[Career Series #5]: The Elect...

By Dimli_

28.4K 579 196

[Career Series #5]: Catria Lionne Montagne Mariano takes pride in being the daughter of a famous senator and... More

The Electric Spark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Epilogue
Author's Note

Chapter 65

423 10 15
By Dimli_

Matt's POV


"Matt, may naghahanap sa'yo doon sa taas," sabi sa akin ni mommy noong bumaba siya rito sa laboratoryo namin.


"Sino po?" tanong ko habang tuloy pa rin sa paggawa noong bago naming proyekto. "Sabihin niyo na lang po busy ako."


"Si Atty. Montagne... Sinabi ko na nga na busy ka, kaso mukhang importante talaga ang sadya niya rito."


Napakunot 'yong noo ko at nag-angat ako ng tingin sa kanya. Atty. Montagne? Si Hunter? Ano namang ginagawa niya rito?


Tungkol ba kay Catria? Imposible... Wala naman siyang alam tungkol doon.


Napabuntong-hininga ako at pumasok sa banyo para maghugas ng kamay at sumabay ako kay mommy paakyat sa main office ng building namin.


"Anong kailangan mo?" tanong ko kay Hunter. "Kung tungkol ulit 'to sa kung nasaan si Zia hindi pa rin namin—"


"I'm not here for that. I already know where she is... I just chose to respect her decision to leave." Tumingin siya sa hawak niyang folder. "I am here to ask you about your connection with the Mariano family."


Pumalatak ako at napailing na lang. "Wala akong koneksyon sa mga Mariano."


"I know that you have—"


"Wala na..." pagputol ko sa mga sasabihin niya. "Makakaalis ka na."


"I'm here to help you with your case," sabi niya sa akin kaya natigilan ako. "I already gathered pieces of evidence against them and what they did, I only need your full statement. That is if you're willing to tell me your side of the story. "


"Bakit mo naman kailangan 'yon?" tanong ko at napailing. Itong pamilya talaga ni Catria wala yatang ginawa kundi maghanap ng gulo at away. "Sisiraan mo ngayong eleksyon? Wala ka nang magagawa sa mga 'yon masyado na silang maraming kapangyarihan sa bansa na 'to."


"I'm not planning anything," sabi niya at nagkibit-balikat. "I just want a copy of your statement just in case I need Catria to change her mind about her parents. Since it seemed like you're not planning on doing anything about it."


Baka nga alam naman ni Catria 'yong ginawa sa akin ng mga magulang niya at wala lang talaga siyang pakialam basta lumawak 'yong kapangyarihan nila sa bansang 'to...


Siguro dati, biktima siya ng magulang niya... Bata pa kami noon at parehas lang kaming nakaasa sa mga magulang namin.


Pero ngayon, matatanda na kami... May sarili na siyang utak para malaman kung ano ang tama at mali.


Pinili niya ang mali at kasalanan na niya 'yon, hindi na kasalanan ng mga magulang niya 'yon. Masyado na siyang nabulag ng kapangyarihan.


Pumayag na lang ako magbigay ng statement kay Hunter tutal nakuha na rin naman pala niya 'yong statement noong mga tauhan nila tita. Binigyan ko pa siya ng kopya ng mga litrato noong nasa ospital ako.


Wala naman na sa akin 'yong mga nangyari, nakakaya ko na ikwento 'yon na hindi ako kinakabahan at nanginginig. Nakakaya ko nang makita sa TV 'yong nanay ni Catria na hindi na ako natatakot.


"Why didn't you file a case against them?" tanong sa akin ni Hunter noong matapos ko statement ko.


Nagkibit-balikat ako. "Ayaw ko lang i-relive 'yong nangyari at ayaw ko na sila harapin."


Tumango si Hunter. "If you want to pursue the case, here's my calling card. My friend and I are willing to help you if you're filing a case against corrupt politicians." Inabutan niya ako ng calling card at umalis na.


Bakit nga ba hindi ako nagsampa ng kaso?


Kasi takot ako na madamay 'yong pamilya ko...


Kasi ayaw ko na talaga harapin ang mga 'yon tapos wala namang mangyayari dahil kakampi nila ang batas....


Kasi kawawa si Catria kapag nakulong 'yong magulang niya at hindi naman siya tutulungan ng mga kapwa corrupt dahil mga makasarili naman silang lahat...


Napailing na lang ako sa huli kong naisip. Talagang para sa kanya pa rin...


"Kumusta?" tanong sa akin ni Ella noong makapasok siya sa restaurant kung saan namin napagpasyahan magkita-kita para sa campaign rally ng sinusuportahan naming presidential candidate.


Tinuro ko 'yong mga libro nasa harapan ko. "Pagod."


"Same," sagot niya at umupo sa tapat ko. "Hirap ng grad school."


"Ga-graduate ka pa nga lang, anong grad school sinasabi mo diyan?" pang-aasar ko sa kanya.


"Excuse me?" Tinaasan niya ako ng kilay. "PLE na lang hinihintay ko. Pitong taon akong nag-aral."


"Congrats in advance, doc," sabi ko sa kanya. Pinaghirapan din naman niya 'yon.


Inirapan niya lang ako at tinignan 'yong mga librong nasa harapan ko. Kinuha niya 'yong laptop niya at tinawagan si Blair na nasa New York kasama ni Zia, maya-maya sumali na rin si Axel sa group call.


