When Forever Ends With You

Par semper4mare

990K 19.8K 5.1K

2/2 [Highest rank #2 on FAN FICTION] #WHENDoulogyBook2 Plus

When Forever Ends With You
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
NOT UN UPDATE! (MUST READ)
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

Kabanata 32

13.2K 307 59
Par semper4mare

Still

Sophisticated. 'Iyan ang unang salitang naisip ko para sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

She's confident from head to toe. Even her aura intimidates me.

She's already here when I arrived. Nagtaka ako ng hindi man lang nagbago ang itsura nya ng makita ako. Parang inaasahan na nyang ako ang makikita nya dito.

"I knew it. It's you." Panimula nya.

I tried to clear my throat. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"I'm sorry for lying. I'm his-"

"I know. You're his wife." Putol nya sa sasabihin ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pag taas ng kanyang labi habang pinapasadahan ng tingin ang suot ko.

I'm wearing a plain skin tone dress with a pair of flat shoes. Simpleng simple kumpara sa suot nyang black halter dress.

I'm too plain and simple compared to her. She's so much different from me. She's proud and beautiful. A girl who's fit for a king like Kayden. They can be a perfect couple if only... If only...

"So I guess you have something to say?" Tanong nya pagkatapos uminom sa kapeng inorder nya.

I stare at my latte. Now I'm lost for words. Maling-mali itong ginawa ko. I look like a desperate wife.

"I'm... I-I'm just-" Hindi ko mabuo ang sinasabi ko. Damn, I look so stupid.

"I'm his ex-girlfriend."

Nagulat ako sa biglang sinabi nya. "Huh?"

"I bet you want to ask me kung ano ako sa buhay ni Kayden, diba?"

Wala sa sariling napailing ako. I'm too shock to hear that.

"Don't worry, I'm not going to ruin your family. We're just friends now, nothing more." Ngumiti sya pero hindi iyon buong ngiti.

"Pasensya ka na. This is not right." Guilty'ng sabi ko. What I did is very unprofessional. Masyadong mababaw ang dahilan ko.

"It's okay. Natural lang na mag-isip ka. Your husband is Kayden Delafranco. Kung ako ang asawa nya malamang ay naitali ko na sya sa bahay." She chuckled after saying that.

Napangiti din ako dahil doon. She's different.

"I'm really sorry." Hindi ko talaga alam ang dapat kung sabihin. Nahihiya ako sa inasal ko. Nagsinungaling ako para makausap sya.

"Ano ka ba. Wala na 'yon. But I want to give you an advice."

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Alagaan mong mabuti ang asawa mo. Keep him tight dahil marami dyan gustong angkinin sya. You can't trust anyone." She said.

Hindi ko alam kung para sa akin iyon o kanino. I can't trust anyone?

"I want to chat more but I need to go. Nice meeting you again, misis Delafranco." Tumayo sya at naglahad ng kamay sa akin.

Tumayo ako agad at inabot ang kamay nya. "I'm sorry talaga sa abala." Sabi ko ulit.

Tumango sya. "Don't mind it. I'll go ahead."

Nanliliit ang pakiramdam ko habang sinusundan ko sya ng tingin palabas. She's not what I thought she is. I made a terrible mistake for her.

"God, Xherry ang tanga mo!" Naiinis na sisi ko sa sarili ko. It's such a bad move! Hindi ko dapat 'to ginawa.

Umuwi akong balisa at sising-sisi. Iniisip ko parin ang nagawa ko dahil sa pagiging desperada ko. I'm such a bad person. Nag-isip agad ako ng hindi maganda sa kapwa ko. It shouldn't be like that.

"Anak?"

Napalingon ako kay mommy. Nasa sofa sya habang nasa magkatabing infant chair ang kambal, naghihintay ng subo galing sa platong hawak ni mommy.

"Mommy..." Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi bago ako umupo sa tabi nya.

"You're early. Nakausap mo ang sinasabi mong kaibigan mo?" Tanong nya.

Napangiti ako ng mapait. Friend? No, mom. I treated her like my enemy. She's kind but I'm not.

"My... Have you tried to do or think bad things?" Biglang nasabi ko. I'm so bothered.

"What?" Hindi nya maintindihan ang sinasabi ko.

"Kung may naisip kang masamang bagay tungkol sa isang tao, masama ka ba?"

Napabuntong hininga ako at sumandal sa balikat nya.

