SA1: She Captured My Heart (G...

Por letmebed1

224K 8K 561

[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Le... Más

Introduction
CAST
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 ⚠️
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 ⚠️
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 ⚠️
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 🩷
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 14

2.5K 141 5
Por letmebed1


Amber Paige a.k.a Agent Reign

Nakaupo ako rito sa swivel chair, dito sa office ko. Abala ako sa pagbabasa ng mga criminal profiles nong may kumatok sa pintuan.

"Come in, bukas yan."

Bumukas ang pintuan. Napatingala ako saka napakunot ang noo. Isang tao ang hindi ko inaasahan na papasok dito sa opisina ko.

"Reign!"

Anong ginagawa niya rito?

"Nagkamali ka ata ng pinasukan na kwarto, Bright. Hindi ito clinic. Bakit ka naririto?"

"Jusko naman, may itatanong lang ako. Para kang cobra na nanunuklaw. Asan si Seya?"

"Seya? Bakit mo sa akin hinahanap? Hindi ba't nasa clinic siya? "

"Wala siya roon. Ikaw ang huling bisita niya." Bilib na talaga ako sa taong yon. Tumakas na naman ata. Napahawak ako sa sintido ko. Hay Seya! Talaga naman.

"Mukha bang itinakas ko siya, ha?"

"Ewan, hanapin mo kailangan niyang magtake ng mga gamot."

Naka-pamaywang ako. Maghahanap na naman ba ako?!

"Sige na, ako na bahalang maghanap sa kanya at ibabalik ko siya sa clinic mo."

"Akala ko naman itinatago mo na."

"Bakit ko naman gagawin yon?"

"Ewan ko kung anong motibo mo pero nababasa ko sayo na may tendency na itago mo nga siya."

"Magtigil ka Bright. Umalis ka na!"

"Opo, eto na aalis na po. Ni-report ko lang naman sayo na nawawala ang Agent mo dahil baka mapano siya."

Nakangiti siyang umalis habang ako naaasar na naman!

Seya, kababalik lang natin dito, eto ka na naman! Utang na loob!

Naglakad ako papuntang kwarto baka nandon lang iyon. Kapag wala, ewan ko na lang kung saan pa siya hahanapin! Pasaway! Idinikit ko ang thumb ko dito sa smart lock ng pintuan at automatic na nagunlocked ang doorknob. Pagpasok ko ng kwarto hindi nga ako nagkamali. Nakahiga siya sa sofa. Isinara ko muna ang pintuan saka ko siya nilapitan.

"Seya..."

Umupo ako dito sa tabi niya. Yakap niya ang throw pillow.

Nong magsabog ng kakulitan ang langit nasalo ata lahat ng babaeng ito.

Napapailing na lang ako. Bubuhatin ko ba siya papunta sa clinic o hayaan ko na lang muna siya rito? Mukhang mas komportable siya rito sa kwarto kesa sa clinic.

"Seya..."

Pinilit ko siyang gisingin.

"Mmm Reign..."

"Kailangan mong bumalik sa clinic. Hinahanap ka ni Agent Bright."

"Ayoko don, parang hindi ako gagaling kapag nandon ako. Dito muna ako ng ilang araw saka ako lilipat."

"Lilipat? Anong ibig mong sabihin?"

"Lilipat ako ng team."

Natigilan ako. Tama ba yong narinig ko? Lilipat siya ng team? Bakit niya gagawin iyon?

"Seya..."

"Reign please, kahit ngayon lang. Gusto kong magpahinga. Pagbigyan mo na ako."

"Hindi, hindi kita pipilitin na pumunta ng clinic pero doon ka sa bed ko matulog. Kapag ayaw mo pa rin mapipilitan ako na dalhin ka sa clinic." Dahan dahan siyang bumangon at lumipat sa bed ko. Paghiga niya niyakap agad niya yong unan ko.

Hinayaan ko muna siyang matulog. Nagtungo ako dito sa clinic at hinanap si Bright.

"Oh, nahanap mo na ba?"

"Oo, nasa kwarto. Ayaw niyang bumalik rito dahil nakakasuka raw ang amoy ng clinic mo."

