WANDA For You

Autorstwa HEYNEENAMOR

462 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." Więcej

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Boat

8 2 0
Autorstwa HEYNEENAMOR

Arman's POV



Umupo ako sa isang nakatumbang puno ng buko dito sa gilid ng dalampasigan sa Zambales. Biglaang beach trip ito kasama ang mga kaibigan ko. Nang tumawag si Simon at inaya nga ako na sumama sa kanila ni Sammy & Nel na mag dagat ay pumayag na ako. Sa Friday pa naman ang next schedule ko sa trabaho kaya pumayag na ako. Biglaan naman kasi talaga ito. Half of the year pa lang naman at malayo pa ang summer.


Ito ang unang beses ko sa beach resort na ito. Hindi ko alam na may ganito kagandang beach resort sa Zambales.


"Arman! Ito na yung mango shake mo oh!" inabot ni Simon ang shake sa akin at tumabi ito. Umusog lang ako ng kaunti dahil paparating na din si Sammy at Nel.



"Mabuti at hindi busy si Arman. Napapayag mo Simon eh." rinig kong sabi ni Nel. Natawa ako.



"Mukhang may pinagdadaanan tong kaibigan natin ah. Kanina ka pa tahimik Arman." sabi ni Simon. I smiled tsaka tumingin sa dagat.



"May ganito palang kaganda na beach dito sa Zambales? Paano niyo to nadiscover?" tanong ko sa kanila at nagkatinginan sila——- why? Kasi nginitian ko lang yung sinabi ni Simon?




"Arman? May bagong problema ka ba ? Akala namin okay na kayo ni—-"




"Relax guys. Wala akong problema. Medyo magulo lang ang isip ko."



"Then mag kwento ka!"




"Pumunta ako dito para makapag relax yung isip ko———"















"Hi Guys!!!" sabay-sabay kaming napalingon ng may marinig kaming sumigaw sa likod.









"Gia!!!!!" hyper na sigaw ni Sammy at mabilis itong bumaba sa pagkakaupo sa inuupuan nito at mabilis na lumapit kay Gia upang yakapin ito.







Anong ginagawa niya dito???? Sinong nag-invite sa kanya??? Hanggang dito ba naman???








Hinatak ni Sammy ang kamay ni Gia para makalapit sa amin.







"Hanggang dito ba naman susundan mo ako??!" inis na tanong ko dito. Hindi ko siya matingnan ng matagalan dahil sa suot nito.





"Ano ka ba Arman! Si Gia ang nag invite sa atin dito! I mean, siya ang nag recommend!"




"Magkano commission mo dito???" tanong ko dito para mas lalo siyang mainis.




"Si Gia ang may ari ng resort Arman." rinig kong sabi ni Simon—— hah?




"Hala Gia, hindi naniniwala si Arman oh. Hahahahahaha.." siniko ko si Simon ng tumawa ito.





"Mukha ba akong mahirap Arman???" pagsusungit na tanong nito. Oo, ang hirap mong——-




"Wala akong pakialam kung sayo tong Resort—- ang akin lang, di ka namin kaibigan kaya dapat wala ka dito!"





"Sammy, pigilan niyo ako! Baka masapak ko yang kaibigan niyo!!" naiinis na ho siya. haha




"Kalma nga muna—— kayo ba talaga, hindi magbabati??? Pwede bang at peace muna kayo today? Nandito nga tayo to reflect—- para marefresh ang mga mind natin, pwede bang kalma muna?"



"Ayan? Hindi niyan kayang kumalma! Palaging mainit ang ulo niyan!" sabi ko ng hindi tinitingnan si Gia



"Paanong hindi iinit ang ulo ko? Kung ganito ka-Gago yung makakasalamuha ko??" inis na sabi ni Gia. Tumayo na ako sa pagkakaupo dahil naririndi na ako sa ingay nito.























Gia's POV

Palakad-lakad ako sa office ng pinsan kong si Emmanuel—- he's gay. Siya talaga ang may-ari ng resort na ito. Alam kong alam nila Sammy iyon. Ewan ko ba kung bakit niya sinabing ako ang owner. Baka kaya lalong nabwisit si Arman. Bakit? Mukha ba talaga akong kapus-palad? Tsss..




"Hey Girl! Ano ba! Ako ang nahihilo sayo! Kumalma ka nga! Ano ba kasing nangyari??"




"Diba may ininvite akong guest dito? Sila Sammy—- ang akala ko tatlo lang sila! Isinama pala nila yung —— yung Alien na yun! Naku Emman!!! Emman! Kung alam mo lang kung gaano kahaba ang sungay nung lalaki na iyon!!!" tumataas na ata ang presyon ko dahil sa inis. Dito kasi ako sa office ni Emmanuel nagpapahupa ng sama ng loob at galit.



"Ay yes, nagdagdag sila ng isang guest! Wait, ito yung Arman Herrera ba??"




"Wag na wag mong mabanggit banggit yung pangalan niya—- utang na loob Emman!!!"




