Calming The Wild Heart ✓

By Bubblemiiint

3.6K 169 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro- a person who lived in anger because her father left her. There isn't a day tha... More

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 29

35 2 0
By Bubblemiiint

Chapter 29

Nandito ako ngayon sa faculty room dahil inutusan ako ni Sir Canlas na ibalik ang laptop niya pansamantala doon. Breaktime kasi ngayon kaya lang saktong nakita ako ni Sir Canlas kaya nakiusap siya sa akin na dalhin ang laptop niya sa faculty room. Di na rin ako tumanggi dahil ayoko namang di siya sundin.

Nasa 3rd floor ang faculty room na katapat ng library kaya nung dumating doon ay kumatok ako sa pintuan dahil ayoko namang pumasok agad agad.

"Ano po ang atin?"bumungad sa akin ang isang middle age na teacher na nakasalamin pa.

"Pinapalagay po ni Sir Canlas yung laptop po sa faculty room."tipid na sagot ko habang nakatingin ako.

"Sige pasok ka hija ,"she smiled sweetly then I nodded my head. Pumasok na nga ako sa faculty room at hinanap ko ang desk ni Sir Canlas. Di naman mahirap hanapin ang desk niya dahil may pangalan ang bawat table.

Nang mailagay ko na ang laptop sa table niya ay napansin ko madami-daming gamit pala si Sir Canlas dito. Puro mga folder na sa tingin ko ay mga folder ng mga estudyante niya. Naaalala ko na nagpapasa pala si Sir Canlas ng mga concept note nung nakaraan. Naibalik na samin yung mga folder namin kaya siguro yung mga nakita ko dito ay yung di pa niya nachechekan.

Napagdesisyonan ko na maglakad palayo sa table ni sir para tumungo sa teacher na ngayon ay may sinusulat.

"Alis na po ako ma'am."magalang na sabi ko.

"Sige lang hija. Salamat."lumingon siya na nakangiti saka niya ibinaling ang tingin sa sinusulat niya.

Nang makalabas na ako ng faculty room ay tahimik akong naglalakad at naisipan kong dumiretso sana sa restroom nang may marinig ako na nag uusap na kinatigil ko sa paglalakad.

"Diba kaibigan ni Gallianna yung Isabelle? bakit naman ganun? tinotolerate ni ate girl ang pagiging mang aagaw ni Isabelle!"halos maestatwa na lang ako sa kinakatayuan ko na marinig ang pinag uusapan nila.

Ano ang ibig sabihin nila?

"I wonder baka mang aagaw din si Gallianna kaya naging sila ni Bryle! shet mhie ,buti na lang may nagkalat ng video yung tungkol sa pakikipagcheat ni Chevy kay Kersley at ang malala pa nahagip pa si Gallianna doon!"pagpapatuloy nila.

Di ko alam ang gagawin ko sa oras na yon. Kumalat na sa balita ang pakikipag cheat ni Chevy? Nalaman na si Isabelle ang puno't dulo?

"Magbestfriend sila syempre ,sila sila din naman ang magkakasunduan niya e ,"napahalakhak sila hanggang sa nalagpasan nila ako.

Di nila siguro napansin na nandito ako at nakikinig ako sa mga sinasabi nila.

Nang di ko na makita ang dalawang babaeng estudyante ay dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko. Pagbungad pa lang sa screen ko ay mga message ni Cindy sa akin na dahilan na paglaki ng mata ko.

Cindy Hermosa:

Gallianna ,may nagaganap na gulo dito sa cafeteria at involve si Isabelle!

May kumakalat na video na nakipag cheat si Chevy kay Kersley at ang malala pa nakasama ka doon sa video!

Fuck! No way....

Magtitipa sana ako ng reply kay Cindy na may tao sa harapan ko kaya napatigil ako at unti unti akong tumango. Nanlaki ang mata ko na napagtantong si Isabelle ang nasa harapan ko ngayon.

"Isabelle.."

"It's all your fault bitch!"nagulat na lang ako na bigla niya ako isinugod at sinampal niya ako ng malakas na kinatulala ko ng sandali ,"Ikaw ang puno't dulo kung bakit nalaman ng lahat ang tungkol samin ni Chevy! Ikaw ang sisisihin ko sa lahat lalo na't sinugod ako ni Kerlsey sa cafeteria!"

Unti unti ako tumingin sa kanya. So kasalanan ko pa pala nahuli sila?

"It's not my fault Isabelle!"I reasoned ,"Di ko alam! bat ako sinisisi mo sa kasalanan mo?"

"Ikaw ang nagplano nito para malaman ng nasa campus ang patagong relasyon namin ni Chevy! Ikaw ang tanging alam kong may galit sa akin kaya wag ka na diyan magkunwari na wala kang alam well in fact ,may kinasabwat kang tao para videohan kami!"pambibintang niya na kinalaglag ng panga ko.

What the hell?

"Wala akong kinalaman dyan! At kahit kailan wala sa isip kong siraan ka!"hindi ko alam kung bakit niya ako sinisisi kung bakit nalaman ni Kersley yon ,"Hindi ganon ka-kitid ang utak ko para masira ka! Wala akong panahon para pakialaman ko kayo dahil ayokong mainvolve ako!"

Di ko alam kung sino ang nasa likod ng lahat ng kaganapan ngayon pero sinisugurado ko na wala akong kasalanan! Di ako mismo nagpakalat ng video yon at mas lalong di ko pinagkalat kung ano man ang nalalaman ko tungkol sa kanila dahil wala ako sa posisyon para pakialaman sila sa ginagawa nila!

"I don't believe you!"sigaw niya saka niya ako sinugod. Sinabunutan niya ang buhok ko kaya di ako nakabwelo dahil sinimulan na niya ako sabunutan. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang malakas siya ,"Wala kang kwentang tao! Wala kang kwentang kaibigan! Ang sama sama mo!"

"Let me go!"sigaw ko kahit namimilipit na sa sakit ang buhok ko ay pinipilit ko siyang itulak.

Wala ako panahon para patulan siya!

"Di kita bibitawan ,papatayin kitang hayop ka!"

Di na ako makapagsalita dahil sa sakit na ginagawa niyan. Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa ulo ko pero sadyang matigas. Ayoko siyang patulan dahil puro galit ang nasa isip niya.

Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko ,nahihilo na rin ako dahil sa pananabunot sa akin ni Isabelle. At wala man ang katao-tao dito para pigilan man lang kami sa away na 'to.

"Gago ,pre may away dito. Tawagan natin ang SSG!"yun lang ang narinig ko kaya pinilit ko siyang itulak at nagawa ko naman yon.

Natumba siya at ako naman ay napaupo. Pero kalaunan ay pinilit kong tumayo at kinuha ko agad ang cellphone ko na nahulog sa sahig. Tatakas sana ako na biglang hawakan ni Isabelle ang kaliwa kong paa.

"You can't run away from me! You will die before you do that!"she screamed out.

"Let me go!!"sigaw ko at pinipilit kong inaalis ang kamay niya sa paa ko pero masyado siyang malakas. Pinilit niyang tumayo at nagulat na lang ako na malakas na naman niya ako sinampal.

Fuck! Gusto kong makatakas!

Napatulala ako dahil sa lakas ng sampal niya. Muntik pa ako nawalan ng balanse dahil sa natamo kong sampal pero agad niyang hinawakan ang buhok ko kaya napatayo ako ng tuwid. Unti unti ng lumalandas ang luha ko sa pisngi ko hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa pamimilipit ko sa sakit na natamo ko.

Kasalanan ko ba talaga kung bakit nangyayari ito?

Ako ba ang puno't dulo nito?

Kaya ganito na lang magalit si Isabelle sa akin dahil ako naman talaga ang may kasalanan?

"Wala kang kwentang kaibigan Gallianna!"she said with tremble voice ,"Nagsisisi ako kung bakit pa kita nakilala kung ganito lang ang gagawin mo sa akin! sinira mo ang buo kong pagkatao!"

"H-hindi ko k-kasalanan..."nanghihina na sabi ko. Wala na akong boses dahil napapagod na ako ipaglaban ang sarili ko.

"Liar! mas mabuting mamatay ka na lang kaysa makita pa kitang humihinga!"dahil sa sinabi niya ay awtomatikong nanlaki ang mata ko.

Ano ang gagawin niya?

"Ano gagawin mo-"di ko na natapos ang sasabihin ko na marahan akong itinulak ni Isabelle. Dahil sa pagkagulat ay biglang na lang tumama ang noo ko sa hagdanan na dahilan na pagkahilo ko. Dahil doon ,nagpagulong gulong ako sa hagdanan at wala na akong boses para sumigaw muli.

Hanggang sa......bumulagta na ako sa sahig. Unti unti na ako nanhihina at nagiging blurred na ang paningin ko.

Katapusan na ba ng buhay ko?

Did I reach my dream?

Eto na ba ang karma ko sa lahat ng mga kasalanan ko?

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako ,gusto ko na magpahinga kung dito na lang matatapos ang buhay ko.

Unti unti na pumipikit ang talukap ng mata ko dahil di ko na kaya na bumangon sa pagkakabagsak ko.

"Gallianna!"I heard familiar voice before I got passed out.

☞⁠ ̄⁠ᴥ⁠ ̄⁠☞

"Is she very okay?"

I heard a familiar voice so I slowly opened my eyes. Even though I was still feeling weak, I forced myself to open my eyes. My vision was still blurry so I felt a headache. When my vision was clear, I almost frowned when I noticed that all I could see was white.

Nasaan ako?

Nakita ko ang pigura ni Bryle na nakikipag usap sa isang doctor. Nasa ospital ba ako ngayon?

Pinilit kong tumayo pero bigla na lang ako napasigaw na biglang sumakit ang ulo ko. Nang dahil sa sigaw ko ay napatingin banda si Bryle sa akin bahagyang nanlaki ang kanyang mata.

"Gallianna!"mahinang sigaw niya at lumapit siya sa akin ,"Are you okay babe?"

Di ko siya sinagot bagkus ay humawak ako sa noo ko dahil sa sobrang kirot. Ano ba nangyayari sa akin?

"Mabuti at nagkamalay ka na Ms. Navarro."saad ng isang doctor kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit po ako nasa ospital?"nanghihinang sabi ko. Di ko na alam kung anong dahilan at nandito ako ngayon sa ospital.

"Wala ka bang naalala sa nangyari sayo?"tanong sa akin ng doctor at mabagal akong umiling ,"Masyadong naapektuhan ang ulo mo dahil sa pagkakatulak sayo. Mabuti na lang at nagkamalay ka na ,may posibilidad na hindi ka na magising dahil sa pagkaka aksidente mo."

Nang marinig ko kay Doc ay halos mamutla ako na maalala ang pagkakatulak sa akin ni Isabelle. Di ko inaasahan na magagawa ni Isabelle sa akin ang bagay na yun na muntik pa mapahamak ang buhay ko.

Ipinaliwanag pa sa akin ni Doc ang lahat lahat at halos mapakagat na lang ako ng labi dahil sa mga pinagsasabi niya. Kung hindi pa daw ako magising ,baka sa morgue na ang bagsak ko.

"Four days kang walang malay dito ,"nagsalita si Bryle kaya napatigil ako sa pag iisip ko ,"Halos umiyak na si Tita Carmela sa sinapit mo. Wala siyang kaalam alam na muntik ka ng mamatay dahil pinakiusapan ko si Doc Villanueva na ilihim ang resulta sa lagay mo."

Walang emosyon ang mukha niya ng tinitigan ko siya ,nakaramdam ako ng kaba dahil parang di ko kilala ang nasa harapan ko ngayon.

"Gusto kong i-drop sa MSU si Isabelle sa kalagayan mo."halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya ,what?"Di ko palalagpasin ang ginawa niya sayo na dahilan kung bakit nandidito ka sa ospital—"

"No please!"

"What?"lumayo siya sa akin ng bahagya.

"Please ,wag mo na ipag alam sa dean ang nangyari sa nangyari sa amin ni Isabelle ,"mahinang pakiusap ko ,"Hayaan mo na."

"Anong hahayaan lang?"napaigtad ako sa gulat na sumigaw si Bryle. Di ako makapagsalita dahil sa naging kilos niya ,"Hahayaan mo lang si Isabelle sa kabila ng nangyari sayo ha? Ganun ba ang gusto mong mangyari?"

"Bryle—"

"Gallianna ,di ako makakapayag na di madrop yan si Isabelle!"he said angrinly ,"Let me just remind you that she is the reason why you almost died! Muntik ka na niyang patayin! Di ko hahayaan na walang consequence ang ginawa niyang kasalanan sayo!"

"Wag mo ng palakihin ang g-gulo Bryle...."emosyonal na sabi ko ,"Alam kong di niya sinasadya ang panunulak sa akin! Galit lang siya kaya ginawa niya yun—"

"Di ko pinapalaki ang gulo Gallianna ,gusto ko lang gawin ang alam kong tama! mali ba ang gusto kong gawin ha?"napansin ko ang butil ng luha sa mga mata niya ,"Nangako ako sayo noon na poprotektahan kita kahit anong oras ,pero di ko nagawang protektahan ka. At yun ang pinagsisihan ko dahil muntik na mapahamak ang buhay mo dahil sa pesteng Isabelle na yan!"

"Please Bryle ,she's still my bestfriend—"

"Funny ,"mapakla siyang natawa ,"Don't defend her will you? Napahamak ka na lahat lahat pinagtatanggol mo pa rin siya!"

Ngayon lang kami nagkaroon ng matinding pagtatalo ni Bryle sa relasyon namin at ang dahilan pa ay si Isabelle. Ayoko lang dumating sa punto na idrop si Isabelle. Naniniwala pa rin ako na di niya sinasadya ang nangyari sa akin.

"S-she's my bestfriend for a-almost 9 years Bryle ,"naiiyak na sabi ko ,"Kaya kahit napahamak ako dahil sa kanya mas pipiliin kong patawarin siya.."

Isabelle is my special person in my heart. Nang dahil sa kanya ,siya ang taong naging sandalan ko sa lahat ng problema ko sa buhay ,siya ang nagligtas sa akin sa kapahamakan noon. Kaya mahirap sa akin na ganito ang naging sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

Agad ko inabot ang kamay ni Bryle ,"Please Bryle ,nakikiusap ako sayo. Hayaan mo na si Isabelle ,wag mo na siya isumbong."

Malamig ako tinignan ni Bryle ,"I don't know Gallianna. Galit ako kay Isabelle ngayon kaya di ko alam kung kaya ko gawin ang hiling mo. I want to protect you from someone who I know will destroy you. But the only thing that hurts me is that you can defend the person who ruined your life."

Umalis na siya sa harapan ko kaya yumuko ako ng marahan. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at doon na lang bumuhos ang luhang na gusto ko nang mailabas.

Mahal niya ako pero...alam kong sa ganitong sitwasyon alam kong ipaglalaban niya to para maidrop out niya si Isabelle. After all ,he's a vice president of student council. At madali sa kanya na mapatalsik si Isabelle sa SMU.

Dalawang araw na nakalipas na nagkaroon kami ng sagutan ni Bryle ,sa dalawang araw na yun ay di niya ako kinausap man lang. Although ,lagi siyang bumibisita dito sa ospital para alagaan ako. Pero ayaw niya akong pansinin! Hindi ko alam kung susuyuin ko siya para mawala kahit papaano yung galit niya sa sagutan namin nung nakaraan.

Bumisita na rin si Mommy at niyakap pa niya ako ng mahigpit at rinig na rinig ko ang matindi niyang iyak. Sobrang nag aalala talaga siya sa akin dahil sa aksidenteng natamo ko. Wala daw siyang alam na may nangyayari na pala sa akin kung di daw siya sinabihan ni Bryle.

Sa tingin ko naman ay walang ka-alam alam si Mommy na dahilan ang lahat na ito ay si Isabelle. Hinayaan ko na lang siya umiyak ng umiyak habang yakap yakap niya ako.

Pinapatahan ko siya para mabawasan ang nararamdaman ni Mommy. Masyado siya nagiging emosyonal kapag nalalagay sa alanganin ang buhay ko.

"Wag ka na po umiyak Mommy ,"mahinang sabi ko habang tinatapik ko ang balikat niya ,"I'm alive ,kaya di mo ko kailangan iyakan. I'm okay."

Kumalas ng pagkakayakap si Mommy sa akin ,"Nag aalala ako sayo anak. Kaya di mo ko masisisi kung ganito ang nararamdaman mo. I don't want to lose you Gallianna.."

I forced to smile ,"Don't worry about me mom ,I'm okay di mo na kailangan mangamba sa akin dahil nakakausap mo ako ngayon."

"Di ko alam kung paano nangyari sayo 'to."she mumbled ,"Please tell me ,sino ang gumawa sayo nito."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko na nakita kong seryoso ang kanyang mukha. Kilala ko si Mommy ,kapag galit siya wala siyang pakialam kung makasakit siya ng tao. Kaya kapag nalaman niya si Isabelle ang dahilan kung bakit nandito ako baka saktan din niya ang tinuring ko kapatid.

"Mom—"

"Inaalam pa po ng MSU kung sino ang nagtulak kay Gallianna."nagsalita si Bryle kaya umawang ang labi ko na nakita kong seryoso siya ,"Walang nakakaalam kung sino ang taong basta na lang po nagtulak sa kanya. Maybe Gallianna's hater?"

Napatingin si Mommy kay Bryle at mabagal na tumango. Hindi ko alam kung pinagtatakpan niya ang ginawa ni Isabelle sa akin para mapaniwala si Mommy sa kanyang mga sinasabi.

Mukha namang naniwala si Mommy sa pinagsasabi ni Bryle kaya nagkaroon ng panatag ang loob ko. Napatingin sa akin si Bryle pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"Okay....gusto ko lang alamin kung sino ang gumawa nito sa anak ko ,"she said gently ,"I'm afraid that I lose my daughter."

Mahigpit ang hawak sa akin sa kamay ni Mommy at ramdam ko na emosyonal pa rin siya hanggang ngayon.

"Tita Carmela ,I would like to apologize you. I promised you before that I would protect Gallianna no matter what happens, but with what happened to her today, I failed you to protect Gallianna."Bryle sincerely apologized my mother.

Di naman niya kasalanan kung bakit ganito ang nangyari sa akin pero parang sinisisi niya ang sarili niya dahil di niya ako nagawang protektahan nung araw na tinulak ako ni Isabelle.

"It's not your fault Bryle ,"tumingin sa kanya si Mommy at nginitian siya ng tipid nito ,"Wag mo sisisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan sa nangyari okay? You did your best para mailigtas ang anak ko ,malaking bagay na sa akin yun."

Tumango si Bryle saka tipid na ngumiti siya. Ang kanyang mata ay napatingin sa akin—kahit alam kong ayaw niya ako ngayon kausapin ,nararamdaman ko naman na concerned pa rin siya sa kalagayan ko.

After all ,he's my boyfriend. I still understand him despite his cold treatment towards me.

Continue Reading

You'll Also Like

183K 5K 94
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
6.2M 209K 40
#1st in werewolf #1st in confessions and fighter #1st in humor #5th in romance Hayley Hood is a 17 year old girl who has gone through so many things...
1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1.7M 54.2K 38
"Let's get rid of this," he releases my hair letting it fall freely His hot heavy breath lingers on my lips and sends shivers down my back. I see him...