SA1: She Captured My Heart (G...

By letmebed1

225K 8K 561

[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Le... More

Introduction
CAST
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 ⚠️
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 ⚠️
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 ⚠️
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 🩷
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 17

3.1K 146 12
By letmebed1

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

"Agents, gusto kong ipakilala sa inyo si Agent Rio, ang bago nating field Agent, at si Agent Heart ay permanente na rin sa Team natin bilang informant." Tumayo silang dalawa, para ipakilala ang kanilang mga sarili.

".....at si Agent Seya ay mananatili sa ating Team."

Nagtaka ako dahil na-mention ako ni Reign. Itinaas ko ang kamay ko at pilit na ngumiti.
Para naman akong saling-pusa sa kindergarten.

"Nandito na ang lahat, maliban kay Agent Night na nasa bago niyang assignment. Tatalakayin ko na sa inyo ang bago nating misyon, konektado ito sa pinapagawa kong trabaho kay Agent Night.
Ang target ay si Marco Redendo thirty five years old. Nakakuha si Agent Heart ng impormasyon tungkol sa naka-isyu na red notice ng Interpol (International Police) para kay Marco Redendo dahil sa rä.pe and murděr charge ng mga mënor-de-edad na babae. Kasalukuyan siyang nandito sa Pilipinas, ayon sa intel report hindi pa siya nakakalabas sa mga pantalan (pier) at sa mga pangunahing airports ng bansa dahil sa naka-issue na hold departure sa kanya, patuloy siyang nangbibiktima ng mga inosenteng babae. Sa atin ibinigay ang misyon na ito at huhuliin natin ang taong iyon dead or alive!"

"Ah, Reign. Bakit hindi pa siya nahuhuli ng mga Pulis o ng mga ahensya ng gobyerno?"

"Good question, Agent Rio."

Napatingin ako dito kay Rio na katabi ko ngayon. Nababasa ko sa kanya na cool siya.

"Maimpluwensiya at mayayamang tao ang nakapalibot sa kanya, madalas napaglalaruan lang niya ang batas ng Pilipinas. Sa murang edad marami na siyang nabiktima at hindi lang iyon, sangkot siya sa mga ilegal na gawain kagaya ng human trafficking, pero matinik ang taong ito dahil gumagamit siya ng iba't-ibang pangalan, kung tama ang impormasyon na nakalap ni Agent Heart konektado siya sa isang Mafia na nag-o-operate sa bansang Laos. Kaya hindi rin ito basta-basta."

"Salamat, Reign."

"Any other questions? Wala na? Okay, this meeting is done!"

After ng meeting kausap ni Reign si Heart.

Napansin ko ang paglingon sa akin ni Rio saka nito inilahad ang kamay niya sa akin.

"Rio."sabi niya. Inabot ko ang kamay niya.

"Seya."sagot ko.

Sabay kaming naglalakad ni Rio dito sa hallway pagkalabas namin ng office ni Reign.

"....bakit ka nagpalipat ng team Rio?"

"Ahm, hinahangaan ko si Reign, kilala siya na magaling na commander. Noon ko pa gustong magpalipat sa team niya kaso ayaw akong payagan. Buti na lang nagawa ko ngayon. Yong iba takot sa kanya, pero ako gusto ko siyang maging commander."

"Kapag magaling ka sa tingin ko, magugustuhan ka ni Reign sa team niya."

"Talaga? Balitang balita pala ang katatapos na operation niyo sa Palawan, at ang sabi may isang Agent sa team niyo ang malakas ang loob na nagsakripisyo ng sarili para matunton ang target. Totoo ba yon?"

"Oo, ako lang naman yon."

"Talaga?! Wow di nga?!"

"Oo kaya nga napapagalitan ako kasi gumagawa ako ng sarili kong desisyon."

Tawa ng tawa si Rio.

"Iba ka rin, ah. Kaya pala puro ka pasa."

"Alam mo ba Rio, dapat lilipat ako sa Team niyo kaso binawi ko ang paglipat di ba under ka ni Agent Thorn dati?"

"Ah Oo. Muntik pala tayong magkapalitan ng Team. Buti hindi ka umalis at nagkasama tayong dalawa."

"Rookie lang ako at pangungunahan na kita bago mo pa malaman sa ibang ka-team natin. Medyo pumapalpak pa ako. At isa na yang ginawa ko sa Palawan."

"Hindi naman palpak ang tawag don kundi sacrifice. Pero alam mo, pareho pala tayo dahil nong nag-uumpisa ako rito sa Elite. Kung anu-ano ring kalokohan ang naiisip kong gawin."

Natatawa kami pareho ni Rio.

Jusko nadagdagan na naman ang madaldal sa grupo. Madaldal din itong si Rio pero magaan ang loob ko sa kanya. At masaya ako na nakakausap ko siya.

