SA1: She Captured My Heart (G...

By letmebed1

225K 8K 561

[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Le... More

Introduction
CAST
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 ⚠️
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 ⚠️
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 ⚠️
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 🩷
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 20

2.6K 151 6
By letmebed1

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Inubos ko ang isang bote ng alak at sumandal dito sa kinauupuan ko. Lahat ng tao ay nakatitig kay Seya habang nakasexy suit at nagpeperform habang sinasabayan ang napaka-sexy na tunog ng musika.

Akala ko yoga lang ang kaya niyang gawin, pati pala ang pole dancing ay nagagawa niya. Bilib na ako sa babaeng ito!

Nasa ere siya habang ang isang binti ay nakayakap sa pole at dahan dahan siyang umiikot pababa. Mukha siyang professional pole dancer, napaka-easy lang sa kanya ang magpaikot-ikot sa pole ng hindi nalalaglag.

Nang mapatingin siya sa akin hindi ko nagawang iiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bakit ganon siya kung makatitig sa akin. Gusto ko siyang senyasan na bumaba na ng entablado pero bigla na lang nag iba-iba ang kulay ng ilaw. Kaya naman pala, dahil iyon sa glass ball na nasa itaas ng stage. Gumagawa iyon ng iba't-ibang kulay ng ilaw dito sa loob ng club. Mukhang doon na rin nagtatapos ang performance niya. Pumalakpak ang mga tao na nanunood sa kanya, saka sila nagbato ng mga pera sa entablado.

"Ang galing ni Seya, ang hot niya!"si Cyborge.

Bumaba si Seya ng entablado. Nakasunod naman ang mga tingin ko sa sa kanya.

"Rio, Cy dito lang kayo."sabi ko saka ko sinundan si Seya. Pumasok siya sa isang kwarto at sumunod agad ako. Pagpasok ko ay medyo madilim, at mas nangingibabaw ang kulay pula na liwanag dito sa loob. Napakarami ding babae na performer ang nandito, mga nakasuot lang ng bikini, at yong iba ay naka-topless. Kitang kita ang mga malulusog nilang dibdib.

"Reign?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin-----si Seya!

"Ano ba 'tong pinasok mo?"sermon ko sa kanya.

"Eto lang ang available na trabaho."

"Tigilan mo na 'to. Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito ang aapplyan mo?"

"Hindi ka naman nagtanong, eh."

Napapailing ako sa inis!

"Girlie! Sino yang kausap mo?!"sabi ng isang gay kay Seya. Girlie pala ang tawag sa kanya.

"Ahh, siya yong bugäw ko Moma! Kinakamusta lang niya ako kung masikip pa ako."sabi niya sabay kurot sa tiyan ko.

Nagulat ako sa term niya. "Anong sinasabi mo, Seya?!"

Baliw talaga! Anong pinagsasabi niya?!

"Shhhh pwede bang hinaan mo yang boses mo? Makisakay ka na lang, tsaka okay lang ako." Pinanlakihan ko siya ng mata pero ganon din ang ginawa niya sakin. Nakipagtitigan siya sakin.

"Mukhang hindi ako mahihirapan na ibenta ka sa mga parokyano, Girlie!"natatawang saad nong gay.

"Salamat Moma. Saglit lang po ah, kausapin ko lang itong bugäw ko."

Hinila niya ako malapit dito sa pintuan.

"Mamaya iti-table ako nong lalake."

Kinindatan niya ako saka niya ako itinulak palabas ng kwarto.".....labas ka na. Mamaya na tayo mag-usap."

Hindi ako makapaniwala sa babaeng 'to!

"Umayos ka Seya! May trabaho tayo na dapat gawin."

"Eto na nga, ginagawa ko na. Sige na, lumabas ka muna. Diskarte ko na 'to."

Bago pa niya ako maitulak palabas ay nakabig ko ang bewang niya. Nagkadikit kami at napiga ang dibdib niya dahil sa pagkakadikit sa akin, lumutang tuloy ang malusog niyang cleavage sa suot niyang sexy suit.

"Oh Reign...."reaksyon niya. Nakakapang init pagmasdan ang dibdib niya.

"Siguraduhin mo lang na walang mangyayari sayong masama dahil kargo kita. Umayos ka!"

"Opo, babes. Mag-iingat ako."

