If Love's A Crime

By deadmanstale

18.1K 611 65

Loving you is as bad as a sin. More

ILAC
If Love's A Crime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (THE END)

Chapter 11

893 31 6
By deadmanstale

"Juliebabe, hindi magsasalita yang invitation kung tititigan mo. You know." Bungad ni Frencheska pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ng kaniyang kaibigan. Nadatnan niya kasi ito na parang malalim ang iniisip habang nakatitig sa invitation na hawak.

" Frenchfries, hindi ko naman tinititigan yung invitation,eh. Binabasa ko."

" Lokohin mo lelang mo Julie Anne."

"Totoo naman,eh." Pilit niya kay Frencheska habang kinakamot ang ilong niya.

"Sigurado ka?" tanong naman ni Frencheska. Binigyan niya pa ng matalim na tingin si Julie.

Tumango ang dalaga. Linapitan siya ni Frencheska.

"Juliebabe, may kapangyarihan ka ba?"

Umiling ang dalaga. "Bakit?"

"Sabi mo kasi nagbabasa ka,eh. Pero yang binabasa mo ay nakasara at isa pa baligtad yang hawak mong invitation. Yung totoo, may super powers ka na ba?"

Tinignan naman ni Julie ang hawak niya. Totoo naman ang sinabi ni Frencheska. Nakasara nga ito at baligtad pa.

"Ah-eh..."

"Alam mo, wala tayong mapapala sa kaka a-e-i-o-u mo jan. Ang mabuti pa ay tumayo kana jan at maligo. Dadaluhan mo yan at siyempe kasama mo ako. "

Ngunit hindi kumibo si Julie bagkos ay humiga pa ito sa kama niya.

"Ayaw mong tumayo jan?"

Umiling ito.

"Ah, ganon?" Pumunta siya sa banyo at kumuha ng isang tabong tubig. Pagkatapos ay tinapon kay Julie.

"What the?! Frencheska Farr!"

"Ayaw mong tumayo jan,eh. Papaliguan sana kita. So, ngayon maliligo ka na ba o gusto mo paliguan pa kita jan?" Nakangiting sabi nito.

"Oo na, oo na. Maliligo na." Sabi niya ng nakataas ang dalawang kamay habang lumalakad papunta sa banyo.

"Maliligo din pala. Gusto pang mabasa ng tubig." Bulong ni Frencheska.

"Hoy, narinig ko yon! Humanda ka talaga sakin paglabas ko!" Sigaw niya.

Ilang minuto rin nagtagal si Julie sa banyo. Pinagpili na rin siya ni Frencheska ng susuotin at ngayon magbibihis na siya.

"Lumabas ka muna."

"Wag na. Sa banyo ka na lang magbihis. Bilisan mo malayu-layo rin yung pupuntahan natin. Wag ka ng mag-inarte jan. "

Sumunod na lang si Julie sa kaibigan. Tama naman ito dahil medjo malayo nga ang pupuntahan nila. Pagkalabas niya ay inayos niya ang sarili. Naglagay ng light make up at lipstick. Nang matapos linock na nila ang bahay at umalis na.

.

The wait is over. Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Gabbie. Sobrang excited na ito sa kanilang kasal ngunit kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Elmo. Sobrang kinakabahan siya.

Lahat ay handang-handa na. Ang venue, simbahan, ang mga bisita, at kahit si Gabbie, siya na lang yata ang hindi.

Nagbibihis siya ngayon sa isang private suite sa isang hotel malapit sa simbahan kung saan sila ikakasal.

Pupunta kaya si Julie? Hindi siguro. At kung darating man siya, siguradong masasaktan lang siya. Hindi naman pwedeng umatras ako. Wala akong magagawa. Ito ang tama. Ito ang tama sa mga mata ng tao.

Naiiyak na so Elmo ng may biglang pumasok. Agad naman niyang inayos ang sarili.

"O, ma." Bungad ni Elmo.

Lumapit ang kaniyang nanay at hinaplos ang kaniyang mukha.

"Son, I can't believe na ikakasal ka na. Parang kailan lang nung naglalaro kapa sa garden natin. Siguro kung nandito ngayon ang papa mo, proud na proud siya sayo.Namiss ko tuloy siya." Mangiyak ngiyak na sabi ng ina ni Elmo.

"I,too, still can't believe it."

"Naalala ko tuloy nung ikakasal kami ng papa mo. Magkasing gwapo kayo."

Nginitian na lamang niya ang kaniyang ina.

"Anak, hindi ka ba nakatulog kagabi? Bakit ang putla - putla mo? " tanong ng kaniyang ina.

"Ah.. Eh.."

Nautal- utal siya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na oo hindi siya nakatulog kagabi dahil uminom siya at dahil na rin sa kakaisip sa babaeng mahal niya. Dahil ang babaeng mahal niya ay hindi ang babaeng pakakasalan niya ngayon.

Kahit anong pilit niyang maglasing ay hindi siya makatulog. Kahit na nakailang bote na siya ng alak ay wala pa rin. Patuloy lang siyang nag-iisp at hindi makatulog. Iniisip niya paano kung lumaban sila? Paano kung ipaglaban nila ang pagmamahalan nilang dalawa ni Julie? Magiging masaya kaya sila? Matatahimik kaya sila?

