WANDA For You

By HEYNEENAMOR

458 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Tears

13 3 0
By HEYNEENAMOR

Arman's POV

Dahan-dahan akong lumapit sa natutulog na si Gia. Hindi ko alam kung bakit dito siya natutulog or may kasama ba siya dito kanina. Pero mas nakakuha ng atensyon ko ay ang tila butil ng luha na tumulo mula sa nakapikit niyang mga mata—— Is she's sleeping while crying?  Or she's in the middle of her dream— a nightmare?


Hindi maalis ang tingin ko sa mukha nito. Ang bait-bait niya kapag tulog. Sana lagi na lang siyang tulog at hindi na ako bibigyan pa ng kahit na anong problema.

Umupo ako sa floor ng Yacht at isinandal ang likuran ko sa bench na hinihigaan ni Gia. Nakatingin na ako ngayon sa madilim na karagatan. Na ang tanging ilaw lamang na nakikita ko ay ang tila light house mula sa malayo. Habang nakaupo ako ay muli kong nilingon si Gia na kasalukuyang tulog parin , may airpods pala ito sa parehong tenga. Nagulat ako ng medyo gumalaw si Gia kaya muntik ng mahulog ang phone nito , mabuti na lang at nahawakan ko. Pero pagbalik ko ng ayos ng phone niya sa dating pwesto ay ito namang pagdilat ng mga mata ni Gia.

I'm shocked and felt a little bit awkward when she open her eyes—- Nakatingin ito sa akin, pero saglit lang dahil pumikit muli siya—- pero dahil yata tuluyan ng nagising ang diwa niya ay muli itong nagdilat ng mata at sumigaw—-






"Hoy!! Bakit ka nandito?????" Gia, the over acting witch—— nagulat ito, napaupo siya at medyo lumayo sa akin na tila ba may gagawin akong masama. OA. Niyakap niya ang sarili niya na tila ba pinoprotektahan niya ang katawan niya. See—- OA. Baliw. Deep inside, I want to laugh——-






"OA? Kung makatanong ka kung anong ginagawa ko dito, parang pag-mamay-ari mo tong Yate hah? Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito? Tsk." tanging sabi ko sabay tayo at umupo sa kabilang side ng bench. Mas lalo itong umusog palayo sa akin na tila ba may nakakahawa akong sakit.




"Wag kang lalapit!" sigaw muli nito.




"Bakit? Mukha ba akong mamamatay tao? Baliw ka na ba?" Umirap ito tsaka niya inayos ang sarili niya ng magets niyang medyo Over react na siya. Pero nanatili siya sa dulong bahagi ng bench.





"Gaano ba kabigat ang problema mo at kahit tulog ka, umiiyak ka." I ask without looking to her. I saw on my peripheral view na napalingon siya sa akin at tila nagtataka sa sinabi ko.






"Wag ka mag-alala, mas mabigat parin yung problema mo." sagot nito. Now, tumingin na ako sa kanya. I smile to her.





"I greeted her on her birthday." nakangiting pagmamayabang ko kay Gia.






"Who? Thea?" Gia, on her interested tone voice. Medyo lumapit ito ng kaunti sa akin na tila ba gustong makasagap ng chismis dahil sa sinabi ko. Ako naman ang medyo lumayo para asarin siya.

Ano ba tong ginagawa ko. Dapat consistent ang galit ko sa kanya—- Why Am I sharing something to her. This is not me. D*mn Arman.



"So kailan mo siya binati? Anong sabi niya? Okay na ba kayo?" magkakasunod na tanong nito na tila nakalimutan din niya sa sarili niya na kanina eh galit na galit siya sa akin.





"Nawala na ba galit mo sa akin?" pang iinis na tanong ko at di ko sinagot ang huling tanong niya about Thea.




"Galit parin!!!! hmp—- Pero makikichismis muna ako. So ano na nga??? Okay na kayo???? Hoooy! Arman! Magsalita ka! Magsasalita ka o ihuhulog kita sa dagat???" pagbabanta nito. Pinipigilang kung ngumiti kaya tumingin muna ako sa ibang direksyon para pigilan ang pagngiti ko.




"Ayoko mag share. Galit ako sayo." seryosong sabi ko sa kanya. Ang sama ng tingin nito sa akin na akala mo eh kinuha ko ang paborito niyang laruan. She raised her middle finger tsaka padabog na tumayo —— mag wawalk-out ? I guess?