Itinulak niya ako ng malakas saka niya isinara ang pintuan.

Babes?! Natatawa na lang ako dahil muntik akong mapaupo. Ano bang binabalak niyang gawin? Napaka-unpredictable talaga ng babaeng 'yon!

Habang nakatayo ako rito ay may mga lalake naman na pumasok sa kwarto. Pabalik na dapat ako sa table namin nang mapansin ko ang isang lalake na matikas ang pangangatawan. Mga nasa mid thirties lang siya base sa pagkaka-titig ko sa mukha niya. Nalagpasan ko siya pero napalingon ulit ako ng isang beses at pumasok din siya sa kwarto na kinaroroonan ni Seya.

Sana hindi mapahamak si Seya sa ginagawa niya.

Dumirecho ako dito sa labas ng club at hinanap ang Van na kinaroroonan ni Heart.

"Heart!"

"Oh Reign. Andito ka na." Pumasok ako dito sa loob ng Van at umupo dito sa tabi niya.

"Patingin ako nong picture na nakuhanan ni Cloud."

"Okay wait." Ipinakita sakin ang picture nong hinihinalang si Marco Redendo.

"Heto, pero hindi siya nagmatch sa data base." Pagtingin ko ng image sa screen ng computer ay ito nga yong nakasalubong ko.

"Patingin ng ibang angle ng mukha niya." Iginalaw-galaw ni Heart ang image sa iba't ibang anggulo nito. "....okay na, Heart."

Naka-store na lahat sa utak ko ang mga detalye nong images. Mukhang kakailanganin ko nga ang tulong ni Seya sa pagkakataong ito. Pero ang alam ko mahilig si Redendo sa mga bata o estudyante.

Hindi kaya, lahat ng klase ng babae ay pinapatos niya? Na-curious tuloy ako.

.....

NAGHINTAY ako dito sa sasakyan na gamit ko at nang makita ko na lumabas si Rio at Cy ay sinabihan ko sila na sumakay sa Van.

"Ako na bahalang maghintay kay Seya. Mauna na kayong umalis."

"Okay, Reign. Ingatan mo ang baby ko, ha?"si Rio.

Hanep!

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nakatingin ako sa side mirror at nakikita ko silang dalawa ni Cyborge na naglalakad patungo sa Van. Nauna na silang umalis. Nandito lang ako nakaupo sa driver seat habang hinihintay si Seya. Patingin-tingin ako sa relo ko dahil mag-iisang oras na pero hindi pa rin siya lumalabas. Naghintay pa ako ng another thirty minutes nang mapansin ko na palabas na siya ng club, pero hindi siya nag iisa.

Inaakay siya ni Cloud.

"Anong nangyari diyan?" Pinaupo niya si Seya dito sa passenger seat.

"Nalasing, Reign. Nakainuman niya si Moma at yong suspected target. Mukhang nagustuhan siya nang mapanood siya na nag-pole dancing. Pero huwag ka mag alala nakabantay ako sa kanya kanina. Iuwi mo na siya, kailangan ko pang bumalik sa loob."

"Okay. Mula ngayon subaybayan mo rin yong kilos nong Moma."

"Okay Reign, masusunod."

Bumalik na siya sa loob ng club.

"Seya!"sinampal-sampal ko ang pisngi niya.

Nakapikit ito. Hinawakan ko ang kamay niya at napansin ko na may hawak siyang upos ng sigarilyo at nalaglag sa sahig ang hand bag na dala niya. Bahagyang nasunog ang balat niya sa palad, dahil siguro dinampot niya ito habang may baga pa. Kinuha ko ito at itatapon sana kaso tinabig niya ang kamay ko. Nalaglag tuloy sa sahig yong upos ng sigarilyo.

"Hay naku, Seya. Gumising ka na!"

"Reign...."hinila-hila niya ang damit ko.

May ulirat na siya.

"....panagutan mo na ako!"

Sumubsob siya sa leeg ko na para bang nagmamakaawa. Nagbibiro ba 'to?

"Bakit ko naman gagawin yon?"

"May namagitan sating dalawa."

"Ginawa ko lang yon para iligtas ang buhay mo. Uuwi na tayo. Ganito ka ba talaga kapag nalalasing, ha?"

"Ayokong umuwi."

