Calming The Wild Heart ✓

By Bubblemiiint

3.4K 162 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with... More

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 23

39 2 0
By Bubblemiiint

Chapter 23

Lumipas ang tatlong linggo ay naging abala si Bryle bilang isang SSG vice president kaya di ko muna siya inistorbo dahil alam kong marami siya ngayong ginagawa lalo na't sa mga paparating na event next year kaya di ko talaga siya muna inabala.

Sinamahan ako ni Cindy na sumapit ang breaktime. Simula nang makilala ko si Cindy ay siya na ang palagi kong kasabay kumain ng lunch at meryenda at nakakatuwa din siya kasama dahil madaldal at hindi ka maboboringan sa kanya dahil sa dami ng topic na naiisip niya para may mapag usapan lang.

"Sayang ,di natin kasama sina Lucio at Bryle ,"she sighed heavily ,"Sobra talagang busy nilang dalawa kaya kahit sa breaktime di sila sumasabay sa atin."

"Yes ,"I simply said ,"May mga katungkulan sila kaya sobrang abala talaga nila ngayon. But I'll understand ,di naman sa akin big deal kung di natin sila makakasabay sa ngayon."

"But anyway ,ano balak mo sa christmas Gallianna?"she asked then I stopped eating a while ,"Ilang linggo na lang ay christmas na kaya gusto kita tanungin kung ano balak mo."

I bit my lower lip. Wala pa akong naiisip kung anong balak ko sa christmas.

"Well ,I don't have any plans as of now ,"I chuckled softly ,"How about you ,may plano ka ba sa christmas?"

"Oo ,pupunta muna kami ni Mama sa Batangas para doon magcelebrate ng christmas at bagong taon. Kada sumasapit kasi ay doon kami nagcecelebrate and of course ,dinadalaw din namin yung mga ibang kamag anak namin."mahabang saad niya.

"That's good ,balitaan na lang kita kapag may balak na ako sa pasko para aware ka."I said then she laughed.

Maybe ,tanungin ko rin si Bryle kung ano ang balak niya sa christmas para yun na lang din ang gawin ko.

After breaktime ay bumalik na ako sa room at namataan ko na lang si Isabelle na nakatingin ng masama sa akin. Tinaasan ko din siya ng kilay dahil di ko alam kung ano ang problema niya sa akin. Lalapitan ko sana siya pero may dumating na ang subject teacher kaya wala na akong nagawa kundi umupo sa pwesto ko na kung saan katabi ko si Kevin.

Buong klase ay nakinig ako sa mga tinuro ng mga teacher. Minsan ay dinadaldal ako ni Kevin pero di ko siya pinapansin dahil focus ako nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga teacher ko dito sa harap. Di ko naman masaway si Kevin dahil may pagkatigas ang ulo ni Kevin at parang walang siyang kasawaan sa pagiging daldalero niya.

Nagtext sa akin si Bryle na malabo kami magsabay umuwi kaya tinext niya yung driver ko na sunduin na ako dito sa school. Di na ako nagtanong kung ano ang dahilan dahil alam kong abala siya. Sinabi ko na lang sa kanya na magchat siya sa akin kapag tapos na ang ginagawa niya.

Buong biyahe ay nag-scroll lang ako sa facebook para di ako masyadong mabored sa loob ng sasakyan. Nang magsawa ako ay inistalk ko ang timeline ni Bryle. Di na ako nagulat na makita ko ang pagmumukha ko sa featured photo niya.

'My girl ,Gallianna'

I bit my lower lip to stop whatever I was feeling right now. I just saw this now because I don't visit Bryle's facebook account that much—but it makes my heart happy because he is really proud that I am his girlfriend.

Well ,I'm also proud that he became my boyfriend.

"Ano ba nangyayari sayo Gallianna ,ngumingiti ka diyan habang kumakain?"natauhan na lang ako na marinig ko ang boses ni Tita Helen.

Nakatingin siya sa akin at naramdaman kong mariin din akong tinitignan ni Mommy.

"Am I smiling tita?"patay malisya na tanong ko at tumango siya.

"Oo ,laki nga ng ngiti mo parang walang bukas. Ganyan ka ba kapag inlove?"sabi niya sa akin at maya't maya ay natawa siya ,"Sus ,Gallianna wag mo na i-deny huling huli ka na."

Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Magsisinungaling pa ba ako e halatang halata na sa kilos ko.

"Anyway anak ,bakit pala di mo kasabay umuwi si Bryle? At sabi sa akin ni Mang Jose ay nagtext pa si Bryle para sunduin ka sa MSU."napatingin ako kay Mommy na magsimula siya magtanong.