"May masakit ba sa iyo, anak?" tanong muli ng kaniyang nanay.

" Ah.. Kinakabahan lang po ako, Ma. Magiging okay rin ako mamaya." palusot niya.

"Kumalma ka, Son. This is the moment of your life. Ikakasal ka na sa babaeng mahal mo."

Napalunok naman ang binata.

Mahal niya nga ba?

Kung sanang hindi pumasok ulit sa buhay niya si Julie, siguro masaya siya ngayon sa mga naririnig niya. Napakasarap sigurong marinig na ikakasal ka sa taong pinapangarap mo. Kaso dumating ulit si Julie at ginulo ang buhay niya.

"Oh, sige, son. Lalabas na muna ako."

Pagkalabas na pagkalabas ng kaniyang mama ay napabuntong hininga siya.

Tinitigan niya ang kaniyang sarili. Muli ay napabuntong hininga siya.

Tama ba 'to?

Habang nakatingin siya sa kawalan ay may biglang kumatok sa kwarto niya. Ang kaniyang kuya.

"Bro..."

"Hindi ka ba natulog, bro? You look tired." Tanong ng kuya niya.

Matagal bago sumagot ang binata.

"I... I was thinking of her, bro."

"Who? Si Gabbi? That's natural. Ikakasal na kayo, eh."

Umiling si Elmo. Tumingin siya sa mga mata ng kaniyang kuya. Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang kuya ang pagkalito.

"It was her... Julie."

"What? You mean, you are thinking of another girl? Bro, naman."

Nangingilid na ang mga luha sa kaniyang mata pero kailangan niya ito pigilan dahil baka may biglang pumasok sa silid at makita iyon.

" I know it's wrong. Pero anong magagawa ko? Siya yung iniisip ng utak ko. Nahihirapan na ako. Ayoko nito. Alam ko, dapat si Gabbi yung iniisip ko ngayon pero hindi ko siya maalis sa utak ko. Hirap na hirap na ako." Tuluyan na ngang umiyak si Elmo. Napaluhod siya sa harapan ng kaniyang kapatid. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kaniya o wala.

"Kuya, huwag mong sasabihin 'to sa kanila. Gusto kong matuloy ang kasal. Ako ang nag-aya sa kaniya kaya dapat ko 'tong panindigan." pagmamaka-awa niya.

"Hinahangaan kita sa paninindigan mo, Moe. Pero ayaw mo bang umatras habang may oras pa? Mahirap makulong sa isang bagay na hindi mo naman gusto."

Umiling ang binata.

"Matututunan ko ring mahalin ng totoo si Gabbi. Tama na." marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. " I should be happy right now. Ha!" bumuntong hininga siya. "Ikakasal na ko kay Gabbi at iyon lang dapat ang isipin ko. Hooo!" Kailangan niyang maging matatag para kayanin niya ang mga nangyayari.

Naawa si Frank sa kaniyang kapatid ngunit wala naman siyang magawa para rito. Hindi niya alam ang sasabihin sa kapatid kaya yinakap na lang niya ito at tinapik-tapik ang likod.

"Everything will be alright. Sana matutuhan mong mahalin si Gabbi. Huwag na huwag mo siyang sasaktan dahil ako ang makakalaban mo." Paalala ng natatandang Magalona. "Don't worry, pagkatapos nito sigurado akong makakahinga ka na ng maluwag."

Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay sumakay na sila sa kotse at nagtungo sa simbahan. Habang na sa loob ng kotse ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi siya makahinga ng maayos at sobrang sikip pa ng dibdib niya. Naalala niya ang usapan nila kanina ng kaniyang kuya. Sumasakit pa ang kaniyang ulo. Hindi man niya aminin naguguluhan pa rin siya sa kaniyang desisyon.

Ano ba ang dapat kong gawin? Bababa ba ako at tatakbo? Pupuntahan ko ba si Julie at tatakas? Itutuloy ko ba ang pagpapakasal? Makakaya ko bang harapin ang bukas na hindi na kami pwede? Kakayanin ko bang ipahiya ang mga Garcia lalung-lalo na si Gabbi na walang ginawa kundi ang mahalin ako ng tapat? Ang sabi ng isip ko pakasalan ko si Gabbi pero ang sabi naman ng puso ko puntahan ko si Julie. Anong gagawin ko? Patawarin niyo ko kung ano man ang maging desisyon ko...

-+-+

"Much unhappiness has come into the world because of bewilderment and things left unsaid."

― Fyodor Dostoyevsky

-o-o-o-o-o-

Hi there, fellas!

At dahil umuulan naisipan kong magsulat. Hahaha makikisabay lang sa lamig ng panahon.

Comment lang kayo kung gusto niyong magpadedicate. :D

BTW, Sorry for the wrong grammars and spellings, as usual.

Adios!

-

Feel free to vote and leave your comment.


#SpreadTheLOVE

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.2M 695K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
97.8K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...