Hopeless Love [PUBLISHED UNDE...

By The8thWorldWonder

2M 18K 3.4K

Available in PPC Stores, Pandayan, and Natinal Bookstores nationwide! Grab your copy now for only 109.75php! ... More

Hopeless Love
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
FOR QUERIES
BOOK 2 OF HOPELESS LOVE
I'LL CARRY YOU TO HEAVEN
HE SHE HE
The Value of a Second Chance
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED

CHAPTER 42

26.1K 246 53
By The8thWorldWonder

CHAPTER 42

“Kinakabahan ako, eh. Sana mababait naman ang mga magiging professors natin,” ani Demi habang hinahanap ang room namin dito sa isa sa mga buildings ng Harrison. Malaki ang Harrison at mararamdaman mo talaga na college ka na dahil walang estudyante ang pumapansin sa’yo at tila wala silang pakialam sa isa’t-isa.

“Ano ka ba? Magkasama naman tayo, eh,” pagpapalakas ko ng loob niya pero sa totoo lang ay kinakabahan din ako.

Pareho kami ni Demi na Accountancy ang napiling course kaya naisipan namin na sa parehong University na din mag-aral. Si Demi ay nakatira sa dorm na malapit dito. Si Miggy naman ay nagdo-dorm din na malapit naman sa dorm ni Demi kaya’t napakasaya ng bestfriend ko. Architecture ang napiling course ni Miggy dito sa Harrison kaya’t hindi namin siya kasama na hanapin ang mga rooms namin.

Pagpasok namin ni Demi sa unang room namin para sa subject na History ay tila wala namang pumansin sa amin na mga estudyanteng nasa loob.

“Dito tayo sa harap. Alam mo namang ayokong umuupo sa likod, eh,” yaya ko kay Demi nang akma na sana siyang didiretsong maglakad doon sa likod na bahagi ng classroom.

Ilang sandali lang ay may pumasok na matandang babae sa room namin at wari namin ay siya na ang aming Prof.

“Parang ang terror naman ng dating niya,” dinig kong bulong ni Demi mula sa kanang bahagi ko.

“Ang nega mo naman. Don’t judge a book by it’s cover nga, eh,” natatawang bulong ko din sa kanya.

“Good morning, freshmen!” malakas na bati niya sa amin. Sumagot naman din kami ng good morning bilang pagbati.

Walang introduction ang naganap at tila nakahinga naman kami ng maluwag ni Demi nang sabihin ng professor namin na sayang lang daw iyon sa oras. Hindi naglaon ay kumuha siya ng marker mula sa dala niyang malaking bag at nag-simulang mag-sulat sa white board.

Tila parang may kung anong kumislot sa puso ko nang mabasa ang isinulat niyang pangalan.

Dr. Carmelita R. Salcedo

“Salcedo?” mahinang wika ni Demi sa gilid ko.

Magkapareho lang naman sila ng surname ni Paul, eh. Imposibleng magkamag-anak sila. Common name ang Salcedo kaya malamang, maraming nagdadala ng apelyidong iyon.

“So that is my name and for your information, I don’t accept students who don’t know it. Class, just a piece of advice, you better take down all the names of your professors because it can be included in every exam they will give you.”

Matapos niyang sabihin iyon ay isinulat kaagad namin ni Demi sa filler ang pangalan niya. Hindi rin naman niya pinatagal ang klaseng iyon at maaga kaming dinismiss kaya nakapaglibot pa muna kami ni Demi sa buong Harrison bago ang susunod na subject namin.

Dumaan ang ilang linggo na naging regular na ang takbo ng mga klase namin at ramdam na rin namin ni Demi ang pressure dahil sa mga paperworks na ibinibigay sa amin ng mga professors namin. Si Miggy naman ay hindi namin madalas makita dahil hindi rin tugma ang mga schedules namin.

August 2013

Maaga akong pumasok upang maghanap ng isang history book sa library dahil may kailangan kaming i-research para sa assignment namin. Wala rin kasing internet sa bahay kaya hindi ako makapag-research sa google.

Pagkakuha ko ng tatlong libro ay agad din naman akong humanap ng mauupuan. Nang ibababa ko na sana ang mga libro ay bigla namang nahulog ang isang card na nakaipit mula doon sa isa sa mga libro. Pinulot ko iyon at agad din namang inipit sa libro kung saan iyon nanggaling. Naupo ako at nagsimulang mag-buklat.

“Pwedeng maki-upo?” dinig kong tanong sa akin ng isang tinig na wari ko’y nagmumula sa isang lalaki. Tumango lang ako bilang sagot at naramdaman na lang ang pag-upo niya sa tabi ko. “Ganyan na ba talaga kapag college, hindi na namamansin?”

Tumingin ako sa kanya at nagulat nang makita ko kung sino siya. “A-Aaron?”

