My Destiny

By shellywee2003

49.2K 2.6K 10.2K

Our future is shaped by the hands of destiny. Are we destined to love each other, or are we destined to hurt... More

My Destiny
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1 (edited)
CHAPTER 2 (edited)
CHAPTER 3 (edited)
CHAPTER 4 (edited)
CHAPTER 5 (edited)
CHAPTER 6 (edited)
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
FINALE
SPECIAL CHAPTER (l)
THANK YOU ✧*♡.。*•◍*。
SPECIAL CHAPTER (II)

CHAPTER 37

788 57 153
By shellywee2003

IMELDA

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.














Regret? Self-blame, pain, sadness, conscience, doubt?















Napaupo ako at napayuko, kasalanan ko ang lahat... it was my fault. Kasalanan ko na... nasaktan na noon ng sobra sobra si Ferdinand.















I feel like i have to blame my self for everything after kaming nag usap ni Celest kanina.

.

.

.

"C-celest."










"Ano ang ginawa mo dito." walang ka emosyon emosyon na tanong ko.











May bakas na parang pagkatakot at hiya ang mukha nya dahil hindi ito makatingin ng deretso sa aking mga mata.

















Bakit? naalala nya ba kung gaano nila ako niloko ni Ferdinand noon? kung gaano sila naghalikan? Kung gaano ako nasaktan?











At ngayon nagpapakita ulit sya sa akin, para ano? para maulit, ulit ang nakaraan?


















"Month ago, alam ko na nakita at nakausap mo ang anak ko dahil yun ang sinabi nya sa akin, ang pangalan mo." nakayuko na sabi nya.
















Hindi ko maitanggi na maganda pa rin si Celest kahit may anak ka. Maikli na rin ang buhok nito kaya naninibago ako, since ngayon ko lang ulit sya nakita ng nasa malapit sa halos limang taon.













"He said you're pretty." nakangiti na sabi nya.
















"And?" sabi ko, ano naman kung nagkausap kami ng anak nya.















Oo noon, akala ko na galing iyon ni Ferdinand pero nagkakamali lang pala ako.















Pero what if anak talaga yon ni Ferdinand? Susuntukin ko talaga ang lalaking yon!


















"And im worried that... you might think its... Ferdinand's." sabi nya kaya napalingon ako sa kanya.



















"Ano naman kung mag-isip ako ng ganoon? sa ginawa nyo ba namang panloloko sa akin noon, sa tingin mo ba hindi ko kayang mag isip na posible kayong magka-anak dalawa? naghalikan kayo habang wala ako diba, sa iisang kama, kaya wag na wag mong sabihin na worried ka, dahil oo, nasaktan na ako ng sobra noon dahil sa inyo." walang ka emosyon emosyon na sabi ko, napayuko naman si Celest.
















Ayoko man mag tunog-galit, pero hindi ko maiwasan dahil kausap ko ngayon ang babaeng sumira sa amin ni Ferdinand noon.





















"K-kaya nandito ako... i want to talk to you and... apologize." sabi nya sa akin.

















"Five years ago, that picture and everything, a-ako ang may gawa non. Walang kasalanan si Ferdinand don, wala syang kaalam alam don na hinalikan ko sya dahil lasing na lasing sya at tulog sya ng hinalikan ko sya. Noong... nakita mo rin kami sa opisina nya, ako ang humalik sa kanya don because of desperation." sabi nya.

















Hindi ako nakapagsalita, walang ka emosyon-emosyon ko lang syang tinignan.












"Imelda maniwala ka sa akin. I know its crazy, i know im crazy that time, but i did it because of love. Nagawa ko yun dahil mahal ko pa si Ferdinand, at iniisip na inaagaw mo sya sa akin, thinking that he loves you so much more than he loved me. Thinking that he doesn't love me at all, pero ikaw... kitang kita ko ang pagmamahal nya sayo, at hindi ko natanggap yon.

Kaya ginawa ko ang lahat para sirain kayo, i was so toxic and so desperate because of love. Sa panahon na yon alam ko maling mali ako, isa iyon sa pinakamaling nagawa at pinagsisihan ko sa buong buhay ko, na hindi ko dapat ginawa yon." nanginginig at nagsimula nang bumagsak ang mga luha ni Celest habang inaamin ang kasalanan nya.














Hindi ako nagsalita dahil wala akong masabi. Kagagawan nga nya noon ang lahat...













Gusto ko syang sampalin ng paulit ulit pero hindi ko magawa, dahil parang sinuntok ang puso at nararamdaman ko sa mga sinabi nya.












It wasn't Ferdinand's fault... pero galit na galit ako sa kanya noon... and regret hit me of how stupid i am... nasaktan ko ng sobra ang taong mahal ko na wala namang kasalanan, na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng totoo.

















"Forgive me Imelda because i did that... sabihan mo man ako ng kapal ng mukha ko pero humihingi ako ng patawad sayo. Alam ko na hindi madaling humingi ng tawad pero mas lalong hindi madali ang magpatawad. Marami ang naapektuhan dahil doon, lalong lalo ka na at si Ferdinand..." umiiyak na sabi nya.












I swallowed the lump of my throat ng maalala ko na hindi lang kami ni Ferdinand ang naapektuhan, pati na rin ang unborn baby ko na nakuha sa panahon na yon, at isa iyon ng dahilan kung bakit hindi ko pa kayang magpatawad, because of pain. Masisisi nyo ba ako?















"H-hindi lang kami ang naapektuhan ni Ferdinand, Celest. May nawala sa akin ng dahil don... at hindi mo ako masisisi kung hindi ko pa kayang magpatawad ngayon dahil hindi mo alam ang sakit na pinagdaraanan ko. Iniwan ko ang taong mahal ko ng dahil don, at ang pinaka masakit sa lahat ay ang nakunan ako... i experienced miscarriage because of that, nawala ang magiging anak sana namin ni Ferdinand ng dahil doon, ng dahil sa nawalan na ako ng gana sa lahat. It was so painful... until now." tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko habang sinasabi iyon.













Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sobrang sikip sa dibdib dahil sumusumbalik ang lahat ng sugat dito sa puso ko, habang naalala ulit ang nakaraan.













Napatingin si Celest sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Parang may pagkahalong gulat ang reaksyon nya sa mga narinig nya.












"W-what? t-that time you're—"















"Umalis ka na sa office ko Celest. Kahit ano man ang pilit ko, i can't forgive you right now, hindi madali para sa akin at sana naman intindihin mo iyon." pag iba ko sa usapan.















"I-imelda alam ko naman yon, alam ko na hindi mo pa ako mapapatawad pero sana... patawarin mo si Ferdinand. Wala syang kasalanan, but he suffered so much... lalo na noong umalis ka.

Ilang ulit ako pumunta sa kanya dahil humingi ng patawad pero galit na galit sya sa akin, at naintindihan ko iyon.

Pati mga kaibigan namin, pinutol nya na kami sa buhay nya. Galit na galit sya to the point na hindi sya tumigil hanggat hindi kami mahihirapan. At nagawa nga iyon ni Ferdinand, and we know that dapat lang yon sa amin.

Nasaksihan ko kung paano sya nagbago simula noong umalis ka, pati ang posisyon at trabaho nya ay muntik nang mawala sa kanya. Hindi sya pumapasok sa trabaho, pati ang kompanya nila ay naapektuhan, pati rin si Doña Josefa na nag-alala na para sa kanya.

Ang asawa ko ngayon na noo'y hindi nya tinaggap sa law firm nila, pati ang mga empleyado na pinag usapan ka ng masama ay tinanggal nya sa trabaho.

Naglasing sya palagi at hindi na nagawa ng tama ang kanyang trabaho, pinaguusapan sya ng mga tao na nagloko raw ito at babaero pero hindi nya binigyan ng pake.

Antony's family also blackmailed him, na tanggapin ang kaso upang manalo sila, binabalaan sya noon na may mangyaring masama sa kanya kapag hindi nya tatanggapin ang kaso, pero ang ginawa nya ay ang tinulungan ang kapatid mo, hindi sya natakot, i can still remember i heard him saying that he did that for you kahit umalis ka at nasaktan sya ng sobra. Ginawa nya ang lahat sa pagmamahal nya sayo, na kahit ang mundo ay kaya nyang kalabanin para sayo." sabi nya sa akin.












Naikuyom ko ang nanghihina na mga kamay ko at napayuko, mas lalong bumagsak ang mga luha ko.





He did all of that... because of me?









Nasabihan ko sya ng masasakit na salita noon, i blamed him, cursed him, calling him cheater... left him when he needed me... nasasaktan ko sya ng sobra, pero... ginawa nya pa rin ang lahat ng iyon.









Lumuhod si Celest sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.







"A-alam ko hindi mo ako kayang mapapatawad ngayon, pero sana kahit si Ferdinand lang na handang isakripisyo ang lahat para sayo ang patawarin mo. Limang taon akong nakonsensya dahil sa nagawa ko. He didnt cheat, he didnt lie, he is not a cheater. Wala syang kasalanan... gusto kong maayos ang nasira ko at kayo yon. So please forgive him, kahit yun lang." pagmamakaawa nya.













Patuloy na bumagsak ang mga luha ko at tumango.





Mapapatawad ko si Ferdinand, pero ngayon ang sarili ko naman ang hindi ko mapapatawad. I dont even know if i can forgive my self.

.

.

.

Ang sikip sa dibdib, ang bigat sa pakiramdam, i feel like i want to hurt my self. Gusto kong saktan ang sarili ko kahit nasasaktan na ako ng sobra sobra.















Dalat ko lang sisihin ngayon ang sarili ko, blaming my self again. Noon... pinakinggan ko dapat sya, pinagkatiwalaan, naniwala ako dapat sa kanya...
















Nakonsensya ako tuwing iniisip kung gaano nasaktan si Ferdinand ng dahil sa akin, kung gaano nya ginawa ang lahat ng yon ng dahil sa akin. Ang mga napagdaanan nya habang wala ako dito...






Ang lahat ng iyon ng dahil sa akin.










Kung naniwala lang ako sa kanya, kung pinagkatiwalaan ko lang sya, kung hinayaan ko na lang sana na maayos pa kami...











Siguro nabuhay yung magiging anak sana namin, siguro hindi nya napagdaanan ang lahat ng iyon, siguro hindi sya nasaktan ng sobra, siguro... masaya kami ngayon.












"Imelda." boses ni Ferdinand kaya natauhan ako.













Nakangiti itong naglakad papalapit sa akin, na para bang ang saya nya ng makita ako.















"Uuwi ka na? i called you but you didnt answer, i know youre busy. I'll take you home." nakangiting sabi nya.



How can this man...










Parang sinuntok ang puso ko ng nakatayo lang ako, nakatingin sa mga mata nya.







Paano... paano nya nagawang mahalin pa rin ako after what i did, after i leave him five years ago knowing that he didnt cheat, na alam nya sa sarili nya na wala syang kasalanan.














Pero ngayon, minahal nya pa rin ako, he pursue me, like i didnt hurt him.
Ginawa nya pa rin ang lahat para sa akin...











Even though he suffered a lot before because of me.










Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili ko. Sobrang bigat sa pakiramdam.












Umalis ako sa harapan nya, hindi ko kaya ang tignan sya. Because of conscience, pain and self blame.













"Wait. Why..." hinawakan nya ang braso ko at tinignan ako sa mga mata, pero binawi ko iyon at humakbang ulit.