"Ay sorry, sorry! Eh kasi naman Gia, ngayon ka na nga lang nakabisita dito, na-stress ka pa! Sana sinabihan mo ako diba? Pero teka nga, ano bang ginawa sayo nung Ar—— yung lalaki na yun?"



"Madami." nagtitimping sagot ko.




"Madami. Wow. Ang lawak ng sagot mo. Madami. Be specific naman girl! Baka anong maisip ko hah!"



"Kaya nga ako pumunta dito sa beach resort mo Emman eh para mag unwind kasi super stress ako sa Manila. Gusto ko lang huminga. Pero pagdating ko dito, susundan pa pala ako ng stress! Nakakainis!"


"So siya ang cause ng stress mo?? As in?"




"Isa sa cause." pagkaklaro ko.




"So maupo ka dito at magkwento. Kailan kayo nagbreak??"


"Anong nagbreak??? Emman! Hindi ko siya boyfriend! Mukha ba akong papatol sa kanya?? Mukhang siyang Tito!" inis na sabi ko kay Emman at ang walanghiya at bumulahaw ng tawa.




"Girl!!! Pa-Tita era ka na din naman! To talaga!!" sinamaan ko ito ng tingin.



"Naka bikini top lang ako na white oh! Kita nga yung sides ng dibdib ko! Tapos sasabihan mo akong pa-Tita era na?? Hoy Emmanuel! Ang sama mo na sa akin! Hindi ka naman ganyan nung mga bata pa tayo hah?" tumawa ito at lumapit sa akin para tabihan ako.



"Ano ba kasing ginawa sayo kanina?"




"Sinigawan ba naman ako na bakit daw ako nandito at pati ba dito ay sinusundan ko siya??"



"Eh bakit mo naman kasi siya sinundan?"



"Emman! Hindi ko siya sinusundan! Hindi ko alam na pupunta siya! Kung alam ko lang eh sana nagkulong na lang ako sa kwarto! Mainit na talaga ulo niya sa akin mula Day 1 ng makatrabaho ko yan eh!"


"Oh? Magkatrabaho naman pala kayo eh. Boss mo ba siya?"



"Alaga."



"Alaga? Ano yan, pusa?" natawa ako sa sinabi niya.



"Road Manager niya ako. Artist yan. Kumakanta sa tv, concerts, sa theater—- wedding singer—- hmp, talent lang niya maganda sa kanya, wala ng iba."



"Girl! Baka namana kaya nagalit sayo kanina eh nagsuot ka kasi ng ganyan na bikini top? Wala manlang cover ng polo or something—— baka hindi lang siya sanay na makita kang naka bikini top na ganyan!" napahawak ako sa dibdib ko. Too revealing ba? Hmp—- eh ano naman?


"RM niya lang ako, pero hindi ko kailangan ng validation niya sa lahat ng outfits na isusuot ko! Tsaka Emman, lahat ng gawin ko— at sabihin ko, masama para sa kanya! Lagi naman akong walang nagawang tama sa paningin niya!"



"Bet mo no?"



"What?? No!!!" mabilis na sagot ko.



"Eh baka naman bet ka?" ayan , imposible yan. Umiling ako.

"Bakit naman? Teka, single pa ba yun?"



"Oo? Ewan ko. Di ako sure. Pakialam ko ba sa kanya." ngumiti si Emman na para bang may pinaplano itong hindi ko magugustuhan.





"Kaya ka ba stress dahil palagi mo siyang naiisip? Na bawat pagpikit mo ay siya ang naalala mo? Gia! Nagkakagusto ka na ba kay Arman??"



"Hoy Emmanuel Alberto ! Kung anong pinagsasabi mo!! Hindi nga! Hindi iyon ganun! Nababahala lang ako sa work ko! Baka mapa-resign ako ng hindi oras dahil sa kanya."



"Ikaw? Natatakot mawalan ng trabaho? O baka natatakot ka ng mawalan ng trabaho kasi nasanay ka na siya ang tinatrabaho? Ayiiiie! Inlove ka na yata Gia!!"




"No! No! Not this time! Not him. No. Hindi! Imposible! He's a man of RED FLAGS—- paano ako magmamahal ng ganung klaseng lalaki! My God Emman!!!"




"Assist your self! Pakiramdaman mo. Intindihin mo yung gumugulo sa isip mo. Subukan mo kayang kausapin siya? Yung kalmadong pag-uusap. Baka naman kasi hindi talaga siya galit sayo—— at hindi ka rin galit sa kanya. Pareho lang kayong in-denial ni Arman?? Naku ! naku!"




"Alam mo, sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo! Aakyat na nga lang ako sa room ko at gagamitin ko yung jacuzzi doon! Para naman maramdaman kong guest ako dito sa resort mo! Hmp!" paglabas ko ng office niya ay narinig ko pa siyang tawa ng tawa.












Simula kaninang umaga ay hindi na ako nagpakita pa kila Sammy para iwas gulo na lang. Nagsabi naman na ako kay Sammy na ako na lang ang iiwas para ma-enjoy parin nila ang stay nila. Kahit na gustuhin ko man na makipagchikan sa barkada ni Arman, parang hindi na talaga pwede. Oo, Sammy, Nel & Simon—- hindi naman sila bigo na iparamdam sa akin na welcome ako sa barkada nila—— si Arman lang talaga ang may ayaw.



Nakatulog ako ng hapon at nagising na lang ako ng 8 pm—- medyo mahaba ang naitulog ko kaya nagugutom na ako. Nagpadala na lamang ako ng dinner sa room ko at doon ko ito kinain.

Tumungo ako sa mini fridge at kinuha ang beer doon. Gusto ko lang ng pampainit. I was too stress—- hindi naman siguro masama ang isang beer. At hindi naman ako malalasing sa ganito.


Nakakalahati na ako ng beer ng magpasya akong lumabas ng room ko at tumungo sa dalampasigan. It's already 10pm by now. At wala naman ng masyadong tao —— it's a private resort at ang alam ko ay kaunti lang ang tao dito kanina. Maybe, natutulog na sila Sammy sa kanya-kanya nilang room.





"Wow!" nakangiting sabi ko ng makita ko ang Yacht ni Emmanuel. Nakadaong ito sa port kaya tumakbo ako papunta doon. Ito yung pinagmamalaki sa akin ni bakla na bagong baby niya na binili pa niya sa Canada. Hindi ito kalakihan pero napakaganda. Kinuha ko ang phone ko at kinuhaan iyon ng larawan. I smile peacefully ng makita ko ang larawan na kuha ko.

Lumapit pa ako lalo sa Yacht. Tila walang tao kaya pumasok ako. Alam kong bawal ito pero okay lang—— pinsan ko naman ang may-ari eh.



I used my phones flashlight para hanapin ang switch ng dalawang lamp sa likuran ng yacht. And then ——- ayun na nga, nahanap ko agad at pagbukas ko ng ilaw medyo maliwanag na. Sa bandang likuran lang ang binuksan ko at doon na lamang akong nagpasyang umupo para walang makakakita. Nakaharap ako sa madilim na karagatan. Wala akong ibang marinig kundi ang alon na likha ng karagatan. Mabuti na lamang at nagsuot ako ng sweatshirt ngayon dahil sobrang mahangin. Ang lamig. Ang sarap naman matulog dito.






Umupo ako at nakatingin lamang sa bilog na buwan. Wow! What a scenery.



Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Emman kanina. Bakit hindi ko i-assist ang sarili ko. Ano ba kasi tong gumugulo sa isip ko. Masyado kasing occupied ang isip ko ng trabaho at nung lalaki na iyon. Ano bang karapatan niyang manatili sa isip ko sa ganitong oras. Nakakainis.




"Inlove ka na yata Gia!" napapikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Emman. No. Alam kong hindi. Sigurado ako. Hindi. If I love—— hindi ako makakaramdam ng galit sa tao. Yes, I do care, pero hindi eh, galit nga ako. Period. I'm not inlove. Alam ko pa naman kung paano ma-inlove eh. At sure akong hindi ganito yun. No. Hindi ako maiinlove sa Red flags type of guy. It's a No. No. No. Hindi.

Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Kinuha ko ang airpods ko at nakinig na lamang ako ng kanta sa spotify. Sinubukan kong humiga sa hindi kalakihang bench sa likurang bahagi ng Yacht.













Arman's POV

Lumabas ako ng room dahil naiingayan ako sa pinapatugtog ni Simon na kanta—— ewan ko ba kung bakit ang bilis-bilis kong maaburido ngayon.

Medyo malalim na din ang gabi pero nagpasya akong maglakad-lakad sa dalampasigan. Hindi naman masyadong madilim dito pero wala ng masyadong tao. Hindi din naman masyadong madami ang tao mula pa kanina dahil hindi naman summer season.

Mas okay yung ganito. Nararamdaman ko ang peace kapag ingay lamang ng mga alon ang naririnig ko. Nahinto ako sa pagpalakad ng may pumasok sa isip ko—- naiwan ko pala sa room ang phone ko. Nag-iisip ako ngayon kung babalikan ko ba or hayaan ko na lang. At dahil sabik na makapag-isip ang utak ko ay hindi ko nabinalikan ang phone at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ng mga mata ko ang isang di kalakihang puting yacht.




Nang mapansin kong nakabukas ang ilaw nito sa likuran ay sinubukan kong pumasok sa loob. Pagdating ko sa likurang bahagi ng yate ay kunot-noo kong tiningnan ang isang tao na himbing na natutulog sa bench...
















👽

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

37.5K 1.5K 58
Mga lalaking paasa, mahilig magpaiyak at mahilig magbitaw ng promise at higit sa lahat hindi sya naniniwala sa salitang 'FOREVER'. Yan si Marilyn Apa...
83.3K 6.7K 35
Matapos ibalik sa mga Dalca ang Helderiet Woods, kinailangan nang umalis ni Mr. Phillips sa Grand Cabin upang manirahan pansamantala sa timog. At hin...
6.6K 306 54
Warning Notice: This story might be disturbing for you, this is angst and flawed story, issues tackled might be triggering. After receiving a bad new...
148K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?