“Nakalimutan mo ata na dito din ako nag-aaral,” nakangiting saad nito habang nagbubuklat ng isang libro. “Buti naman at nakita rin kita dito sa Harrison. Sa wakas!” mahina ngunit galak na saad pa niya.

Napangiti naman ako dahil itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay sa ere na parang nagtagumpay sa isang bagay. “Ang lawak kasi ng Harrison, eh. Si Miggy nga, masyadong mailap.”

“Nalibot ko na ata ang buong Harrison noong mga nakaraang buwan, dito lang pala kita sa library matatagpuan,” pahayag niya.

Ano’ng ibig niyang sabihin? Does he mean na hinahanap niya talaga ako dito?

“Parang bibitayin mo na sa libro ang sarili mo, ah,” nakangiting saad niya habang tinuturo ang mga librong nakapatong sa harap ko. “Sabagay, mas tambak ang mga gawain kapag first year. Mas pressured pa kayo dahil bago lang.”

“Oo, eh. Pakiramdam ko nga ay lahat ng professors namin ay may galit sa amin at halos hindi kami nawawalan ng gagawin,” pagsang-ayon ko.

“Masasanay ka rin sa mga bagay-bagay dito,” tugon niya.

Makalipas ang halos isang oras ay nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na ako at isasauli ko lang ang mga libro. Sabi niya ay siya na daw muna ang magbabantay ng mga gamit ko at hihintayin na niya ako. Pumayag naman ako dahil nakakahiya ring tanggihan.

Nang ilalagay ko na ang huling libro doon sa shelf ay muli na namang nahulog ang isang card na nakaipit doon. Pinulot ko iyon at dahil sa curiosity ay tinignan at binasa ko ang nakasulat doon.

Isa pala iyong bookmark at sa tingin ko ay may nakaiwan lang doon. Pagtingin ko sa baba ay may nakasulat na pangalan. “Nelle Aiza Rodriguez?”

Nelle?

Pilit kong inalala kung ano ang full name ni Nelle nang magpakilala siya sa amin nila Demi noon.

"Eh bakit? Sino ka ba? ‘Wag kang mag-english! Di bagay!"

"Ughh!” naiinis na pinadyak pa niya ang parehong paa niya sa semento. “Well, for your information, I am Nelle Aiza Rodriguez!"

"So? The hell I care about your name!" singhal pa ni Demi.

“Nelle Aiza Rodriguez. Sa iyo ba ang bookmark na ito? Nandito ka sa Harrison? At kung nandito ka… possible bang nandito rin si Paul?”

Kahit na ayaw ko ay pinilit ako ni Aaron na ihatid sa room namin kaya’t kung anu-anong panunukso mula kay Demi ang natanggap ko dahil nakita niya si Aaron na hinatid ako.

“What if ‘yong natigil na pagtitinginan niyo noon ay to be continued ngayong college?” muling pang-aasar na naman niya.

“Demi, tigilan mo nga ako,” wari’y inis na saad ko.

“What if meant to be pala talaga kayo? Kasi diba, biruin mo, sa dinami-dami ng Universities sa buong Pilipinas ay sa iisang University lang pala kayo nag-aaral. ‘Diba, destiny iyon?” natatawa-tawa pa niyang dagdag.

“Dati, soulmate. Ngayon naman, destiny. Hindi ba ako titigilan ng mga ganyan?” natatawang tanong ko sa kanya habang inaalala ‘yong panahong inaasar nila kami ni Paul sa isa’t-isa. ‘Yong mga panahong una kong naramdaman na gusto ko pala siya.

“Destiny is more powerful than soulmate,” nakangiting tugon niya.

“Paano mo naman nasabi?”

“Wala lang. Sinabi ko lang para mabaling naman ang atensiyon mo sa iba,” seryosong tugon niya. “Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Paul o hindi, eh. Umaasa ka lang sa kanya kahit hindi mo alam kung babalik pa ba siya o hin—“

“Nandito ata si Nelle,” putol ko sa kanya. “Demi, nandito ata si Nelle,” pag-ulit ko pa.

“Nelle? ‘Yong bitch na inagaw si Paul sa’yo?” Tumango lang ako bilang sagot. “Paano mo naman nalaman? Nakita mo?”

“Hindi. Pero nakita ko ‘yong bookmark sa library, may pangalan niya.”

“Huh? Hello?! Sa laki ng populasyon ng Pilipinas, malamang marami siyang kapangalan dito!”

“Iba kasi ‘yong pakiramdam ko, eh,” saad ko pa habang umuupo sa tabi niya.

“Oh ano naman kung nandito siya? Tsaka malay ba natin kung deads na siya, ‘diba?!” mataray na tugon niya sa akin. “Sabi nga ni Ate Mhina, malala na ang sitwasyon niya kaya nga sila umalis ni Paul.”

FLASHBACK

July 2012

“Umiiyak ka na naman ba?!” sigaw sa akin ni Demi nang makita niyang nag-iisa ako sa room at tila katatapos lang magpunas ng luha. “Jusko naman, Ali! Hindi pa ba ubos?”

“Hindi ko nga rin alam kung kailan mauubos,” natatawang tugon ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at saka inabot sa akin ang tissue na lagi niyang dala. “Thank you.”

“Ang mahal na ng nagagastos ko sa mga tissue ha!” biro pa niya.

“Nanaginip kasi ako kagabi. Napanaginipan ko siya at si Nelle.”

Ikinuwento ko kay Demi na sa panaginip ko ay nakita kong masayang magkasama sina Paul at Nelle sa ibang lugar. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang nangyayari ngayon dahil up until now, hindi ko pa rin alam ang totoong dahilan kung bakit umalis sila Paul.

“Sa tingin ko talaga, magkasama ‘yang si Paul at Nelle, eh,” pahayag ni Demi nang matapos akong magkwento.

“Oo, magkasama sila.” Napatingin kami kay Ate Mhina na papalapit sa amin. “Magkasama sila sa Singapore dahil doon inoperahan si Nelle.”

“Inoperahan?!” gulat na tanong ni Demi. Ako naman ay hindi na nagulat dahil alam ko naman ang tungkol sa sakit ni Nelle.

Umupo si Ate Mhina sa tapat namin ni Demi at tila nag-iisip kung paano sisimulang ipaliwanag sa amin ang lahat.

“Pasensiya ka na Aaliyah kung hindi ko agad sinabi sa’yo. Ang akala ko kasi ay mas makakabuting hindi mo alam. Pero sa tuwing nakikita kitang umiiyak, hindi ko mapigilan ang sarili ko na ipaliwanag sa’yo ang lahat,” panimula niya. Nanatili lang kaming tahimik ni Demi at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

“Noong nagpunta si Nell eng France last December para gawin ang last therapy niya ay hindi niya iyon tinuloy dahil wala si Paul sa tabi niya,” pahayag niya habang nakatingin sa aking mga mata. “Nang bumalik siya dito, nag-away sila ni Paul dahil sa mga kasinungalingang sinabi sa’yo ni Nelle noon. Nag-collapse si Nelle matapos nilang mag-away at na-confine ito sa hospital. Napag-alaman ng mga doctor na kumalat na ang cancer cells sa utak ni Nelle at may ilan pang mga bagong lumabas na tumor sa utak niya,” paliwanag pa niya.

Napakasakit siguro ng nararamdaman ni Nelle noong mga panahon na ‘yon.

“Gustung-gusto na siyang paoperahan ng mga magulang niya pero ayaw ni Nelle dahil hindi niya kasama si Paul,” pagpapatuloy niya. “Kaya kinailangang kausapin ng parents niya ang parents ni Paul. Since nagkataon rin naman na may ino-offer na business sa Dad ni Paul doon ay pumayag ang mga ito.”

“Ibig mong sabihin, Ate Mhina, si Nelle talaga ang dahilan kung bakit umalis si Paul?” tanong ni Demi.

Tumango naman si Ate Mhina bilang sagot. “Noong una ay ayaw pumayag ni Paul sa gustong mangyari ng parents niya. Noong gabi ding iyon ay nagpunta siya sa bahay nila Nelle dahil sa sobrang galit niya. Pero nang makita niya si Nelle ay tila nawala ang lahat ng galit na iyon. Bigla siyang naawa rito,” buntong-hiningang pahayag ni Ate Mhina. Bumakas sa mukha niya ang pagkalungkot, marahil ay dahil iyon sa kababata niyang pareho sina Nelle at Paul. “Naisip niya na hindi niya dapat sirain ‘yong pangako niyang aalagaan niya si Nelle.”

“Kailan inoperahan si Nelle?” tanong muli ni Demi. “May balita ka ba kung magaling na siya?”

Ako naman ay tila natameme na nang dahil sa mga nalaman ko mula kay Ate Mhina. Ganoon pala kahirap ang naging desisyon ni Paul. Kinailangan niyang i-sacrifice ang buhay nila dito sa Pilipinas para kay Nelle.

Piniling niyang iwanan ako para sa buhay ni Nelle. Hindi ko masisisi si Nelle kahit gustuhin ko. Kasi hindi rin naman niya kasalanan na magkasakit ng ganoon. Pero bakit kailangan pang mamili ni Paul?

Nakita ko ang pag-iling at pagkibit-balikat ni Ate Mhina bilang sagot sa tanong ni Demi. “Ang alam ko ay inoperahan agad si Nelle pagdating nila sa Singapore. Wala akong balita sa kanila kung naging successful ba ang operation o hindi.”

“So may possibility na…”

“Demi, huwag kang mag-isip ng ganyan,” putol ko sa sasabihin niya. “Ipagdasal na lang natin na sana ay naging successful ang operation niya.”

END OF FLASHBACK

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
1.4M 28.6K 15
Binalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng takot nang...
7.1K 364 60
"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25...