Calming The Wild Heart ✓

Oleh Bubblemiiint

3.4K 162 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with... Lebih Banyak

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 20

49 2 0
Oleh Bubblemiiint

Chapter 20

Habang lumilipas ang linggo ay unti unti ko na nakikilala kung anong klaseng tao si Bryle. Si Bryle ang tipong manliligaw na lahat gagawin para mapasaya lang ang babaeng mahal n'ya-kahit ang corny man n'ya tignan ay parang wala s'yang pakialam basta mapasaya n'ya lang ako.

One time ,nagbigay pa s'ya ng red rose sa kalagitnaan ng breaktime namin. Kahit nung oras na yun ay maraming estudyante ang nakatingin saming dalawa dahil nasa stage kami at doon n'ya pa mismo binigay yung red rose na binili n'ya pa sa labas ng school. Tinanggap ko na lang din agad dahil naiilang na ako sa titig ng mga estudyante na parang sinasabing tanggapin ko na lang dahil sayang naman ang effort ni Bryle kung di ko tatanggapin.

"1 red rose for you Gallianna."bigla na lang inabot ni Bryle ang red rose na dala n'ya. 15 rose na ang natatanggap ko galing sa kanya.

"Bumili ka na lang kaya ng buong red rose? tutal lagi mo naman ako binibigyan?"nakataas ang kilay ko na magkaharap na kami.

Nandito kami sa cafeteria sa time ng breaktime at kasabay ko na naman s'ya kumain. Wala sina Cindy at Lucio dahil may pinuntahan silang dalawa dito na di namin alam. Di na lang namin inalam dahil baka nagkakadevelopan ng feelings yun at makikisingit pa kaming dalawa para sa love story nila.

"Wala pa akong pera about d'yan Gallianna ,"he chuckled ,"Di kita mabilhan buong red roses ngayon kaya pa isa isa na lang muna ang binibili ko para sayo. 10 pesos lang naman yan sa labas ng school kaya afford na afford ko."

"Kahit wag mo na ako bilhin ng isang red rose ,di naman ako maluhong babae."I clearly said.

"But even so-I still want to buy you a red rose everyday. This is the only afford I can give you as your suitor Gallianna. I want even if I'm poor, I can give you something that I know will make you happy."habang sinasabi sa akin ni Bryle yun ay di ko alam bat ako nakaramdam ng kalungkutan sa puso ko.

Ewan ko kung bakit pag nagsasalita si Bryle nararamdaman ko parang naiiyak ako.

"Bryle..."

"Minsan napapaisip ako kung tama ba ang desisyon mo na pinayagan mo ako manligaw."napailing na natawa s'ya ,"Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa mga taong nagkakagusto sayo feeling ko sila pa ang panalo. Puro mga mayayaman ang nagkakagusto sayo kung hindi isang anak ng businessman-anak naman ng pulitiko. Pero ako-normal na tao lang ako. Anak ako ng dating taxi driver lang kaya nakakapagtaka na pinayagan mo agad ako ligawan ka."

"Eh ikaw ang gusto ko may magagawa ba ang nanliligaw sa akin noon?"diretsong sabi ko kaya halos tumahimik na tumingin sa akin ,"Mga nanliligaw sa akin noon mga siraulo at parang walang mga pangarap sa buhay ,"except na lang kay Dennis-kahit papano matino at may pake sa acads ,"At ayoko sila sagutin dahil anak sila ng pinakamahusay na businessman or anak ng isang pulitiko na alam ko naman nangungurakot sa taumbayan."

Mas gusto ko sa taong alam kong may mararating sa buhay.

"Bryle ,alalahanin mo na wala sa estado ng buhay ang pakikipagrelasyon sa isang tao. Mahirap ka man o mayaman may karapatan ka pa rin magmahal."I muttered ,"Kaya wag mo mamaliitin ang sarili mo sa harap ko dahil lang isa kang mahirap. Para sa akin.....isa kang mayamang tao dahil ikaw lang ang lalaking kumuha sa atensyon ko."

Kita ko na ngumiti s'ya at mariin napataas ang kilay ko na makitang namumula ang tenga n'ya. Kinikilig ba 'to?