Kahit ngayon lang kami nagkasama ng taong ito kung umasta kami parang antagal na naming magkakilala.

"....naghahanap ako ng room baka may bakante pa sa room mo, Seya?"

"Walang bakante, kasama ko si Reign sa kwarto."

"Talaga? Woah! Saan kaya ako lilipat para hindi malayo ang kwarto ko sa inyo. Saglit lang ha, pupuntahan ko muna si West para makahanap ako ng malilipatan na kwarto."

"Okay, Rio."

Nagtungo ako dito sa canteen at bumili ng juice at tinapay. Umupo ako at nag-iisip isip. Dapat kasi nagpalipat na lang ako.

Natuktukan ko ang sarili ko. Paano ako makikisama nito kay Reign ngayon. Magkasama kami sa kwarto tapos hay.....Oo na! Aaminin ko na, crush ko siya kaso may GF na siya. Ang sabi ko pa naman noon, ayoko ng crush kasi pang high school lang 'yon.

"Seya, tinapay at juice na naman ang kinakain mo."

Napaangat ang tingin ko-----si Reign.

Umupo siya dito sa tapat ko. Punong puno pa ang bibig ko kaya nginuya ko muna ang tinapay saka ako uminom ng juice. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, at ganon din siya sa akin. Pero nauna akong umiwas ng tingin at inubos ko na itong hawak ko na tinapay.

"Kaya mo na ba talaga? Dahil maghahanda na tayo sa susunod nating misyon."

Tumango ako. "Kaya ko na Reign."

Kanina pa niya ako tinititigan, pero tumayo siya at nagpunta sa counter. Pagbalik niya may dala dala siyang mga pagkain. Kanin at ulam.

"Sabayan mo na akong kumain, hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga. Pasaway ka kasi nag aalala ako na iniwan kita sa mall baka ano na naman maisipan mong gawin doon."

Ano ba akala niya sa akin nababaliw na? Sa tingin ba niya magwawala ako sa mall.

"Busog na ako, Reign."

"Kumain ka puro ka tinapay at juice."

Wala akong nagawa kundi kumain ulit, sumubo ako ng kanin at ulam.

"Kanina yong pinuntahan ko sa restaurant ay kaibigan ko si Erish, isa siyang pulis. Kinamusta ko lang. Hindi na kita isinama dahil hindi niya alam ang totoo kong pagkatao. Ang alam niya isa akong flight attendant."

Natigilan ako sa pagnguya. Kung ganon hindi niya girlfriend yon? Akala ko tuloy gf niya 'yon.

Tuloy-tuloy ang subo niya. Mukhang nagutom siya. Anong oras na rin kasi ngayon.

"Bakit hindi mo pinuntahan yong gf mo?"

Curious lang ako, bakit pinuntahan niya yong kaibigan niya pero yong gf niya hindi niya pinuntahan. Di ba dapat priority ang girlfriend.

"Hmm iniisip mo ba talaga na may gf ako?"

Tumango ako. "Oo, di ba sabi mo may GF ka."

Napansin ko ang bahagyang pagngiti niya.

"Sa susunod dadalawin ko rin siya at dadalhan ng bulaklak kung saan siya nakahimlay."

Nakahimlay? Anong ibig niyang sabihin?

"...okay na ako. Tapusin mo na yang kinakain mo."

"Ah, busog na talaga ako Reign."

"Ganon ba, sige akin na yan para mailigpit na." Kinuha niya ang mga plato at nilagay niya sa tray at dinala niya sa may dishwashing area. Nakatingin ako sa kanya hanggang sa iniwan niya ang mga ginamit naming plato doon.

Pabalik na siya rito.

Hindi ko maintindihan. Ang sabi niya may gf siya pero bakit ngayon sasabihin niyang nakahimlay na? Ano yon? Patay na ba?

Tumayo na ako.

Sabay kaming naglalakad dito sa hallway papunta sa kwarto.

"Reign, anong ibig mong sabihin sa nakahimlay?"

"Wala na siya."

Wala na siya? Ang ibig sabihin, ang gf niya ay multo? Ang gulo kasi niya. Hindi ko maintindihan kung patay na o ano.

Pero nabuhayan ako ng loob.

__________________________________

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Bago isagawa ang susunod na misyon ay kailangan ko munang lumabas ng headquarters. May kailangan akong puntahan.

Siniguro ko na tulog si Seya bago ako umalis dahil makulit ang isang 'to. Bigla-bigla nalang siyang sumasama sa akin, kagaya nong nakaraan na nakipagkita ako kay Erish. Bigla siyang sumakay sa sasakyan ko, wala na akong nagawa kundi ang isama siya.

