CHAPTER 24

681 56 232
                                    

IMELDA

Tulala akong nakatingin sa pregnancy test na dala ko, two red lines...


"Paz, what if.. false pregnancy to." sabi ko kay Paz na nasa tabi ko.


"Meldy, i suggest to go to your OBY-GYN, for us to know if you are really pregnant or it just a false pregnancy, hindi naman kasi ako 100% na magtiwala sa pregnancy test na ganito. Kaya samahan na kita." sagot nya.


Tama si Paz, kailangan kong makasiguro. Tama rin na may kaibigan ako na oby-gyn doctor kaya doon ako magpapa check.



Habang nag hihintay sa result at kay Dr.Belle, nakaupo ako sa may upuan, lumabas muna si Paz dahil tumawag daddy nya.



Hindi ko alam pero bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko, im playing my nails and biting inside my cheeks. Ewan ko pero kinakabahan na excited ako sa magiging totoong resulta. Kanina pa ako inom ng inom ng tubig.


Bumukas ang pinto at pumasok si Belle na kaibigan na oby-gyn doctor ko dahilan para agad akong mapatayo. She's one of my closest friend when im still in high school, until now.



"Meldy sit, no need to stand up." nakangiting sabi nya at umupo sa swivel chair nya.

May dala itong paper na don nakalagay ang resulta.

"Im nervous Belle." sabi ko sa kanya.

"Dont be nervous Meldy, actually it is a good news!" ngiti niya, sabay abot sa result.

"Its confirm, you're 4 weeks pregnant Imelda, congrats." dagdag na sabi nya.

Hinawakan ko ang tyan ko, tinignan at ngumiti, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa tuwa.

"But Doc, bakit parang naduduwal at nahihilo ako minsan, is this normal?"

"Yes wag kang mag alala, that's normal and a symptoms to a pregnant woman. And please be healthy so that your baby will be healthy too habang dinadala mo pa sya hanggang sa maluwal mo na ang bata. Eat healthy foods like veggies and fruits, take vitamins, do a light exercise everyday at syempre huwag magpuyat, kailangan mo ng 7-8 hours na tulog everyday. And lastly, you will have a monthly check-up." bilin sa akin ni Belle, ngumiti ako at tumango tango.

May... gusto sana akong itanong sa kanya pero nahihiya ako.

"I know what you're thinking that you want to ask me something Meldy." ngisi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Wag kang mahiya, yan din ang kasalukuyan na tinanong sa akin ng mga buntis na babae at asawa nila." natatawang dagdag na sabi nya.

"Yes, you both can still do sex, hindi yan makakaapekto sa bata, in fact mas ganahan makipag sex ang pregnant women sa mga partner nila habang nagbubuntis. Pero just remind your partner attorney Ferdinand na maging gentle. So you can still do it." sagot nya sa katanongan ko, ramdam kong nag init ang buong mukha ko sa hiya.

"O-okay Doc, thank you."

Lumabas na ako sa clinic at saktong kakatapos lang ni Paz sa phone call.

"Sorry tunawag si daddy, anyways... is it confirm that you are a preggy or not?" excited na tanong nya sa akin.

Hinawakan ko ang tyan ko, sandaking pumikit at tumango.

"Yeyyy! magiging ninang ulit ako, omg i hope its a girl--ayy... hindi ka ba masaya Meldy?" sabi nya sa akin para matauhan ako.

My DestinyWhere stories live. Discover now