"Okay Gallianna. Just wait for me to a licensed doctor ,I will buy you a lot of roses to tell you that I love you so much."he sweetly said.

"Tagal pa yun ,mahihintay pa ba kita n'yan?"I chuckled softly. 12 years ako maghihintay para mabilhan n'ya ako ng napakaraming rosas.

"Oo naman. I will study hard to reach that situation. I want to fullfill my dreams of being with you first before I give you so many many roses."

Tumango na ngumiti ako sa kanya. Hihintayin ko ang panahong yon Bryle. Naniniwala ako lahat ng pinaghihirapan mo lahat yan ay may kapalit at yon ang maging isang ganap na doctor ka.

"DI ako sasama sayo mommy!"halos mapapadyak ako sa sobrang inis dahil pinipilit ako isama ni Mommy para sa reunion party ng mga Navarro sa La Union ,"Ayoko ng tumapak doon!"

"Gallianna ,iniimbitahan tayo ng lola mo doon dahil ilang taon na tayo di nakakabisita sa kanila. Wag mo namang hayaang paasahin na naman ang lola mo."mahinahong sabi ni Mommy.

Nagsabi ba akong umasa siya sa pagbabalik ko?

"Bakit pa kasi may contact ka pa sa mga angkan ni Daddy mom? Hiwalay na kayong dalawa! dapat wala na kayong connection alin man sa kamag anak ni Daddy!"hindi ko napigilan sumigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Simula na nagalit ako sa Daddy ko doon na rin nagsimulang lumayo ang loob ko sa mga kamag anak ni Daddy. Wala silang kasalanan sa nangyari sa mga magulang ko pero kada nakikita ko ang mga mukha nila naaalala ko lang ang masakit na nangyari tungkol sa pag iwan samin ni Daddy.

"Gallianna!"pinagdilatan ako ng mata ni Mommy kaya tumahimik bigla ako ,"Kahit wala na kami ng Daddy mo dapat matuto ka pa rin makisama sa mga Navarro. Alalahanin mo pamilya pa rin sila ng daddy mo okay? wala silang kinalaman sa hiwalayan namin ng daddy mo kaya sana wag mo naman sila idamay sa galit mo."

"Naaalala ko lang sila. Matagal ko na silang kinalimutan Mommy ,ayoko na bumalik sa La Union dahil alam kong may maaalala na naman ako na alam kong di na babalik sa dati."sabi ko at nang wala na akong sasabihin ay tumalikod na ako kay Mommy at nagpatuloy na maglakad patungo sa hagdanan.

Matagal na ang nakakalipas but still masakit pa rin sa puso.

Pero sa bandang huli ay pumayag na rin ako sa gusto ni Mommy. Kaya kahit ayokong pumunta ay pumunta pa rin kami ng La Union para sa reunion party ng mga Navarro. I was wearing a rose gold halter dress that I paired with the black sandals that Tita Helen had gave me the day before we left Manila to go to La Union for the reunion party.

Sa mansyon ginanap ang reunion party ng mga Navarro. Pagkapasok pa lang namin ni Mommy kanina ay inaabangan na kami ni Lola Marga at niyakap n'ya ako ng mahigpit-wala naman akong nagawa kundi gantihan s'ya dahil ramdam ko naman na gustong gusto n'ya ako makita.

Lola's girl pa ako noon kaya kahit di ko aminin sa sarili ko ay miss na miss ko na ang ganong yakap ni Lola Marga.

Bryle Zendrano:

Hey ,kumusta ang gabi mo?

I am here today on the terrace of Lola Marga's mansion and I can see with my two eyes my relatives who are happily enjoying the reunion party prepared by Lola Marga.

I puffed on a cigarette while looking at Bryle's message that he just chatted with me. Maybe...it's his breaktime at work that's why he only messaged me now.

Gallianna Navarro:

Let's just say...boring?

Kung wala lang trabaho si Bryle sa weekend baka mas gugustuhin ko na lang na s'ya na lang ang makasama ko kaysa dito sa mga kamag anak ko na kokonti lang naman ang ka-close ko.

"Why are you here Ms. Gallianna Navarro? bat di ka bumaba sa terrace na 'to at makisalamuha sa mga iba nating mga pinsan?"napalingon ako kung sinong nagsalita.

