CHAPTER 44

1.1K 55 248
                                    


a: Dedicated to kemilynnn imelduhh_ ferdimeldsabong  cassey1208 (para fair, DEDICATED TO ALL READERS na lang hehe❤️) warning, may konting ano dito :,)

IMELDA

"Ferdinand!" tawag ko kay Ferdinand kaya kumaripas ito ng takbo dito sa kitchen nya.


Bumisita na naman ulit kasi ako dito sa condo unit nya, aalis rin naman ako mamaya dahil kung dito pa ako makikitulog, e parang wala nang tumitira sa condo unit ko. Pano ba naman, last week, isang linggo akong nandito natutulog.



Baka mabuntis ako ni Ferdinand pag ganoon, emz.



"Yes love? why did you call me?" tanong nya, may eye glasses pa ito na suot. Halatang busy kakabasa sa napakaraming papeles at tutok na tutok sa kanyang laptop.



"Its bedtime." pag inform ko sa kanya.



Agad tinignan ni hamster ang suot nyang relo para e check kung anong oras na at tumingin sa akin.



"Ano? 10 pa lang love, i dont sleep at this hour."




Inabot ko sa kanya ang isang baso na gatas na itinimpla ko. Tinanggap nya iyon at nagtataka na tumingin sa akin, ipinagcross ko ang mga braso ko at tinignan rin sya.



"What? love, alam mo naman hindi ako umiinom ng gatas. I am not 5 years old. Ikaw na uminom dito---"




"Inumin at ubusin mo tsaka matulog ka na." utos at mandar ko habang naka cross ang braso.


Makakatulong ang gatas para mahimbing ang tulog at makatulog agad. Nalaman ko kasi na may insomnia sya, umaandar ang insomnia nya minsan. Kaya may mga gabi na kahit gabing gabi na ibinabad nya ang oras sa pagtatrabaho, minsan naman sa amin o sa akin para lang makatulog.



Minsan naman kailangan ko pa sya pagurin bago sya makatulog. Eme lang mga mars.



"Love hindi pa oras ng tulog ko, maaga pa. Hindi pa ako makakatulog sa ganitong oras, even kids dont sleep this early." pangangatwiran nya na parang nasa supreme court kami but in a malumanay way. Syempre, ako to e.



Itinaas ko ang kilay ko.



"Should i sleep here tonight?" pagkasabi ko non ay agad nyang tinanggal ang suot nya na eyeglasses tsaka ininom ang gatas at mabilis iyon inubos.


Napangiti ako ng sekreto, iinumin mo naman pala e...




Nilagay nya ang baso at eyeglasses sa table at nagtungo sa likod ko, niyakap ako mula sa lukod ko habang patungo kami sa kwarto nya.




"Lets go to bed and sleep, gabi na. Tsaka nakakatakot na lumabas ngayong oras, its already dark, hindi ako papayag na uuwi ka pa. Gabing gabi na." sabi nya at hinalikan ang leeg ko kaya nagpipigil ako ng tawa.





"Bukas pareho tayo na di busy right love?" tanong ko ng nakahiga na kami sa kama nya.




"Yes love." sagot ni Ferdinand habang may inaasikaso pa rin na laptop dito sa bed nya.



Tatapusin nya lang daw ang dapat tapusin bago dumating ang bukas, para daw wala na syang gagawin bukas. Kaya pumayag na lang ako, sabi ko diba na ayaw ko makaapekto sa work nya.



My DestinyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora