Chapter 5

1.1K 37 4
                                    

"Huh, ah?" Atsaka siya nag-iwas ng tingin sa kasama. "Ah, o-oo, okay lang ako. I'm fine." sabi niya tsaka pa pekeng tumawa.

"Ah, akala ko kasi nainlove ka na sa mukha ko lalo na at gumanda ako?" pagmamayabang ni Julie tsaka pa tumawa.

"Yabang." nakitawa na rin siya. And that time he suddenly feels the feeling he once felt. He is again attracted to Julie.

Wait! Wait! What?! I'm attracted to her? No! I am not! Okay. Uhm... Fine. Okay. I'm attracted to her. But that's all.

"Uy, joke lang." sabi nito habang tumatawa pa rin pagkatapos ay naging seryoso na ito. "Hindi mo ba namiss to?"

Napatigil na rin siya at naging seryoso. "Seriously? I really do miss this and ofcourse I also miss you. I miss the whole you."

Wait! What did I just say?! Aish. Stop it Elmo. Stop it.

"Ako rin naman miss na miss kita. Actually a year after I graduated umuwi na ako dito. And..." napahinto ito at natahimik.

"And what?"

"And hinanap kita but I failed. Wala na kayo. Nagtanong-tanong ako sa mga kavillage niyo dati pero all of them, walang alam. " malungkot na sabi nito.

Hi-hinanap niya ako?

"B-bakit mo naman ako hahanapin?"

Hindi agad nakasagot si Julie. Para bang nag-iisip muna siya ng magandang sagot.

"Ano ka ba? Syempre kaibigan kita. Oh, scratch that bestfriend pa nga kita. So, kailangan pa bang itanong yon?"

Well, may point nga naman si Julie. Pero para kay Elmo meron pang ibang dahilan ang paghahanap sa kaniya ni Julie. Parang may tinatago ito.

Tumango na lang si Elmo at tinawag ang waiter para sa kanilang bill.

"Here's your bill, sir." sabi ng waiter tsaka inabot ang bill.

"Sigurado ka bang ikaw ang magbabayad?"

"Yeah. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang magbayad."

"Here." sabi niya tsaka inabot muli ang bill na may bayad sa waiter. "So, let's go?"

"Saan?"

" Sa inyo? Hahatid na kita para naman malaman ko ang bahay mo. At para na rin mabisita kita minsan."

"Ha? Huwag na. Baka maka abala lang ako."

"No. I insist. Please?" nagpuppy eyes pa ito.

"Sigurado ka ba talaga?"

"Yes. Siguradong-sigurado." ngumiti pa ito ng napakatamis pagkatapos ay tumayo na para mauna na sa parking lot.

Hindi maintindihan ni Elmo ang kaniyang nararamdaman. Sobrang saya niya habang kasama niya si Julie pero parang may konting kurot sa puso niya dahil he knows na malapit na siyang ikasal. Ang kaso nga lang hindi sa babaeng pinapangarap niya dati kundi sa babaeng nagpabago sa kaniya.

"So this is your house? Your house is beautiful." sabi niya pagkapasok na pagkapasok sa bahay ni Julie. " Ikaw lang mag-isa dito?"

"Ah, Yes. Ito ang una kong naipundar dahil sa trabaho ko. Anong gusto mo Juice, coffee or water? umupo ka muna"

"Water na lang." umupo naman ito tsaka iginala ang kaniyang mga mata. Iba't ibang mga paintings ang nakasabit sa bahay at halos si Julie ang nagpainting ng mga ito. Meron ring mga pictures ni Julie habang nasa ibang bansa at isang picture ang pumukaw sa atensiyon niya. Picture nila ito noong minsang pumunta sila sa studio at napagtripang magpapicture.

If Love's A CrimeWhere stories live. Discover now