Masasabi ko na talagang makulit itong si Seya dahil nagawa niyang makipaghabulan sa snatcher.

Pinapanood ko nang araw na iyon ang babaeng tumatakbo, hinahabol niya ang isang snatcher. Kalalabas ko lang ng restaurant noon. Hindi ko akalain si Seya pala yong pinapanood kong tumatakbo habang tumatawid sa kalsada.
Saka ko lang nalaman na siya iyon nang mapansin kong wala siya sa loob ng sasakyan ko. Kaya mabilis ko siyang hinabol at naabutan ko siyang nakataas ang mga kamay habang hawak ang bag ng biktima.

"Reign..."

Palabas na ako ng pintuan nong tawagin niya ako. Akala ko mahimbing ang tulog niya pero gising na pala siya. Baka maisipan na naman nitong sumama sa akin.

"Seya, maaga pa. Matulog ka muna."

Umupo siya sa ibabaw ng kama niya.

"Saan ka pupunta?"

"Ahm, may titignan lang ako sa labas babalik din ako." Bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa kanya?

"Ganon ba, akala ko aalis na tayo."

"Hindi pa kaya magrelax ka muna diyan."

"Okay. Bilisan mo umuwi, ha?"

"Ha? Ah, Oo."

Humiga ulit siya. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakatitig ako kay Seya at masarap ulit ang tulog niya.

Buti naman hindi na nangulit pa. Lumabas na ako at naglakad papunta sa sasakyan ko. Nagbyahe ako at dumaan dito sa isang flower shop. Buti maaga 'to nagbubukas.

Itinulak ko ang glass door at tumunog ang hanging-bells na nakakabit dito mismo sa pintuan at nakapagbigay ito ng munting ingay para makuha ko ang atensyon ng mga staff.

"Good morning, po!"bati sa akin.

"Hi good morning. Isang bouquet ng mixed flowers, ahm pink and white roses."ang sabi ko sa staff.

"Pakihintay lang po, Ma'am."

"Okay." Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak habang isa-isa itong ina-arrange. Paborito ni Laura ang rosas na kulay white at pink.

Mga ilang minuto rin akong naghintay. Pagkatapos i-arranged yong mga bulaklak ay saka ako nagbayad.

"Thank you, Ma'am."

Tumango lang ako. Nasa byahe ulit ako hanggang sa makarating ako dito sa cemetery. Naglakad ako patungo sa puntod ni Laura habang dala-dala ang bulaklak, mabigat pa rin ang loob ko sa tuwing pumupunta ako rito. Ito ang pinaka-malungkot na parte ng buhay ko. Ang dalawin ang taong mahal ko na ngayon ay nasa kabilang buhay na. Hanggang sa tumigil ako at inilapag ang bouquet sa damuhan katabi ng lapida.

"Hi Laura, pasensya ka na dahil ngayon lang ulit kita napuntahan. Sunod-sunod kasi ang mga operations namin nitong mga nakaraang linggo. Pinuntahan ko nga pala ang kaibigan mong si Erish at hanggang ngayon ang pagkakakilala niya sa akin ay isa akong flight attendant. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na magkakilala tayo."

Bumuntong hininga ako. Nagsisimula kasing uminit ang paligid ng mga mata ko.

Si Erish, ay kaibigan ni Laura. Nakita ko iyon sa mga pictures sa cellphone niya. Hinanap ko siya nong mawala si Laura, at naging magkaibigan kami at parang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa. Kaya hindi nagkataon ang pagtatagpo namin ni Erish.  Sinadya kong hanapin siya, dala na rin siguro ng pangungulila.

Pero wala akong ibang intensyon kundi ang maging kaibigan siya. Nakakaramdam kasi ako minsan ng relief kapag nakikita ko si Erish dahil minsan siyang naging matalik na kaibigan ng taong minahal ko.

Umupo ako dito sa damuhan.

"Siya nga pala may mga bago akong Agents na kasama. Isa na roon si Seya, ang pinaka-makulit na Agent na hawak ko ngayon. Pero siya ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang huling misyon namin dahil isinakripisyo niya ang buhay niya ng walang alinlangan."

Sandali akong natahimik.

"Laura, I'm sorry kung magiging madalang ang pagdalaw ko sayo. Pero sisikapin ko na puntahan ka sa susunod, sana maintindihan mo."

Napatingala ako sa kalangitan. Ma-aliwalas naman kaninang pagpunta ako rito. Pero ngayon nagbabadya na ang ulan. Nanatili ako rito. Kahit nagsimula nang umambon, hinayaan kong mabasa ako at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa puntod ni Laura.

"May mga namagitan sa amin ni Seya, pero hindi pa rin kita kayang alisin sa puso ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang isipin na may papalit sayo sa buhay ko..."

