Calming The Wild Heart ✓

By Bubblemiiint

3.4K 162 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with... More

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 28

38 2 0
By Bubblemiiint

Chapter 28

Today is a quiz bee competition. Nandito ako sa conference room kung saan gaganapin ang quiz bee. Mas nauna pa si Bryle sa akin kaya nang dumating ako ay nakaupo na siya sa mga upuan. Lahat ng mga kasali sa quiz bee ay pina-excuse sa subject teacher para sa laban na 'to.

Nagreview ako ng maayos kaya alam kong may posibilidad na matalo ko si Bryle. Ilang araw ako nagpuyat para dito kaya panatag ang loob ko na makakasagot ako nito.

Umupo ako sa tabi ni Bryle kaya ngumisi siya sa akin. Inirapan ko siya saka ako humarap—sa white board ay nakita ko ang nga pangalan sa list na kasali sa quiz bee.

Navarro ,Gallianna Arianne L. -Accountancy ,Business and Management

Zendrano ,Bryle Nero I. - Science ,Technology ,Engineering, and Mathematics

Dela Peña ,Christopher A.- Humanities and Social Sciences

Valenciano ,Mary Grace S. - General Academic Strand

De Jesus ,John Pathrick P.- Information and Communication Technology

Salvador ,Kaye Raileen  O.- Home Economics

Nababasa ko pa lang ang list ay napapalunok na ako. Sabi kasi ni Sir Canlas na di nagpapatalo ang ibang strand pagdating sa quiz bee na 'to dahil mga matatalino at achiever din sila—kaya di lang daw si Bryle ang makakalaban ko.

Nag announce na si Sir Canlas na magsisimula na ang laban. Kaya kaming mga participants ay hinanda na ang mga materials na pinadala samin sa quiz bee.

Nang magsimula na ang laban ay talagang na-intense ako dahil sa mga tanong. Napatingin ako saglit kay Bryle na seryosong nakatingin sa harapan. Di niya ako tinapunan ng tingin kaya nakumpirma ko na seryosong seryoso siya sa laban na 'to. Kaya ibinalik ko na ang tingin sa harapan at sinagutan ko ng tahimik ang mga question na nandoon sa projector.

After 1 hour ,natapos din ang laban. Nakahinga ako ng maluwag dahil nawalan ang kaba ko. Umaasa akong mananalo ako laban kay Bryle pero nagkamali ako. Nang makita ko ang result ay napabuntong hininga na lang ako.

STEM- 48/50

ABM- 46/50

HUMSS- 40/50

GAS- 38/50

ICT- 35/50

HE- 32/50

Sayang ,3 points na lang kaya ko na malagpasan si Bryle! Talagang ginalingan niya ang pagkakataon na 'to.

Napatingin ako kay Bryle at malaki ang ngiti sa mga labi niya na makita ang resulta. Dahil doon ay napatingin siya at ngumisi pa siya sa akin. Sumenyas siya na bawi na lang ako next time.

Di na rin masama dahil kahit papaano 2nd place ang ABM. Ngumiti na lang ako ng tipid kay Bryle senyales na masaya ako na nanalo siya sa quiz bee.

I'm so proud of you ,babe.

"Congrats babe!"sabi ni Bryle sa akin habang papalabas pa lang kami ng conference room. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napanguso ako at kalaunan ay niyakap ko na rin siya.

Nang kumalas siya ng pagkakayakap ay hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot na naman niya ako.

"Congrats din sayo! Akala ko pa naman matatalo kita dito. Di pa rin pala."I pouted then he chuckled softly.

"Di ako magpapatalo sayo."he smirked.

Naputol ang pagtitinginan naming dalawa na makita naming si Sir Canlas na lumalapit samin na may ngiti sa mga labi.

"Hindi ba ako nakakaistorbo sa inyo?"tanong niya sa amin at sabay kaming napailing ni Bryle.

Sir Canlas is my adviser—the business math teacher. He's the head of ABM department in the campus. Kaya kapag may event dito sa school  ay siya ang nag announced ng mga activities na pwede salihan ng mga ABM students.

Six years pa lang nagtuturo si Sir Canlas dito sa MSU kaya ang edad niya ay wala pa sa 30s kaya may mga estudyante na nagiging kaibigan dito dahil mabait and approachable din siya.

