ko ang phone ko at pinindot ang gallery. May hidden album doon na puro pictures lang niya ang nakalagay. Pictures niya sa tuwing tulog. Ang ganda talaga.

Napapangiti na lang ako habang inii-scroll ang bawat pictures niya. Maging sa pagtulog, ang sungit. Nakakunot lagi ang noo. Parang palaging may kaaway. Pero sa tuwing natutulog siya, doon niya nailalabas ang mga hinanakit niya mula pagkabata.

Matapos rin ang ilang minuto ay dinala na sa akin ang order ko. Humingi na rin ako ng supot para doon ilagay ang cake at frappe. Pasalubong ko para sa kanya mamaya. Kinuha ko na ang folder sa bag ko. Sasakit na naman ang ulo ko nito.

Hihigop na sana ako ng kape nang may marinig akong mag-usog ng upuan sa likuran ko. Hindi ko na sana papansinin kaso napukaw nila ang atensyon ko nang banggitin nila ang pangalan ni Annarih.

"Ano nang plano niyo sa babaeng 'yon?" tanong ng isa. "Masyadong pursigido."

Iniligpit ko ang hawak ko bago muling nakinig. In-on ko rin ang speaker ng phone ko para i-record ang kung ano mang pag-uusapan nila.

"Wala naman siyang mapapala. Hindi niya kayang alamin ang lahat dahil malinis ang trabahong ginawa natin."

"Paano kung may tumulong sa kanya?" Napangisi ako. Ako ang tumutulong sa kanya.

"Kahit sino pang tumulong sa kanya, wala silang mapapala. Hindi niya malalaman na alam na alam niya kung saan malalaman ang lahat."

-

"ANNARIH, ALAM KO NA KUNG SAAN TAYO MAGHAHANAP."

Tinawagan ko si Annarih para sabihin ang mga narinig ko. Sinend ko na rin sa kanya ang voice message na na-record ko para mapakinggan niya. "Sa bahay," sabi niya gamit ang mahinang boses na parang ngayon niya naisip ang bagay na 'yon.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita." Agad kong pinaandar ang sasakyan ko.

"Nasa agency, bilisan mo."

Medyo malayo ang agency nila dito sa cafe na 'to. Kailangan kong magmadali dahil matatalakan niya ako kapag hindi ako nakarating doon nang mabilis.

Tiningnan ko pa ng isang beses ang paperbag na pinaglagyan ko ng mga ibibigay ko sa kanya sa back seat bago tuluyang itutok ang mga mata ko sa daan.

-

"I CAN'T BELIEVE NA HINDI KO NAISIP 'YON."

Iyon agad ang bungad niya sa akin nang makasakay siya sa sasakyan ko. Halatang problemadong-problemado siya. Yumuko pa siya sa mga kamay niya.

"Hindi ko rin naisip na maaaring nandoon ang mga bagay na matagal na nating hinahanap," sabi ko. "Baka kasi masyado lang tayong naghahanap sa ibang lugar."

Tumango siya. "Hindi natin naisip ang kung anong maaaring isipin nila. Masyado tayong nadala."

Sang-ayon ako. Maski ako na tagahanap niya ng impormasyon ay hindi 'yon naisip. Medyo tanga tayo sa part na 'yon.

"Ah, Annarih," tawag ko sa kanya. "Hindi ka ba nagugutom? May pagkain sa likod." Sinamaan niya ako ng tingin. "Sabi ko nga, mamaya na."

Diyos mio. Masamang ibaling ang topic kapag seryoso siya.

Nang makarating kami sa lumang bahay nila kung saan pinatay ang mga magulang niya ay dahan-dahang tumulo ang mga luha niya. Halatang miss na miss niya ang lugar na 'to.

"This place brings so much memories," aniya nang makalabas kami ng kotse. "So many good memories, turned to bad."

Mabagal niyang tiningnan ang paligid. Parang nasa music video. Paminsan-minsan pa siyang humihikbi na parang apektadong-apektado. Huminto siya sa may garden at tsaka naupo sa swing. "This... This is where my parents use to play with me before."

Taray naman nito. Mag-reminisce ba naman sa panahong kailangan naming magmadali.

Gusto ko sanang sabihing mamaya na niya alalahanin ang mga memories nila ng pamilya niya kaso baka masampal ako. Mahirap na.

Hinayaan ko siya doon ng ilang minuto hanggang sa magkusa na siyang tumayo. Inalalayan ko na siyang maglakad dahil parang matutumba siya ano mang oras. Parang sobrang nanghihina na siya. Nilibot namin ang lahat ng lugar sa 1st floor nila. Ang kusina, sala, maski ang entertainment room nila bago umakyat sa taas. Doon, mas lalong lumungkot ang mukha niya.

Unang hakbang pa lang ay bumagsak na siya. Umiyak siya nang umiyak habang nakasandal sa akin. Nakakahabag. Nakakaawa.

Nang mahimasmasan siya ay klinaro niya ang lalamunan bago tumayo. "I'm sorry, I didn't mean to cry in front of you. It's just that I get too emotional here because of the memories."

Tumango na lang ako. "Naiintindihan ko. Ayos lang." Ngumiti ako sa kanya ulit. 'Yung ngiting parang sinasabihan siya na ayos lang na iyakan niya ako ng ilang beses. "Besides, hindi mo naman kailangang itago ang nararamdaman mo. Normal 'yan."

Umiling siya. "It's not. For me."

Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Hindi nga normal sa kanya ang pag-iyak. Dahil sa isang taong kilala ko siya, ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Masyado niyang ginawang matibay ang sarili niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad habang sinusundan ko siya. Una siyang pumasok sa kwarto niya. Alam kong kwarto niya 'to dahil mukha iyong kwarto ng isang batang babae. Nilibot niya 'yon pero wala man lang siyang nakitang ni isa. Maski sa iba pang mga kwarto pati ang kwarto ng mga magulang niya.

"Sigurado ka bang hindi ka nila nakita?" inis na tanong niya sa akin.

"Oo, sigurado!" Ang sama na ng tingin niya sa akin na parang pinagdududahan na ako.

"Tsk. Baka mamaya pinaglalaruan ka lang."

Napakamot ako sa ulo. Naglakad pa siya doon at humawak sa pader nang bigla siyang matigilan. Tatanungin ko sana kung ano 'yon nang itulak niya 'yon at...bumukas. Naglakad ako agad nang bigla siyang matigilan sa nakita niya sa loob.

"T-that..."

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

The Hit-man (Raura) R.M द्वारा

फैनफिक्शन

9.6K 454 16
[COMPLETE] After realizing that Ross' family had cut him off for his change in behavior and attitude, he was out of luck and on his own. Years later...
163 11 17
You've been killing people as a licensed assassin for eleven years. When you were young your mother was killed by your drug lord father after she tri...
14.5K 103 34
Kim Garcia Angon, suffering from an accident ten years ago. Flame of the place; feared, and worshipped. He is often caught by the police, but he alwa...
21.2K 541 43
She was supposed to meet her friend,however,it never got to the point where she could knock on her friend's door.She bumped into her brother's rival...