It's David. My closest cousin.

"Why do you care David? eh mas gusto ko dito sa terrace kaysa makisalamuha sa mga pinsan na alam ko naman na pinaplastik lang ako."I raised my eyebrow.

Ayoko sa lahat yung mga taong pinaplastik ako. Masyadong masangsang ang amoy at di ko gusto yun. Sa side ng mga Navarro tanging si David lang ang cinoconsider kong pinsan talaga. S'ya ang madalas kong kasama noon sa paglalaro noong bata pa ako.

"Sayang ang pagpunta mo dito sa La Union kung di ka makikipag halubilo sa iba nating pinsan ,"sagot ni David habang may hawak s'yang wine sa kaliwang kamay ,"Look at Tita Carmela-I think...she's enjoying being able to La Union again because of the reunion party."

Tumingin nga ako sa banda ni Mommy at nakita ko nga sa mga ngiti n'ya na mukhang enjoy na enjoy s'ya makipag usap sa mga kapatid ni Daddy.

Nag iisip na ako na kahit hiwalay na sila ni Daddy ay close na close pa si Mommy sa mga Navarro.

"Pinilit lang naman ako ni Mommy na pumunta dito. Di ko gusto na pumunta sa pesteng reunion na 'to mas gusto ko pang magkulong na lang sa bahay."tipid na sabi ko habang ang mga mata ko ay nakatitig pa rin kay Mommy na nakikita kong nakikipagtawanan na s'ya sa kausap n'ya.

"So...kung di ka pinilit ni Tita Carmela di ka talaga pupunta?"he asked then I slowly looking at him.

"Oo ,"I nodded ,"Until now ,ayoko pa rin makita man ang kamag anak ni Daddy. I know ,na wala silang kasalanan sa nangyaring pag iwan ni Daddy saming dalawa ni Mommy pero kapag binabanggit sa akin ang dugong Navarro ko ay nagagalit ako na nasasaktan."

Dapat kay Daddy lang ako magalit pero kabaliktaran ang nangyari. Buong angkan ng Navarro ay kinamumuhian ko na simula nang makatapak ako sa Manila.

"Si Tito Gilbert lang ang may kasalanan ,Gallianna. Hindi buong Navarro ang sinaktan ka. Kaya nga nakapagtataka na simula na maghiwalay ang parents mo... doon mo na rin pinutol ang koneksyon mo sa mga kamag-anak ni Tito Gilbert."I saw his sadness eyes.

Tama naman ang ginawa ko diba? na putulin man kung ano man ang koneksyon ko sa mga Navarro.

"Galit ako sa Daddy ko. Masisisi mo ba ako David?"mapakla akong natawa ,"Gusto ko lang maging perpekto ang pamilya ko. Ni minsan di ko inisip lumaki akong broken family dahil noon alam ko sa sarili ko na di magagawa ni Daddy na gawin samin yon dahil alam ko na galing din s'ya sa isang broken family."

Yes ,galing si Daddy sa isang broken family. Nagkaroon ang pamilya ang kayang ama at simula noon di na n'ya makita ang Daddy n'ya kaya lumaki s'ya sa piling ni Lola Marga.

"Nangako s'ya sa akin na hinding hindi n'ya kami iiwan. Nangako s'ya na hihintayin n'ya akong magkaisip at lumaki! Pero anong nangyari-iniwan n'ya kaming dalawa ni Mommy! Nagmakaawa ako sa kanya na wag n'ya akong iwan dahil di ako sanay na wala si Daddy sa harap ko David!"pasigaw na sabi ko at ramdam ko na nagsisimula na tumulo ang luha ko ,"Pero still ,iniwan n'ya pa rin kami at sumama s'ya sa kabit n'ya!"

Lahat ng galit at emosyon na tinago ko sa halos labing apat na taon ay binuhos ko kay David ang lahat ng mga hinanakit ko para kay Daddy.

"Kaya sobrang hate na hate ko ang apelyido ko David ,"I chuckled ,"Kung ako lang ang masusunod ,mas gugustuhin ko na lang maging Legazpi ang surname ko."