"I've been a bad person today, my... Nag-isip ako ng masama sa isang tao. I didn't mean to but it just happened." Naiiyak na pahayag ko. I'm so ashamed of myself.

"Hey..." Hinaplos nya ang braso ko. "You're not a bad person. Tao ka lang, anak. Everyone makes mistake."

Sumiksik ako sa balikat nya. Muntik na akong makagawa ng masama dahil sa maling akala. I'm really stupid. I lied to my husband and I broke his trust. Hindi ko inisip ang mangyayari. I'm so guilty. Hindi ko alam kung bakit ganon ang ginawa ko.

I took a deep sigh before I stood up. Niyuko ko si mommy na nagtataka sa biglang pagtayo ko.

"Pupuntahan ko si Kayden, my. I want to eat lunch with him." Pagpapaalam ko.

Tumayo sya. "Are you really fine, anak?" May himig ng pag-aalala sa boses nya.

Inabot ko ang kamay nya at marahan iyong pinisil. "I'm fine, my. I'll just eat with Kayden tapos uuwi din ako mamaya." I assured her.

Hindi na sya nagtanong ulit at tumango na lang bilang pag-sang ayon.

Hinalikan ko muna ang kambal bago ako umalis. Nagpahatid nalang ako kay mang Ben sa DF building para maabutan ko pa si Kayden sa office nya.

Sa totoo lang, gusto ko lang talaga syang makita ngayon. Hindi gagaan ang loob ko hangga't hindi ko sya nakikita. I want to hug him. Gusto ko nasa bisig nya ako pag ganitong sobrang nalulungkot ako. His arms are my home.

I want him to say that it's okay. Marinig ko lang iyon ay ayos na ako. I just need his love and comfort. Kahit anong bigat ng loob ko ay nawawala agad pag kasama ko sya. He is my true and only companion.

Pagdating ko sa may main entrance ay nakita ko agad si manong guard na nakayuko na agad sa akin. Naiilang na ngumiti ako.

"Kumusta po, manong?" Magalang na bati ko. Sa tingin ko ay magka edad lang sila ni daddy. Magaan ang loob ko sa kanya at alam kung masipag sya.

"Nako ma'am, ayos lang po ako. Kayo po? Kumusta kayo ma'am?" Maligayang bati nya.

"Ayos naman po." Sagot ko.

"Tuloy po kayo, ma'am." Nagbigay agad sya ng daan para sa akin.

Natutuwang pumasok na ako. Kahit papaano ay may mga empleyado paring nirerespeto ako dito. Iyon ang dapat kung pahalagahan. Dapat ay sa kanila ko nalang ibabaling ang atensyon ko. Maswerte ako dahil may mga tao paring ganito. Hindi ko dapat iniisip ang mga taong may ayaw sa akin. Because no matter how good you do, people will still dislike you and hate you.

I should be thankful for them.

Nang makapasok ako sa private elevator ni Kayden ay sumagi ulit sa isip ko ang sinabi ni Julia Jean. She's Kayden's ex girlfriend. Hindi ko alam ang bahaging iyon ng buhay ng asawa ko. I never met one of his exes. Hindi ko nga alam kung ilan sila. Kaya hindi na dapat ako magtaka kung isang araw ay may magpakilala na namang ex nya. Hindi iyon mahalaga sa akin. They're just his past. Pero hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. Hindi ko maiwasang maisip kung nararapat ba talaga ako sa asawa ko kesa sa kanila. Kayden chose at iyon ang pinanghahawakan ko.

"Stop over thinking, Xherry." Bulong ko habang nasa loob ng lift.

Nang bumukas ito ay inaasahan kung si Kayden lang ang makikita ko pero hindi lang sya ang bumungad sa akin.

Nakita ko ang tumatawang mukha ng asawa ko habang kausap si Julia Jean. Nakaupo sa single sofa si Kayden habang si Julia Jean ay nasa dulo ng mahabang sofa malapit sa kanya. They seem to be so close. Biglang sumikip ang dibdib ko sa natunghayan.

I forced to make my face calm and natural. Ayokong makita nilang medyo naaapektuhan ako. I trust my husband and I will hold on to that.

Nang mag-angat ng tingin si Kayden sa kinaroroonan ko ay nanlalaki ang mga matang napatayo agad sya.

Nakita kung tumayo din si Julia Jean at tumingin sa banda ko.

"Baby?" Kayden said in a surprised tone. I didn't text him na pupunta ako.

Sinalubong agad nya ako ng yakap at halik sa ulo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Kahit sa harap ng iba ay hindi sya nagpipigil ng sweet gestures para sa akin. He's the sweetest.

"Why didn't you texted me na pupunta ka? Nasundo sana kita." Medyo dismayado ang tono nya.

Ngumit ako at tiningala sya. Hindi pa sya kumakalas sa akin kaya kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nya.

"It's okay. Nagpahatid lang ako kay mang Ben." Paliwanag ko.

"May nangyari ba? You look tired." Hinawakan nya ang baba ko at maingat na sinipat ang mukha ko.

Ngumiti ako at umiling. "Okay lang ako. I want to eat lunch with you." Mahinang sabi ko. Kahit sobrang sweet nya ay hindi ko parin iyon masabayan sa harap ng ibang tao. Nahihiya ako at hindi ako sanay.

Lumamlam agad ang mata nya at hinalikan ulit ako sa noo. "Okay, baby."

Hinapit nya ang baywang ko palapit sa kanya pagkatapos ay hinarap nya si Julia Jean.

"Jul, can we have the lunch meeting tomorrow? We have to go somewhere." Aniya.

Nakita ko ang bahagyang pagkadismaya sa mukha ni Julia. Siguro ay importante iyong lunch meeting na iyon sa kanya.

"Baby we can eat lunch next time. Mahalaga siguro iyong lunch meeting ny-" Hindi ko na iyon naituloy dahil agad tumutol si Julia.

"No. It's okay. Enjoy your lunch date with your husband. We can resume it tomorrow." Nakangiting sabi nya.

I felt something with her smile. Ewan ko pero parang may hindi tama.

"Pero-"

"She's right, baby. Hindi naman ganon kaimportante iyong lunch meeting na iyon. May gusto lang syang i-offer sa akin." Putol ni Kayden sa sasabihin ko.

Napatingin ako sa kanya. Parang iba ang pagkakarinig ko sa huling sinabi nya.

'May i-o-offer? Ano?'

"I'll go ahead, Kayd. I'll just e-mail you the materials." Paalam nya.

Tumango si Kayden sa kanya. "Okay. Ikumusta mo nalang ako kay tito."

Parang may gusto kumawala sa sikmura ko. Medyo hindi ko gusto ang mga naglalaro sa isip ko. I really need to stop thinking.

"Baby? May problema ba?" Nag-aalalang boses ni Kayden ang nagpatigil sa iniisip ko.

"I'm okay." Pinilit kung ngumiti.

Niyuko nya ako at mabilis na kinantalan ng mababaw na halik.

"Did something happened?" Pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko. Alam ko nagtataka parin sya sa bigla kung pagsulpot dito.

Sasagot na sana ako ng pareho kaming natigilan dahil sa mahihinang katok sa pinto.

"Come in." Malamig nyang sabi. His tone is very authorative.

Bumukas iyon at nakita kung maingat na pumasok si Maris na may dalang mga folders. Hindi pa nya ako nakikita dahil nakayuko sya at nakatingin sa mga folders na dala nya.

Nang mag-angat sya ng tingin ay kitang-kita ko ang pagkalaglag ng panga nya. Pero ng ngumiti ako ay agad syang yumuko at nag-iwas ng tingin sa akin.

"S-Sir, nandito na po 'yong mga files ng finance department." Nauutal nyang sabi habang hindi parin nag-aangat ng tingin sa amin.

"Pakipatong mo dyan sa mesa. Dumating na ba 'yong bagong HR?" Tanong ni Kayden sa kanya.

"Wala pa po, sir. Nasa baba pa daw po para sa isang interview." Magalang nyang sagot.

Bagong HR? Akala ko ba si ma'am Magbangon ang HR?

"Bakit nyo kailangan ng bagong HR?" Nagtatakang tanong ko sa asawa ko.

"Because I fired the old one." Simple nyang sagot na nagpagulat sa akin.

Sinesante nya si ma'am Magbangon? Pero bakit? Dahil ba 'yon sa nangyari?

"Baby, dahil ba 'yon sa nangyari?" Tanong ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay Maris.

If he fired her, siguradong tinanggal din nya ang grupo ni Ysabelle?

Hindi nya ako sinagot. Akmang yayakapin sana nya ako pero bahagya akong lumayo sa kanya.

Kitang-kita ko ang pagbusangot nya dahil sa reaksyon ko.

"Did you fired them because of me?" Tanong ko ulit.

Naiinis na bumaling sya kay Maris na walang imik na nakayuko parin.