Pero bago pa man siya makalayo sa akin ay pinigilan ko na siyang maglakad. I grab her hand para paupuin muli siya sa bench.



"Bitawan mo ako! Alien!" sabi nito. Hindi ko na mapigilang matawa.


"The baddest witch I've ever know." mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya ako.



"Mukha ba talaga akong witch? Kulubot na ba ang mukha ko hah??? May mahaba ba akong ilong??? Alam mo, pati si Oli, nahahawa na sa kaka-witch mo! Alam mo bang nagkalamat na ang relasyon namin ng pamangkin ko dahil sayo?" Natawa ako.




"I don't have space ship—- hindi naman green ang balat ko, ang gwapo ko namang Alien" sagot ko dito.



"Hoy! Mas gwapo naman talaga ang Alien kesa sayo!" sagot nito na ikinawala ng ngiti ko. Wala talagang filter ang bibig niya. After my Mom, siya na yung ikalawang babae na kilala kong ganito magsalita.




"Oh, daan na. Wag ka ng babalik dito sa Yate ah." inis na sabi ko dito tsaka ko siya binitawan. She smiled ng nakakaloko tsaka siya naglakad paalis. Muli akong umupo sa bench at isinandal ang likuran ko to rest ng marinig ko ang pagsigaw ni Gia.

























Gia's POV



OKAY, Ako na naman ang magwagi. Finally, binitawan na niya ang kamay ko. Mabilis akong maglakad para makaalis na sa Yate. Habang papalapit ako sa kabilang dulo upang bumaba ay nagtataka na ako kung bakit wala na akong makitang bato kung saan nakadaong kanina ang Yate ni Emmanuel——- Syet? Teka lang, umaandar ang Yate???? Or Naanod kami dahil sa lakas ng alon?? Natanggal yung lubid??? Hoooooy—-







"Armaaaaaaan!!!!!" natatarantang sigaw ko ng puro tubig na ang nakapaligid sa amin. Nilingon ko si Arman ng papalapit ito sa akin..





"Ano na naman ba????!!""






"Bakit mo tinanggal ang lubid????" I'm accusing him, oo, judgemental ako eh—— at wala naman ibang gagawa nito kundi siya lang!!!




"What? What rope???" aba! Kunyari walang alam!!! Nagmadali itong naglakad upang lumapit sa tinuturo ko, yung lubid kanina, tila natanggal sa pagkaka-angkla sa port kanina.




"Hindi ako ang nagtanggal niyan! Bakit ko naman tatanggalin yan???? Teka, ang layo na natin sa Isla ah? Wala na akong matanaw na ilaw!" mas lalo akong kinabahan ng sabihin iyon ni Arman. Naiiyak na ako dahil tama siya, mukhang malayo na kami sa Isla. Pucha, bakit di ko manlang naramdaman na naanod na kami palayo kanina!!!! Aahhh! Kasalanan talaga to ni Arman! Kung di lang siya dumating edi sana hindi to nangyari!





Naglakad ako pabalik sa likurang bahagi ng Yate kung saan nakabukas ang lamp. Nag-iisip ako ng tamang gawin para makabalik kami sa Isla.





"Marunong ka bang magpaandar ng Yate??" tanong ni Arman sa akin.




"Hoy! Kotse lang ang kaya kong i-drive! Ano bang malay ko sa Yate! Never in my wildest dream eh magkakaroon ako ng ganito kamahal na Yate! Hmp, ikaw? Di mo ba alam paano yan paandarin?"




"Same as you. Ano bang malay ko dito!"




"Wala ka talagang kwenta Arman!!!!" inis na sabi ko dito.




"Kumalma ka nga! Ang ingay-ingay mo kasi! Tulungan mo akong mag-isip ng dapat gawin!"



"Hindi nga ako makapag-isip ng tama!!!"




"Ako na naman ba pumapasok sa isip mo?" biglang hirit nito kaya nasapak ko na naman po ang muscle niya. Opo. And it's free.



"Isip ang paganahin mo Arman, hindi yang kalandian mo!" matapang na hirit ko dito and he smile.




"Wag kang ngumingiti-ngiti diyan! Hindi tayo masasagip ng ngiti mong yan!" inis na sabi ko dito.




"Relax okay? Wag ka munang magsalita. Let me think." sabi nito sabay lapit ng daliri niya sa bibig ko para hindi ako makapagsalita. Natigil akong magsalita tsaka ko inis na tiningnan ang daliri niyang nasa harapan ko. When he close his eyes para mag-isip ay kinagat ko ang daliri niya.