"I miss you all!" madramang sabi ni Axel. "Where's Daph, Crys, and Julian?"


"Magkasama raw si Daph at Crys, si Julian nasa work daw pero hahabol. Alam mo naman ngayon mas marami silang trabaho dahil eleksyon."


Ngumuso si Axel. "So boring naman ni Jul—"


Dumating bigla si Julian at nakasuot pa ng polo-shirt na ginagamit ng mga reporter sa MDS. Naghahabol siya ng hininga at umupo sa tabi ko.


Nag-order kaagad si Ella ng tubig para kay Julian.


"Akala ko nasa Cebu ka?" nagtatakang tanong sa akin ni Julian.


"Sa susunod na linggo pa umpisa ng pangangampanya kaya next week ako pupunta."


"Anong nangyari sa'yo? Bakit pagod na pagod ka?" tanong ko.


"Galing ako diyan sa malapit, may naaksidente kaya kailangan namin i-cover."


Pumasok si Crystal at si Daphne na dala-dala niya Dawson, 'yong anak niya sa gago niyang ex-boyfriend, na nakalagay sa baby carrier.


Sinalubong naming lahat si Dawson at kinuha pa ni Julian 'yong laptop ni Ella para malapit din 'yong makita nina Axel.


"Kailan ba kayo pupunta rito sa New York?" tanong ni Zia. "Gusto ko makita si Dawson. Swerte ni Blair nandyan siya noong pinanganak si Dawson."


"Masyado niyo nang pinagkakaguluhan 'yong anak ko," reklamo ni Daph at niyakap nang mahigpit si Dawson. "Gumawa nga kayo ng sarili niyo."


Umiling si Julian at tumawa nang marahan.


"Pass," sabi ni Axel at tumawa. "I only have eyes for one."


"Basta sperm donor lang, ayaw ko mag-asawa," sabi naman ni Ella.


"Sa near future," sabi ni Crystal at ngumiti.


"Busy ako," sabi naman ni Zia.


Ngumiti lang si Blair at umiling.


Napailing na lang din ako... Wala pa naman akong balak mag-asawa at magbuo ng pamilya. Mas nakatuon ako sa Master's Degree at sa negosyo namin ngayon.


"Ikaw ba wala kang balak pumasok sa pulitika?" tanong sa akin ni tito noong pumunta ako sa opisina niya. "Hindi naman ngayon pero sa susunod na eleksyon."


Siya na ang gobernador sa Cebu at wala naman daw siyang balak umalis ng Cebu at pumunta sa Metro Manila para tumakbo sa mas mataas na posisyon pero gusto niya na may isa pang tumakbo sa pamilya namin para daw may kakampi siya kahit papaano.


"Ayaw ko po sa pulitika," sagot ko sa kanya.


Kaya lang naman ako nangangampanya ngayon dahil kay VP Nolasco, kung hindi naman siya tumakbo, nananahimik lang ako at nag-iisip pa ngayon kung sino sa mga natira ang lesser evil.


Malamang hindi si Cantabria 'yon...


"Sayang naman 'yong talino mo pati 'yong mga gusto mo mangyari," sabi ni tito. "Gumawa ka ng negosyo para makapagbenta ka ng murang mga appliances... Alam mo ba na mas makakatulong ka kung pumasok ka sa pulitika dahil kami naman talaga ang makakapagpabago ng sistema, hindi 'yong mga kabigan mo, hindi ikaw."


Pinagdikit ko na lang 'yong mga labi ko at nagkibit-balikat. Kung sila pala makakapagpabago, bakit wala pa ring nagbabago?


Parang inamin niya rin na hindi lahat sila ginagawa nang maayos mga trabaho nila.


"If you change your mind, inform me," dagdag pa niya. "We need people like you on our side."


Tumango na lang ako at nagpaalam na para matapos na 'yong usapan. Sumama na ako sa mga pinsan ko at sa mga pinsan ni Olivia para mag-umpisa na kami sa campaign.


"Pupunta raw 'yong Solidariteam dito next week kaya kailangan galingan natin 'yong pag-campaign kay VP Nolasco pati sa ibang senators," bulong sa akin ni Olivia.


"Bakit naman sila pupunta rito?" tanong ko at napailing. "Hindi ba gusto nila sa balwarte nila kung saan sila makakapag-hakot at makakapag-vote buying?"


"Kinakabahan nga ako sa ginagawa nila..." sabi ni Olivia at nagpakawala ng malalim na hininga. "Parang kakampi nila 'yong COMELEC, eh. Ilang beses nang may nahuli na nag-aabot ng envelope sa mga campaign nila pero wala pa ring nangyayari.


Kung ganoon nga ang nangyayari, lagot na talaga ang Pilipinas. Mahirap kapag naging desperado sa kapangyarihan ang isang taong halang ang bituka.


Palaging may naghihirap at may nasasaktan. Kahit pa lokohin nila 'yong sarili nilang anak, wala silang pakialam.


Sa mga sumunod na araw, puro pangangampanya 'yong ginawa namin para sa Local Government at para na rin sa National Government.


"Let's go, Matt," rinig kong sabi Olivia at hinila ako para bumangon ako sa kama ko.


Dumaing ako at tinakpan ng unan 'yong mukha ko. "Bakit ka nandito? Mamaya pa tayo magha-house-to-house. Kakapunta lang natin sa party kagabi."


"Kasama tayo sa lunch with the Solidarithiev—I mean, solidariteam. Oras na para hanapan na ulit kita ng lovelife."