Nakikiliti ako dahil nadidikit yong labi niya sa leeg ko. Balak ko siyang sermonan pero paano ko gagawin iyon eh halos hindi niya maayos ang sarili niya, at para siyang naglalambing sakin.

"Seya umayos ka na."

"Ayoko, Reign."

Natatawa ako. Baliw talaga 'tong si Seya. Nahuhulaan ko na mangyayari ito kaya ko pinaalis si Rio. Ikinakabit ko ang seatbelt niya kaso ang likot niya hanggang sa hinila niya ako at napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. Ang bango!

Hindi pwede 'to! Inayos ko ang sarili ko at isinandal ko siya sa upuan.

"Iuuwi na kita. Huwag ka na magulo, dali na. Umayos ka na." Hirap na hirap akong ikabit ang seat belt niya!

"Reign namimiss kita..."sambit niya, halos pabulong lang iyon kasunod non ay hinaplos niya ang pisngi ko. Namumungay ang mga mata niya dahil sa kalasingan.

"Ano bang gusto mo, Seya?" Hindi siya nagsalita pero inilapit niya ang labi niya sa labi ko. Muntik ko na siyang mahalikan. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Lasing siya, baka hindi niya alam ang ginagawa niya! Buti at nailagay ko rin ang seatbelt. "....iuuwi muna kita."

....

DINALA ko siya dito sa bahay ko, kung saan talaga ako nakatira. Inakay ko siya hanggang sa makarating kami dito sa kwarto, saka ko siya pinahiga dito sa kama at kinuha ang first aid kit.

Para akong nagbi-baby sit ng Agent.

Umupo ako dito sa gilid ng kama. Nilinisan ko ang palad niya na may paso ng sigarilyo gamit ang bulak at betadine. Habang ginagawa ko ito ay napapatitig ako sa mukha niya, mahimbing ang tulog niya.  Pero natigilan ako, hindi ko maituloy ang ginagawa kong paglilinis ng sugat niya dahil hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Nanatili kami sa ganitong posisyon.

Hinahayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. Hanggang sa ako na mismo ang humawak sa kamay niya at pinisil ko ito.

"Matulog ka ng mahimbing, Seya."

Tumayo na ako, pero ayaw pa rin niyang bitawan ang kamay ko.

Mukha naman siyang tulog pero bakit siya nakahawak sakin? Hindi ako umalis sa tabi niya, hanggang sa unti-unti ring bumitaw ang hawak niya sa kamay ko. Kumuha ako ng bagong kumot at saka ibinalot sa katawan niya. Dito ako sa sala natulog, sa may sofa. Habang siya ay mahimbing ang pagkakatulog sa kama ko.

___________________________________

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

Paggising ko ramdam ko ang bigat ng katawan ko, nag-inat ako ng mga kamay at pinilit kong bumangon at umupo dito sa gilid ng kama, pati ulo ko masakit.

"Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?"si Reign.

"Ahm ayos lang naman ang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko dahil parang buong katawan ko ay masakit.

Napansin ko ang paligid ko. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito. ".....nasan tayo, Reign?"

"Dito sa bahay ko."

"Bahay mo?"

"Yep."

Tumayo ako at tumanaw dito sa balcony. May mga puno at halaman. Maganda ang lugar pero may mga naririnig akong mga sasakyan na dumadaan kaya baka nasa Metro Manila lang din kami or kalapit na syudad. "Ahm, place mo ba talaga ito?"

"Oo, this is a private property, walang ibang nakakapasok dito kundi ako lang, ligtas ang mag stay dito."

Pwede na ba akong kiligin dahil inuuwi na niya ako?

"Oh okay. Pero bakit mo ako dinala rito? Magbabakasyon ba tayo?"

"Ah hindi, may kailangan kasi akong kunin na mga gamit pero pwede naman tayo mag stay kahit ilang oras para makapagrelax."

Tumango ako. Akala ko naman dahil gusto niya akong masolo, yon pala may kukunin lang.

"Parang masarap nga magstay dito sa place mo."

"Yep, nagpupunta ako rito kapag gusto kong lumayo sa readlidad. Tara, magbreakfast muna tayo."

Susunod sana ako sa kanya kaso napansin ko ang damit ko. Suot ko pa ito kagabi.

"Reign pwede ba maligo muna ako, kaso wala akong damit."