"Oo nga hija ,yun nga sana itatanong ko sayo kanina kaso nga lang nakalimutan ko kung ano itatanong ko."sabi pa ni Tita Helen.

I looked at my mother ,"Busy po masyado si Bryle ngayon sa SSG office kaya di na po niya ako kasabay umuwi. Alam niyo naman po vice president po si Bryle ng SSG council."

"Uh ganon ba?"she asked then I nodded ,"Tinanong ko lang dahil nasasanay na ako sa batang yon na siya palagi hatid sundo mo."

Tipid na lang ako ngumiti kay Mommy. Nanliligaw pa lang si Bryle sa akin noon ,anak na talaga ang turing niya kay Bryle. Kapag di kami nagkikita buong araw ay tinatanong niya sa akin ang dahilan bakit di pumupunta ng bahay si Bryle. Napapairap na lang ako minsan dahil ako ang anak pero unang hinahanap niya si Bryle.

"Anak niyo na nga turing niyo doon e ,malamang masasanay po kayo at palagi niyo pang hinahanap sa akin.."sabi ko at pasimple akong napairap. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa kaya malalim akong napabuntong hininga.

"Don't be jealous anak ,ikaw pa rin naman ang favorite ko..."my mother giggled then I sighed again.

NANG sumunod na araw ay lalo naging abala si Bryle kaya sabi ko sa kanya wag na niya muna siya pumunta sa bahay if busy talaga siya sa responsibilidad niya sa school—muntik pa kami mag away dahil talagang pinagpipilitan niya ang sarili niya na pumunta dito sa bahay para sabay kami pumasok sa MSU.

Pagkarating ko pa lang ng MSU ay nakita ko sina Bryle at Patricia na sabay pumasok sa SSG office na may mga dalang dalang gamit na di ko alam kung ano yun. Ilang minuto ako nakatanaw doon bago ako napagpasyahang umiwas ng tingin.

Maglalakad na sana ako na biglang may nagsalita sa likod ko.

"Di mo ba sila lalapitan man lang?"napatigil ako at di ko mapigilan na lumingon sa likod ko. Nakita ko si Isabelle na nakatingin sa akin na may ngisi sa mga labi ,"Balita ko...masyadong abala ang SSG officer ngayong buwan dahil sa paparating na event next year. And....pansin ko rin di mo madalas kasabay kumain ang boyfriend mo—tanging si Cindy lang ang palagi mong kasabay. Aww ,kawawa ka naman di ka mabigyan ng oras ni Bryle para makasama ka lang kahit sandali."

Sa dami ng sinabi niya ay para sa akin ay walang kwenta. Ano na naman ang problema niya at pinapakialaman niya ang relasyon namin ni Bryle?

"Di naman ako possesive ng girlfriend kung yan ang iniisip mo ,"I calmly said ,"You know ,kung sa tingin mo ay susugurin ko si Patricia dahil magkasama  sila ngayon—doon ka nagkakamali. May tiwala ako kay Bryle kaya wala ako dapat ipag alala."

I trust him so much. That's why it's fine with me if Patricia was with him most of the time the other day and not me. And besides, Patricia and I talked deeply and she even told me that SSG will be busy this month because she knows that I am Bryle's girlfriend.

Napagtanto ko na kahit nararamdaman kong may gusto si Patricia kay Bryle ay di ako natatakot at kinakabahan dahil nakikita ko sa ugali ni Patricia na di naman siya katulad ng ibang babae na desperado.

Patricia respects my relationship with Bryle because she is the one who walks away from my boyfriend when she knows that they are not talking about the SSG meeting.

"Well ,goodluck! sana nga di magiging katulad si Bryle sa ibang lalaki. Alam mo naman.....walang kasiguraduhan kung magtatagal kayo..."ngumisi pa siya sa akin saka niya ako nilagpasan.

I gritted my teeth. Umagang umaga ,sinisira ni Isabelle ang mood ko!

Buong klase ay masama ang timpla ng mukha ko kaya di ko napigilan na sumigaw sa loob ng klase dahil sa sobrang ingay ng mga bunganga nila! Nakakarindi sa tenga na anytime gusto ko na sumabog. Mas lalong sumama ang mukha ko na makita ko pang mukhang nasisiyahan pa si Isabelle na ganun ang sitwasyon ko ngayon!

Fuck ,I'm so very frustrated!

"Sabi sa akin ni Kevin mukhang di maganda mood mo? May nangyari ba?"tanong sa akin ni Cindy nang makalabas na kami ng gate ng MSU.

Napatingin ako sa kanya ,"Nothing."

