Chapter 3

1.2K 35 0
                                    

"Hoy, Panget! Ako ang uupo jan." sigang sabi ni Julie sa isang lalaking transferee na napaka inosenteng tignan.

Tinignan lang niya ang dalagang mukhang mas lalaki pa sa kanya na si Julie.

" Aba! Sabi ko ako ang uupo jan!, Ah " sigang sabi ulit ni Julie. "Hoy! Bingi ka ba?!"

"Nakikita mo nang naka-upo na ako,'di ba? Kapag di ka tumigil jan. Hahalikan kita." ngumiti siya na parang nang-aasar. Pero walang epekto ito kay Julie at parang lalo pa siyang nahamon.

"Mayabang ka, ah!" akmang sisipain na Julie ang upuan pero mas mabilis kumilos si Elmo and he quickly rise then kissed Julie on her lips. Nabigla naman ang dalaga sa ginawa ng binata kaya hindi siya nakakilos.

"Yiiiee!" sigaw ng kanilang mga kaklase na mangha pa rin sa nangyari. At pumalakpak pa ang mga ito.

Humiwalay na si Elmo at binigyan niya ng isang ngiti si Julie bago lumabas ng kanilang room. Habang si Julie naman ay naiwang nakatulala pa rin.

"Salamat at nakita mo na rin ang katapat mo, Julie!" sigaw ng isa niyang kaklase.

"Galaw-galaw rin,Julie." sabi ng isa pa niyang kaklase.

At natauhan naman si Julie. " Tumigil ka nga diyan. Baka gusto mong upakan kita?" sigang sabi niya habang dahan-dahang umupo.

Mag-isang nakaupo ngayon si Julie sa tagong bahagi ng garden habang nagbabasa ng "Love and Misadventures". Kahit kasi na siga siya sa harap ng mga tao ay pusong babae pa rin siya. Pinakapaborito niya ang librong ito ni Lang Leav na naglalaman ng iba't ibang mga poems. Kaya nga minsan na-iinspire siyang gumawa ng poems kaya lang siya lang ang may alam na sumusulat siya ng mga ito.

"Nagbabasa pala ang katulad mong siga?" lumingon naman siya at nakita ang napakagwapong mukha ng kaklase niyang transferee na pinagkakaguluhan ngayon ng mga kaklase niya.

"Paki mo? Umalis ka nga." marahas na sabi niya at tinignan ng masama ang binata bago ibalik ang mga mata niya sa kanyang binabasa.

"Ang cute mo." nakangiting sabi ni Elmo. Tumabi si kay Julie na ipinagtaka naman ng huli.

"Ano bang kailangan mo at nandito ka,ha? Umalis ka na nga!" Masungit na tanong niya.

"I'm sorry. Sorry sa ginawa ko kanina." sabi niya na ikinagulat naman ni Julie.

"H-hindi. Dapat ako nga yung mag-sorry,eh. Nasanay lang siguro ako na makuha ang gusto ko. Bilib nga ako sa iyo kasi ikaw pa lang yung lumaban sa kin." sabi niya na talagang mapapansin mo ang sinseridad ng kaniyang mga salita at sinamahan pa niya ito ng napakagandang ngiti.

If Love's A CrimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt