Unpremeditated

By eyreendee

545 79 105

Zera shook the whole campus by confessing to Keon, their school's topnotcher and heartthrob in the school lob... More

Note
1: Gusto Kita
2: HEADLINE
2 (2): STEMS and Matches
4: Emote
5: Good to See You?
5 (2): Mission Impossible
OWEMJIšŸ˜­
6: Beyond School Hours
6 (2): What Matters Most
7: My Brain Is Not Braining
8: Bagsak na Naman
8 (2): Hindi ba Tayo?
9: City Meet
10: Friendly Match
10 (2): Nice Game
11: Rest Day?
11 (2): Double Trouble
12: Tulong
12 (2): It's All About Me
13: Break Time Mash-up
14: Heartbreak

3: Senior High School Medley

27 4 6
By eyreendee

"Exams na naman next next week. Nakakainis." Yumuko ako sa desk.

"Pakiramdam ko mahirap na naman pointers sa bas cal at chemistry." Sabi ni Grace na seatmate ko rin.

"Lagi naman." Inis na sagot ko.

Mapapa-share yata ulit ako ng lucky banana to pass my exams, huhu.

"Tara canteen." Tumango ako saka tumayo. Sana may sopas o kahit anong pampainit ng tiyan.

"E9 na magle-lead, 'no?" Tinaas niya ang kilay niya. "Edi makikita mo crush mo?"

"Hoy, girl. Wala akong crush, tumigil ka nga." May maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya. Siniko-siko ko ang tagiliran niya para mang-asar.

"Ay nako, Zera. Ikaw nga sa E1 eh." Hinampas ko ang braso niya.

Napopogian na lang ako, pero 'di ko na crush 'yon.

"Oh, anong feeling?" Nagtawanan kami habang naglalakad papasok sa canteen.

"Ano kakainin mo? Champorado na lang sa'kin." Maaga kasi akong naalis ng bahay kaya six thirty palang nandito na ako. Tinapay na may palaman lang din madalas ang nakakain ko bago umalis, minsan peanut butter o kaya chocolate spread.

Kapag sinipag, nakakapagsangag pa ako o nagpapainit ng bahaw para medyo mabigat na ang meal ko. Katulad kanina, tosilog ang kinain ko.

Tapos kakain ka pa rin ng champorado?

"Ayan din." Sagot ni Grace at naglabas ng wallet.

"Hot chocolate na lang pala sa'kin, busog pa ako." Lumapit ako sa vending machine at naglusot ng limang piso.

Dahan-dahan akong lumakad habang hinihipan ang ibabaw saka uminom.

"Sarap. Ang init." Humagod sa lalamunan ko ang init ng inumin.

"Hindi ka bibili? Libre ko."

"Himala." Bumalik kaming dalawa sa vendo. Kape ang pinili niya. Pagkalabas ng kape, tinawanan ko siya.

"Bayad 'yan sa utang kong cartolina." Inirapan niya ako.

"Kaya ang hirap maniwalang manlilibre ka eh." Binelatan ko na lang siya.

"Good morning po." Bati namin sa dumaang teacher. Ngitian niya naman kami.

"May assignment ka sa stat? Three to five lang nasagutan ko. Ang hirap."

"Girl, one and two lang meron ako."

Humalakhak kami habang naglalakad. "Alam mo na," udyok ko sa kaniya at itinaas-baba ang kilay.

"Pakopya." Sabay naming sabi sa isa't-isa at tumawa ulit. Sumimsim ako ng inumin at nilalasap ang init no'n.

"Huy, ewan ko kung napansin mo ship name sa inyo ni ano last week. Zeon at Kera." Umikot ang mata ko sa narinig.

"Past is past na, girl. Ano ba. Pero legit, masaya naman 'yong match."

Nako. Fresh pa nga 'yan sa isip mo.

"Sus, nag-enjoy ka gawa ng kalaban mo."

"Wao. Ano, ipilit natin? Past is past na nga. Kilabutan ka naman kasi last week pa 'yon. Change person na me." Pag-akyat namin sa hagdan nakita naming paakyat rin ang univ. pres.

"'Wag kang tatakbo. Nasa likod natin si sir UP." Tinanguan niya ako at dahan-dahan kaming naglakad.

"Good morning po." Bati namin sa kaniya.

"Good morning."

Matangkad, moreno, chinito, at bagay sa kaniya ang clean cut.

Kaso iba talaga ang serious aura niya kaya nakaka-intimidate lapitan. Nakahinga kami ng maluwag pagkalagpas sa'min.

Bumalik na kami sa room saka naghintay palabasin para sa flag ceremony. Tinapon ko ang baso at bumalik sa upuan upang mag-cellphone.