"You can go." Pagtataboy nya dito.

Gusto kung magalit sa kanya ngayon dahil sa ginawa nya. Hindi sapat na dahilan ang nangyari para mantanggal sya ng tao. Lalo na ngayong ang dami nilang trabaho. Nagsasayang sya ng oras dahil doon. It's not fair.

Nakita ko ang mabilis na pagtalikod ni Maris sa amin patungo sa pinto.

"Maris, can we talk?" Tawag ko kay Maris na bahagyang natigilan dahil sa sinabi ko.

Nahihiyang tumango naman sya sa akin.

Binalingan ko sandali si Kayden. "We'll talk later." Sabi ko sa kanya.

Ngumuso lang sya sa sinabi ko at padabog na umupo sa sofa. Gusto kung matawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

Niyaya ko si Maris sa cafe na nasa baba para doon kami mag-usap. Iniwan ko muna si Kayden sa office nya. Gusto nyang sumama pero hindi ako pumayag. Pag sumama sya ay siguradong wala kaming mapag-uusapan ni Maris dahil alam kung madali syang mainip.

"I'm sorry about what happened, Maris." Panimula ko.

Nalulungkot ako sa inaasal nya ngayon. Kahit magkaharap kami sa isang mesa ay nakayuko lang sya at hindi umiimik. Parang hindi sya ang Maris na nakilala ko.

"Maris, kausapin mo naman ako 'oh." Hiling ko sa kanya.

"H-Hindi ko po alam ang sasabihin ko." Nahihiyang sagot nya.

Inabot ko ang kamay nya sa ibabaw ng mesa at mahigpit na hinawakan ang mga iyon. Nag-angat sya ng tingin sa akin.

"Maris, ako parin 'to. Si Tharia. Hindi mo kailangang mahiya sa akin." Ngumiti ako.

Alangin syang ngumiti pero hindi parin nya ako matingnan sa mata.

"Pasensya ka na sa ginawa ko. Alam kung mali iyon. Nagsinungaling ako at nanloko ng ibang tao. Pero sana maintindihan mo kung bakit ko iyon ginawa. Gusto ko lang namang tumulong kay Kayden. Ayokong mag-isa syang nagtatrabaho. Gusto kung tumulong pero hindi nya ako pinapayagan. Kaya wala akong choice kundi ang magtrabaho ng palihim. Pero hindi ko kailanman ginustong manloko. Totoo lang ang mga sinabi ko sa'yo. Kaibigan kita, Maris." Desperadong paliwanag ko.

"Alam ko naman iyon, Tharia este ma'am Xherry pala. Alam kung mabait ka. Hindi lang ako makapaniwala na kaharap ko ang asawa ng aming CEO. Parang isang pangarap 'to." Nahihiyang ngumiti sya sa akin.

"Ano ka ba. Ako padin 'to. Hindi mo ako kailangang tawaging ma'am. Xherry nalang o Tharia."

Ngumuso sya at tuluyan ng ngumiti sa akin. "Sige na nga. Pero hindi parin talaga ako makapaniwala. Ang ganda mo."

Sabay kaming napangisi dahil sa sinabi nya. Ito ang tinutukoy kung Maris. Masayahin at madaldal. Ayokong magbago ang trato nya sa akin. Kaibigan ko sya at ayokong isipin nyang magkaiba kami ng mundo.

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan bago ako bumalik sa office ni Kayden. Siguradong iritado iyon dahil ayaw nyang naghihintay ng matagal.

Habang nasa elevator ako ay hindi ko mapigilang mapangisi habang iniisip ko ang madadatnan kung itsura nya. Nakabusangot o di kaya ay lukot ang mukha ang inaasahan kung makikita ko.

Pero gaya kanina, mali na naman ako.

Dahil kung kanina ay nagtatawanang Kayden at Julia Jean ang nadatnan ko, salungat naman ngayon. Parang may malaking bato ang nakatarak sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang umiiyak na si Julia Jean.

Umiiyak habang nakayakap sa asawa ko.

Mali ba ako ng naisip tungkol sa kanya? O talagang tama ako simula palang.

Does she still wants my husband?

Does she still love Kayden?

What should I do?

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

38.5K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
149K 8.7K 95
Inspired by: Gokusen [BOOK 01] Ginamit lang kita para makaganti sa kapatid mong traydor. I use you like a toy. Started Date: October 03, 2020 End: Ju...
2.4K 502 125
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
5.9K 267 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...