Si Park Chanyeol (Chanbaek Fa...

By -deerqueen

64.7K 2.6K 988

null More

Prologue
Si Chanyeol 1
Si Chanyeol 2
Si Chanyeol 3
Si Chanyeol 5
Si Chanyeol 6
Chanyeol 7
Si Chanyeol 8
Chanyeol 9
Chanyeol 10
Chanyeol 11
Chanyeol 12
Chanyeol 13
Chanyeol 14
Chapter 15 (Last chapter)
DQ's epal na note!
Epilogue

Si Chanyeol 4

3.3K 146 54
By -deerqueen


Ngayon ay nakasuot ako ng simpleng shirt na color greyㅡpero lalabas talaga ang kagandahan ko. Kahit naman kasi anong suotin koㅡdyosa talaga ako.


'Yonㅡnaka-shirt ako at naka maong pants at naka-vans na lang ako na shoes.

Habang ang kapatid ko namanㅡnaka-hello kitty na shirt. Hilig talaga neto sa character na 'yan. Tapos naka maong pants din na fit sakanya. And naka shoes din siya katulad sa'kin.


"Sa'n pupunta ang kambal ko?" Tanong ni Mama.


"Meron pong party yung schoolmate namin. Halos lahat naman po kami a-attend." Sabi ko.


"Oh sige. Mag-iingat kayong dalawa, okay?" Hinalikan naman kami ni Mama sa pisngi. "Mag-text kayo kapag magpapasundo na kayo. Sabihan ko driver niyo."

"Yes po, Ma." Sabay namin sabi ni Luhan.


Nang makarating kami sa bahay nila Kyungsooㅡsobrang dami ng tao. Hanggang sa makita namin si Kris na nakaupo. Namataan niya naman kami kaya nilapitan niya kami.


"Baekhyun, do'n kayo sa pwesto ko. Pina-ayos talaga 'yan ni Kyungsoo para sa'ting tatlo."


Nagulat naman ako do'n. Talagang mabait si Kyungsooㅡkaya siguro nagustuhan siya ni Chanyeol. Grabeㅡswerte nila sa isa't isa.

Nang makaupo kamiㅡsakto naman na dumating si Kyungsooㅡkasama si Chanyeol. Magka-holding hands sila. Kaya naman, umiwas na lang ako ng tingin.


"Baekhyun, salamat at nakapunta ka. Sobrang saya ko."


Ngumiti naman ako. "Salamat din sa pag-imbita, Kyungsoo."


"Walang anuman. Gusto talaga kita maging kaibigan." Ngumiti na lang ako at tumango.


"Babe, do'n muna tayo sa pwesto natin. Gusto ka daw kausapin ni Papa." Sabi ni Chanyeol.


"Oh sige." Sabi ni Kyungsoo. "Sige, guys. Kuha lang kayo ng pagkain dito, ha? Punta lang muna kami do'n." Tumango naman kaming lahat at ngumiti sakanila.


Sinundot naman ni Luhan tagiliran ko. "Selos siya." Pinandilatan ko naman siya ng mata. Tapos mukhang naintindihan niya sinasabi ng mata ko.

Alam niyang nandito si Kris eh. Hindi talaga marunong mag-ingat sa mga sinasabi 'tong kambal ko eh.


"Baek, ako na kukuha ng pagkain natin." Sabi ni Kris.


"Ah, hindiㅡ" Hindi ko na natuloy sinabi ko dahil tumayo na siya. Wala na namang akong nagawa.


Makalipas ang ilang oras. Yung tugtog nila naging pang-rock na. Yung talaga sayawan. Natapos kasi ang speech ng Daddy ni Kyungsooㅡat nagpapasalamat daw siya sa lahat ng pumunta.


Nakita ko naman na halos lahat ng tao nagpuntahan sa gitna at sumayaw na.

Pero meron akong nakitang dalawang taong hindi sumasabay sa kanta. Nag-slow dance sila.


SiㅡKyungsoo at Chanyeol.