Hindi ko pa kaya ang harapin sya, at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak sa harap nya.

















Humakbang ako ulit ng hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko, at hinarap ako sa kanya.



















"Okay tayo kanina. Imelda, i dont understand you, may problema ba?" sabi nya na seryoso ang mukha na may pag alala.














Ferdinand, its me. Im the problem its me.












Ako ang problema. I was toxic to him, sarili ko lang intindi ko, sarili ko lang pinakinggan ko, sarili ko lang pinaniwalaan ko.














Kaya dapat ko syang iwasan... ako ang problema. Dahil pakiramdam ko im not healthy for him.















Ang unfair para sa side nya, pakiramdam ko ang unfair ko sa kanya.














Takot ako, paano kung ipagpatuloy namin to ay magaya ng dati, na masasaktan ulit sya ng dahil sa akin, dahil ako ang problema.











Kaya ngayon, hindi ko hahayaan na mangyari ulit yon. Masakit man pero dapat ko syang iwasan.










"Why... why are you crying." sabi nya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Ang mga mata nyang katulad noon pag nag alala tuwing umiiyak ako.












Umiling ako at umatras palayo sa kanya, umalis. Napahawak ako sa bibig ko at tuluyang bumagsak ang mga luha ng makapasok ako sa sasakyan.







Im sorry for coming into your life just to hurt you, Ferdinand.












3 days ako na nasa condo lang. Hindi ako lumabas o pumasok sa trabaho.












Ferdinand always send me messages or texts pero hindi ako masyadong nag reply, tinawagan nya rin ako ng ilang beses pero hindi ko sinagot.













Tinanong nya saan ako, sino kasama ko, bakit hindi ako pumasok, pupuntahan daw nya ako pero dinadahilan ko lang na nagkasakit ako at ayokong makahawa.















Pero ang totoo ay iniiwasan ko sya. Maraming rason para dapat iwasan sya.















Nasira ko sya noon dahil hindi ako nakinig sa kanya, the guilt and overthinking things always makes me feel like this.















Galit na galit pa ako sa kanya dati, na nagawa ko pa syang iniwan at hiniwalayan kahit wala naman pala syang kasalanan. Maling mali ako na mas pinili ko ang galit ko kesa sya na hindi ko pinakinggan at pinaniwalaan.







Na pati ang pagbubuntis at ng nakunan ako noon ay hindi ko nasabi sa kanya...


Ferdinand


are you feeling better
now?

are you sure youre okay?

hey

please reply, im worrying.

ilang araw na tayong hindi
nagkikita, i miss you

okay ka lang ba talaga? im here,
you can talk to me,
please?




Sunod-sunod na pag message ni Ferdinand sa akin ngayon.



ferdinand

yes?


wag mo na akong puntahan,
itigil mo na ang pangliligaw sa
akin, stop messaging me,
stop caring for me, iwasan mo na ako. I dont deserve you, you deserve more. Mas may karapatdapat sa pagmamahal mo.
Tigilan mo na ako dahil sa
napakaraming rason.

Please?






Napapikit ako after ko sinend iyon, dapat ko lang gawin to, maybe because i cant take a risk with the person i once hurt before.






Ferdinand

ok.







Pero bakit parang ang sakit, bakit ang bigat sa puso.


















Tumayo ako at nilinis ang kwarto ko, living room, bathrooms, buong unit.












Pero kahit na natapos ko ang lahat ay napaupo ako at napahilamos sa mukha ko, i still feel empty while drowning in my own thoughts, pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko.












Natauhan lang ako ng marinig ang door bell. Tumayo ako para buksan iyon, parcel ko siguro iyon.













Pagbukas ko sa pinto ay napaatras ako.
















"Parcel nyo po maam, jowa nyo ba to? kinukulit po kase ako na sasama pupunta rito kaya wala na akong magawa." sabi ng delivery man, katabi naman nyon ay si Ferdinand.














"H-hindi. T-thank you." tanging nasabi ko sa delivery man at kinuha ang maliit na parcel ko.
















"Thank you Kuya, keep the change na lang, tip ko na rin." nakangiting sabi ni Ferdinand sa delivery ma na aalis na.








Bakit sya nandito.











Agad ko hinawakan ang door knob at isasara na sana ng tinulak nya ng malakas ang pinto kaya nakapasok sya.













"Ano ang ginawa mo dito." malamig na sabi ko, humakbang sya pero napatigil sya ng umatras ako, nawala na ngayon ang ngiti sa labi nya.















"I told you to stop, i told you na iwasan mo na ako, na tigilan mo na ako—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya ako niyakap ng mahigpit.















I swallowed the lump of my throat, at pilit nilalabanan ang nararamdaman ko habang nagsimula nang namumuo ang mga luha sa mata ko.


















"Do you think magagawa ko yon? hindi, hindi ko magawang itigil to Imelda. I will court you and love you forever. So please dont tell me to stop. I love you and no one can stop that, even you." pabulong na sabi nya habang nakayakap parin sa akin ng mahigpit.















Hindi ko alam pero sinubsub ko ang mukha ko sa balikat nya at niyakap sya pabalik.











Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at umiyak sa balikat nya, ng marinig nya ang mahinang pag iyak ko ay bumitaw sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.














"Is there a problem love? last time you were also crying, may nagawa ba akong mali? sabihin mo sa akin so i can fix this, youre ignoring me for days..." napayuko ako ng sinabi nya iyon.
















"Why... why do you keep loving me, bakit mahal mo pa rin ako. Bakit..."



















"Bakit natanong mo iyan, you already know what the answer is. I said i love you forever, at hindi na to magbabago, hindi ka na naman ba maniniwala sa akin? kailan mo ba ako paniniwalaan." sabi nya na seryoso na ang tono.

