"But still , isa ka pa ring navarro Gallianna ,kahit ayaw mo."his voice calmly ,"Di pa rin lubusang natatanggal sa pangalan ni Tita Carmela ang pagiging isa n'yang Navarro."

Yes ,hanggang ngayon Navarro pa rin ang dalang apelyido ni Mommy. Walang divorce sa pilipinas kaya di matanggal tanggal ni Mommy ang pagiging Navarro n'ya. Kaya kahit gusto ko na magkaroon ng karelasyon si Mommy sa ibang lalaki ay hindi pwede-dahil sa mata ng d'yos ay kasal pa rin s'ya kay Gilbert Navarro.

"Yeah I know ,"I sighed heavily then I puffed my cigarette again ,"Wala bang balak magpakita si Daddy sa reunion party na hinanda ni Lola Marga?"

Gusto ko lang alamin kung dadating ba s'ya o hindi. Para maihanda ko ang sarili ko sa posibilidad na mangyari kapag dumating ang panahon na magkita o magharap kami.

"Hmm ,I'm not sure kung pupunta ba si Tito Gilbert dito ,"he mumbled ,"Ang alam ko....nasa Canada s'ya para sa isang big project na tinanggap n'ya doon."

I nodded softly. Tumingin ako ng mariin kay David. Gusto ko alamin sa kanya kung may pamilya na ba si Daddy simula nung naghiwalay na sila ni Mommy.

Gusto ko malaman kung may kapatid ba ako sa labas.

"Pwede ko bang alamin kung-"di ko na natuloy ang sasabihin ko na biglang may tumawag kay David at ang kapatid n'ya lang pala yun. May binulong yon kay David at kita ko na tumango si David.

"Excuse me Gallianna ,may aasikasuhin lang ako sa baba."paalam sa akin ni David kaya tumango na lang ako.

Naiwan na ako sa terrace kaya napabuga na ako sa hangin. Gusto ko lang alamin ang buhay ni Daddy pero di ata panahon para sabihin sa akin ng mga taong nasa harap ko.

Nang magsawa na ako sa terrace ay bumaba na ako doon para maghanap ng pwede kong pagkaabalahan. Nagsalin ako ng wine sa baso ko nang umupo ako sa table na walang tao. Naghintay ako ng minuto kung may lalapit sa akin na mga iba pang mga pinsan ko pero ni isa walang lumapit sa akin.

May sakit ba akong nakakahawa at ayaw nilang lumapit sa akin?

I chuckled softly. Ano pa bang ineexpect ko?

Dahil sa sobrang inis ay uminom na lang ako ng wine para mawala ang pagkairita ko sa mga taong nasa paligid ko ngayon.

Buong gabi ay uminom lang ako ng uminom ng wine. Malapit ko na ngang maubos ang isang bote ng wine at ramdam ko na rin na lasing na ako dahil sa sobrang dami kong nainom. Pero kahit ganon ,pinipilit ko pa rin ang sarili ko na maubos 'to ng tuluyan.

Nilapitan ako kanina ni Mommy at akala ko kung ano sasabihin n'ya sa akin-yon lang pala binigyan n'ya ako ng pulutan. Masarap daw kasi sa wine kapag may pulutan-napanganga pa nga ako pagkatapos n'ya ako iwan.

Di na rin bumalik si David pagtapos naming mag usap kanina. Kaya ramdam ko talaga na di ako nababagay sa gantong okasyon.

Bryle Zendrano calling....

Nang mabasa ko ang pangalan ni Bryle sa cellphone ko ay pinilit ko idinilat ang mga mata ko. Ramdam ko na kasi ang pipikit na ako dahil sa sobrang kalasingan ko ngayon.

Bumuntong hininga muna ako bago ko kunin ang cellphone ko sa table. Nang makuha ko yun ay sinagot ko ang tawag ni Bryle.

"Hello Gallianna."I heard his sweetened voice.

"Hello baby ko....."nalalasing na sabi ko at hinintay ko ang boses ni Bryle at di ko marinig kaya kumunot ang noo ko ,"Hey ,nandyan ka pa ba?"

"Uh...yes Gallianna. Are you drunk?"tanong ni Bryle.