"Saglit lang. Ikukuha kita."

Naghalungkat siya sa bag niya.

"Heto, tshirt at shorts. Kaso walang undies. Tsaka eto maliit na towel, pagtyagaan mo na." Napangiti ako, dapat talaga nag-dadala ako ng underwear lalo na ngayon, inuuwi na ako ni Reign. Asa naman ako! Natatawa ako sa sarili ko, kung anu-ano naiisip ko. "...Seya, bakit ka nakangiti diyan?"

"Ha? Ah wala! Okay lang 'to sakin kahit walang undy, ikaw lang naman ang kasama ko rito at makakakita sakin."

"Ahh, huwag ka mag-alala. Wala akong balak na masama sayo."

"Talaga? Mabuting balak, wala rin ba Reign?" Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya.

"Iligo mo na yan, Seya. Bago ko pa mahulaan kung ano ang nasa isip mo."

Natatawa ako nang tumalikod siya. Ang hirap naman magpa-cute sa taong ito! Nagmumukha tuloy akong desperada.

Pagkakataon na niya dahil solo niya ako pero wala man lang ba siyang gagawing move? O dapat ako pa ang gumawa? Kahit ata hindi ko i-lock ang banyo hindi siya magtatangkang pasukin ako. Hindi ba ako kaakit-akit sa paningin niya?

Naghubad na ako ng damit at underwear, una kong hinanap ang shampoo at sabon. Sakto! Wala akong makita dito sa loob.

Sumilip ako dito sa pintuan.

"Ah Reign, walang shampoo at sabon."

Lumapit siya rito.

"May maliit na cabinet diyan sa loob baka may nakapatong sa ibabaw non."

"Ikuha mo ako, hindi ko makita kung saan nakalagay."

Binuksan ko ang pintuan at hinayaan na makita niya ang kahubaran ko. Nakita ko kung paano niya pasadahan ng tingin ang katawan ko. Ang nakapagtataka, pumasok lang siya para kunin ang shampoo at sabon sa ibabaw ng mini cabinet, saka niya ito inabot sakin.

"Eto na, maligo ka na."

Ganon lang?

Nagdududa na tuloy ako kung pangit ba ang katawan ko o pangit ang mukha ko, o baka pareho. Hindi ba talaga ako kaakit-akit sa kanya? Lasing ba siya nong mga panahon na may namagitan sa amin?! O dahil madilim noon kaya hindi siya nagdalawang isip na makipagsëx sa akin.

Bwisit! "-----Ayyyy!"

Sa sobrang inis ko, nasipa ko yong timba kaso nadulas ako at napahiga dito sa sahig.

"....aray! Bwisit talaga!"

"Seya! Anong nangyari sayo?"

Nakasilip sa pintuan si Reign habang ako naman ay nakahiga rito sa sahig----hubo't hubad.

"Nadulas ako..."

Agad niya akong nilapitan at chineck ang ulo ko.

"Bakit ba hindi ka nag-iingat? Puro ka talaga kapalpakan!"

Ang ine-expect ko na sasabihin niya ay '...ohh you're so sexy, ang ganda mo talaga Seya, hindi na ako makapaghintay na maangkin akin ka ulit...'

Umupo ako at itinulak ko siya.

"Lumabas ka na nga! Nasaktan na nga ako sesermonan mo pa ako!"

Napamaang siya sa ginawa ko. Pinilit kong tumayo. Imbes na maging kaakit-akit ako nagmukha akong engot sa itsura ko. Nakakairita ang taong 'to!

"Mag-iingat ka sa susunod, paano kung nabagok yang ulo mo?!"

"Eh di patay ako, ilibing mo na lang ako diyan sa likod ng bahay mo at hayaan mo akong maging pataba sa lupa mo!"

"Seya, pwede bang tigilan mo yang sinasabi mo!"sigaw niya.

"Pakialam mo, nasaktan na nga ako sesermonan mo pa ako! Pwede bang lumabas ka na! Bwisit ka!" Kinuha ko ang towel para takpan ang katawan ko kaso kapiraso lang ang kayang takpan nito. It's either pagkababae ko o boobs ko ang kaya lang nitong takpan.  "....ang liit-liit ng towel!" reklamo ko.