"Hindi naman ho sir.."Bryle said.

"Okay ,akala ko nakakaistorbo ako sa inyo..."napakamot ng ulo si Sir Canlas ,"But anyway ,congrats both of you! lalo ka na Gallianna ,alam kong biglaan na isinali kita dito pero kahit papaano ay nakipag-participate ka pa rin sa quiz bee."

Tipid akong ngumiti ,"No problem ,sir. Masaya ako na isinali niyo ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon para makalaban ang top 1 ng STEM."

Hindi ko kaya ang talino ni Bryle kaya masasabi ko na proud na proud ako sa boyfriend ko dahil nagagamit niya talino niya para makapag-inspirasyon sa ibang tao para magsikap.

"That's good!"he said calmly ,"And of course ,Bryle I'm so proud of you! Itinaas mo na naman ang bandera ng STEM. Sure na sure ako proud ang mga teacher mo ,pagpatuloy mo lang yan!"

"Of course Sir Canlas ,talagang ginalingan ko po dahil makakalaban ko ba naman yung girlfriend ko."pagmamalaki pa ni Bryle kaya natawa na lang si Sir Canlas sa kanya.

"Stay strong kung ganon!"he chuckled ,"Yon lang ang gusto kong sabihin sa inyo sa ngayon. Congrats!"sabi niya pa at bago siya umalis sa harapan namin ay tinapik niya ang balikat ni Bryle.

Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa room dahil tapos na rin naman ang quiz bee. Nagpaalam na ako kay Bryle na magkita na lang kami pagka-uwian.

Pagkadating ko pa lang sa room ay lumapit agad sa akin si Kevin at nakangiti pa siya. Makikibalita lang 'to kung sino nanalo sa quiz bee eh.

"Sino nanalo Gallianna? Natalo mo ba top 1 ng STEM slash boyfriend mo?"tanong niya at nakatingin lang ako sa kanya.

Napako ang tingin ko kay Isabelle na nahuli kong nakatingin sa akin. Hmm ,ano kaya ang problema na naman niya at ganyan na naman siya makatingin?

"Hey ,tagal mo sumagot!"bumalik ang tingin ko na marahan pitikin ni Kevin ang kaliwa kong pisngi.

"STEM ang nanalo sa quiz bee."tipid na sagot ko.

Napakunot ang noo ko na napansin parang dismayado si Kevin sa nalaman niya.

"STEM ang nanalo? tsk! dapat ABM! ano ba yan Gallianna ,jowa mo lang yung kalaban mo ibinigay mo agad!"singhal ni Kevin ay nginisian ko lang siya.

"2nd place ang ABM kumalma ka! di ko lang nalagpasan ang score ni Bryle."I sighed ,"Tsaka sobrang competitive ni Bryle—talagang sineryoso niya ang quiz bee."

Although ,nakaka challenge kalabanin si Bryle dahil top 1 siya ng STEM sa Grade 12. Magandang labanan yon kapag ako ang naging kalaban niya dahil Top 1 ako ny buong ABM sa Grade 12.

Masyadong active si Bryle kapag may paligsahan sa school. And take note ,palagi pa siya nanalo mula elementary hanggang senior high dahil nakita ko ang mga award niya sa loob ng kwarto niya at sobrang dami certificate ,trophy at medal sa loob ng kwarto niya.

I wonder kung ano ang sikreto niya kung bakit ganun siya katalino?

I'm sure Tito Fredrick is very proud of Bryle.

Nang uwian ay kasabay ko si Bryle at naisipan niya pumunta ng Mcdo para kumain doon. Pumayag na rin naman ako dahil siya naman ang masusunod dahil may kasunduan kami na kung sino ang mananalo sa quiz bee siya ang manlilibre at siya pipili kung saan kakain.

At Mcdo ang naisipan niyang kainin namin.

Pagtapos namin magdate doon ay hinatid na niya ako sa bahay dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho. Bago pumasok sa bahay ay pinugpog ko ng halik ang pisngi niya.

"Ingat ka ha?"I said then he nodded before he kissed my soft lips.

"I will."

On the next day ,nagkaroon kami ng quiz sa Accounting kaya pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Panay reklamo din si Kevin sa akin dahil baka maging zero ang quiz niya doon dahil baka mali ang pagkakabalance niya.

Di rin ako sure kung makaka-perfect ako dahil ako mismo ay di ako sure sa mga pinagsasagot ko. Di ako gaano katalino pagdating sa number kaya di ko masasabi kung makakaperfect ako.

Pero mukhang scam ang pinagsasabi ko kay Kevin dahil nang maibalik na ni Mrs. Lopez ang papel ay laking gulat ko na isa lang ang mali ko.

"Ang scam mo talaga Gallianna ,sabi mo di mo sure mga pinagsasagot mo tapos ganyan! Isa lang mali mo!"singhal ni Kevin sa akin.

Tinignan ko ang papel niya at tatlo lang ang tama niya. Napakagat na lang ako ng labi dahil kahit papaano may tama siyang sagot.

"Malay ko ba! di naman ako gaano kagalingan sa accounting at ayoko namang maging mayabang sa harap mo."pagdadahilan ko pa.

Di ako matalino pero kaya ko makaintindi. Pero sa lahat ng subject na tinake ko sa ABM ay accounting ang pinaka mahirap sa akin kaya siguro chamba lang kapag ako ang highest.

"Sana kumopya na lang ako sayo ,kaysa pinapahirapan ko pa ang utak ko sa accounting tapos tatlo lang pala ang tama ko."bulyaw niya pa kaya natawa na lang ako.

"Tatakpan ko ang papel ko para sayo ,"I smirked ,"Para di ka makakopya."

When the breaktime came ,I didn't go with Bryle because my groupmates and I had a meeting at Research for the upcoming final defense. Isabelle tried to run away from me but I grabbed her hand tightly so she wouldn't go of me.

Napapagod na ako magbuhat ng pabigat na grupo.

Nakabusangot ang mukha ni Isabelle habang nagsasalita ako sa mga kagrupo ko. Umiirap pa siya kaya napapikit na lang ako. Di ko na lang siya pinansin dahil ayoko idistract ang sarili ko dahil lang sa kanya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagmemeeting ko sa mga kagrupo ko at pinapaliwanag ko sa kanila kung ano ang paghahanda ang kailangan nilang gawin kapag dumating na ang final defense.

"Malapit na ang final defense natin kaya kailangan natin ihanda ang sarili natin. Makakahinga naman kayo ng maluwag kapag nairaos natin 'to."pagpapaliwanag ko sa kanila at nananatili silang nakikinig pwera lang kay Isabelle na nagcecellphone sa harapan ko.

"And sa mga pinapaulit kong part sa inyo ,as soon as possible ay gusto kong isend niyo na sa akin para wala na tayo maging problema okay? May ilang weeks tayo natitira kaya sana maisend niyo agad."sabi ko at nagsitanguan na sila.

Ang hirap maging leader kaya malaki ang naging responsibilidad ko sa subject ng Research dahil Grade 11 pa lang ginawan na ako ng leader kahit di ko pinangarap maghanap ng sakit sa ulo.

"Aralin niyo mga paper natin kapag nakumpleto na. And of course ,ang tanong para pag humarap sa atin ang mga panelist hindi tayo magmukhang tanga."seryosong sabi ko pa. Ayoko mapahiya kay Sir Esguerra ang Practical Research teacher ko last year. Pinagmamalaki niya yung gawa kong research paper at ayokong madissapoint siya.

I dismissed meeting. Kaya mga nagsitayuan na ang mga kagrupo ko. Napatingin na lang ako kay Isabelle na nauna nang lumabas sa library. Well ,ano pa ba aasahan ko sa kanya?

Umalis na rin ako ng library at tumungo sa canteen para bumili ng tubig. Nakita ko sina Lucio at Patricia na magkasama sa isang table—hinahanap ko si Bryle pero mukhang di sumabay sa kanila. Di na ako lumapit doon dahil wala ako sa mood para batiin sila. Pagkatapos kong bumili ng tubig sa cafeteria ay lumabas na ako at tumungo na sa ABM building.

Nang matapos na ang klase ay nakita ko si Bryle na nakaabang na sa gate. Napakunot ang noo ko na mapagtantong may nagbago sa itsura niya. Dahil sa pagiging curious ko ay hinawakan ko ang pisngi niya.

"Hey ,what's wrong?"tanong ko sa kanya.

