Hopeless Love [PUBLISHED UNDE...

By The8thWorldWonder

2M 18K 3.4K

Available in PPC Stores, Pandayan, and Natinal Bookstores nationwide! Grab your copy now for only 109.75php! ... More

Hopeless Love
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
FOR QUERIES
BOOK 2 OF HOPELESS LOVE
I'LL CARRY YOU TO HEAVEN
HE SHE HE
The Value of a Second Chance
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED

CHAPTER 43

25.2K 263 68
By The8thWorldWonder

CHAPTER 43

“Baka magaling na talaga siya at dito siya nag-aaral,” pahayag ko.

“Imposible! Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan!”

Naputol lang ang pag-uusap namin ni Demi nang dumating ang professor namin sa College Algebra. Buong maghapon ay iniisip ko lang kung si Nelle nga ba ang may-ari ng bookmark na iyon. Dali-dali rin akong bumalik sa library para kuhanin ang bookmark at itabi sa bag ko. Hindi naman iyon school property kaya hindi ko iyon kinuha mula sa kanila. Malakas lang talaga ang kutob ko sa bookmark na iyon.

“Bakit para kang nagmamadali dyan?” tanong ni Miggy nang makita akong aligaga paglabas ng library.

“W-wala,” saad ko at saka tuluyang lumakad paalis. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin at agad niya akong hinawakan sa braso ko dahilan upang mapatigil ako. “B-bakit?”

“May problema ba?” seryosong tanong niya sa akin.

Niyaya ko siya sa isa sa mga study areas doon sa labas ng library at naupo kaming magkaharap. “Nandito ata si Nelle,” agad kong pahayag.

“H-huh?” tila naguguluhan at hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Agad ko namang inilabas ang bookmark mula sa bag ko at ipinatong iyon sa harap niya. “Nakita ko ‘yan sa isa sa mga libro sa library,” paliwanag ko habang pinagmamasdan niya iyon. “Nelle Aiza Rodriguez. ‘Yan ang pangalan na nakalagay sa bookmark.” Hinanap niya ang pangalan na sinasabi ko at agad namn siyang tumigin sa akin nang makita iyon. “Yan din ang complete name ni Nelle. Malakas ang kutob ko na sa kanya ang bookmark na ‘yan.”

“How can you be so sure? Pwedeng maraming may ganitong pangalan sa Pilipinas, Aaliyah,” giit niya. “Isa pa, sa lahat naman ng Universities, magkakataon pa na dito siya nag-aral? We’re not even sure kung na-survive niya ang operation niya.”

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil mukhang hindi rin naniniwala sa kutob ko si Miggy katulad na lang ni Miggy.

“Look, Aaliyah,” saad niya at saka hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. “Kung siya man ito, that doesn’t necessarily mean na nandito rin si Paul. Malay natin, siya lang ang bumalik dito at naiwan si Paul sa Singapore?”

“Pero malakas ang kutob ko, Miggy,” giit ko.

“Kutob lang ‘yan. Huwag kang mag-overthink, okay?”

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan at pakinggan. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na nandito na sila ni Nelle. Pero kung ganun nga, bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin? Bakit hindi man lang niya sinabing nakabalik na siya?

October 2013

“Hanggang ngayon ba naman ay tinatago mo pa rin ang bookmark na ‘yan?” bungad sa akin ni Demi nang mailapag niya ang mga gamit niya sa upuan sa tabi ko.

“Nawawalan na nga ako ng pag-asa, eh,” buntong-hiningang tugon ko sa kanya.

“Hindi masamang sumuko, Ali. Lalo na sa mga bagay na pumipigil sa atin na mabuhay ng normal,” pahayag niya. “Minsan, kailangan mong palayain ang mga bagay para malaman mo kung babalik pa ba ito ng kusa sa iyo o hindi na.”

Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko kaya agad ko iyong kinuha upang tignan kung sino ang nag-text.

May importante akong sasabihin sa’yo. Magkita tayo sa canteen sa building niyo. Ngayon na. – Miggy.

Dali-dali akong nagpaalam kay Demi na pupunta lang ako sa canteen at bahala na kung ma-absent-an ako ng prof. Hindi maganda ang kutob ko sa kung anuman ang sasabihin ni Miggy na hindi na makapag-hintay.

Agad ko namang nakita si Miggy sa gilid na upuan doon sa canteen at nagmadali akong maupo sa harap niya. Seryosong-seryoso ang mukha niya at tila parang nakakita ng multo.

“Nakita ko siya,” panimula niya. Noong una ay hindi ko pa alam ang tinutukoy niya kaya nanahimik lang ako upang hayaan na magpatuloy siya. “Nakita ko si Paul.”

Para akong biglang nabingi nang marinig ko ang sinasabi niya at tila walang boses na lumalabas sa bibig ko kahit na pinipilit kong magsalita.

“Nagkasalubong kami sa gate habang papasok ako,” patuloy na kwento niya. “Tumango lang siya sa akin. Alam kong si Paul ‘yon dahil nakilala niya ako.”

Nandito si Paul. Nandito si Paul sa Harrison. Bumalik na siya.

“S-saan siya papunta?” tanong ko.