"Pagtyagaan mo na yan. Sige na, maligo ka na. Hintayin kita sa kusina para magbreakfast."

Umalis na siya ng banyo. Kulang na lang ipakita ko pati kaluluwa ko pero ini-ignore lang ako! Napahawak ako sa balakang ko dahil para itong nalamog dahil sa pagkakadulas ko. Bagsak ang mga balikat ko na tumapat dito sa shower. Bwisit ka Reign! May araw ka rin talaga sa akin!

Ngayon ko lang napansin itong paso sa palad ko. Bakit nga ba ako may paso? Ah, yeah! May kainuman nga pala ako kagabi.

After ko maligo at magbihis ay naglakad na ako patungo sa kusina. Tinutuyo ko ng towel ang buhok ko habang naglalakad. Ayoko sanang pansinin si Reign kaso ako lang naman ang dehado. Wala naman itong pakialam sakin. Kapag di ko siya pinansin, malamang walang epekto yon sa kanya.

Umupo na ako dito sa dining. Maliit lang itong bahay niya, napansin ko na may iba't-ibang klase siya ng sandata na ginagamit sa combat fighting. May boxing gloves din na nakadisplay.

"Kumain ka na. Pasensya ka na, nilagang itlog at kamote lang ang meron dito."

"Okay lang. Sanay naman akong kumain neto."cold na sagot ko. Nagpusod ako ng buhok gamit ang tinidor dahil wala akong panali, saka ko binalatan ang kamote at itlog. Mukhang tapos na siyang kumain dahil may pinagbalatan na ng kamote at itlog dito sa mesa.

Hindi man lang niya ako hinintay at sinabayang kumain. Pinagmamasdan ko siya, may kinukuha siya sa cabinet niya, hanggang sa ilapag niya dito sa table ang isang ballistic knife. Ang most banned knife sa iba't-ibang panig ng mundo dahil sa peligrong dala nito. Ang mga orihinal na ballistic Knife ay galing sa Soviet Union. Hindi ito kagaya ng mga ordinaryong kutsilyo, para itong baril na kapag pinindot mo ang button ay hihiwalay ang blade nito sa handle, at kaya nitong tamaan ang target. Sa lakas ng pwersa nito ay pwedeng ikamatay agad ng taong matatamaan.

"It's a good knife. Saan mo naman ito gagamitin?"

"Baka lang kailanganin ko."

Tumayo ako para maghanap ng asin.

"Mukhang madalang ka umuwi rito."

"Oo. Paano mo nalaman?"

"Wala ka man lang asin."

"Ah, Oo nga. Hindi pa ako nakakapag-refill."

No choice kundi kainin ang itlog at kamote ng walang sawsawan. Maiintindihan ko pa na walang asin kung nasa bundok ako pero nandito ako sa bahay ni Reign at wala man lang kahit ano. ".....ano nga pala nangyari diyan sa kamay mo? Bakit ka may paso ng sigarilyo?"

Tiningnan ko ang palad ko. Buti pa ang maliit na sugat na ito napansin niya, pero kanina muntik nang mabagok ang ulo ko sesermonan pa ako!

"Ah eto ba, ginawang ashtray nong lalake itong kamay ko, hindi ko masyado maalala ang mga nangyari nong gabing iyon. Basta ang alam ko may hawak akong upos ng sigarilyo kaso nabitawan ko ata."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Galing yon sa suspected target. Inisip ko na baka makuha ang DNA niya sa yosi kaya hinayaan kong gawin niyang ashtray tong palad ko. Pero baka maliit ang chance na makakuha tayo ng DNA roon. Yong bag ko nakita mo ba?"

"Bag mo? Mukhang naiwan sa sasakyan."

"May inuwi akong shot glass. Nilagay ko iyon sa bag ko."

"Magnanakaw ka na ba ngayon, Seya?"

"Grabe, iniisip mo ba talaga na masama akong tao Reign? Hinawakan yon nong lalake kaya kinuha ko dahil baka makakuha tayo ng finger prints doon."

"Ganon ba? Hintayin mo ako diyan. Hahanapin ko sa sasakyan."

Pinuntahan niya ang sasakyan niya para hanapin ang bag ko. Naiwan ako dito habang kumakain.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

115K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
660K 19.4K 47
"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of m...
973K 11K 81
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers
767K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.