MU Series: The Snob Music Pro...

By moralesjab011

5K 1K 463

(Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous young music prodigy. Sa edad na lima ay nagawa niyang manalo... More

Author's Note
Disclaimer
MU Series: The Snob Music Prodigy
THIAGO AND PAISLEY
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI- WASALAK
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L - FINALE
THANK YOU! :)

Chapter XXXIV

57 18 10
By moralesjab011

Ang Villaruz International Recording Company ang isa sa pinakasikat na recording company sa bansa. Marami itong pinasikat na mga singers, bands, at mga artista na hindi lang dito sumikat kung hindi pati na rin sa iba't-ibang bansa sa Asya. Ito ang kompanyang itinayo ng mag-asawang Selena at Allan Villaruz, hindi para sa kanila, kung hindi para sa mga anak nila at sa mga talentadong tao na hindi nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang talento nila sa mas malaking entablado.

Pero dugo at pawis ang naging puhunan ng mag-asawa upang mapaunlad ito. Maliit lang ang kapital nila, at halos silang dalawa lang ang nagtutulungan sa kompanya noong umpisa. Ilang oras ng tulog ang isinakripisyo nila, at magkano rin ang isinugal nila para lang lumaki at maging matatag ang kompanya. At hindi lingid sa kaalaman nila Thiago at Rafael iyon, dahil laging ikinukwento sa kanila ng mga magulang nila, kung paano nila nakamit ang tagumpay gamit ang sipag at tiyaga. Lalo na sa industriya ng musika at sining, na talaga namang napakahirap mabuhay.

"Thiago, kanina pa nagba-vibrate ang cellphone mo," sita ni Rafael sa kapatid. Halos papalubog na ang araw at wala pa rin silang natanggap na sagot mula kay Rosen.

Kaagad na tinignan ni Thiago ang cellphone sa lamesa at nakita niya ang pangalan ni Paisley. Pero sa halip na sagutin ang tawag ay pinatay niya iyon.

"This is the reason I don't want you to be involved here. Hindi pa tayo nagsisimula, stressed ka na," komento ni Rafael sa ginawa ng kapatid.

Pero hindi na kumibo si Thiago at ibinalik lang niya ang cellphone sa lamesa. Tatayo sana siya para kumuha ng tubig nang muling mag-ring ang cellphone niya. At si Paisley ulit iyon.

"You better answer that," sabi ni Rafael bago pa madampot ni Thiago ang cellphone.

"Ayaw kong idamay siya sa problema ko. You know me when I anxious," katwiran ni Thiago.

"Pero sa ginagawa mo bang iyan sa tingin mo hindi siya nadadamay sa problema mo? She is worried for sure. Nag-aalala siya dahil bigla na lang hindi ka sumasagot sa mga tawag niya."

Natigilan si Thiago, at napaupo. Nakatuon ang mga mata niya sa cellphone niyang patuloy pa rin iyon sa pagtunog.

"We feel comfort when we talk to the people we love. Lalo na kung may problema tayo," patuloy ni Rafael. "At iyong mga nagmamahal naman sa atin? They feel happy rin na nag-oopen up tayo sa kanila. That we trust them. And I know you know that feeling."

"I don't believe that."

"Because you never tried. You never... ever since mom and dad died."

Napatingin si Thiago sa kapatid. Tumigil na rin ang pagtunog ng cellphone niya at tumayo siya para kumuha ng tubig. At naisip niya ang naramdaman niya, nang mag-open up ng problema si Paisley sa kanya tungkol sa ama nito. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong hirap dahil sa problema ni Paisley, sa halip ay gumaan pa nga ang loob niya dahil napagaan din niya ang loob ng dalaga.

Muling tumunog ang cellphone ni Thiago at nagkatinginan sila ni Rafael.

"Just turn it off kung hindi mo sasagutin," sabi ni Rafael sabay tayo at dial sa cellphone niya. Mabilis namang kumilos si Thiago para kunin ang cellphone. Sandali niyang tinignan iyon bago sinagot.

"Hey..." sagot ni Thiago sabay tingin sa kapatid.

"Thiagobels, bakit hindi mo sinasagot 'yong tawag at messages ko? Were you sleeping?"

"Uhm... no... yes... uhm... sorry."

"You're not really good at lying. May problema ba?"

Hindi muna sumagot si Thiago at muli siyang napatingin sa kapatid. "What? Is she asking if there's a problem? Then tell her," nakangiting sabi ni Rafael.

"I watched the news just now. Kaya gusto rin kitang makausap. Is this about your recording company?" tanong ni Paisley.

Napabuntong hininga si Thiago at napaupo. "Yes. And my big brother is here para ayusin iyon. Sorry, Paisley. I just don't want to pass any burden to you. I don't mean to make you worried."