"Hmm yes? alam mo...sobrang nabobored ako dito. Ako lang ang mag isang nandito sa table. Si David lang ang pinsan kong lumapit sa akin kanina-the rest ang iba ayaw ako lapitan na parang may nakakahawa akong sakit!"

Di ko alam kung bakit naiiyak ako dito habang kinakausap ko si Bryle sa cellphone ko. Naiinis ako sa mga pinsan kong nandito dahil di talaga nila ako nilapitan! Kaya feeling ko tuloy para lang ako multo dahil di nila napapansin ang presence ko!

"Kinakahiya ata nila na nandito ako!"I pouted my lips.

"Wag mong isipin yan. Di lang siguro sila sanay sayo dahil sabi mo nga sa akin na matagal kang di nakapunta ng La Union diba?"sabi ni Bryle kaya napaisip ako.

"Or maybe.....kaya nila ako iniiwasan dahil ayaw nila ako makasama."I chuckled ,"Sino ba naman ang pagtatyagaan makasama ako kung alam nila na ayaw ko silang makasama."

Ganito pala ang feeling kapag di ka pinapansin ng mga tao.

"Kaya mo pa ba ang sarili mo?"pag iiba ng usapan ni Bryle.

"Kaya pa naman."I sighed heavily ,"You know ,I miss you."

Nang sabihin ko yun sa kanya ay narinig ko ang pagtikhim n'ya. I bit my lower lip ,hindi ba n'ya ineexpect na sasabihin ko ang bagay na yun.

"Ganyan ka ba kapag lasing?"he chuckled ,"Ang sweet mo masyado. Di ako sanay."

Di ko napigilan na matawa dahil sa sinabi n'ya. Sa aming dalawa ,siya ang madalas nagpapakita sa akin ng ka-sweetan. Di ako madalas sabihin ang katagang yon dahil di pa ako sanay. Tanging siya lang ang parating nagsasabi sa akin ng 'I miss you at 'I love you.

"Sayo ko lang pinapakita pagiging sweet ko sayo ha ,"I uttered ,"Kaya pasalamat ka lasing ako ngayon dahil nagiging sweet ako bigla sayo."

"Yeah ,I see. Ang cute mo kapag lasing ka."komento niya pa kaya natawa ako ng mahina dahil doon.

Kung nandito lang talaga si Bryle baka sumaya pa ang gabi ko.

"Mahal-"di ko na natuloy ang sasabihin ko dapat kay Bryle na mahagip ng mata ko ang bulto ng katawan ng lalaki na nakikipag usap kay Lola Marga ,"Wait a minute Bryle."

Pinatay ko muna ang tawag ko kay Bryle para malaman kung sinong tao ang kinakausap ngayon ni Lola Marga. Malabo na ang paningin ko kaya napilitan akong tumayo para tignan ng mabuti kung sino yun. Dahan dahan akong naglakad habang dala ko ang cellphone at bag ko.

He looks so familiar!

Napatigil lang ako sa paglalakad na makilala ko kung sino ang lalaking gusto kong makita.

It's Gilbert Navarro!

Nakita ko na yumakap siya kay Lola Marga at dinadamdam niya ang sandali na pagkakayakap niya kay Lola.

Hindi ko alam kung bakit may kirot akong nararamdaman habang tinititigan ko ang Daddy ko sa harapan ko. Matagal na panahon ko siyang hindi nakikita-pero ganon pa rin ang itsura niya. Parang di siya tumatanda.

Alam niya kaya nandito kami ni Mommy?

Matagal akong nakatitig sa kanya kaya di ko napansin na may luhang tumulo sa pisngi ko. Agad ko ding pinahid ang pisngi ko at nang tingnan ko ulit si Daddy ay nagkaroon ng galit ang paraan ng tingin ko sa kanya.

Sana di na lang siya pumunta dito para di na muli bumalik ang traumang iniwan n'ya sa akin noon!

Wala siyang karapatan maging masaya sa kabilang ng lahat ng ginawa niya sa akin at kay Mommy!

Kailangan ko siyang makaharap ngayon para isumbat sa kanya lahat lahat ng mga hinanakit ko sa nakalipas na labing apat na taon! Gusto kong sabihin sa kanya na kinakahiya ko ang pagiging Navarro ko nang dahil sa kanya!