"Ah talaga lang, ha!"

"Kahit ako nasusuka sa amoy dito."

"Bastos ka talaga Reign!"

"Biro lang. Ibigay mo sakin yong mga gamot niya ako na bahalang magpainom sa kanya."

Kinuha ni Bright ang mga gamot at reseta.

"Oh eto. Nakalagay na diyan kung ilang beses sa isang araw niya iinumin ang mga gamot. Tsaka painumin mo siya ng sapat na tubig at pakainin para lumakas agad siya. Eto naman yong checklist. Paki check nalang yong box sa tapat ng date at oras, para malaman kung nakainom na siya o hindi pa."

Kinuha ko ang ibinigay niya.

"Salamat, doki."

"Anong doggie?!"

"Sabi ko doki, hindi doggie. Bingi!"sabi ko sa kanya. Natatawa akong lumabas ng clinic niya. Dumaan muna ako ng pantry at kumuha ng makakain ni Seya pati na rin ang tubig na maiinom. Kailangan niyang mag-take ng gamot. Pagbalik ko ng kwarto mahimbing ulit ang tulog niya.

Bakit kaya niya naisipang lumipat ng team? Kakaiba siya ngayon.

Binalewala ko na na lang ang katanungan na iyon sa isip ko. Kailangan muna niyang gumaling.

"Seya..."ginising ko ulit siya. "....bumangon ka muna para kumain."

Bumalikwas siya paharap sakin.

"...dali na para makainom ka ng gamot."

Umupo siya dito sa gilid ng kama. Hinila ko ang center table at inihanda ang pagkain niya.

"Reign ikaw ang kumuha ng pagkain ko?"

"Oo, kaya kumain ka para gumaling ka agad."

Tumango siya saka siya nagsimulang kumain. Dahan-dahan siya.

"....bakit may sugat ba sa loob ng bibig mo?"

"Oo, kaya masakit kapag ngumunguya ako. Ilang beses kasi akong sinampal ni Dindo."

Napapakuyom ako. Dapat pala nilumpo ko na yon. Hayop na yon!

"Magpahinga ka ng dalawang linggo, kung kulang iyon mag-extend ka hanggang isang buwan. Umuwi ka sa inyo, mamasyal ka. Gawin mo lahat ng gusto mo para makapag-enjoy ka."

Natigilan siya sa pagnguya.

"Bakit, Reign? Talaga bang pinapaalis mo na ako sa team mo?"

Ako naman ang natigilan. Ano bang sinasabi niya?  May sinabi ba ako sa kanya na aalisin ko siya sa team ko?  Nalilito ako dito kay Seya, na-wi-weirduhan ako sa kanya.

"Hindi ka ba masaya Seya na bibigyan kita ng bakasyon? May sweldo ka kahit isang buwan kang mag leave. Kung iba ang bigyan ko ng ganyang incentives baka nagtatalon na, bakit parang ayaw mo?"

"Pagbalik ko rito, sa team mo pa rin ba ako?"

"May sinabi ba ako sayo na aalisin na kita sa team ko?"

Umiling siya.

"Reign ayokong magleave ng isang buwan. Magpapagaling lang ako ng ilang araw tapos magta-trabaho na ulit ako."

Tao ba talaga 'tong si Seya? Tumatanggi siya sa leave. Ako nga hindi makapagleave ng basta-basta. Yong tipong isang buwan na diretso na walang tatawag sakin na related sa trabaho. Malabong mangyari yon.

"Kumain ka lang, kung ayaw mong magleave. Ikaw bahala." Napatingin ako sa legs niya. Ngayon ko lang napansin dahil nakataas ang suot niyang gown. Mula binti hanggang mukha puro siya pasa, sa lagay niyang iyan ayaw pa rin niyang mag-leave. Trabaho pa rin ang nasa isip niya.

Hayaan ko na lang, baka kaligayahan niya talaga ang magtrabaho.

"Reign ang bango ng unan mo. Amoy fabcon, kaya nakatulog agad ako kanina nong niyakap ko yon." Napangiti ako. Amoy fabcon daw. Pinapa-laundry ko kasi ang mga iyan at ako ang namimili ng fabric conditioner na iaapply sa mga pinapalaba ko.