"H-hindi naman sa ganoon..." pabulong na sabi ko pero hindi na sya nagsalita.

















Naniwala na ako sa kanya ngayon... pero sarili ko na naman ang hindi ko mapagkatiwalaan dahil sa pagkakamali ko noon.















"Days ago, i talked with... Celest." sabi ko, napatingin sya sa akin ng mabanggit ko ang pangalan ni Celest.

















Rinig ko ang pagtagis ng ngipin nya, at kita ko ang pag igting ng panga nya.

















"Did she hurt you? kung ano ano na naman ba pinagsasabi nya sayo kaya you are avoiding me now? Imelda tell me kung sinasaktan ka nya-" sabi nya pero niyakap ko sya.


















"No, she didnt... she... told me the truth tungkol noon, she apologized to me, she told me everything... Ferdinand, im sorry." sabi ko.

















"Im sorry, im sorry if h-hindi ako naniwala sayo, im sorry kung hindi kita pinakinggan, im sorry kung hindi kita nabigyan ng pagkakataon para magpaliwanag, im sorry kung ilang taon kang nag suffer para sa akin, im sorry kung nasaktan kita, im sorry kung nasabihan kita ng masasakit na salita, im sorry if i gave up our relationship that easily, im sorry for everything... im sorry-" umiiyak na sabi ko pero niyakap nya ako.














"Sshh, you dont need to say sorry to me, dont blame your self. May kasalanan rin naman ako, hindi ko sinabi sayo agad noon. Don't cry love, its not your fault... i admit that it is painful, its painful for me dahil iniwan mo ako e, hindi mo ako pinakinggan pero masisisi ba kita? hindi, dahil kahit kailan hindi ko kayang sisihin ka, kaya sana naman wag mong sisihin ang sarili mo, please? i dont want you to cry, i dont want you to blame your self... mahal na mahal kita. Kalimutan na natin ang nakaraan, lets just focus now, the present, where i still love you. I will wait for your answer, kahit gaano katagal. At kahit anong iwas mo sa akin ay hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo." sabi nya.









His words, the assurance... and consistency... ganito ba talaga ako kamahal ni Ferdinand?














"Ano ba ang meron sa akin bakit mahal na mahal mo pa rin ako, i have so many flaws, imperfections, masungit ako, palaging galit, maldita, bakit-"














"I love you because you're Imelda, you're you." sabi nya na nakangiti, niyakap nya ulit ako.















"Please dont avoid me again, okay? you can come to me when your thoughts are loud, handa ako makinig sayo. Wag mo na akong iwasan."













Tumango ako, niyakap sya pabalik at  isinandal ang mukha ko sa balikat nya.












Minutes we stayed like that, nakayakap lang kami at parang hindi magawang bitawan ang isat isa












"Ferdinand..." i miss you.










"Hmm?"










"What if-" malalaman mo ang tungkol sa baby natin, magagalit ka ba?










"W-wala, di ka pa uuwi?" sabi ko, hindi pa ako ready na sabihin sa kanya ang tungkol doon.













Bumitaw sya sa pagkakayakap at nakapamulsang umupo sa sofa, kinuha ang remote ng tv at inon iyon na parang pagmamay-ari nya rin itong unit ko.















"Sinong nagsabing uuwi ako. Dito ako matutulog." kalmadong sabi nya habang busy sa kakapindot ng remote, at tumingin sa tv.
















"H-hndi pwede. Diba napag-usapan na natin to." sabi ko at hinarangan sa harap para mag focus sya sa akin at hindi sa tv.















Hindi pwede... baka matukso kami.


















"Why not? ayokong mag isa ka, you might cry, alone." sabi nya.

















"Hindi nga pwede." sabi ko, ang tigas naman ng ulo nito.

















"Bakit naman hindi? bakit... natatakot ka ba na baka tayong dalawa ay madala sa tuks-"
















"H-hindi noh!  S-si daddy, tama, diba ayaw ni daddy lalo na at nanligaw ka pa lang, magagalit yon pag malaman nya." pagdadahilan ko.



















"Fine, uuwi ako, mamaya." he sighed at isinandal ang ulo sa sofa.















"A-are you sure?"











Itinaas nya ang tingin nya at tumingin sa akin.














"Ano ba talaga, do you want me to leave or stay? kung gusto mo mag stay ako, mas mabuti." ngiti nya kaya umiwas ako ng tingin.












Ewan, pati ako naguguluhan minsan para sa sarili ko.








"B-basta, umuwi ka mamaya, wag ka dito matulog." 7 pm pa naman, pero parang wala syang balak umuwi, ah basta! kailangan nya umuwi noh, baka ano pang mangyayari.






















"Yes ma'am, later. Just let me watch a movie at your tv first." ngiti nya sabay sandal ng komportable sa sofa.











Wala bang tv sa condo unit nya? geez.
















Pumasok na lang ako sa kwarto ko, may meeting kasi kami ngayon via video call or google meet, lalo na at ilang araw akong walang punta ounta sa building ng kompanya. Pagkatapos naman non ay agad akong nag shower at nagbihis ng pajamas.















Umuwi na kaya ang lalaking yon? nasa isipan ko habang pinapatuyo ang buhok ko.













Siguro, ang tahimik na sa labas e.
















Tumayo ako at lumabas patungong living room para tignan kung naroon pa ba sya.















Napaawang ang labi ko ng makitang nandito pa nga si Ferdinand. Mahimbing nang natutulog sa sofa.

















"Ferdinand..." marahang pagising ko sa kanya pero mahimbing pa rin ang pagtulog nito.



















"Ferdinand kailangan mo na umuwi, its already 10 pm, and also its uncomfortable to sleep when youre wearing your work attire. Umuwi ka na." pag gising ko sa kanya, gumalaw lang sya pero tulog pa rin.











Gosh...












Napahinga na lang ako ng malalim at nagtungo sa kwarto ko at kumuha ng blanket, bumalik ako kaagad sa living room para kumotan si Ferdinand.









"Makikinood lang pala ng movie huh...tss." nakangiting bulong ko habang inayos ang kumot sa kanya.




***







Mas isinubsob at ang mukha at katawan ko sa mabango at malambot na unan sa tabi o harap ko.











Mas niyakap ko iyon ng mahigpit habang nakapikit pa rin dahil nasa mood pa ako na matulog pa, ang bango... ang warm...

















"Goodmorning..." rinig kong boses, nagsasalita na pala ang mga unan ngayon?


"Goodmor-" nakangiting pabulong na bati ko pabalik at dahan dahan idinilat ang mata.









Saka lang ako nagising mentally and physically, nanlaki ang mata ko at agad binitaw ang pagkakayakap sa kanya at sinubukan lumayo sa kanya dahilan para nahulog ako sa sahig.















Napapikit ako at napaaray, mabuti na lang hindi masyadong masakit ang katawan o likod ko dahil may carpet na fur, pero kahit na masakit parin sa likod dahil matigas ang sahig.















"Imelda are you okay?" nag alala na sabi ni Ferdinand at inalalayan ako patayo. Inupo nya ako sa sofa at hinagod hagod ang likod ko.


















"Bakit ka kasi bumitaw sa pagkakayakap, nahulog ka tuloy. Sakto lang na nagkasya tayo sa sofa pero mahuhulog ka talaga pag tanggalin mo ang pagkakayakap sa akin." sabi nya.
















"Ikaw na nga ang nakikitulog sa sofa ko ikaw pa nanenermon." masungit na sabi ko habang nag stretching at hinaplos ang likod ko.

















"Oo nga unit mo to, pero may kwarto ka naman na may malaking bed dokn. Ngayong umaga pag gising ko lang din napagtanto na tumabi ka pala sa akin, ikaw lang naman tumabi sa akin dito kahit parang hindi tayo kasya." pagkasabi nya don ay agad ako napaiwas ng tingin, ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.








Gosh! oo nga pala! kagabi... tumabi ako sa kanya para tignan lang sana syang mahimbing na natutulog pero inaantok ako at hindi namalayan na nakatulog pala ako!















Napapikit ako sa kahihiyan... shit, baka isipin nya na pinagnanaaaan ko sya, e totoo naman- ay este hindi kaya!














"So you wanted me to stay last night." nakangiting sabi nya.
















"U-umuwi ka na nga, w-wala ka pang bihis, ang b-baho mo na." sabi ko, inamoy amoy nya naman ang sarili nya.












"Huh? i smell bad? pero paulit ulit mo ako na inamoy amoy kanina habang natutulog ka." sabi nya kaya mas lalong nag init ang pisngi ko.














"A-ako? inamoy ka? hindi kaya. U-umuwi ka na nga, wala ka bang trabaho today." pagtanggi ko.















"Meron, meron akong trabaho, dito." sabi nya.








"Huh?" anong trabaho dito na pinagsasabi nya.










"Ikaw, ikaw ang tinatrabaho ko." ngiti nya at nagtungo sa kitchen.











Naiwan naman akong loading at tulala. Agad ko syang sinundan sa kusina.






"B-bakit dito ka natulog kagabi, diba sabi mo uuwi ka." pag iba ko sa usapan.












"Nakatulog ako e..." pag dadrama nya, nagkukunyari pa na humikab.









"Sa susunod umuwi ka pag inaantok ka, h-hindi yung natutulog ka na lang dito, baka pupunta pa ng biglaan si daddy dito." sabi ko.













"Edi if next time ang sasabihin ko sa kanya ay nakatulog ako dito, kung mahirap labanan ang tukso, mas mahirap labanan ang antok." nakangiting sabi nya.









Magsasalita sana ako ng narinig ko na nag ring ang phone nya. Agad nya iyon kinuha sa bulsa nya.









"Yes?" sabi nya sa kabilang linya.










"Alexa whats wrong?" pagkarinig ko non ay napatingin ako kay Ferdinand, pero umiwas rin agad.







"Huh? what do you mean?"








Dahan-dahan ako lumapit sa kanya at kunyaring may kinuha o hinanap na gamit roon. Ang totoo ay gusto ko lang marinig ano pinag usapan nila, ano kase... baka kase makatulong ako.








[Gusto ka daw makausap ni daddy.] rinig ko na boses ni Alexa.











Bakit? ano ba sila para magkita ang daddy nya at si Ferdinand. Ano ba ang meron sa kanila ha.











Hindi ko namalayan na ang lapit ko na pala kay Ferdinand to the point na ngayon ay nakatingin sya sa kain habang may katawag pa rin, kaya agad akong nagkukunyaring may hinanap ulit.











"Okay, just text me or message me, bye." rinig ko na sabi nya at ibinaba ang phone.














"Katulad ng gusto mo, uuwi na ako. Ayoko man, but an emergency meetings came up." sabi nya at tumingin pa sa suot nya na relo.














"Emergency meeting? or meeting with her father? i-lelegal ka na ata nya, congrats." sarkastikong sabi ko pero sikretong umismid.













"What? its just a meeting, may pag uusapan daw kami na importante sa daddy ni attorney Alexa. May importante rin daw na e discuss si attorney Alexa sa akin." sabi nya na tingin ng tingin sa relo nya, well 7:30 na ng umaga, tapos may trabaho pero hindi pa sya nakaligo, bihis, at nakakain.









"Edi dun ka na, madali lang naman ako kausap." naka cross braso na sabi ko habang kunyare nag tingin tingin sa kuko ko.













"Hindi ko naman sinabi na dun na ako, kung isasama naman kita im sure ayaw mo sasama..." kalmadong sabi nya.