"Hey! What are you doing!!!" reklamo nito habang pinapahid niya sa damit niya ang daliri niyang kinagat ko—— not literal na kinagat ah. OA lang talaga reaction niya.





"Wala kang karapatang patigilin akong magsalita!!" sagot ko dito.







"Hindi ka pa ba nakapag dinner at ako ang gusto mong kainin? You can ask me naman politely if gusto mo akong kainin—— willing to —— aray ! Ano ba! Kanina ka pa!!! Ngayon naman tong muscle ko! Akala mo ba di ko napapansin na kanina mo pa ako chinachansingan!" Wow! Ang kapal!





"Bakit naman kita chachansingan hah? Wala akong pakialam sa mga pandesal mo ano! Allergic ako sa bread!" sabi ko sabay upo sa bench tsaka inis na kinuha ang phone ko sa buksa ng jogger pants ko. I'm about to dial Emmanuels number ng hablutin ni Arman ang phone ko.





"Hey! Akin yan!! Ano ba!!!" inis na sabi ko dito at pilit kong binabawi ang phone ko. At ang walanghiya ay itinataas at inilalayo sa akin ang phone. At bilang ayokong patalo ay nakipagbunuan ako sa kanya. Ginawa ko ang lahat para mabawi ang phone ko——- gumawa ako ng biglaang desisyon, without thinking kung anong magiging result. As Arman raised his hand para ilayo sa akin ang phone ay tiningnan ko siya ng seryoso sa mga mata at unti-unti kong pinagapang ang mga daliri ko papasok sa loob ng t-shirt niya para mahawakan ko ang "Pandesal" niyang sinabi kong allergic ako . Hehe. Dahan-dahan kong hinawakan mula sa pinakataas na pandesal hanggang pababa—— that was the slowest seconds of my life. Ang bagal ng mga pangyayari. As I touched his abs, natigil si Arman sa paglayo ng phone ko hanggang sa patuloy kong pinagapang ang mga kamay ko pababa——- F*ck!! Dapat ay titigil na ako para abutin ang phone pero what the hell? Parang may sariling buhay ang mga kamay ko at patuloy ito sa pag-dausdos pababa——



Nang mapatingin ako sa phone ko at alam kong may chance na para maagaw ko iyon ay mabilis kong hinablot ito at nilagay sa bulsa ko. Yes. Nakuha ko. Pero nang ibaba ko na ang kamay ko para tumalikod ay hinablot ni Arman ang kamay ko tsaka siya nagsalita——






"Don't play with me Miss! Anong akala mo? Hindi ko kayang sakyan ang laro mo???" seryosong sambit nito tsaka niya ako hinila papasok ng Yate—— What the hell???? Tinatakot ba niya ako??? Anong akala niya? Matatakot ako???




Pucha, nagsisimula na akong kabahan ng ayaw niyang bitawan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng Yate.




"Pwede ba! Bitawan mo ang kamay ko! Sisigaw ako dito ng ano!!!!" sigaw ko dito.


"Ng ano???" hamon na tanong nito.





"Ng ano—- ng ano—— ah——" hindi ako makapagsalita ng makaisip ako ng idea. Mabilis kong tinapakan ang daliri ni Arman sa paa tsaka ako tumakbo palabas ng Yate. Nahinto ako sa pagtakbo ng makita kong wala naman pala akong tatakbuhan dahil nasa gitna nga pala kami ng karagatan.






"Ano ba yang paa mo??? Bato ba yan hah??? Bakit ang bigat!!" reklamo nito habang iika-ikang naglakad na nakasunod sa akin. Alam kong masakit ang ginawa kong pag-apak sa paa niya pero self defense ko iyon! Baka anong gawin nito sa akin.






"Subukan mong lumapit!!! Isa! Arman!!!" natetense na sabi ko dito. Ngumiti si Arman ng nakakaloko tsaka siya nakapamewang na tila inaantay ang susunod na gagawin ko.





"Oh? Bakit parang natatakot ka? Akala ko ba matapang ka??"






"Isa! Subukan mong lumapit ! Sisigaw talaga ako ng ano——-"




"Ng ano nga???"







"Ng—- hmmm—- "






"Don't you dare to say Rape dahil mukhang baliktad ang pwedeng mangyari. Mukhang ako ang delikado sayo——"



"Hoy! Feeling ka!!! Bakit naman kita pagsasamantalahan?? Ginto ba yang katawan mo?! Di ako mahilig sa ganyan! Yuck ! Nasusuka ako." arte ko tsaka patay malisyang dumaan sa harapan ni Arman at nilagpasan siya.