"Anong sinasabi mo?" may inis na balik ni Paisley. "What burden? Thiago, I'm here for you, always. And I will always understand. Come on, hindi na ako ibang tao sa'yo. I'm your girlfriend now."

"I'm sorry."

Napangiti si Rafael nang makitang parang ayos naman ang nagiging usapan ng dalawa.

"No need to say sorry," sabi ni Paisley. "Lagi mo lang tatandaan na narito lang ako para sa'yo. Kahit nasaan ako, I'll be there for you. Okay?"

"Thank you. I'll tell you everything about this tomorrow. I just can't talk about it over the phone dahil mahabang kwento," sagot ni Thiago. At sa pagkakataong ito ay makikita na ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Sure. Just call me if you need someone to talk to, ha?"

"Okay. Bye."

"Bye, Thiagobels."

"Thank you... Thank you..."

Pagkatapos noon ay pinutol na ni Thiago ang tawag. Ngunit hindi pa rin naalis ang ngiti sa kanyang mukha.

"I told you. You'll feel better," sabi ni Rafael sabay tapik sa balikat ng kapatid.

"Uhm, Rosen? Hindi pa ba siya sumasagot?" biglang tanong ni Thiago para baguhin ang usapan.

"Wala nga, eh. Hindi rin sumasagot ang mama niya at iyong manager niya. Maganda naman ang usapan namin kagabi."

Sasagot pa sana si Thiago nang biglang may kumatok sa pintuan ng study room. Kaagad iyong binuksan ni Thiago at bumungad sa kanya isa sa mga kasambahay nila.

"Yes, ate?" tanong ni Rafael sa babae.

"May bisita po kayo sa baba," magalang na sagot nito.

"Sino daw po?"

"Si Sir Vince po."

Nagkatinginan ang magkapatid. At pagkatapos ay dali-dali silang bumaba para makita kung totoo nga ba ang sinabi ng kasambahay. At nagulat sila nang makita ang tiyuhin na nakatayo sa sala, at tumitingin ng mga mwebles na naroon.

"What are you doing here?" tanong ni Rafael na nagpalingon sa kanilang bisita.

"Oh! The Villaruz brothers! The reliable one...," sabi nito sabay tingin kay Rafael. "And the failed prodigy," patuloy nito sabay baling naman kay Thiago. "Oh, you guys remind me of my younger days with your father."

"Don't let him get in your head, Thiago." bulong ni Rafael kay Thiago na hindi naman nito sinagot. Nakatitig lang siya ng masama sa lalaking nasa harapan nila..

"Ang lakas naman ng loob ninyong magpakita sa amin pagkatapos ng mga ginawa mo. At parang proud na proud ka pa! Those documents are real, aren't they?! " pasigaw na sabi ni Rafael.

"Huwag na kayong mag-alala!" sabi ni Vince habang suot ang isang malaking ngiti sa mukha— isang ngiting aso. "I fixed that already! Bukas na bukas rin, lalabas na sa mga balita na paninira lang sa atin ang mga dokumentong iyon."

"Rosen...," gigil na sabi ni Thiago. "What you did to her was... disgusting and unforgivable!"

"Oh! That too? Nakarating na sa inyo ang issue na iyon? Talo pa ninyo ang tabloids, ah," nakangising komento naman ng tiyuhin nila na umupo ng nakadekwatro sa gitna ng mahabang sofa na naroon. "Pero teka, ano ba 'yong ginawa ko sa kanya."

"You'll not get away with that! You monster!" muling sigaw ni Thiago.

"Not get away? Monster? Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo Thiago. Wala kang katibayan na sinaktan ko siya, o may ginawa ako sa kanya!"

"Rosen will be here any moment tonight," sabi ni Thiago. "At mapapatunayan namin ngayon ang kalupitan mo sa kanya. And if that happens, ipapadampot ka namin ngayon mismo sa mga pulis!"

Ngumisi si Vince at napatingin sa magkapatid. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa. May binasa siya doon at pagkatapos ay bigla itong tumawa. "She's coming?" Tumayo ito at binuksan ang TV. "Then let's wait for her."

Lalapitan na sana ni Thiago ang tiyuhin para paalisin na ito nang bigla siyang pigilan ng kuya niya. Napatingin si Thiago sa kapatid at nagulat siya nang makita itong namumutla habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa hawak nitong tablet.

"Kuya, what's wrong?" tanong ni Thiago.

"Si Rosen...," sagot ni Rafael sabay hinga ng malalim. "Nasa ospital si Rosen. Naaksidente ang sinasakyan niyang SUV. Kasama doon ang manager niya."

"What?!" singhal ni Thiago.