Umiwas na lang ako ng tingin. Sabi koㅡsusuportahan ko sila. Sabi koㅡhahayaan ko na lang sila. Sabi koㅡmasaya na ako para sakanila. Pero bakit ganito?


Sobrang sakit pa rin talaga.



LUHAN'S POV



Iniwan ko na muna ang kambal kong nage-emote do'n.


Sinabi ko na kasi na tama na ang pantasya dahil wala na talaga siyang pag-asa sa higanteng 'yon.


Ang sa'kin langㅡayokong nakikitang nasasaktan 'yang kambal ko. Kasi kung titignan mo yung dalawaㅡnasa gitna ng crowd at kung hindi ba naman tanga nag-slow dance habang ang kantaㅡpang rock.


Jusqㅡna-stress bigla ang hello kitty na shirt ko.


"Kuya, iced tea nga." Sabi ko do'n sa bartender. Biruin moㅡyaman nga talaga ni Kyungsoo. Meron silang mini bar dito sa loob at meron pa talagang bartender.


"Kuya, bigyan mo nga ako ng wine. Kahit anong klase, ha?"


Napalingon naman ako sa kanan ko. Nagulat ako dahil ito yung isa pang higanteng humarang sa'kin sa hallway kaya muntik na akong ma-late.


"Hello, Miss." Miss daw? Samantalang lalaki naman ako. Pero okay langㅡmaganda naman kasi talaga ako.


Pero hindi ko siya pinansinㅡalam ko naman na magpe-playtime lang 'to. Hindi ako yung klase na dyosa na madali niyang mauto.


"You know what.." Halos manginig ang buong katawan ko nang makita kong lumapit siya sa'kin at nararamdaman ko na ang hininga niya sa leeg ko. "I really like you.."


Nanlaki naman ang mata ko sa bigla niyang sinabi. Ano daw? Gusto niya ako?!

Tinulak ko naman siya saka ko siya hinarapan. "Hoy lalaking may matulis na baba na katulad ni Krisㅡ'wag mo 'kong maloko-loko diyan, ha?! Kilala ko mga katulad mo!" Tinarayan ko siya tapos naglakad ako palayo sakanya.


And I just flipped my imaginary long hair.



BAEKHYUN'S POV



Nag-CR ako at pagkabalik koㅡmerong isang grey na paper sa table namin. Nakatapat talaga ito sa upuan ko.


Kinuha ko naman at muli kong binasa.



Ganda mo talaga, Baekhyun. Sarap mong titigan nang titigan. Anyways, enjoy the night. I love you again.

Love, Asdfghjkl.



Okay? Nandito siya. Naalala ko pa sa huling sulat niya. See you tomorrow daw. Ano kaya kung sabihin ko pakita siya sa'kin?ㅡpero baka hindi pumayag. Aish! Pampabawas ng kadyosahan 'to eh. 'Di ko na lang papansininㅡbahala siyang maghumaling sa'kin forever.



--



Lumipas ang isang linggo.


At nakakagulat mang sabihin peroㅡkila Kyungsoo na kami sumasabay mag-lunch. Talagang pinanindigan niya ang sinabi niyangㅡgusto niya akong maging kaibigan.


At eto kami ni Luhanㅡhiyang-hiya dahil baguhan lang kami dito sa barkada nila.


"Baekhyun, Luhanㅡbakit ang tahimik niyo naman masyado." Sabi ni Kai na pinsan ni Chanyeol. Ang gwapo din nito kahit ang itimㅡhindi naman masyadong maitim pero may pagka-tan.


Ngumiti naman ako. "Naninibago lang." Tanging nasagot ko na lang sabay subo ulit ng baked macaroni.


"Nako, Baek. 'Wag kang mahiyaㅡmababait naman sila eh. Tsaka, 'pag tumagal-tagalㅡmagiging comfortable ka na rinㅡkayo ni Luhan sa'min." Ngumiti na lang ako kay Kyungsoo. Ang bait talaga niyaㅡI wonder bakit ba sobra kong 'tong binabash dati. Dahil na rin siguro sa pagkabaliw ko kay Chanyeol kaya gano'n.