Babagsak ka this sem kapag hindi mo nilapag cravings mo.

Natawa ako sa nabasa. I shared the post and captioned "lambing ni ano" for clout. Suddenly, I felt a pang on my chest and hips. My head ached a little, too.

"Uy, pila na raw." Tinapik ako ni Grace sa balikat.

"Pass. Sumama bigla pakiramdam ko." Tinanguan niya lang ako at lumabas. Sumilay ako sa bintana at nakitang nagpapaliwanag siya. Hindi ko naman makita silang buo dahil may isang section na naglalakad papunta sa hagdan.

"Pres, masama pakiramdam ni Zera. 'Di siya makakababa." Napangiti ako sa ginawa niya para sa'kin.

Wow, nakakataba ng puso.

"Grace! Thank you!" Sigaw ko dahil paalis na sila. Kinawayan niya ako at nag-thumbs up. Kinabit ko ang earphones sa magkabilang tainga at tumungo sa desk. Shuffle time.

She ain't got no money,
her clothes are kinda funny,
her hair is kinda wild and free.

"Oh, but love grows where my rosemary grows and nobody know like me."

For the first ten minutes, I feel my eyes become heavy and eventually fell asleep.

"Zera, gising. Basic calculus na." Marahan ang pagkakatapik ni Jaz sa likod ko. "Salamat."

I can't believe tulog lang ako sa chem at stat.

Parang may bowling ball sa ulo ko dahil inaantok pa rin ako. My head swung backward kaya bigla akong napamulat.

"Magandang umaga, E5. Ready na ba ang mga boards niyo?"

"Opo."

Pinaikot naming tatlo ang upuan namin para magkakaharap kami. Wala ng paliguy-ligoy si sir at nagtanong na.

Wow, STEM. Angas pakinggan. Select ko nga.

Dahil lang sa abbreviation na naangasan ako, pinili ko na. Naghihirap tuloy ako.

"Zera! Ano ba! Integral lang ng (3 sin x + sec² x) dx bilis!" Bigla naman akong nataranta sa sinabi ni Grace dahil may group work kami na quiz bee style. By pair dapat pero pinilit namin kay sir na maging tatlo kasama si Jaz.

"Shuta, 'di ako sure sa method na isa. Gagamit ako ng constant multiple rule. Wala ba kayong pabigat na groupmate? Ngayon meron na." Tumawa ako at nagpatuloy mag-solve.

"3 (-cos x) + tan x. Bilisan mo! Isulat mo na!" Nagmamadali kong sabi habang titig na titig sa whiteboard namin.

"Nasaan ang arbitrary constant!? Plus c! Minus two tayo niyan!" Buti na lang naalala ni Jaz!

"Ayan na ang group nina Miss Millarte. Masyado yatang mabilis?" Natatawang sabi ng basic calculus (na hindi basic) instructor namin.

"Alright, boards up! Most of you got the correct answer. May mga nakalimot pa rin ng ating constant, minus two ang groups nina Gonzales, Dela Cruz, at Aguilar."

Buti na lang talaga.

"Ayos lang kalimutan si x, 'wag lang ang ating plus C." Nagkantiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Yannie.

Bawat groups ay may twenty points, kada mali ay bawas two points, at one point naman sa tamang sagot. Lugi sa point system namin kaya dapat iwas error kami.

Ibinigay na sa akin ang whiteboard dahil salitan kaming tatlo.

"Next question, what is the derivative of 4x³ - 2x² + 34x - 6?"

Derivative of 4x cube. 4 times 3, 12x squared. HA? Tama ba?

"12x² - 4x + 34!" Napasigaw ako at napatingin silang lahat sa'kin.

"Bakit mo sinabi, Zera?" Tanong ng groupmates ko sa'kin.

"Ayan kasi, sobrang competitive." Bulong ng nasa kabilang group.

"At least alam ko 'yong sagot." Akala mo hindi kita rinig? Masyado yatang maganda ang quality ng tainga ko.

"Tama na."

"I'm impressed sa bilis mo, Zera. I shall ask everyone if you must be deducted points or all of you must gain one point, including your group."

Akala ko pagagalitan ako. Not today, santan.

"Plus one na lang, sir!" I love my classmates talaga!

"Dasurv ang minus 2!" Hindi ko pala gano'n kamahal.

"Bahala kayo diyan." Yumuko na lang ako sa desk habang tinatapik ni Grace ang balikat ko.

"Sana plus one. Sana plus one." Paulit-ulit na bigkas ni Jaz na para bang may mangyayaring mahika pagkatapos.

"Mas malakas ang plus one kaysa minus two. Okay, bigyan ng one point 'yan!" Napahiyaw din ako sa desisyon ni sir Kenneth.

Pagkatapos ng quiz bee, pasok ang group namin sa top five. Panglima pa kami kahit pabigat ako.

"Grabe, guys. Ang saya pala maging tagabura ng sulat." Biro ko.

"Dahil sa'yo may plus one ang lahat. Galing." Natatawang sagot nila sa'kin.

Pagkatapos ng Bas Cal, recess na. Lumabas ako ng room para mag-cr.

Congrats, Zera!

I complimented myself to keep my mood up. When I walked out of the restroom, I saw ma'am Sabando.

"Millarte, samahan mo 'ko sa faculty."

"Okay po." Kinuha ko ang kalahati ng test papers na dala niya.

"May kailangan akong sabihin sa'yo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano po 'yon?"

"Mamaya sa faculty."

Bawat segundo ay parang isang oras sa'kin dahil gusto ko ng malaman kung ano ba 'yon. Pagkabukas niya ng pinto, sinundan ko lang siya hanggang sa kaniyang desk. Ipinatong ko na ang mga papel.

"Ano pong sasabihin niyo?"

"Sandali lang."

Ma'am naman eh. Nasa faculty na tayo. Ano pa bang gusto niyo? Huhu.

Nakatayo lang ako sa may tapat niya habang nainom siya ng kape at napirma ng mga notebook. Sumilay siya sa pinto at nakita naming pumasok si Keon.

"Ayan na pala siya." Nakangiting sabi ni ma'am at tumingin saming dalawa.

"Zera, Keon, gusto kong malaman niyo na nagustuhan ko ang laro niyo sa P.E. class natin last week." Panimula niya.

"Salamat po." Sabay naming sabi. May inilibas si ma'am na dalawang papel mula sa drawer.

"Kaya naman napag-isipan namin ni sir Mark na bigyan kayo ng offer to train for doubles para sa nalalapit na city meet sa December."

HA?

"Ma'am, I think mas okay po ako sa singles." Mahigpit kong hinawakan ang palda ko pagkatapos ng sinabi ni Keon.

Ako dapat ang nagsasabi niyan, 'no! Feeling mo naman.

"Actually, sinabi ko na 'yan sa sports head dahil maganda talaga ang performance niyo as individuals that time. Kaso wala ng slot for singles kaya naman ino-offer ko sa inyo ang last slot for doubles."

Naintindihan ko ang lahat ng sinabi ni ma'am. Pero ako at si Keon? Doubles? Badminton?

"Okay lang po ako, ma'am. Ibigay niyo lang po sa iba ang slot ko." Paliwanag ko. Hindi naman ako interested sa mga ganiyan since junior high school. Naglalaro for fun, yes. Pero 'yong magco-compete? No.

Maniwala po kayo.

"I think you're his best match for doubles, personally. Pero hindi mo pa naman kailangan mag-decide ngayon." Sagot sa'kin ni ma'am at tiningnan ang katabi ko.

"I have plans to advance study po." Sabi ni Keon. Kaya ko rin mag-advance study! Kainis! Napataas ang kilay ni ma'am.

Huh, you're saying 'no' kasi ayaw mo akong ka-duo? Parehas lang tayo.

"Wala rin po kasi akong background sa pagiging athlete. Siya po yata meron na." Nakangiting sabi ko habang tinatanggihan ang teacher namin. Tumaas ulit ang kilay niya. Hindi pa nga ako nakakalaro sa intrams, city meet agad.

"Matagal po akong napahinga sa badminton, ma'am." Dagdag ni Keon.

Parehas na kaming tumatanggi, hind lang sa offer ni ma'am, pati na rin sa isa't-isa.

"Kayong dalawa, nakakahalata na ako, ha. Paiba-iba ang palusot niyo sa'kin. Kagaya ng sabi ko, hindi niyo pa ako kailangang sagutin ngayon. Bumalik kayo sa'kin next week ng thursday. Sa friday kasi pasahan ng list of players." Nakapameywang na paliwanag niya sa'min at iniabot ang consent form.

"Siya, makakalabas na kayo at may klase pa kayo. Salamat sa oras niyo." Kinawayan pa niya kami.

"Thank you po."

Huminga ako ng malalim pagkalabas ng faculty. Kanina pa sumasakit ang ulo ko. Minasahe ko ang bunbunan ko para mabawasan ang sakit.

Tiis lang, Zera. Nakasunod sa'yo si Keon.

Lumingon ako sa likod ko at nando'n pa rin siya, hindi ako makatakbo ng mabilis dahil baka isipin niya iniiwasan ko siya. Huminto muna ako bago umakyat ng hagdan para habulin ang hininga.

Ang sakit na talaga.

Humakbang ako ng isa at tumigil ulit. Parang nauga ang paningin ko.

"Zera!" Hinatak ako pababa ni Keon.

"May klase ka pa. Bumalik ka na. Kaya ko 'to." Nag-thumbs up ako sa kaniya kahit na mabigat na ang paghinga. Inalis ko ang kamay niya sa'kin at umakyat na ulit.

Ten steps done, twelve more.

I missed a step at muntik ng tumama ang mukha ko sa hagdan.

"You shouldn't refuse help when you need it, Zera." Salubong ang kilay ni Keon at hinatak ako pababa ng hagdan at nakaalalay sa likod ko.

"Anong nararamdam mo? Sa clinic ang punta natin."

"Pananakit ng katawan."

"I-specify mo naman kung saan."

Aba, ikaw pa galit? Baka sapatusin kita.

"Sorry, ha. Lahat masakit eh. Sa ulo, dibdib, balakang, at puson." Hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yon sa kaniya kahit hindi naman siya nurse sa clinic.

"Keon, alam mo, sa room na lang ako magpapahinga. Malapit lang pala ako magkaro'n. Kaya ko na 'to." Sabi ko sa kaniya.

Bakit nga ba hindi ko 'to naisip kanina? I go through this every month.

"'Wag mo akong diktahan, Zera." Sabi niya kaya huminto ako sa paglalakad.

"Ako ang 'wag mong diktahan, Keon. Bakit ba ayaw mong maniwala? Okay lang ako. Nararanasan ko 'to buwan-buwan. It's normal. My hormones are just fluctuating." I crossed my arms.

Ovulation!!! Nakakainis.

"Of course, I know that. What I mean is, would you actually prefer to rest in your room? There'd be no silence there since may ongoing class pa." Natahimik ako sa sinabi niya and what's funny, he's also crossing his arms.

"Ano, sa'n ka pupunta? Sa clinic o sa room niyo?" Huling tanong niya sa'kin.

"Sa clinic." Sagot ko habang umiiwas ng tingin.

Wala na akong nagawa. Pasalamat ka ngayon at 'di kita matanggihan kasi hindi ko alam kung bakit.

"'Yon naman pala eh." He went back to my side and put a hand behind me as support.

Tinitiis ko lang naman 'to sa bahay. Bakit kailangang magpa-clinic ako ngayon?

"Good morning po." Bati namin sa nurse in charge.

"What are you here for?"

"Pain relieve—" Why exactly do I have to be cut off by him!?

"She's experiencing body pain and ovulation headaches."

"Masakit katawan ko pero nakakapagsalita ako." Kunot ang nuong sinalubong ko ang tingin niya. Gamot lang naman ang need ko o kahit wala nga eh.

"Alright. Magpahinga ka muna sa space one. Pakisara na lang din ng kurtina at bigyan ko lang ng form ang kasama niyo."

"Kaya ko naman pong magsulat."

"Info niyong dalawa ang kailangan namin." Binigyan niya kami ng one-eighth sized paper na may nakasulat back to back.

Patient's name:
Year level and section:
Class Adviser:
-----‐---------
Companion's name:
Year level and section:
Class Adviser:

"Anong spelling ng pangalan mo? E-o-n ba o i-o-n?" Tanong ko habang nagsasagot ng form sa tabi niya.

"'Di ba crush mo 'ko? Bakit hindi mo alam?" Hinampas ko ang braso niya dahil nakangiti siya habang nagsusulat.

Hambog! Kainis!

"Hindi na kaya. Past is past na, 'no." Inirapan ko siya at hinintay ang nurse na bumalik. Iniwan ko ang papel sa table.

"Ang Zera ba double 'r'?" Mapang-asar na bawi niya. Hindi ko siya pinansin at pumunta sa space one para mahiga sa kama.

Ang lamig. Inaantok na ako.

"Miss Millarte, uwian na po." Napabangon ako sa tawag ni nurse Kat.

"Thank you po." Pagkatapos kong mag-inat, napansin kong may nakalagay sa bed side table.

Sopas at tubig.

"Sabi ko sa'yo hindi na kita crush. Para saan naman 'to?" Umirap ako sa hangin at kinuha 'yon para kainin.

May nahulog.

Napatingin ako sa sahig at pinulot ang papel.

Get well soon.

"Bobo ka rin minsan. I told you, I go through this every month." Na-appreciate ko ang effort ni Keon na dalahin ako sa clinic at dalahan ako ng pagkain. I'm really thankful to have him with me today.

Salamat, Keon.

Continue Reading

You'll Also Like

50K 1.4K 35
ā€žYou are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...
47.5K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
1.1M 62.1K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
53.8K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...