"You touched it. Pay for it." rinig kong sabi nito kaya inis akong lumingon sa kanya.





"What? Bakit ko naman babayaran ang ginawa ko? Santo ka ba hah? Tsaka wala lang yun! Chineck ko lang kung ano—-"




"Kung ano?"





"Hays! Arman!!! Pwede ba! Wag mo na akong kausapin! Gusto kong mapag-isa.."







"No. Hindi ka pwedeng mapag-isa lalo na't nandito ako. Whether you like it or not—— magkasama tayo ditong parehong magugutom, lalamigin—- manghihina—- mamamatay."




"OA hah! Mamamatay talaga agad? Tsaka di tayo sabay na mamamatay kasi ikaw ang una kong ipapakain sa pating!" sabi ko dito then napansin kong ngumiti ito.





"Ang dami mong personalities. Sometimes ang focus focus mo —- work is work—- madalas ang sungit-sungit mo — pero minsan isip bata ka."





"Eh ikaw? Madalas, ang pangit-pangit mo." pang-iinis ko dito tsaka ko siya tinarayan at tuluyang tinalikuran. Pagtalikod ko ay bigla na naman niyang hinatak ang kamay ko kaya napakapit ako sa kahit na anong bagay na mahawakan ko. Ang mali ko lang, sa isang estante ako sa gilid ng pinto ng yate napahawak kaya nahatak ko yung estante at bago pa man iyon natumba ay nahila na ako ni Arman sa kabilang direksyon tsaka kami bumagsak sa sahig na kung saan nakatambak ang tumpok ng mga life vest.






Bumagsak si Arman sa tumpok ng mga life vest at pumaibabaw ako sa kanya. Halos hindi ako makahinga dahil muntik ng maglapat ang mga labi namin. Ramdam ko ang hangin ng paghinga ni Arman habang nakatitig ito sa mga mata ko. Rinig at ramdam ko rin ang ingay ng dibdib nito. Ilang segundo kaming ganoon ang posisyon. Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakatayo. Parang ang bigat ng katawan ko. Gusto man ng isip kong tumayo ay tila nag eenjoy ang katawan ko sa ganoon klaseng posisyon. Ang lapit lapit ng mukha ko sa mukha niya. Kitang-kita ko ang bawat detalye ng mukha nito. Madalas ang pangit-pangit mo—— mali yata ako. Bakit sa pagkakataong ito, hindi ko iyon nakikita. Ang ganda pala ng mga mata niya? Sakto ang hugis ng ilong niya sa mukha niya. Pati ang mga labi nito—- bakit ang ganda ganda ng kulay kahit na araw-araw ay gamit na gamit ito dahil sa pagkanta niya. Hinuhuli ko ang titig ng mga mata niya sa mata ko. Kulay brown ang kulay ng mga mata niya sa malapitan! Napakaganda. Nasaan na ang pangit na si Arman. The hell! Sino itong kaharap ko.





"Tayo!" utos nito. Mabilis akong tumayo tsaka ko pinagpag ang suot ko. Napatingin ako kay Arman ng hindi muna ito tumayo. Saglit itong pumikit tsaka pinakiramdaman ang mga paa niya. Napansin ko pang hinawakan niya ang kanang binti niya na tila namanhid dahil sa posisyon namin kanina. Ngayon ay tumayo na ito tsaka napaupo sa bench. Pinisil-pisil nito ang kanang binti niya. Bakit? Anong nangyayari? Pinupulikat ba siya?






"What happened?" tanong ko dito tsaka ako lumapit sa kanya.





"Pinupulikat ako." mahinang sagot nito. Mabilis akong lumapit kay Arman. Tsaka ko dahan-dahang nirerelax ang binti nito.



"Hey! What are you doing!!"




"Kalma okay? Kailangan lang natin irelax ang binti mo." sabi ko dito ng hindi siya tinitingnan. Mahirap na at baka mawala ako sa focus.




"Aray!"




"Tiisin mo! Kasama sa buhay yan." simpleng sabi ko dito. Pinasandal ko si Arman sa gilid para marelax ang paa niya. At mga ilang minuto ang lumipas ay nawala na din ang muscle cramps niya..