Gosh ano ba to. Nagkakaganito na naman ako, may trabaho sya at bakit ba pati iyon pinakailaman ko.






E nagseselos ako! bakit ba!









Bumuntong hinga na lang ako.







.

"Okay, im sorry... pumunta ka na doon, you have work to do, alam ko na busy ka." sabi ko at naunang naglakad patungong main door para ihatid sya hanggang doon.








Pagkarating namin sa pintuan ay humarap sya sa akin at ngumiti.

"Eat your breakfast, i'll just message you later and please do reply." sabi nya at tumalikod.










Nakailang hakbang pa lang sya ay nagtataka ako ng bumalik sya.










Naistatwa ako ng binigyan nya ako ng soft kiss sa forehead ko at umalis.









Naiwan akong tulala at nag init ang mukha, napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.






Gosh, im already 30 but why do i feel like im still 18 years old when he kissed my forehead.














FERDINAND

Kakatapos lang namin nag usap sa daddy ni attorney Alexa with his daughter and other business meetings related to my work.








Its already 7 pm, nag dadrive ako pabalik sa firm, marami akong aasikasuhin.












"Yes?" pagsagot ko dahil tumawag ang secretary ko.













[Attorney, may nag intay po sayo dito, gusto daw po kayo makausap. I said she need to get appointment first, pero importante daw po talaga.] sabi ng secretary ko.







"Sino?"






[Mrs. Celest daw po.] ng marinig ko iyon ay napatigil ako.






Ano na naman ba ang plano sa babaeng iyon. Sisirain na naman ba nya kami sa mga kasinungalingan nya? hindi pa ba sya natuto sa nakaraan?










Hinding hindi ako makakapayag na masaktan ulit si Imelda, not again, not now, not ever.



"Tell her antayin nya ako." seryosong tugon ko at hinigpitan ang paghawak sa steering wheel, mas pinapabilis ang pagmaneho.













Kapag saktan nya ulit si Imelda, i will make her pay again.













Pagkarating ko ay napatayo si Celest, seryoso lang ang mukha ko at hindi tumingin sa kanya.







5 years and counting na ako na nandidiri sa kanya.












"F-ferdinand."

















Boses pa lang nya na tinawag ang pangalan ko ay naikuyom ko na ang kamay ko.














"I know what you planned Celest, sasaktan mo ulit si Imelda, right? gagawin mo ulit para sirain ulit kami-"











"No, just listen to me. May importante ako na sasabihin sayo, t-tungkol sa nasabi ni Imelda sa akin noong nag usap kami. Tungkol kay Imelda noon and i think you have the right to know, at para magkaayos kayong dalawa..." sabi nya pero nagtagis ang bagang ko. Ano na naman b ang mga kasinunglingan na sasabihin nya.






"...tungkol sa pagbubuntis at nakunan sya noon." dagdag nya dahilan para nag iba ang kutob ko, dahilan para parang may kutob ako na dapat akong makinig sa sasabihin nya.













Mahigpit ako na nakahawak sa steering wheel habang mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko.









I cant believe she didnt tell me about that... why...











I can still remember sa mga sinasabi ni Celest kanina...


"5 years ago, s-sabi nya nabuntis daw sya pero nakunan, siguro n-naapektuhan ang baby nya d-dahil sa stress dahil kasabay niyon ang paghiwalay nyong dalawa dahil sa akin... pero hindi pa ako sigurado, ang  kailangan mo gawin ay kausapin sya tungkol doon. Humuhingi ako ng tawad sa inyong dalawa..." sabi ni Celest kaya napatitig ako sa kawalan, hindi alam kung maniniwala ba sa mga pinagsasabi nya.



Nagmaneho ako agad patungo sa kilala ko na kaibigan na doctor ni Imelda na maaaring iyon ang doctor nya na nilapitan noong seckretong nagbuntis sya limang taon nakaraan.

I want to clarify it, dahil kapag deretso akong pupunta kay Imelda ay alam ko na tatanggi iyon ay pilit itago sa akin ang nangyari sa kanya.

"Alam ko na alam mo, alam ko na ikaw ang pinuntahan nya noon. Tell me about Imelda's pregnancy and... miscarriage." seryosong sabi ko sa oby-gyn doctor na si Dra.Belle, kaibigan ito ni Imelda.

Hindi ito makatingin sa akin at parang may tinatago.

Pilit ko pinakalma ang sarili ko pero hindi ako kakalma hanggat hindi malaman ang pagbubuntis at pagkakunan ni Imelda noon... i want to know... about our unborn baby...

"S-sorry attorney, but i respect my patient's decisions and privacy."

Napahilamos ako sa mukha ko, alam ko na ginawa lang ng doctor ang trabaho nya, at ang pagkakaibigan nila ni Imelda na nirespeto nya kaya hindi nya kayang sabihin sa akin, at ilihim ang lahat... but i have the right to know!


"That patient was my fiance, ako ang ama ng batang binuntis at nakuha sa kanya noon... i have the right to know, please... its been 5 years, she suffered the miscarriage alone." sabi ko, napayuko naman ang doctora.



"Y-yes, Meldy got pregnant years ago... at ikaw ang ama nyon. I respect Imelda so much, i respect her decision and privacy, i respect our friendship. But... its time for you to know because you have the right."


So its true... Imelda was pregnant that time...





"Five years ago, she was 4 weeks pregnant when she went here, that time she was so excited, kinakabahan, at masaya at the same time. She even cry because sa saya, hindi sya nakapaniwala na magiging nanay na sya at... magiging tatay ka na, she was so happy even though alam nya na nabuntis sya dahil nakalimutan nyo mag gamit ng any protection. I remember, i was asking her na bakit wala ka, sabi nya wala ka non dahil nasa Cavite ka daw with your old friends in college. Kinakabahan sya that time, sya daw magsabi sayo once makauwi ka na dahil gusto nya ikaw rin ang isa sa unang makakaalam. She wanted to surprise you, kinakabahan din sya ng sobra at baka hindi mo tanggapin ang pagbubuntis nya, she even asked many advices.

But... imbes na sya ang mag surprise sayo noong nakauwi ka na ay siya ang na surprise, sabi nya sa akin she saw you kissing with your ex. Weeks later bumalik sya dahil masama raw ang pakiramdam nya, may duda na ako na nakunan sya dahil kadalasan na symptoms ng miscarriage ay naramdaman nya, pansin ko rin na stress sya, mukhang walang tulog at namamayay but still, i waited the reliable result.

Six week of her pregnancy yon na nagpa check up sya sa akin, because of stress dahil sa paghihiwalay nyo ay... nakunan sya. Wala akong nakitang heartbeat at development sa fetus, kahit anong ulit ko na tignan ang result ay wala talaga.

I can still remember, iyak sya ng iyak dito, asking her self bakit daw nangyari sa lahat ng yon. Blaming her self even though wala syang kasalanan sa pagkakunan nya. Iyak sya ng iyak, ramdam ko at kita ko kung gaano sya nasaktan sa nangyari, na parang kailan lang ngumingiti at excited sya noong nalaman nya na buntis sya. Na pati ako ay nadudurog ang puso ko ng makita ang kaibigan ko, saksi ako sa ilang babae na patient ko kung gaano sila nasasaktan kapag nalaman nila nakunan sila. Pero alam ko na doble ang sakit para kay Imelda lalo na at kasabay ng paghiwalay nyo ang pagkawala ng magiging anak sana ninyo na ikaw ay walang kaalam alam.

Naalala ko kung gaano sya lumuha bago namin nag dilation and curettage para kunin ang patay na fetus sa sinapupunan nya, ayaw man nya pero pinaintindi ko sa kanya na kailangan dahil malalason sya pag hindi yon kunin. Na kahit pagkagising nya ay umiyak pa rin sya ng umiyak.

She was so much in pain at that time, alam ko na tanggap na nya iyon ngayon dahil ilang taon na ang nakalipas pero alam ko na babalik pa rin ang sakit niyon. Kaya sana... intindihin mo kung bakit nya inilihim sayo, napuno ng sakit at galit ang puso nya sa panahon na iyon. Bilang isang babae masakit ang malaman mo na may kahalikan na iba ang partner, pero mas masakit ang makunan. Kay Imelda doble e, kaya hindi natin sya masisisi. Kaya attorney, indindihin mo si Imelda sa naging desisyon nya na ilihim iyon, because we didnt know how painful for her on that situation especially na wala ka sa tabi nya ng panahon na iyon." sabi ni Dra.Belle kaya ngayon ay malinaw na sa akin.








Mas binilisan ko ang pagmaneho.







Kaya ba sorry sya ng sorry sa akin? kaya rin ba iniiwasan nya ako? isa ba iyon sa dahilan?







This is too much Imelda...







IMELDA

"Ano? nagkita kayo ni Celest, tapos sinabi nya sayo lahat, tapos iniiwasan mo si Kuya Ferdinand tapos nag sorry sa kanya, tapos magkatabi kayo natulog tapos dont tell me nagjugju-" napatigil si Ali sa pagsalita ng sinalpakan ko ng lemon ang bibig nya kaya sinamaan nya ako ng tingin, tumawa naman si Paz.

Ang daldal e.






"Oo nga, paulit ulit." sabi ko at sinipsip ang inorder ko na drink.

"Ano nangyari, maypa broken hearted kapa noon, ang lungkot mo pa noon tapos hindi naman pala totoo. Pasalamat ka mahal ka ni Ferdinand at mabait sya para pinatawad ka nya agad agad ng ganoon." sabi naman ni Paz.








"Oo na, the problem is me. Kaya nakonsensya ako, ang unfair ko sa kanya... that's why i tried to avoid him, pero pinuntahan nya ako, he said he love me until now... and i dont know what to say, because im not yet ready to love again."







"Yes sis, ikaw rin kasi ang gumawa ng problema minsan. You know what, hindi ka kasi nakinig, hindi ka nagtanong, you just keep assume things hanggang sa umabot sa moon pag ooverthink mo, then boom. Mas pinapairal mo ang mga bagay na naisip at inaassume mo keysa ang pakinggan ang totoo, kaya yun ang sanhi bakit ganoon." sabi ni Alita.






"Takot kasi sya sa sagot o mga malalaman nya, takot sya baka totoo ang mga nasa isip nya, thats why. So we cant blame her." sabi naman ni Paz.














"May point din yan, sa panahon na iyon kung ako may makikita rin ako na ganoon sa phone ni Paco na may picture na kahalikan iba o ex nya, baka mas worst pa ang ginawa ko, baka puputulin ko itlog nya.

Ganito kasi yan sis... your feelings are valid, everyone's feelings are valid, mahal na mahal mo ang taong iyon e kaya natural na nararamdman mo iyon ng makitang may kahalikan sya ng iba. Sadyang napupuno ng sakit at galit lang talaga ang puso mo sa panahon na iyon dahil sa mga nakita at nalaman mo. So dont blame your self dahil nagmahal ka lang din." sabi ni Alita, sumang ayon naman si Paz.










"Right... but i still didnt tell her about our... unborn baby, my pregnancy and miscarriage five years ago." sabi ko, sabay naman nagtinginan ang dalawa.








Sa limang taon ngayon ang ulit naopen ang topic na iyon at ako pa ang una nag open ngayon, iniiwasan rin kasi namin, lalo na sila na e open iyon dahil siguro ayaw nilang maalala ko ulit ang masakit na ala ala na iyon.