Akmang maglalakad na sana ako patungo kina Lola Marga at Daddy na biglang may humawak sa braso ko. Napatigil ako at unti unti ko binalingan sa nagpigil sa akin maglakad.

Malamig na tumingin sa akin si David habang hawak hawak niya ang kaliwa kong braso.

"What are you doing? bitiwan mo ako!"galit na sabi ko sa kanya.

"Di kita bibitiwan Gallianna. Ngayon pa at alam kong nakita mo na si Tito Gilbert."malamig na sabi niya ,"Nakikita ko sa mga mata at kilos mo na gusto mong sumbatan ang tatay mo. Please don't do this."

"Why do you care David huh? Wag na wag mo akong pipigilan sa gusto kong mangyari! Baka nakakalimutan mo na pinsan lang kita!"nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin ngayon kay David na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa braso ko.

"You're drunk Gallianna kaya mo yan nasasabi. Wag ka na gumawa ng eksena dito-hinding hindi 'to magugustuhan ng magulang mo."pakiusap niya sa akin.

"No! gusto ko makausap ang Tito Gilbert mo!"pinipilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko pero talagang di ko matanggal ,"Ano ba David! bitiwan mo nga sabi ko eh!"

"Listen to me Gallianna! Di kita bibitiwan hangga't di ka kumakalma. Saka mo na lang kausapin ang Daddy mo kapag okay ka na. Pero ngayon-wag muna please."

Bakit iniisip niya talagang gagawa ako ng eksena huh? Iniisip niya bang ipapahiya ko ba ang Tito Gilbert niya dito sa reunion party nila?

Well ,totoo naman.

"Bakit? ayaw mo bang marinig sa dalawa mong tenga ang hinanda kong pagsusumbat sa Tito Gilbert mo ha?"tanong ko sa kanya at di siya sumagot ,"Ayaw mo bang marinig na ipahiya ko sa buong angkan mo ang Tito Gilbert mo-"

"Please stop now ,Gallianna!"pasigaw na sabi niya ,"Bakit ba ayaw mo makinig ha? talagang gusto mo talaga ipahiya ang Daddy mo sa harap ng maraming tao ha yun ba gusto mo?"tumahimik ako sandali dahil sa pagsigaw niya ,"Please Gallianna ,wag mo namang hayaan kainin ka ng galit diyan sa puso mo pwede ba?"

Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Sa tingin niya ba ganun lang ba kadaling mawala ang galit ko? sa tingin niya ba ganun lang kadaling patawarin si Daddy?

"Nasasabi mo lang yan dahil di mo pa naranasan iwan ka ng magulang mo David. Maiintindihan mo rin ako kapag nangyari din sayo yun."mapakla akong natawa ,"Alam mo naman na madali akong magpatawad David-kilalang kilala mo na ako diba? pero etong panggagago samin ni Daddy? di ko kayang patawarin dahil sobrang sakit pa rin hanggang ngayon!"

Dahil sa emosyon na nilabas ko ay may tumulo na ng luha sa mga pisngi ko. Di ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko para sa tatay ko.

"Siya ang unang lalaking minahal ko-pero siya din ang taong sasaktan din ang buong pagkatao ko. He cheated to my mother! he cheated on me! pero siguro tama ka! di na lang ako lalapit kay Daddy para sumbatan ko siya."seryosong sabi ko ,"Wala akong karapatang gawin yon dahil anak niya lang ako! Wala akong karapatan gawin yon dahil matagal na silang hiwalay ni Mommy!"

"Gallianna-"di ko na pinatuloy ang sasabihin ko na padarag akong bumitaw kay David. Nang mabitawan niya ang braso ko ay napatingin siya sa akin. Matalim ang naging titig ko sa kanya kahit may luha dumadapo sa pisngi ko.

"I'll go ahead. Baka ako pa ang dahilan ng pagkasira ng party na hinanda ni Lola Marga."malamig na sabi ko at umalis na ako sa harapan ni David.

Ilang beses akong tinatawag ni David pero di na muli ako lumingon sa kanya. Masakit na ang gabi ko ngayon-ayoko na dagdagan lahat ng sama ng loob ko.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

17M 654K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
1.1M 37.7K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
200K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
85.6K 2.7K 29
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...