Magkatabi kaming nakaupo sa bench. Syempre, may gap as a "magkaaway". Pareho kaming inip na naghihintay sa tulong. Meron nga ba? Maliligtas ba kami dito? Jusko naman!







Umusog pa ako ng kaunti hanggang sa nasa kabilang dulo na ako. Doon ko lang muling nilabas ang phone ko at lihim na tinatawagan si Emmanuel. At ng mag-ring ito ay laking pasalamat ko dahil may signal na! Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ni Emmanuel ng muling hinablot ng Alien na katabi ko ang phone ko.



"Hoy!!!"




"Hello——- ano bang klaseng phone to!! Lowbat na?? Itapon mo na nga to sa dagat!" reklamo ni Arman ng ibalik niya ang phone ko. Sinilip ko ang screen at tama siya, lowbat na ako.




"Sinasagad mo talaga ang pasensya ko Arman ano??? Bakit mo ba gustong-gustong kunin ang phone ko?? Hihingi na nga ako ng tulong diba???"


"Kanino? Sa boy-friend mo? Oh, nasaan na ang knight & shining Armor mo? Mukhang wala namang pakialam sayo." sabi nito kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ako? May boyfriend? Paano? I mean, akala niya boyfriend ko ang tinatawagan ko? Seryoso ba siya?



"Ang cute mo naman magselos" biro ko dito tsaka ako unti-unting lumapit ng upo sa kanya. haha



Ang sama ng tingin ni Arman sa akin pagkasabi ko nun. Alam mo yung tingin niyang hindi na natutuwa.



"Siguro naman ma-chacharge mo yang phone mo ano? Ayokong abutin ng umaga sa gitna ng dagat Gia."



"Wow? Hinanapan pa ako ng charger? Hoy! Teka nga? baka naman may dala ka ding cellphone diyan? Imposibleng wala!"



"Wala."



"Seryoso? Lumabas ka ng room mo at pumunta dito sa loob ng Yate ng walang dala kahit ano??? Bakit ka ba talaga pumunta sa dalampasigan? Di ka ba makatulog dahil sa akin?" biro ko ulit dito at hindi parin nagbago ang inis niyang mukha.





"I-charge mo na yan." utos ni Arman sa akin.




"Wala nga akong charger! Tsaka malay ko bang mangyayari to! Pumunta lang naman ako dito para makinig ng music! Kung alam ko lang na mangyayari to, edi sana nagdala na ako ng camping bag diba." sabi ko dito sabay irap sa kanya.




"Musika ba talaga ang nagpapaiyak sayo o yung mga bagay na bumabalik sa ala-ala mo habang may pinapakinggan kang musika?" seryosong tanong nito. Hindi ako nakapagsalita. I didn't expect it. Ano ba to, biglang nagiging seryoso. Hindi ako agad nakasagot. Umiwas ako ng tingin. Kasi tama siya. Pero nakita niya akong umiiyak kanina??
















Nagdilat ako ng mga mata ng makarinig ako ng maingay na makina. Napatingin ako sa gilid ko—— pucha? Bakit ako nakahiga sa balikat ni Arman???!!! Bigla akong kinabahan. Pareho kaming nakaupo at magkatabi. Nakasandal kami sa pader ng yate. Teka nga? Nakatulog ako sa balikat niya??? Paano ——- syet naman oh. Mabuti na lang at nakapikit at tulog si Arman. Dahan-dahan akong umuusog palayo sa kanya. Juskooo, wag naman sana siya magising. At nang makalayo na ako ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko dahila sa labis na kabang naramdaman ko kanina. Para akong masusuka sa kaba. Ano ba ito. Anong pakiramdam ito.





Napatayo ako ng marinig kong tila may mga tumatawag ng pangalan namin ni Arman..







Nagtatalon ako ng makita ko si Emmanuel—- kasama sila Simon, Nel & Sammy. Nakasakay sila sa isa pang medyo malaking bangka.













👽

Continue Reading

You'll Also Like

82.5K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
3.4K 98 30
A Luhan Elizalde and Eunice Alexandreah Villamayor's forbidden love story. @2018
359K 6K 42
Tatlong taon ang lumipas. All the memories still lingers inside his head and his heart. Ilang beses na nya itong sinusubukang itapon pero paulit-ulit...
83.3K 6.7K 35
Matapos ibalik sa mga Dalca ang Helderiet Woods, kinailangan nang umalis ni Mr. Phillips sa Grand Cabin upang manirahan pansamantala sa timog. At hin...