"Sigurado ka ha ,baka may problema ka na di mo sinasabi sa akin."saad niya pa kaya malakas akong napabuntong hininga.

"Wala lang yun. Wag mo akong isipin ,"I smiled bitterly ,"Nandyan na yung jeep na sasakyan mo. Mauna ka na ,baka maubusan ka pa ng seat."

"Okay ,ingat ka na lang pauwi."she said then she hugged me tightly ,"Goodbye!"

Nang makasakay na si Cindy sa jeep ay kumaway pa ako sa huling pagkakataon. Naghintay ako ng 20 minutes din bago dumating si Mang Jose. Humingi pa siya ng pasensya sa akin dahil natagalan dahil nagtraffic pa kaya tumango na lang ako sa kanya.

Habang nasa biyahe ay malalim ang iniisip ko. Hanggang ngayon ay wala pa ring text sa akin si Bryle simula nang pumasok ako kanina.

Nakakain na kaya siya ng maayos?

Dahil sa sobrang pag alala ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinext si Bryle.

Gallianna Navarro:

Hey ,kumain ka na ba? If hindi pa dumaan ka na lang sa bahay para makakain ka ha ,take care always ,I love you.

Nilagay ko na ulit ang cellphone ko sa bag ko at mariin kong ipinikit ang mga mata ko para makapagpahinga ako habang nandito pa ako sa kotse.

I feel exhausted today! I need to rest.

When I got home ,I was surprised because I didn't see my mother and Tita Helen and only the maids we're here in the house. Where did they go?

"Nasaan ho si Mommy?"tanong ko kay Manang Josephine ,ang mayordoma ng bahay namin.

Lumapit sa akin si Manang Josephine ,"Nagpa-salon po ang Tita Helen at Mommy mo Gallianna ,pero ipinagbilin po ni Ma'am Carmela na di po sila magtatagal."

I nodded softly. Nagpaalam muna ako pansamantala kay Manang Josephine na aakyat muna ako sa taas dahil gusto ko muna magpahinga. Tumango naman siya at sinabi niya na kapag magugutom na ako ay may pagkain naman sa lamesa kaya pagod akong tumango.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko au bagsak na humiga ako sa kama ko. Inilapag ko na ang cellphone ko sa kama at pumipikit na ang mata ko.

Gusto ko muna matulog.

Bigla ako nagising na tumutunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko yun—tumambad sa harap ko na tumatawag si Bryle sa akin.

Tinignan ko ang orasan ng cellphone ko at laking gulat ko na alas onse na. Six hours na ako nakatulog?

Napatingin ako sa suot ko at naka uniform pa ako kaya bumangon ako sa pagkakahiga at sinagot ko na ang tawag ni Bryle.

"Hello..."saad ko sa kanya.

"Naistorbo ba kita love?"tanong niya sa akin.

"Uhmm.. di naman ,bat ka nga pala napatawag?"sabi ko habang nakahawak ako sa tiyan. Nakaramdam ako ng gutom—wala pa naman ako kain simula nang umuwi ako.

Paniguradong lagot ako nito kapag nalaman niyang di pa ako kumakain.

"Let's date tomorrow."he said calmly then my mouth parted.

What? tama ba naririnig ko?

"Pardon? what did you say?"gusto ko ulitin niya dahil baka iba naman yung nasabi niya.

I heard his chuckled softly. Fuck?

"Ang sabi ko i-dadate kita bukas."he sighed heavily ,"Sabado bukas kaya gusto ko lumabas tayong dalawa."

I bit my lower lip ,"Di ka na ba busy kaya inaaya mo ako?"

"Oo ,ilang linggo akong hindi kita nakakasama dahil sa sobrang dami kong ginawa sa SSG office kaya..gusto kong bumawi sayo. Pwede ba yun Miss Navarro?"

I chuckled softly ,"Sobrang formal mo naman Mr. Zendrano ,parang di mo ako girlfriend sa lagay na yan."

"Love na lang kung gusto mo ,"he said then we laughed together on the phone ,"Can you be my date tomorrow love?"

"Yes ,of course ,love."

Continue Reading

You'll Also Like

702K 20.3K 29
Xavier a Playboy billionaire became one of Doctor Emma patient. She doesn't like him a bit since she hate man like him whose playing a woman heart ea...
147K 2.5K 25
In new moon when Edward leaves Bella. The cullens are in England, When the door bell ring Carlisle answers it. There in baskets are five little babie...
945K 83.6K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
79.1K 2.1K 20
Lauren just moved to Castle Rock, she's looking for friends, but what she finds is much better. She meets four boys that will change her life forever.