CHAPTER 2 (edited)

657 44 25
                                    

FERDINAND

"Your honor, those are the evidences that will prove that Mr. Gabriel killed the son of Mr. Arnolfo." seryosong sambit ko.



Nasa korte ako ngayon, nililitis ang kaso tungkol sa pagkamatay ng anak ni Mang Arnolfo na isang driver sa isang masama na business man na si Gabriel. Ipinatay nya ito ng dahil lang sa hindi nasunod ang utos.


Tinignan naman ako ng masama sa kabilang panig, lalo na si Gabriel. Sakto lang yan sayo Gabriel dahil marami kanang pinatay na inosenteng mahihirap na tao, nakakalaya ka nga dahil may pera ka pero ngayon, hindi na. Hindi ko hahayaan na manalo man ang sinong masama, mayaman man o mahirap.


Napatingin si Judge Francisco sa dalawang panig tsaka nag desisyon.



Napatingin rin ako kay Mang Arnolfo at ng kanyang asawa na naiiyak, nawalan at puno ng galit. Nagpasalamat ako sa kanila dahil may tiwala sila sa akin na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.



"Homicide and murder any person who is not falling within Article 246, shall kill another without the attendance of any circumstances in the next preceding article, shall be deemed guilty of homicide and be punished by reclusional temporal."

"The jury finds the defendant guilty."


"Mr.Gabriel L. Reyes, i therefore find you guilty in homicide. Case closed." sabi ng judge before pounding the gavel.

"The court is adjourned."



"No! No! Hindi ko sinasadya! No! Attorney akala ko ginawan mo na to ng paraan?! No!" galit na sigaw sabi ni Gabriel habang punasasan na sya ng mga pulis para dalhin sa kulungan. Nagpupumiglas pa ito, napahilot na lang sa sentido ang kanyang attorney.


Deserve mo iyan Gabriel. Kung tutuusin sakto lang yan na dyan ka tatanda at mamatay sa kulungan, dahil sa mga inosenteng tao na inyong pinatay.


Pinagpagan ko ang aking soot na suit at hinawi ang aking buhok.

Agad ko namang nilapitan sila Mang Arnolfo na umiiyak ngayon, shinake hands at niyakap ko sila dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.


"Salamat Attorney Marcos at nabigyan na ng hustisya ang aking anak... alam kong kahit makulong na ang masamang lalaking 'yon ay di na babalik ang aking anak, pero malaking pasasalamat ko dahil nabigyan ng hustisya ang kanyang kamatayan. Maraming salamat talaga..." sobrang iyak na sabi ni Mang Arnolfo habang hawak ang kanyang asawa na naiiyak rin sa kanyang tabi.


"Walang ano man Mang Arnolfo, dapat naman talagang mabigyan ng hustisya ang lahat na naaapi. Magpakatatag ho kayo."


***


Palabas na ako ng Korte ng nag ring ang aking cellphone. Si Pacifico na naman.

Hindi ko sana sasagutin pero dahil masaya ako ngayon na napanalo ang kaso, sasagutin ko na lang.


"Oh ano na naman."

[Kuya puntahan mo kami dito sa restaurant, nandito rin si Mama, libre ko kayo lunch.]


Tungkol na naman to sa paaralan at mangungulit na naman to e. Umuwi talaga sya para lang dito.


Napatingin ako sa relo ko, malapit na mag 12 at sakto na nagugutom na rin ako.

"Sige, text mo na lang ang address."


Pagpasok ko sa restaurant agad kong nakita si Pacifico at mama, wumagayway pa ang unggoy.



My DestinyWhere stories live. Discover now