"Do you have a plan to tell that to him? oo man o hindi, ay nandito lang kami Meldy, rerespetuin ang mga desisyon mo." sabi ni Paz at hinawakan ang kamay ko.














"Oo ate, nandito lang kami. At kung ano man ang reaksyon ni Kuya Ferdinand pag malaman nya ang tungkol doon ay im sure hindi magbabago ang pagmamahal nya sayo. Marami ka nang napagdaanan at nalampasan, and im so proud of you for being my brave and strong sister."











Sabay nila akong niyakap. Kahit nakaasar ang mga to minsan, im so lucky to have them.









Nagpatuloy kami sa pag uusap namin, si Alita na naman ang may shinare, she said she ghosted Pacifico, ilang araw na daw dahil yung ex daw ni Pacifico gustong makipagbalikan.









Mga ex nga naman, ex moments.









"Mabuti na lang walang ex si Daniel, wala na dapat akong ipag alala, haysss." pagmamalaki ni Paz.












"Ay anteh, wag kang magmalaki dyan, baka bigla na lang susulpot ex ng asawa mo sa kasal nyo next month." natatawang pang aasar ni Alita, napatawa naman ako.







Ikakasal kasi ulit sina Daniel at Paz next month, ewan, ikakasal na lang sila ulit ay eto pa rin ako, hindi pa ikinasal.









"W-wag naman... wala noh! Humanda sya sa akin pag ganoon!" kinakabahan at masungit na sabi nito. Isa pa tong overthinker.









"Ate, nandito si Kuya Ferdinand." sabi ni Alita kaya napatingin ako roon kung saan papalapit si Ferdinand sa dereksyon namin.












Seryoso ang mukha at walang ka emosyon emosyon.








Parang may kakaiba ako ng kutob...












"Lets talk." malamig na sabi nya at deretsong hinila ang kamay ko paalis.



"Talk lang ha, wag mo nang iuwi yan hanggat hindi yan nadidilig-" sigaw ni Alita mabuti na lang at tinakpan ang bibig nya kay Paz.







Mahigpit na hawak ni Ferdinand ang braso ko habang seryoso lang na naglakad ng mabilis patungo sa car nya. Pinasok nya ako sa front seat at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nya.









Napapikit na lang ako, hindi ako sanay... hindi ako sanay na mahigpit nyang hinawakan ang braso ko, na ang bilis ng pagmamaneho nya... na parang ang lamig nya ngayon habang seryosong nagmamaneho.











Tumigil ang kotse nya sa harap ng condo building kung nasaan narito ang condo ko noon sa katabi ng kanya.










Pagkababa ay hinawakan nya ulit ng mahigpit ang braso ko at mabilis na naglakad papasok sa lobby ng condo.









Bakit dito nya ako dinala, bakit sya ganito ngayon...










Tahimik lang kami ng nasa elevator kami ng kaming dalawa lang, ang bigat ng mga paghinga nya, ang lamig ng mga mata nya, na parang ang lalim ng iniisip nya.










"Ferdinand..." pabulong na sabi ko pero bumukas ang elevator.














Hinila nya ulit ako, mahigpit ang pagkakayakap nya kaya pilit akong tumigil at pilit binawi ang braso ko.











"Ferdinand ano ba..." sabi ko dahil hindi talaga ako sanay, galit ba sya? bakit sya galit?








"Lets talk. At my unit. Where you left me alone without telling me what i need to know five years ago." malamig na sabi nya at sa pagkakataong ito ay parang  mas nag iba na ang kutob ko tungkol doon.

Malamig nya lang akong tinignan at hinablot ang braso ko papasok sa unit nya, napalakas rin nya ang pag sara ng pinto.











"Ferdinand ano ba, it hurts..." pagpipigil ng iyak na sabi ko ng makapasok kami, binitaw naman nya ang pagkakahawak sa braso ko at nanatiling nakatalikod sa akin.













Ilang sandaling tahimik ang buong paligid. Rinig ko lang ang mga malalim na paghinga nya habang nakatalikod.











"Bakit... noon... bakit napag desisyonan mo na hindi mo sinabi sa akin..." his voice croaked, ngayon ay humarap na sya sa akin at nakatingin sa akin. I can see pain in his eyes.












"W-what do you mean..." mahinang sabi ko dahil yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.











"About your pregnancy, about how you experienced and suffered miscarriage... i need your answer, why didnt you tell me when i have the right to..." nanginginig na boses nya habang may namumuong luha sa mga mata nya.











Dahan dahan na rin bumagsak ang mga luha sa mga mata ko, alam na nya...

________________________________________________________________________________________

a: Sorry sa late ud, diba sabi ko mas makakapag ud ako pag xmas break, pero di pala :,) expectation ko lang yun :,) expectation vs. reality huhuness. Busy pa rin ako guys kahit xmas break, lalo na at im an artist, maraming nagpapa commission :,) kaya wala akong time masyado para makapagsulat. Tapos christmas na rin, marami ang gagawin at bibilhin:,)
Sorry talaga:,) bawi nalang pagkatapos ng xmas hehe🤡( ipag pray nyo na lang na hindi ako tatamarin at sisipagin na sa pagsulat)

Btw dahil christmas sa 25, ud ako dyan sa MD, C&LYF at MAB as a xmas gift 🎅🏾🎁 ho ho ho ho!

Pasilip na rin sa next chap,
eto: "Matured content, read at you own risk."🎄 Thank you, thank you, ang babait ninyo thank you😇♪♪♫

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 116K 65
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
314K 6.9K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
1M 55K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
6.1K 196 54
kapag ba mahal mo ang isang tao, kaya mong bitawan lahat ng mahahalaga sa'yo? handa mo ba siyang hintayin, para lang sa pagmamahal mo? ipaglalaban m...