"Uwi na tayo...."sabi niya at nagulat na lang ako sa ginawa niya na isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

Dahil doon ay di ako makagalaw. Pagod kaya siya?

"Are you tired?"malumanay na tanong ko.

"Yes. Pagod na ako ,gusto ko matulog sa inyo pansamantala."sabi niya pa at napabuntong hininga na ako.

Pagod nga talaga siya. Halata sa boses niya.

"Okay okay wait ,itext ko lang si Mommy.."sabi ko.

Agad kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko habang nakasiksik pa si Bryle sa leeg ko.

Gallianna Navarro:

Hey mom ,dyan muna matutulog si Bryle sa atin. Pagod ata siya kaya magparequest ako na ihanda ang guest room. Thank You.

Carmela:

Sure anak.

"I'm tired...."he whispered.

Pagkarating sa bahay ay talagang dumiretso na si Bryle sa guest room at nakalimutan pa niya magpaalam sa akin. Hinayaan ko na lang siya dahil baka gusto na niya matulog para makapag pahinga.

Kawawa naman siya.

"Ano bang ginawa ni Bryle at ganyan ang inaakto niya?"curious na tanong ni mommy sa akin habang nakatingin siya sa guest room.

"I think he's tired?"napatingin ako kay Mommy ,"May work po siya kapag gabi kaya siguro ganyan siya dahil kulang pa ang tulog niya. Hayaan niyo muna siya makapagpahinga 'mmy ,ako na bahala kumausap kay Tito Fredrick tungkol kay Bryle."

Tumango na si Mommy bago makapagdesisyonan na iwan na ako dahil may niluluto pa siya sa kusina.

KINABUKASAN ay di ko na naabutan si Bryle nang magising ako dahil sinabi sa akin ni Mommy na umuwi muna saglit si Bryle sa bahay para doon maligo. Sabi naman niya kumain naman si Bryle dito bago umalis kaya napanatag ang loob ko.

Pumwesto na ako sa dining area para kumain na ng breakfast. Tapos na kumain si Mommy pinanood niya na lang ako kung paano kumain dito.

"Anak galit ka pa rin ba sa daddy mo?"napatigil ako sa kinakain ko na biglang tanungin yon ni Mommy. Dahil doom ay napatingin ako sa kanya.

Seryoso siya sa sinabi niya at halo tumaas ang kilay ko. Bat niya tinatanong ang bagay na yon sa akin?

"Bakit niyo ho tinatanong?"seryosong sabi ko habang nakatitig sa ako sa kanya.

"Nothing anak ,gusto ko lang malaman kung napatawad mo na ba ang Daddy mo."awkward siyang ngumiti sa akin.

Patawarin? Kaya ko bang patawarin ang unang lalaking nang iwan sa akin? Sa tingin ko di ko kayang patawarin ang siyang dahilan kung bakit nasira ang masayang pamilyang Navarro.

"Wala akong balak patawarin siya mommy ,"diin na sabi ko kaya napalunok na lang si Mommy kung paano ang naging reaction ko ,"Wala sa bokubularyo ko ang magpatawad ng isang cheater."

"Anak—"

"Daddy is a cheater kaya bakit ko siya papatawarin kung ganyan ang ginawa niya sating dalawa? Iniwan niya tayo at pinagpalit niya tayo sa kabit niya!"di ko na napigilan umusbong ang galit ko.

Sa tuwing naaalala ko yun ,naiinis at gusto ko na lang magsisigaw! Malaki ang naging epekto ang pang iiwan niya saming dalawa ni Mommy kaya nangako ako sa sarili ko na hindi hindi ko siya papatawarin!

"Because of him, my childhood was not happy because he is the big reason why people judge me based on what they see in me. Because of him, my behavior changed. So if you ask mom, my only answer is that I can't forgive him."

Hindi ko alam kung anong dahilan kung bat ngayon lang niya binanggit ang tungkol kay Daddy pero sana susunod wag na niya banggitin ang patungkol kay Daddy.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 37.7K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
145K 1K 98
Because BTS world is taking too much space on my phone More than 70 chapters and counting
85.6K 2.7K 29
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
911 104 38
a chance ava and sero are friends when sero finds himself liking his friend, ava ••• solliary, 2024