Pinipigil ko ang luha ko dahil hindi ko inaakala na dadating ako sa punto na sasabihin ko ang mga ito kay Laura. Kung buhay lang siya, sigurado ako masasaktan siya sa mga naririnig niya mula sa akin.

"....mahal na mahal kita. Kahit tatlong taon na ang nakakalipas hindi pa rin kita magawang alisin sa isip at puso ko. Lagi ka pa rin sa panaginip ko. Nalulunod ako sa kalungkutan mula nang iniwan mo ako. Pero ano ba ang gagawin ko?"

Wala akong mahihintay na sagot kaya tumayo na ako.

"Bago ako umalis gusto kong itanong ito sayo. Okay lang ba na palayain na kita at palayain ko na rin ang sarili ko?"

Lumalakas na ang ulan.

"....babalik ulit ako. Hintayin mo ako dadalhan ulit kita ng paborito mong bulaklak."

Nagmadali akong pumunta sa sasakyan ko. Ginawa kong pananggalang ang jacket ko pero hindi nito kaya ang malakas na ulan. Basang basa ako at nagmaneho na ako pabalik ng headquarters.

Pagdating ko rito ay pumasok agad ako sa building at nagtungo sa kwarto para makaligo at magbihis. Pagpasok ko ng kwarto naabutan ko si Seya na nakahiga pa rin sa kama niya pero napansin niya ako at mukhang nagulat siya sa itsura ko.

"Reign, basang basa ka! Naligo ka ba sa ulan?"

Agad siyang bumaba ng kama at dinampot ang towel. Paglapit niya sa akin ay pinunasan niya ang mukha ko at ang buhok ko.

"Okay lang ako Seya."sabi ko at naghubad agad ako ng jacket.

"Maligo ka na Reign at magbihis para hindi ka magkasakit."

Hindi na ata ako sanay na may nag-a-alala para sa akin.

"Ah Seya, mauna ka na sa opisina. May meeting tayo. Susunod ako."

"Okay Reign."

Naligo at nagbihis na ako. Pagkatapos ay dumiretso ako sa opisina. Unang hinanap ng mga mata ko ay si Seya pero wala siya rito, ganon din si Rio. Si Heart ay inaayos ang mga gamit niya. Tinutulungan siya nila Cyborge at Cloud.

"Nasan ba si Seya? At saka si Rio?"

"Hindi pa namin sila nakikita, Reign."si Cloud.

Basta bago sa team talagang pasaway! Tsk tsk!

Tumulong muna ako sa pag aayos ng gamit ni Heart. Mga computers at mga documents. Napakarami nga naman.

"Ano bang balak mo sa mga papel na ito Heart, napakarami?"

"Reign, titingnan ko pa yan isa-isa kapag di na kailangan itatapon ko na."

"I see." Pati ako napalinis na rin ng table ko.

Habang abala kami sa pag aayos dito sa office ay biglang bumukas ang pintuan at lahat kami ay natuon ang ang atensyon sa dalawang tao na pumasok-----si Rio at si Seya. Hindi na naman siya nakinig sa akin.

"Sorry, ano ba ang pwede naming itulong ni Rio?"

Saan kaya galing ang dalawang ito at parang magkadikit agad sila?

"Patapos na rin kami."sabi ni Heart at napansin ko ang paglapit ni Seya dito sa table ko.

"Reign, anong maitutulong namin ni Rio?"

Tinitigan ko siya sa mata.

"Manahimik na lang kayong dalawa dahil okay na kami."sagot ko saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Tahimik na umalis sa harapan ko si Seya.

Pagkatapos ng pag-a-ayos ay nagsalita ako.

"Tutal andito na rin kayong lahat. Bibigyan ko kayo ng bagong assignment, Cloud magmanman ka sa mga bar na madalas puntahan ni Marco Redendo. Cyborge, i-assist mo si Heart at yong mga kailangang devices at computers iset-up mo sa Van. Sa susunod kasama na si Heart sa mga lakad natin. Rio and Seya, maghintay kayo ng orders ko. Wala sanang pasaway na gagawa na naman ng kalokohan."

"Copy, Reign!"sagot nila.

Lumabas na ako ng opisina at nagtungo ng kwarto.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

683K 15.9K 40
Akala nila Nica at Bianca dumating na ang kuya Drew nila, kaya pa simple silang pumunta ni Bianca sa bahay nito, nag silbing look-out si Bianca para...
789K 39K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
3.8K 602 33
Aviana Nicole Montero a simple girl who dream to be a Flight Attendant and Jake Smith a boy who love's and drive airplane since childhood.
231K 8.2K 45
Rae Lewis, nagmula ito sa isang mayaman na pamilya, isang sikat at kilalang celebrity sa buong bansa. Hinahangaan ng nakararami, mapababae man o lala...