Chapter 15 (THE END)

712 21 7
                                    

"Hey! Saan ka galing?" tanong ni Julie kay Mark pagkarating nito sa table nila.

"Ikaw naman kapatid namiss mo naman ako kaagad." sabay akbay sa dalaga at tumawa pa ito.

"Tse! Namiss ka jan. Ito po kasing anak niyo gusto ng matulog at hinahanap ka na. Right baby?" tingin nito sa bata na namumungay na ang mga mata habang nakaupo.

"Oo na lang sige. Pero kung namiss mo ko pwede mo namang sabihin sa akin." sabi ng lalaki tsaka pa kumindat. "Magpapaalam muna ako kay Gabbie at sasabihin ko nauuwi na tayo. Para na rin makatulog na itong makulit kong baby." sabay buhat sa bata at pinisilpisil pa ang mga pisngi nito. "Hahatid na rin kita sa inyo."

"Wag na. Maabala ka pa. " tanggi ng dalaga.

"Anong wag na? Ibinilin ka kaya sa akin ng ate mo kaya dapat alagaan kita. Alam mo naman yun. Baka ako pa ang madali kapag hindi kita maihatid." Aangal pa sana si Julie ng magsalita ito muli. "And no is not a valid answer for me. Kaya paki bantayan mo muna si Jane, okay? Magpapaalam na ako kay Gabbie." tumango na lamang ang babae bilang sagot.

Yes. Hindi sila mag asawa. Hindi rin magboyfriend.

Si Mark ay asawa ng kapatid ni Julie. At anak ng mga ito ang batang si Erica. Inaakala talaga ng mga tao na mag-asawa sila. Marami na rin ang nag-akala na anak nila ang bata. Ngunit hindi alam ng mga tao na magbayaw lamang sila. Tulad ng iba hindi rin alam ni Gabbie na magbayaw lamang sila. Kaya siguro ay inakala rin ng mga ito na magkasintahan sila.

At kung bakit naman hindi siya nito pinakilala na bayaw kanina sa harap nina Elmo ay dahil gustong malaman ng dalaga kung mahal pa nga ba siya nito. Sinakyan naman ni Mark ang trip ni Julie. At nakuha naman niya ang sagot, mahal pa nga siya ng binata at walang duda iyon. Kitang-kita iyon sa mga mata ng binata.

Pwede naman siyang magtanong ngunit natakot siya sa magiging sagot nito.

Akala niya noon ay tapos na ang lahat but she was wrong. Nagulat siya nang malaman niyang hindi natuloy ang kasal nina Elmo at Gabbie. Actually hindi rin niya alam na kasal pala ni Gabbie ang pupuntahan nila ni Mark dahil bigla na lang itong sumulpot sa bahay niya at hinatak siya papunta rito.

At mas nagulat siya ng makitang muli si Elmo pagkatapos ng mga nangyari noon sa kanila.

Pero pinakanagulat siya ng may tumawag sa kaniya ng araw na iyon. At nagsabi na na aksindente ang pinakamamahal niyang lalaki.

-

Isinugod ang binata sa pinakamalapit na hospital. Punung-puno ng dugo ang katawan nito at wala pa itong malay. Bakas din sa mukha ng lalaki ang panghihina. Lalo pang nagpapahirap ang alak na nilaklak niya. Taas baba ang lagnat nito dahil na rin sa mga natamong sugat.

Malakas ang pagkakabangga sa binata na naging dahilan upang maging kritikal ang kundisyon nito ngayon. Maraming dugo ang tumakas sa kaniyang katawan. Marami rin itong natamong galos sa binti at braso. Matapos nilang gamutin ang mga sugat nito ay agad naman siyang isinailalim sa computerized tomography (CT scan) upang mai-check ang kaniyang utak.

-

Aligagang nag punta si Julie sa ospital na kinaroroonan ni Elmo. Tinawagan siya ng kuya nito at sinabi ang hindi magandang balita. Galing man sa tulog ay agad na napatayo ang dalaga sa nalaman. Agad-agad itong nakapagbihis habang hindi alam kung anong iisipin at gagawin.

Pagkarating sa ospital ay hinanap tinext niya agad si Frank at tinanong kung nasaan ito. Hinintay niya itong magreply at nang sumagot na ito ay dalidali niya itong pinuntahan.

Nakita niya itong nakaupo sa waiting area at tulala.

"Kuya." halos pabulong na sabi niya nang makapunta sa tapat nito.

If Love's A CrimeWhere stories live. Discover now