Umupo ako sa at nagkusot ng mata. "Seryoso ka talaga diyan sa paghahanap ng girlfriend para sa akin."


"Of course!" sagot niya. "Kahit kaya noong nasa DLSU pa tayo wala ka man lang nilandi kahit isa. That is also the reason why you're so grumpy all the time!"


Pumalatak ako dahil masyado siyang mapilit na hanapan ako ng lovelife at talagang doon pa sa mga kampanya niya ako hahanapan.


Ayaw ko na ng anak o kamag-anak ng pulitiko, dagdag kumplikasyon lang 'yon sa buhay. Naubusan na ako ng pasensya sa mga ganoong tao.


Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumayo na ako sa kama. Dumiretso ako sa banyo para matapos na rin 'yong panenermon sa akin ni Olivia tungkol sa lovelife ko.


Noong makarating kami sa restaurant, nandoon na 'yong ibang mga mayors pati iba pang mga pulitiko sa iba't ibang posisyon sa Cebu. Sumasabay lang ako kay Olivia habang nakikipag-usap siya.


'Yong iba sa kanila hindi masyadong pinapansin si Olivia at ako 'yong kinakausap kaya napipilitan akong makipag-usa sa kanila.


"Oh my God," rinig kong bulong ni Olivia na nasa tabi ko at kinalabit ako. "That's your ex, 'di ba?" sabi niya at may pasimpleng tinuro.


Lumingon ako sa tinuro niya at nandoon si Catria, nakakapit sa braso ni Andres Cantabria.


Napalingon ako sa mga magulang ni Catria... Akalain mo nga naman, ang kakapal ng mukha magpakita rito na parang hindi nila kinidnap 'yong pamangkin ng gobernador.


"I don't want to talk to them," sabi ni Olivia at hinila ako papalapit sa mga tito namin na para bang hindi kakausapin ng mga senador 'yong Mayor ng Cebu City at 'yong Gobernador ng Cebu.


Habang nakikipag-usap ako kay Mayor Aragon, naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya iginala ko 'yong paningin ko hanggang sa magtama 'yong mata namin ni Catria. Nag-iwas kaagad ako ng tingin, hindi ko alam kung bakit.


Hinding-hindi na ako babalik doon... Ayos na ako nitong mga nakaraang taon kaya hindi ko na dapat pang guluhin 'yong utak ko ngayon.


Umupo na kami sa tapat ng malaking lamesa noong matapos maghanda 'yong mga waiter. Hindi ako nakikinig sa usapan at itinuon ko na lang 'yong atensyon ko sa pagte-text kay Daphne dahil magbabakasyon daw sila ni Dawson dito sa Cebu at tutulungan niya kami sa pangangampanya.


"How about you two?" tanong sa amin ng isang babae kaya napalingon ako sa kanila. "Kailan kayo magpapakasal?"


"Wait—"


"Ayaw pa po niya, eh," sagot ko at ngumiti kay Olivia. Ngayon lang ako makakaganti sa pang-iistorbo niya ng tulog ko kanina. "Paano ko po kaya siya mapapapayag?"


"Oh my God!" sabi ni Olivia at hinampas 'yong braso ko. "We are not together. I have a boyfriend in Manila. Well, he's in Japan right now."


"I am her Cebuano boyfriend," sabi ko naman para maasar siya lalo.


Tumawa si Olivia habang umiiling. "Stop!"


"I'm kidding. Olivia and I are just best friends," pagkaklaro ko sa mga matatandang kasama namin. Baka ma-judge pa kami parehas.


Ngumiti si Olivia at tumango. "And that is a line we will never cross."


Hinding-hindi na talaga... Nadala na ako.


"Matt, order more alcohol," sabi sa akin ni Olivia habang abala ako sa phone ko dahil pinapaayos ko sa mansion 'yong pagtutulugan nina Daphne at Dawson.


Hindi pwedeng maalikabok 'yong kwarto pagdating nila baka magkaroon ng allergies 'yong bata.


Tumayo na ako at tinanong sila kung anong gusto nila habang may ka-text pa rin ako na tauhan sa mansyon.


Umalis na ako sa table at pumunta sa bar para mag-order ng mga alak pero pagbalik ko sa table namin may ibang nakaupo na sa upuan ko at ang malala si Catria pa 'yong nandoon kaya tumabi na lang ako kay Olivia.


Hinayaan ko na lang sila mag-inuman at hindi ako nakisali... Mahirap na... Baka maulit na naman 'yong dati.


"How much does the VP pay you to campaign for her?" rinig kong sabi ni Catria.


Napatingin ako sa table namin na walang tao at kaming dalawa na lang pala 'yong nandito. "You really need something in return before you do something for someone."


"Well, who would campaign for her? She's just a VP who criticizes the current president and well, criticizes the Cantabrias."


Parang nagpanting 'yong tenga ko sa sinabi niya... Hindi talaga nagbago. "She gives people hope... Hope that people like you will not win," sagot ko sa kanya. "That's worth more that any amount that your dad gives in his campaign."


"My dad doesn't—"


Tumayo na ako dahil baka may masabi pa ako tungkol sa magulang niya at sigurado naman akong hindi siya maniniwala. "I don't really care anymore, Cat—ria. I made peace with the fact that I was wrong about you before."


Tinalikuran ko na siya at lumabas muna ako ng club para magpahangin.


Nagpakawala ako ng malalim na hininga, dapat talaga hindi ako sumama noong nag-aya rito si Olivia. Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa ko at hinanap 'yong pangalan ni Ella sa contacts ko.


"Oh?" tanong ni Ella noong sagutin niya tawag ko. Narinig ko pa 'yong paghikab niya.


"Matulog ka na nga," sabi ko sa kanya.


"Tatawag-tawag ka tapos patutulugin mo 'ko. Stupid ka ba?"


Huminga ako nang malalim. "Nasa club ako dito sa Cebu..."


"Ayos ah!" sarkastikong sabi niya. "Akala ko ba nandyan ka para pangangampanya."


"Hinila ako ni Olivia," pagpapaliwanag ko sa kanya.


"Oh, anong tinatawag-tawag mo ngayon?"


"Nandito si—"


"Alam ko na 'to, nandyan ex mo," sabi ni Ella at pumalatak. "Alam mo ba, every week akong nakakatanggap ng tawag na ganito galing sa inyong lahat. Hindi ba kayo napapagod? Kasi ako nga na nakikinig lang napapagod na."


"In-invite kasi ni Olivia kanina."


"Oh, eh, anong gagawin mo ngayon?"


"Wala... Ikakasal na 'yong tao," sabi ko.


Narinig ko 'yong paghinga nang malalim ni Ella. "May feelings ka pa, 'no?"


Natigilan ako sa sinabi niya dahil hindi ko talaga alam... Hindi na ako masaya tuwing nakikita ko siya at hindi na rin bumibilis 'yong tibok ng puso ko, parang wala na talaga pero tuwing makikita ko 'yong mukha niya, parang may bumabalik sa akin.


"Matt."


"Ang alam ko wala na..."


"'Wag ka na magpakatanga, Matt," sabi niya. Rinig ko 'yong pagkadismaya sa boses niya. "Magkikita pa naman kayo ni Daphne bukas, baka magdrama pa kayong dalawang tanga sa pag-ibig."


"Alam ko naman 'yon..." Napabuntong-hininga ako. "Baka may mga naaalala lang ako."


"Ew..." rinig kong sabi niya. "Sorry... 'Wag ganoon. Sinaktan ka niya, Matt. 'Wag na 'wag mong hayaan na maulit pa 'yon."


Nag-usap pa kami ni Ella tungkol sa pagpunta niya rito dahil susunod siya kina Daph at Dawson sa mga susunod na araw. Mauuna lang sina Daph at Dawson dahil may inaalagaan na bata si Ella sa kanila.


Nagpaalam ako kay Ella noong mapansin ko na lumabas si Catria sa club. Hindi maayos 'yong paglalakad niya at isang mata lang 'yong ginagamit niya sa pagtingin sa cellphone niya.


Hindi ba niya alam na delikado rito?


"Catria," tawag ko sa kanya.


Lumingon siya sa akin at tumango na lang. Hinawakan niya 'yong ulo niya at napaupo siya sa daanan.


Hindi ko alam kung bakit pero lumapit ako kaagad sa kanya at tinulungan siyang tumayo.


"Can you book me a cab?" sabi niya at inabot sa akin 'yong cellphone ko. "I know you hate me but please, help me get home."


Napailing ako at nagpakawala ng malalim na hininga kinuha ko 'yong cellphone niya at sinubukan kong i-book siya ng Grab pero walang tumatanggap. "Tara na, ihahatid na lang kita."


Inalalayan ko siya papunta sa kotse ko at pinasakay sa passenger seat. Sinandal niya 'yong likod niya sa upuan at hinawakan 'yong sentido niya.


Tahimik lang kami dalawa sa sasakyan ko noong bigla siyang sumuka.


Nanlaki 'yong mata ko at itinigil ko muna 'yong sasakyan ko sa gilid ng kalsada dahil baka maapakan pa niya 'yong sinuka niya sa sahig ng kotse ko.


Bumaba ako ng kotse ko at pumunta sa passenger's side pagbukas ko ng pinto, nakapikit na ulit si Catria at mukhang nakatulog na.


Kumuha ako ng basahan sa compartment at tinakpan 'yong suka niya. Napapikit ako at huminga ako nang malalim para pakalmahin 'yong sarili ko.


Ang dali-dali naman kasing wag na lang pansinin at hayaan na lang siya roon... o pwede naman kay Olivia ko na lang siya ipahatid. Bakit ko ba hinatid 'to?


Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko 'yong bibig niya kaya natignan ko nang maayos 'yong mukha niya. Maganda pa rin naman... Katulad pa rin ng dati, mas tumanda lang itsura niya at mayroon na siyang mga eyebags. Siguro dahil sa pag-aaral.


Halata 'yong pagod sa maganda niyang mukha... Napailing na lang ako at lumayo na sa kanya. Isinara ko 'yong pinto at sumakay na ulit ako sa kotse.


Noong makarating kami sa hotel nila, nakabantay sa harap 'yong assistant ng tatay ni Catria. Pumunta siya sa tapat ng bintana ko at kinatok 'yong bintana ng kotse ko.


"Sir Matt!" bati niya sa akin at ngumiti noong binuksan ko 'yong bintana ng kotse ko.


"Magandang gabi ho, hinatid ko lang si Catria dahil nalasing po sa club kanina."


"Ah, ganoon po ba?" sabi niya at sumilip sa passenger's side. "Sige po, mag-park po kayo rito sa may tent para wala hong makakita sa inyo."


Sinunod ko naman siya at nag-park nga ako sa may tent. Bumaba ako at pumunta sa side ni Catria, ginising ko siya pero mukhang nahihilo pa rin kaya inakay ko na papasok sa hotel.


"Why are you here?" tanong ng isang lalaki sa likod ko.


"Ay, Sir Andres, inihatid lang po ni Sir Matt si Miss Callie," sagot sa kanya noong assistant ng tatay ni Catria.


Napalingon ako kay Andres Cantabria at mukhang kapapasok lang din niya sa entrance ng hotel, nakasuot pa ng pang-alis.


Lumapit siya sa amin at tinulak ako palayo kay Catria bago siya ang umalalay dito, para namang kaya niya, amoy alak din siya. Nagkibit-balikat na lang ako at tumalikod na sa kanilang dalawa.


Lumapit ulit ako sa assistant ng tatay ni Catria. "Mukhang lasing din si Andres Cantabria baka madapa silang dalawa ni Catria. Pakibantayan 'yong dalawa."


"Sige po, Sir Matt," sabi niya at ngumiti sa akin bago sumunod sa dalawa.


Huminga ako nang malalim at umalis sa hotel kung nasaan sila bago pa may makakita sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Catria pero wala na akong magagawa...


Kasama na niya 'yong pakakasalan niya at labas na ako roon.


Kinabukasan, dumaan ako sa hotel ulit at nagdala ako ng goto. Iniwan ko sa receptionist at sinabi kong para kay Catria galing kay Olivia at dumiretso na ako sa airport para sunduin sina Daph at Dawson.


Kinuha ko kaagad 'yong maleta ni Daph at Dawson at inilagay sa likod ng sasakyan ko.


"Bakit iba kotse mo?" tanong niya habang inaayos si Dawson sa carseat.


"May sumuka sa kotse ko kagabi," sagot ko sa kanya.


Natawa naman siya at napailing na lang. "Iba talaga ang buhay Cebu, 'no?" sabi niya at sumakay nasa passenger's seat.


"Sobra..." sabi ko sa kanya.


"Sino naman sumuka? Si Olivia na naman?" tanong niya.


Umiling ako. "Si... ano... Catria."


Natigilan siya at nanlaki 'yong mata niya. "Nandito siya sa Cebu? Nagkabalikan kayo?"


Umiling ako ulit. "May fiance na, 'di ba?"


"Eh, bakit mo tinulungan?" nagtatakang tanong niya. "Bakit hindi niya tawagan 'yong fiance niya? Hindi ka na galit?"


"Hindi na masyado..." sagot ko at nagpakawala ng malalim na hininga.


"Ang bilis mo naman magpatawad... Sana ako rin," sabi niya at tumawa nang marahan.


"Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong ginawa niya... Naisip ko lang kahapon noong makita ko ulit siya na swerte pa rin pala ako kahit iniwan niya ako," sabi ko at ngumiti kay Daph. "Kasi noong nawala ako, hinanap niyo ako. Sinamahan niyo ako hanggang sa mawala na 'yong trauma ko, hanggang sa gumaling ako."


"Syempre nandito kami," sabi ni Daph at ngumisi. "Kaibigan mo kami... Hindi man halata kay Ella pero alalang-alala kaya 'yon sa'yo."


"Masaya na ako ngayon kahit wala si Catria at mayroon akong pamilya at mga kaibigan na mapagkakatiwalaan ko, hindi kagaya niya... sa tingin mo ba sa mundo na ginagalawan niya may taong totoong nagmamahal sa kanya?"


"Gusto ko mainis sa kanya pero dahil ganyan sinasabi mo parang nakakaawa na rin," sabi ni Daph.


"Sana lang talaga mayroong taong may pakialam sa kanya dahil ayaw ko na maging 'yong taong 'yon."


Ayaw ko na talaga maulit 'yong dati...


Lalo na ngayon na kumampi na siya sa mga 'yon... Ayaw ko na maisali pa ulit 'yong sarili ko sa ganoon.


"Matt."


Natigilan ako noong marinig ko 'yong boses ni Catria na tinawag 'yong pangalan ko... Ano na namang gusto nito?


Nananahimik na kaming dalawa sa kanya-kanya naming buhay at mas maayos ako sa ganoon kaysa noong kasama ko siya.


Humarap ako sa kanya. "What?"


"Dad's assistant told me that you were the one who dropped me off at the hotel when I got drunk with Olivia in Cebu."


May tuwa sa mga mata niya kaya lalo akong nairita... Ano naman sa kanya kung hinatid ko siya?


"I did what?" tanong ko sa kanya.


"You don't remember?"


Umiling ako para matigil na siya pero talagang ipapaalala pa. Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling umalis noong matapos akong sabihin 'yong mga gusto ko dahil may papalapit na mga reporters.


Mahirap na at baka malaman na naman ng mga magulang niya na lumalapit siya sa akin... Baka kung ano na naman gawin nila.


"Bakit niyo naman po kinuha si Catria rito bilang empleyado?" tanong ko kay mommy dahil hindi man lang ako sinabihan na hinire nila si Catria. Nalaman ko lang kanina noong pumunta sila ni mommy sa laboratoryo.


"You're too bitter, Matteo. Hindi kita pinalaking ganyan, hindi dapat tayo nagtatanim ng sama ng loob," panenermon sa akin ni mommy.


Paanong hindi ako magtatanim ng sama ng loob, eh imbis na lumayo siya lalo pa siyang lumalapit?


"Guguluhin lang po niya 'yong negosyo natin."


"Matt, give Callie a chance," sabi ni mommy at bumuntong-hininga. "Nakakaawa rin naman 'yong bata, umalis na siya sa mga magulang niya tapos wala na siyang ibang pupuntahan. Pumunta pa nga siya sa bahay natin para mag-sorry sa ginawa ng magulang niya."


Eh sa pang-iiwan sa akin hindi siya manghihingi ng tawad?


Napailing na lang ako dahil wala na akong magagawa sa pag-hire ni mommy kay Catria. Nagpaalam na ako kay mommy at pumunta na sa parking pero bago pa ako tuluyang makapunta sa kotse ko nakita ko si Catria na pinaliligiran ng mga reporters.


Ito na nga ba ang sinasabi ko... Napatingin ako sa mukha ni Catria at bakas 'yong pangamba at takot doon habang kinakausap niya 'yong mga reporters.


"What is happening here?" tanong ko at napatingin silang lahat sa akin. "Somebody already filed a case against your media company for disrespecting a private citizen's privacy. Do you want another case for trespassing, disrupting a company, and harassing someone?"


Bakit hindi nila guluhin si Andres Cantabria tutal siya naman ang parte ng gobyerno?


Naglakad ako papalapit kay Catria at sinamahan ko siya hanggang sa kotse niya para matigil na 'yong mga reporters.


"Thanks," bulong ni Catria habang nakayuko.


"Bring your problems elsewhere, Catria."


"I'm sorry. I will."


Napailing ako dahil parang natutunaw na 'yong inis ko. Gusto ko panatilihin 'yong galit ko...


Kasi kilala ko 'yong sarili ko. Kilala ko 'yong sarili ko pagdating kay Catria... Wala man 'yong dating pakiramdam kapag malapit siya pero nandoon pa rin 'yong pakialam ko para sa kanya.


Noong mga sumunod na araw, hindi ako makakin ng lunch sa pantry dahil nandoon si Catria. Hindi rin ako makadaan sa mga ibang daanan sa opisina dahil din sa kanya.


Hindi ko alam kung nananadya ba siya dahil wala na siyang ibang masasandalan at akala niya mauuto niya ulit ako o talagang kawawa siya.


Ang hirap magtiwala kay Catria Mariano lalo na at anak siya ng mga 'yon... Dati rin siyang fiancee ng isang gago pulitiko na walang ginawa kundi magsabi ng katangahan sa publiko.


"Matt," tawag niya sa akin.


Nagpakawala ako nang malalim na hininga at lumingon sa kanya. "What?" tanong ko. Kita naman niya na abala ako paglalagay ng mga gamit sa kotse ko.


"Did tita Shirley tell you before that I came to your house and I was looking for you?" tanong niya sa akin. "I—"


"Yes, she did," sabi ko at itinuon 'yong pansin ko sa ginagawa ko.


"Well, I apologized to her for what my parents did you but I didn't get that chance to apologize to you personally and—"


Umingos ako. Ngayon lang niya nalaman, ang galing naman at binanggit pa talaga niya. Ano bang gusto nitong mangyari? "So you already knew about that."


"I did... I found out recently and really want to apologize for what my parents did to you."


Napailing na lang ako. Si Catria, hindi 'yon nagso-sorry kahit siya 'yong mali. Kahit alam niyang may kasalanan siya hinding-hindi siya magso-sorry.


Ano na naman kayang palabas 'to?


"Look, Catria, your apology doesn't mean anything. Whether you apologize or not, that wouldn't change anything. I don't know why you're still trying."


"I know that... The... the damage has been... done, I just want you to know that I am really apologetic for whatever happened between us. Everything was my fault, I left you here alone when you needed me the most."


Tumango na lang ako at umalis na dahil parang pinipiga 'yong puso ko sa panginginig ng boses niya habang humihingi ng tawad. Tahimik na ako... Hindi na ako babalik doon ulit.


Maayos na ang lahat...


"I... I have another thing to say."


Natigilan ako pero pinigilan ko 'yong sarili ko na lumingon sa kanya. Alam ko kung anong klaseng kapangyarihan si Catria sa akin.


"I was pregnant when I left."


Nabitawan ko lahat ng dala ko at muntik na kong mapaupo sa semento sa narinig ko... Lumingon ako sa kanya habang mabilis 'yong tibok ng puso ko. Nasaan na 'yong anak ko kung totoo 'yong sinasabi niya?


Nag-iwas siya ng tingin at nagpunas ng mga luha niya. "B... but when I was in my 4th month, I... I lost our baby..."


Parang bumagsak 'yong puso ko sa sinabi niya... Anong nangyari? Bakit nawala? Dahil ba sa magulang niya?


"I'm sorry," sabi niya at yumuko. Humikbi pa siya habang umiiling. "I...It was my f...fault that our baby didn't hold on. All this was o...on me. I...I lost our baby."


Nagpakawala ako ng malalim na hininga para pakalmahin 'yong sarili ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko kaya tumalikod na lang ako sa kanya at naglakad na papunta sa kotse ko.


Ayaw ko makipag-usap dahil ayaw ko magsalita ng mga bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Bakit ngayon niya lang sinabi?


4 months niyang tinago bago mawala? Nasaan ako noon? Sana sinagot niya 'yong mga email ko kung talagang buntis siya noon.


Naramdaman ko 'yong malamig na kamay ni Catria sa braso ko. "Matt, please, I... I'm s...sorry."


Tinanggal ko 'yong pagkakahawak niya sa braso ko. "Leave me alone, Catria."


"Please, I didn't mean for it to happen," sabi niya sa akin habang naginginig pa rin 'yong boses niya. "It was an accident."


Kaya hindi niya sinabi kasi nawala naman? Ganoon lang 'yon? Tangina lang! Ang dami niyang pagkakataon sabihin sa akin pero pinili niyang itago.


"You think this is about that?" hindi ko napigilan 'yong sarili ko sabihin sa kanya. "You think I would blame you for that?"


Natigilan siya pero nanatili siyang tahimik. Wala ba siyang tiwala sa akin? Sa tingin niya ba kaya ko siyang sisihin sa mga ganoong bagay?


"I can let that slide, Catria," sabi ko. "But keeping it from me after all these years is something that cannot just let go of."


"I'm sorry..."


Napailing ako at pilit na pinatigas 'yong puso ko... Dapat nandoon ako, dapat alam ko pero pinagkait niya 'yon sa akin o baka hindi totoo at pinipilit lang niya ako pabalikin sa kanya dahil wala nang natitira sa kanya ngayon.


"It makes me question if you were really pregnant... because why else would you tell me this now, right? After seven years... After seeing that I'm okay now. You think I'll run to you like the dog that I was after knowing about this?


"After losing your money and your power, you don't have people who will follow your every order so you're coming back to me telling me all this. When will you stop, Catria?"


Napaawang 'yong labi niya. "I would never use our baby like that, Matt. I love our baby—"


"Do you really? Are you really capable of loving someone other than yourself?" tanong ko sa kanya. Sinabi din niya sa akin na mahal niya ako pero iniwan din naman niya ako at pinagtaguan pa.


"I... love you."


Napailing na lang ako dahil hindi naman 'yon totoo. Kung mahal niya ako, hindi niya ako iiwan basta. Kung mahal niya ako, pagkakatiwalaan niya ako at sasabihin niya.


"You are a better liar than this, Catria," sabi ko at tumalikod na sa kanya. Binilisan ko 'yong paglalakad ko papasok sa kotse ko at doon bumuhos lahat ng emosyon na hindi ko ipinakita kay Catria.


Dali-dali akong umalis sa parking lot at iniwan na si Catria. Hindi totoo lahat ng sinabi niya... Wala kaming anak at hindi niya ako mahal... Hindi niya ako minahal...


Humigpit 'yong hawak ko sa manibela sa sobrang bigat ng nararamdaman ko...


Ginugulo lang niya 'yong utak ko...


Kinabukasan, nag-file ako ng mahaba-habang vacation leave at lumipad papuntang New York. Ini-invite naman talaga ako ni Zia at Blair sa New York kaya ito na 'yong tamang panahon para paunlakan ko 'yong invitation nila.


"Matt!" salubong sa akin ni Zia noong makita niya ako sa aiport at yumakap nang mahigpit.


"Hi, Zia," sabi ko sa kanya at hinimas 'yong likod niya. "Nasaan si Blair?"


"Busy sa rehearsals kaya ako sumundo sa'yo, ihahatid kita sa apartment niya."


"Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya. "Ang alam ko busy ka."


Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Kaya naman ng schedule gusto ko lang lagi maging busy. Kumusta nga pala si Dawson?"


Nag-taxi kami ni Zia papunta sa apartment ni Blair. Iba talaga si Blair pagdating sa lifestyle niya, penthouse apartment 'yong tinitirhan, sobrang aliwalas ng lahat dahil marami siyang bintana.


Marami ding mga painting sa mga dingding. Bawat sulok noong apartment, alam na alam mong si Blair may-ari.


Pinapasok ako ni Zia sa guest bedroom at noong mailagay ko 'yong gamit ko, sumama ako sa kanya sa sa kitchen at pinagtimpla niya ako ng tsaa.


"Ito pala apartment ni Blair," sabi ko habang nakatingin sa bintana na malaki ni Blair na bilog, 'yong diameter yata noong bintana kasing laki ni Axel kaya kapag nakabukas kasya sina Zia. Buti na lang may mga bakal na harang.


"Ganda 'no?" sabi niya at tumawa nang marahan. "Si Blair nag-design ng lahat maliban sa mga bintana."


Nagkumustahan lang kami ni Zia tungkol sa mga randon na topic hanggang sa makarating si Blair. Bumeso siya sa aming dalawa ni Zia at maliwanag 'yong mukha niya habang nagkukwento sa amin tungkol sa mga tour niya.


Nagsalin si Blair ng cranberry juice sa baso niya at tumingin sa akin. "Bakit ka nandito, Matt?"


"Gusto ko lang magbakasyon," sagot ko sa kanya at kumunot 'yong noo ko noong umiling siya na parang hindi naniniwala sa akin.


"Dati ka pa namin ini-invite dito pero lagi mong sinasabi na busy ka," sabi naman ni Zia at ngumuso.


Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sinabi sa kanila 'yong mga nangyari... Maliban sa miscarriage ni Catria dahil hindi ko naman istorya 'yon at sensitibo 'yon.


"So... nagagalit ka kasi tinago niya kung ano man 'yon?" sabi ni Blair sa akin pagkatapos kong magkwento.


"Bakit niya kasi tinago, 'di ba?" sabi ko sa kanila at umingos. "Sabi niya sa akin, mahal daw niya ako eh bakit ilang taon niyang hindi sinabi sa akin na para bang walang halaga 'yong pakiramdam ko? Ang daming pagkakataon para sabihin 'yon pero hindi niya sinabi?"


"Well... One thing I learned about running away from the person I love is that we do crazy stuff when we're in love. We become irrational and sometimes we choose the most irrational choices." Bumuntong-hininga si Zia. "Ako, umalis ako para matahimik na lang lahat kasi ayaw ko na gumulo pa lalo 'yong sitwasyon para kay Hunter at para sa akin... Baka si Callie ganoon din."


"Pero... magkaiba kayo... Masyadong malaki 'yong sikreto—"


"Then, you should understand where she's coming from," sabi ni Blair at nagkibit-balikat. "If it's really a huge secret that can change a lot of things. Then, maybe you should give her the benefit of the doubt. Talk to her... but looks like it's too late because you're already here, running away from your problems. Like what Zirconia Fiorentino did."


Ngumuso si Zia at humawak sa sentido niya. "'Wag mo na ipaalala sa akin. 'Tsaka mukhang okay naman si Hunter, lumalago na nga 'yong negosyo niya."


Tumingin sa akin si Blair. "Si Callie ba, okay na? Baka kailangan niya makausap ka nang maayos para maging okay siya... Kasi Matt, kahit matagal na 'yon, that will haunt you forever."


Napabuntong-hininga na lang ako at napahalumbaba. Handa na nga ba ako na harapin 'yon? Ayaw ko na magamit ulit... Ayaw ko na ma-kidnap... Ayaw ko na ma-insecure... Ayaw ko na masaktan.


Umabot ako ng isang linggo sa New York bago ako nakauwi ulit at pag-uwi ko, dadatnan ko na si Catria 'yong ipinadala ng Finance Department para makasama sa bagong project.


Lumabas ako ng laboratoryo at pupunta na dapat ako sa opisina ni mommy para magkreklamo pero pumunta na lang ako sa labas para pakalmahin 'yong sarili ko.


Hindi ko pa pala kaya na kausapin siya nang maayos...


Pagbalik ko ng laboratoryo, nandoon pa rin siya. Huminga ako nang malalim at pinilit kong maging propesyunal. Hindi pwedeng maapektuhan nito 'yong trabaho namin.


Ilang araw ang lumipas na ganoong ang setup namin, lalapit lang ako sa kanya para sa trabaho at ganoon din naman siya.


"Nasaan na si Catria?" tanong ko sa katabing table niya.


"Maaga po umalis si Callie, Sir Matt," sagot sa akin ni Liz.


Tumango na lang ako at inilagay na sa bag ko 'yong folder. Bukas ko na lang iaabot sa kanya, kakausapin ko na rin tungkol sa sinabi niya noong nakaraang linggo.


Handa na ulit akong harapin 'yong mga problema namin.


Bumalik ako sa opisina ko at inayos na 'yong mga trabahong dadalhin ko sa bahay sobrang daming ginagawa...


Inilalagay ko sa gilid 'yong mga papeles noong matabig ko 'yong mug na nasa desk ko at malaglag 'yon sa sahig.


Napailing na lang ako at huminga nang malalim bago ko isa-isang pinulot 'yong mga nasirang parte ng mug at winalis 'yong mga maliliit na parte. Itinapon ko 'yon sa basurahan at kinuha ko na 'yong mga gamit ko na nakahanda na.


Lumabas na ako ng building namin at dumiretso sa kotse ko. Bumuntong-hininga ako at tumingin pa sa building namin bago ko pinaandar palayo 'yong sasakyan ko. Pumasok na ako sa shortcut papunta sa main road pero nanlamig 'yong mga kamay ko sa nadatnan ko.


'Yong sasakyan Catria nakabangga sa isang poste.


Itinigil ko 'yong sasakyan ko sa gilid ng kalsada at bumaba ako, mabilis 'yong tibok ng puso ko at nagmamadali akong tumawid.


Napaawang 'yong labi ko at kinuha ko kaagad 'yong cellphone ko. Nanginginig akong nag-dial ng emergency.


Matapos kong tumawag, kinatok ko 'yong bintana ni Catria pero nakapikit lang siya at hindi gumagalaw. Lalo kinain ng takot 'yong kalooban ko.


"Callie!" tawag ko sa kanya habang kinakatok pa rin 'yong bintana pero wala akong sagot na nakuha.


Gusto kong buksan 'yong pinto at kuhanin siya pero alam kong hindi 'yon magiging maganda para sa katawan niya. Hindi ko na alam gagawin ko kaya patuloy lang 'yong pagkatok ko.


Baka natutulog lang siya... Baka napagod lang...


"Cat..."nanghihinang tawag ko sa kanya habang kumakatok pa rin sa bintana niya. Tumulo 'yong luha sa mga mata ko at tuloy pa rin ako sa pagkatok pero wala pa rin siyang malay.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 627 37
Brave Girl Series #1 Story Status: COMPLETED Oseanna Marie Aragon was an all-out lady. An accountancy major with perfect grades, a travel blogsite to...
40.2K 989 42
FRIENDS SERIES #3 Skyler wants to be famous using her works. She has a plan to take masters abroad after she finished her college. She is very goal...
344K 18.3K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.1K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...