Chapter 13

867 49 10
                                    

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Elmo habang nakatingin sa kawalan. Tatlong taon na rin ang nakalipas matapos mangyari ang araw na iyon.

It has been three years after that incident. The day I walked out on my own wedding. Now, I'm the brand new me. The Elmo that is free from hurt and pain, and happy.

Masaya nga ba siya? The past keeps on haunting him. Kahit yata i-untog siya ng ilang beses ay hindi mabubura sa isip niya ang pangyayaring iyon. Ang pangyayaring nagpatunay na ang pag-ibig ay makapangyarihan. Na kahit anong bagay ay magagawa mo para sa taong iyong pinakamamahal. At si Gabbie ang nagpatunay, noong pinalaya siya nito sa harapan ng kaniyang kamag-anak at sa altar na kung saan sana ay ikakasal sila.

Akala niya noon ay sa tv or sinehan lang niya makikita ang ganoong pangyayari pero hindi nangyari iyon sa totoong buhay at sa mismong kasal niya. Gabbie let him go and find his true love.

After that incident, he never saw Gabbie. The last thing he knew was Gabbie went overseas to mend her broken heart.

Ayos lang naman para sa kaniya ang mga nangyari dahil una sa lahat para naman sa kaniya ang lahat ng iyon. Ngunit may isang bagay ang hindi ayos para sa kaniya, kasabay ng araw na iyon ay ang pagkawala ng pinakamamahal niya, si Julie.

Imposible namang hindi nabalitaan ni Julie na hindi natuloy ang kasal dahil kalat na kalat iyon sa kanilang lugar at mga barkada. At take note, halos magtrending pa nga iyon ng topspot nationwide.

Lumipas ang mga minuto, oras, araw, linggo, at buwan ay wala siyang nakitang Julie. Ni ha ni ho nito ay wala siyang narinig. Sinubukan niyang hanapin ito ngunit hindi niya ito makita. Pinuntahan niya sa trabaho niya ngunit nagresign na raw ito. Sa bahay niya naman ay wala rin ito. Noong minsan pa nga ay nakatulog siya sa harapan ng bahay nito kahihintay.

She's gone and nowhere to be found.

Natanong niya muli ang kaniyang sarili. Masaya nga ba ako? At ang sagot ng kaniyang puso at isipan ay hindi.

Sino bang sasaya kung ang taong nagpapasaya sayo ay nawawala? Malaya ka nga ngunit ang puso mo ay nabihag na at tinangay ng taong iyon.

Julie is his happiness. But where is she right now?

Did I hurt her too much? Hindi niya na ba ako mahal?

Siguro nga ay labis na nasaktan ang dalaga kung kaya't nagpakalayu-layo ito pagkatapos piliin ni Elmo si Gabbie.

The beauty of the night and city lights can not shove off the questions that have stayed in Elmo's mind. Just like how she can not shove off his feelings for Julie.

Hindi niya na ba ako mahal? Nasaan na siya? May mahal na ba siyang iba? Sumuko na ba siya? Bumitaw na ba siya?

Maraming tanong ang nasa kaniyang isip na kahit siya mismo ay hindi kayang sagutin. Kaawa-awang Elmo, nakalaya nga siya sa kalungkutan ay hinaharap naman niya ang mas matinding kalungkutan.

Mahabang panahon na rin ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat na naiwan sa kaniya ni Julie. Walang araw na hindi niya naisip ang dalaga at bawat gabi ay naluluha na lamang siya dahil ang babaeng minahal niya at hanggang ngayon ay minamahal pa rin ay hindi niya mahagilap kahit saan.

Umupo siya sa ilalim ng isang puno habang tinitignan pa rin ang ganda ng siyudad at mga ilaw. Inilabas niya ang kaniyang notebook na punong-puno ng mga poems, kanta, at kung anu-ano pa na sariling gawa niya. Dahil sa mga nangyari sa kaniya ay marami siyang hugots na naisusulat. Malapit na nga niyang matapos ang isang libro na puno ng mga poems at hugot lines niya. Na ipupublish ng isa sa mga pinaka sikat na publishing company sa bansa.

If Love's A CrimeWhere stories live. Discover now