"Diyan ka na matulog sa bed ko habang nagpapagaling ka. Doon muna ako sa sofa para hindi na ako aakyat pa sa bed mo."

"Sure ka?"

"Oo, naman."

"Thank you, Reign."

Kung tutuusin malaki ang naging papel niya sa paghuli sa isang notorious criminal. Kaya binibigyan ko siya ng pagkakataon na magpahinga at mag-enjoy pero ayaw niya, mas pipiliin niyang magtrabaho kesa magpahinga.

Bilib na talaga ako sa babaeng ito.

_____________________________________

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

Namimilipit ako sa sakit. Buong katawan ko parang dinudurog sa sakit. Ngayon lang ako nabugbog ng ganito katindi.

Nong nasa combat training ako, kahit ilang beses akong mahulog, magpagulong gulong, makipag-laban, ayos lang dahil nagagawa kong protektahan ang sarili ko. Pero iba 'to, off guard ako nong bugbugin ako ni Dindo, kaya lamog ang katawan ko.

"Mmmm.."napapaungol ako sa sakit, halos hindi ko maidilat ang mga mata ko. Hirap na hirap akong gumalaw dito sa kama. Tumagilid ako ng higa para maging komportable ang higa ko pero parang walang pinagbago, masakit pa rin lahat ng kalamnan ko. Niyakap ko ang unan ni Reign. Gusto ko ang amoy ng mga unan at kumot niya. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag ito ang mga naaamoy ko.

Naramdaman ko na gumalaw ang kama. Pinilit kong idilat ang mga mata ko, medyo madilim dahil dim light lang ang nakabukas na ilaw dito sa kwarto. Sinubukan kong hawakan ang braso ng taong nakaupo dito sa gilid ng kama. Ang init ng balat niya

"Reign....?"

"Ako nga, kumusta ang pakiramdam mo Seya? Alin ang masakit sayo?" Natutuwa ako na kinakamusta niya ang pakiramdam ko. Akala ko hindi niya ako magagawang lapitan para tanungin ang lagay ko.

"Masakit ang katawan ko."

"Saang banda?"

"Lahat masakit, gusto ko makatulog ng maayos para bukas okay na ulit ako." Ramdam ko ang marahang paghaplos niya sa pisngi ko, ang init ng palad niya. Gusto ko ang ginagawa niya dahil naiibsan ang sakit nararamdaman ko, kaya hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko na ito binitawan. Mas lalo kong idinikit ang palad niya pisngi ko.

Saka na kita iiwasan Reign kapag magaling na ako. Kailangan ko ng init mo...

"Kawawa naman ang pasaway na 'to. Kaya sa susunod huwag na matigas ang ulo mo, napapahamak ka dahil gumagawa ka ng sarili mong desisyon." Nasermonan na naman ako! Pero binalewala ko ang sinabi niya. Mas mahalaga sa akin ang nangyayari ngayon. Napaka-init ng palad niya, gusto kong matulog habang nakadikit ito sa pisngi ko. "....bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko, Seya?"

"Mainit, masarap sa pakiramdam. Pwede bang mamaya ka na umalis sa tabi ko kapag nakatulog na ako?" Parang hindi siya makapaniwala sa hiling ko. Ngayon lang naman ito, bukas sigurado ako huhupa na ang sakit nito.

"Napaka demanding naman ng Agent na 'to. Sa kama ko na nga siya natutulog, gusto pa niya magpahele sa akin."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Reign, huwag ka magpatawa kasi masakit yong tiyan ko kapag napupwersa." Mukhang napipilitan siyang gawin yong hiling ko. Pero wala siyang magawa, hawak ko ang kamay niya habang nakadikit ito sa pisngi ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkagusto ka sa taong taken na. Kahit konting oras at atensyon lang malaking bagay na ito sakin. Sumasaya ako sa konting atensyon na nakukuha ko mula sa kanya.

Oo na, sige na! Malandi na ako. Hindi ko naman siya aagawin sa GF niya, maliban na lang kung gusto niyang magpaagaw. Aagawin ko talaga siya.

Kung naririnig lang ni Reign ang nasa isip ko baka natuktukan na ako nito.

Pero bakit niya hinayaan na may mamagitan sa aming dalawa kung taken na siya? Dalawa lang ang tingin kong sagot. Hindi na niya mahal ang GF niya o baka hindi lang niya ako matanggihan. Alin kaya sa dalawa? O baka mahal pa rin niya yong GF niya. Manloloko lang talaga siya.

"Hahayaan kitang matulog ng mahimbing, Seya."

Payag na kaya siya?

"Hahawakan mo ang pisngi ko hanggang sa makatulog ako?"

"Ano pa ba, mukha kang kawawa na umuungol dahil sa sakit. Kaya sige na, hahawakan ko ang pisngi mo para guminhawa yang pakiramdam mo."

Sapat na sa akin yong sinabi niya. Ewan ko, nagsimula akong makaramdam ng kakaiba sa kanya nang may mamagitan sa amin sa loob ng kotse, nang iligtas niya ang buhay ko. Tsaka madali kasi akong mahulog sa taong ayaw sa akin. Yong tipong macha-challenge ako. Kagaya niya, unang araw ng pagkikita namin mainit ang ulo niya sa akin.

Nakatitig ako sa kanya hanggagang sa humiga siya dito sa tabi ko, hawak niya ang pisngi ko.

"....hay namiss ko ang kama ko. May isa kasing pasaway dito."

Napangiti ako. Ako kasi ang natutulog dito sa kama niya samantalang siya sa sofa siya natutulog. Pwede naman ako matulog sa sofa pero ayaw niya. Siguro naaawa siya sa kalagayan ko.

"Reign, kapag lumipat ako ng team, baka lumipat na rin ako ng kwarto kaya samantalahin mo nang katabi ako, dahil baka mamiss mo ako kapag umalis ako."

"Ahh lilipat ka nga pala ng team. Ikaw bahala, kapag umalis ka hahanap agad ako ng kapalit mo. Yong hindi matigas ang ulo at hindi pasaway."

"Hmp! Hindi mo ba ako pipigilan?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Ganon? Hindi man lang ata siya natuwa sa ginawa ko para matunton si Dindo. Hayaan ko na nga lang. Baka talagang hindi ako nababagay sa team niya. Lahat sila magagaling samantala ang tingin lang niya sa akin ay isang pasaway!

"Goodnight na, Reign. Kapag nakatulog ako, umalis ka nalang sa tabi ko."

"Okay."sagot niya. Nakatulog ako dahil sa init ng palad ni Reign, nakadikit din siya sa likod ko kaya parang naging malaking hot-pack siya na nagbibigay sakin ng ginhawa.

Usually mareklamo ako kapag naiinitan ako, pero iba ang init na hatid ni Reign.

Masarap sa  pakiramdam.

Nagising ako na masakit pa rin ang buong katawan ko. Ang hindi ko inaasahan nasa tabi ko pa rin siya. Nakayakap siya sa tiyan ko. Hinayaan ko lang muna. Kapag nagising siya sigurado aalis din 'yan. Unti-unti ko naramdaman ang pagkilos niya. Nagising na siya. Nag-inat at humikab siya.

"Kumusta ang pakiramdam mo Seya?"

"Masakit pa rin ang katawan ko pero subukan kong kumilos mamaya."

Umupo siya sa gilid ng kama.

"Huwag mong pilitin okay?"

"Okay, Reign. Salamat nga pala, masarap ang tulog ko buong magdamag."

Tumango siya saka siya pumasok ng banyo.

Mabait naman pala siya kapag nakikita niya akong nahihirapan. Isipin mo natyaga niyang tumabi sa akin ng buong magdamag.

....

Seguir leyendo

También te gustarán

788K 39K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
138K 3.2K 33
I can't believe that she's a girl. LIKE A GODDESS ONE! And the worst part is that, she's an Assassin. A person who wants to kill anyone for money. An...
234K 6.1K 53
GxG!!! They both started with marriage but on paper. Can they both handle it?
3.8K 602 33
Aviana Nicole Montero a simple girl who dream to be a Flight Attendant and Jake Smith a boy who love's and drive airplane since childhood.