Pero hindiㅡsobrang bait niya talaga. No wonderㅡperfect silang dalawa.

Napabalikwas naman ako nang may sumundot sa tagiliran ko. Nakita ko si Luhan. "Ano ba 'yon? Para kang asong 'di matae." Bulong ko.


"Gaga. Natatae na nga ako eh. Diyan ka lang, ha? CR lang ako." Sabi niya tapos nagmadaling tumayo at tumakbo nang mabilis. Tssㅡkahit kailan talaga 'yon.

Pero nakakainis siyaㅡiwanan daw ba ako dito? Nakaka-OP kaya. Halos wala nga akong makausap sakanila eh.


"Baekhyun!" Napangiwi naman ako nang biglang may umakbay sa'kin. Si Kai lang pala.


"He-hello.." Bati ko na lang.


"Kamusta ka naman? Alam mo bang sikat na sikat ka dito? Halos ata ng mga lalaki ditoㅡmay gusto sa'yo."


"Ah..hehe.." 'Yon lang ang tangi kong nasabi. Ewanㅡnaninibago lang talaga ako.


"Tsaka, Baekhyun. Yung kambal moㅡsi Luhan. Gustong-gusto ko talaga 'yon. Lakad mo naman ako oh." Sabi naman ni Sehun. Kapatid 'to ni Kris ehㅡkaya parehas mahaba baba. Pero hindi sila masyadong malapit sa isa't isa. Hindi sila closeㅡewan ko kung bakit.


"Pasensiya ka na, ha? Medyo hard to get 'yon eh. Halos lahat ng lalakiㅡtakot manligaw do'n. Masungit kasi." Sabi ko.


Napakamot naman siya. "Pakipot lang ata. Gusto niya ata pinage-effort-an siya. Oh sigeㅡkaya kong gawin 'yon." Sabi niya tapos ngumiti na kita gilagidㅡde joke.


"Ay talaga. Basta pleaseㅡonce na nahulog na rin ang kambal ko sa'yoㅡ'wag na 'wag mo siyang sasaktan, ha?" Pakiusap ko.

"Oo naman." Sabi niya at kumindat pa. Ang gwapo naman nitoㅡpero syempreㅡmas gwapo ni Chanyeol ko.


Lumingon ako kay Chanyeol na ngayon ay nakatingin kay Kai nang masama. Nagulat naman ako nang biglang inalis ni Kai ang pagkaka-akbay niya sa'kin. Tapos tumayo siya at hinatak si Sehun.


"Tekaㅡsa'n ba tayo pupunta?!" Iritang tanong ni Sehun.


"Basta! Gusto ko ng chicken!" Tapos ayonㅡhinila na ni Kai si Sehun palayo.

Okayㅡwhat was that?



--



"Twinnie! Lam mo? Feeling ko merong gusto sa'kin si Chanyeol." Napahawak naman ako sa ulo ko nang maramdaman kong binato niya ako ng sapatos. "Twinnie! Masakit 'yon! Bantay bata 'yon, promise!"


"Ikaw naman kasi, Twinneh. Sabi ko naman kasi sa'yoㅡ'wag ka nang mangarap. Libre langㅡpero ang taas eh."


"Grabe naman. Sabi nga nila 'dibaㅡwalang forever. Magbe-break din sila. Magiging kami."


"Ohㅡsa'yo na mismo nanggaling. Magbe-break sila at magiging kayo. Pero katulad nga ng sinabi moㅡwalang forever. Ibig sabihinㅡkayo din, magbe-break."


This timeㅡako naman ang bumato ng sapatos sakanya.


ANG SAKIT NO'NㅡPROMISE! MINSAN NA NGA LANG MANGARAP EH!



--


Multimedia section: Ang ating bidang dyosa.

Continue Reading

You'll Also Like

134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
177K 168 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
45.2K 1.3K 30
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
137K 5.1K 30
[COMPLETED] Byun Baekhyun was hunted by his past. He wants to forget and all, but it just keeps on repeating in his mind. But his last wish before he...