"Are you serious?!" Napatayo si Vince mula sa pagkakaupo. "How unfortunate. Kanina lang bago ako pumunta rito ay magkakausap kami! Well... at least now, wala ng problema, hindi ba? Naayos na."

"Sumusobra ka na! Anong ginawa mo kay Rosen?" sigaw ni Thiago.

"There you go again, Thiago. You're jumping into conclusions! Nag-usap kami kanina to settle things. Actually, okay na kami. Pagkatapos, umalis na siya," paliwanag ni Vince.

Nagngalit ang mga ngipin ni Thiago. Handa na niyang itaob ang lamesang nasa harapan niya at nagdidilim na rin ang paningin niya. Sa mga mata niya ay hindi na tao ang tiyuhin at hindi niya masikmura ang nakakainis na ngiti nito. Sigurado rin siyang mayroon itong kinalaman sa nangyari sa dati niyang kaibigan.

"Ano bang ikinagagalit ninyong dalawa? Manang-mana kayo sa ama ninyo. You make mistakes, at ako ang laging naglilinis. At palaging wala iyong kapalit," sabi ni Vince habang papalapit sa magkapatid. "You Thiago, kung hindi ka lang nasiraan ng bait, siguro hindi ganito ang kompanya na pinaghirapan ng kuya ko. Pero mabuti lang din 'yon. Dahil sa wakas ay nagkaroon na ng kabayaran ang lahat ng ginawa ko para sa kanya noon."

"What are you talking about?! Ikaw nga ang sumisira sa kompanya!" sigaw ni Rafael.

"Dahil iyon ang gusto ko. Ang gumuho ang lahat ng itinayo niya, ni Allan. Siya na lang lagi ang magaling sa mata ng mga tao, sa mga mata ng mga magulang namin. Pero ako na nagsisikap, wala. Walang pumapansin. At ngayon, malapit na ako sa pagtatapos ng plano ko. At ikaw na lang ang problema Thiago. Kung nag-drop out ka na lang sana," sabi ni Vince. "Pero huwag kayong mag-alala. Nakikinabang pa ako sa kompanya ninyo, pero afterwards, kapag nakumpleto ko na ang mga kailangan ko. Ibabagsak ko na ito ng tuluyan."

Hindi na makontrol ni Thiago ang galit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay inaapakapakan na lang ng tiyuhin ang pangalan ng ama niya. Ngunit muli siyang pinigilan ni Rafael bago kung ano pa ang magawa niya.

"We will not allow that to happen," sabi ni Rafael. "I'll do my best to take care of the company hanggang sa maging si Thiago na ang may hawak nito."

"Well, just do it," nakangising sagot ni Vince sabay lakad papunta sa pintuan papalabas. "I will not interfere. But I'm telling you, Raf. Huwag kang umasa d'yan sa kapatid mo. Dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ninyo." Pagkatapos ay sinundan iyon ng nakakainis na ngiti. "At ngayon, ng dahil sa kababawan niya at kapabayaan sa naka-atas sa kanya, si Rosen naman ang napahamak. Wala na talaga. Prodigy my foot!"

"Shut up!" sigaw ni Rafael. "Guards! Palabasin ninyo ang lalaking ito dito!" Nagpasukan ang dalawang gwardya dahil sa sigaw ni Rafael.

"Oops! No need! Aalis na rin naman ako."

Dumating ang tatlo sa mga guwardiya ng mansyon at kasabay noon ay ang paglabas ni Vince. Lumingon pa ito sa magkapatid, ngumiti, bago sumakay ng sasakyan at umalis.

"Huwag mong isipin 'yong sinabi niya, Thiago," sabi ni Rafael sa kapatid. Pero huli na ang lahat. Namumutla na si Thiago habang nakahawak sa dibdib.

"So, it's me all along... the reason... Damn! I know that... pero..." Napaupo si Thiago sa sofa at sinalo niya ng mga kamay ang kaniyang mukha.

"Ano ka ba?! Kung magpapadala ka sa mga sinabi niya. Lalo lang siyang mananalo. Thiago! Wala kang ginawang mali! Wala! Mag-focus ka! Mag-aral ka! Sandali na lang at mapapasaatin na ulit ang kompanya. Ako ng ang bahala kay Uncle Vince. Just do your thing at the university. Okay?"

Napatingin si Thiago kay Rafael. Ipinatong naman ng panganay ang kamay niya sa ulo ng kapatid bago idinikit sa noo nito ang noo niya.

"I will never lose my hopes on you, Thiago. I know you'll be able to do this. Okay?"

Huminga ng malalim si Thiago habang pilit na pinipigilan ang mga luha sa pagtulo.

"Yes, kuya. Yes..."

Continue Reading

You'll Also Like

8K 4.5K 39
Ariston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
857K 29.6K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.