“Magkasama sila ni Nelle,” mahinang sagot niya. “Aaliyah… mukhang masaya sila.”

Mukhang masaya sila. Bakit? Masaya sila kasi nakabalik na sila dito sa Pilipinas. Masaya sila kasi naging successful ang operation ni Nelle. Tama.

“Saan mo siya ulit nakita?” tanong ko.

“Sa main gate.”

Agad akong tumayo mula sa harap niya at dali-daling tumakbo papunta sa main gate. Itinext ko si Demi na dalhin na lang ang bag ko doon kapag natapos na ang klase. Tinanong pa niya kung bakit ngunit hindi na ako sumagot.

“Ano’ng balak mo?” tanong ni Miggy nang maabutan niya akong nakatayo sa labas ng main gate. “Balak mo bang tignan ang lahat ng estudyanteng naglalabas-masok dito?”

Tumango lang ako bilang sagot nang hindi tumitingin sa kanya. Tinititigan kong mabuti ang mga mukha ng bawat estudyanteng papasok at lalabas mula sa gate ng Harrison.

“This won’t work, Aaliyah,” saad ni Miggy habang hinahawakan ang kamay ko. “Halika na. Hindi ka papasok sa lahat ng subjects mo para lang dito?”

Hindi ko siya pinansin sa halip ay marahan ko pa siyang itinulak palihis dahil hinaharangan niya ang paningin ko.

“Aaliyah, ano ba?!” sigaw niya sa akin ngunit hindi pa rin ako natitinag. “I told you na nakita ko siya kasi akala ko mag-rerespond ka in a good way!”

“Hindi ba good way ang respose na ‘to, Miggy?” tanong ko sa kanya without even looking. “Kailangan ko siyang makita, Miggy.”

“Magkikita rin naman kayo, eh. Hindi mo kailangang gawin ‘to,” saad niya habang pilit akong hinihila papasok ng school.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin ngunit bigla ko na lang naramdaman ang pagpatak ng mga luha ko at tuluyan akong nanghina kaya naisama ako ni Miggy papasok ng school. Malabo na ang nakikita ko sa daan at hindi ko alam kung saan ako dinala ni Miggy. Ang malinaw lang sa akin ay kaming dalawa lang ang tao sa lugar na ito.

“Bumalik na pala siya, Miggy. Kailan pa?!” panimulang tanong ko. “Bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin? Bakit hindi man lang niya ako sinabihan?”

“Baka humahanap lang siya ng timing. Malay natin ngayon lang siya nakabalik.”

“Pero bakit sabi mo mukha silang masaya ni Nelle?!” Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagbuhos ng mga luha ko sa mga pisngi ko. “Bakit hindi man lang niya ako hinanap?!”

“Aaliyah, tama na,” dinig kong sabi niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. “Baka naman kasi nag-o-overthink ka lang.”

“Hindi, Miggy. Matagal na silang nandito. ‘Yong boomark. Noong August ko pa ‘yon nakita, eh. Kay Nelle ‘yon! Matagal na silang nakauwi pero hindi man lang niya ako hinanap! Hindi man lang niya ako sinabihan na nakabalik na siya!”

“Shh. Tahan na, tama na,” pagpapatahan niya sa akin at ramdam ko ang pagtaas-baba ng mga palad niya sa likod ko.

“Miggy, nakalimutan na niya ako. He didn’t try chasing me again. Miggy, ang sakit.”

‘Yong sakit na nararamdaman ko ngayon ay tila kapareho rin ng sakit na naramdaman ko noong iwanan ko siya sa butterfly garden. I shouldn’t have looked back. Hindi ko na dapat tinignan kung hinabol ba niya ako. Ang sakit malaman na kahit anino niya, wala sa likod ko para sundan ako.

Nag-iba ka na ba ng daan, Paul? Talaga bang tumigil ka na sa pag-habol sa akin at si Nelle na lang ang pinili mo?

“Huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano,” mahinang pahayag ni Miggy habang hinahagod ang likod ko. “Hindi mo pa naman siya nakakausap.”

Nanatili lang akong tahimik na umiiyak dahil sa kung anu-anong mga bagay ang hindi ko maiwasang pumasok sa isipan ko.

Siguro nga, kailangan ko munang alisin lahat ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. Siguro, hindi ko kailangang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa kung bakit hindi man lang niya ako pinuntahan at sinabihan na nakabalik na siya. Maybe, thinking less will minimize the burden.

“Pero tandaan mo, kung ano man ang maaaring mangyari, palagi lang akong nandito para sa’yo,” dinig kong saad niya. “I will never get tired of listening to your sentiments over and over.”

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakayakap sa kanya hanggang sa matigil ako sa pag-iyak.

“Thank you, Miggy.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 70 24
Lions Series No. 8 : SHONE MIGUEL ARELLANO [ Book 1 ]
5.2K 384 21
A story of an ugly duckling who received an offer to be a model. Thank you @Shei_camille for the simple yet romantic cover for this.
32.3K 7.3K 26
The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 1 Nang palayasin si Kendra Sanchez ng kaniyang tiyahin at pinsan mula sa bahay ng mga ito ay nagkaroon siya ng tra...
224K 14.5K 73
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...