MU Series: The Social Media P...

By Amedrianne

414 14 16

What she wants, she gets. 'Yan ang life motto ng social media princess na si Marione Olivia Nazaretta Andrad... More

⚜️PREFACE⚜️
⚜️AUTHOR'S NOTE⚜️
⚜️CHAPTER 1⚜️
⚜️CHAPTER 2⚜️
⚜️CHAPTER 3⚜️
⚜️CHAPTER 5⚜️
⚜️CHAPTER 6⚜️
⚜️CHAPTER 7⚜️
⚜️CHAPTER 8⚜️
⚜️CHAPTER 9⚜️

⚜️CHAPTER 4⚜️

44 1 2
By Amedrianne

Tumalikod si Lucas na may malaking pighati sa puso at higit sa lahat sa kanyang bulsa.

Naubos na agad ang halos five hundred pesos na pera ni Lucas ngunit hindi pa rin siya nakakarating sa dapat niyang puntahan ngayong araw.

"Pambihira, ubod na nga ng arte, ubod pa ng kuripot." napasinghay nalang si Lucas dala ng pagkainis sa na meet niyang dalaga.

Hindi naman sa nageexpect ang binata na mabayaran ang nagastos niya, subalit nalimas kasi halos lahat ng baon niyang pera para sana sa pagpunta niya sa Saint Anthony University (SAU).

Ngayon kasi ang naka schedule na interview para sa renewal ng scholarship ni Lucas.

Third year, Bachelor of Science in Civil Engineering. Yan ang kursong kinukuha ni Lucas. Naniniwala ang binata na kapag nakapagtapos siya ay maraming oportunidad ang naghihintay para sa kanya.

Isang taon na lamang at gragraduate na siya. Isang taon pa ng pagtyatyaga makapag-aral ay makakapagumpisa ng makapagtrabaho si Lucas upang makapag-ipon.

Nais kasi niya na maipagamot ang catarata ng kanyang lola Amparo na mag-isang nagpalaki sa kaniya.

Para naman sa ganitong paraan ay makabawi si Lucas kahit papaano sa mga panahon ng pagsasakripisyo at pag-aaruga na ginawa sa kanya ni lola Amparo.

Subalit ang lahat ng pangarap niyang 'yan ay maaring mawala sa isang iglap lalo na ngayon na alanganin na siyang makahabol pa sa business time ng university.

Hanggang bago mag alas singko na lamang kasi ang Dean's office ng College of Engineering na siyang nagpafacilitate ng scholarship.

It's already quarter to five in the afternoon at asa kahabaan pa rin si Lucas.

Napasegway kasi ng direction si Lucas dahil sa pagtulong sa dalagang nawawala kanina.

'Via.'

Iyan ang pakilala sa kanya ng babaeng di lang umabala sa kanya ng todo, kundi umubos pa ng baon niya dahil sa pamasahe. Hindi naman nagsisisi si Lucas sa pagtulong, ngunit nanghihinayang lamang siya sa mga nasayang na oras. Lalo pa ngayon na siya ang tila asa alanganin nang oras patungo sa St. Anthony.

Nang makarating si Lucas sa College of Engineering building ay agaran siyang nagtatakbo patungo sa Dean's office.

Hingal na hingal pa nga siya nang pumasok sa loob ng opisina. Binati naman agad siya ng nagtatakang sekretarya ng dean, "Aba, Mr. Almeda, pasado alasingko na, ano pang sinadya mo dito?"

Matapos habulin ang oras ay ang kanyang hininga naman ang mabilis na hinabol ni Lucas. After he felt relieved, he immediately replied, "Sorry po ma'am Caridad. Naglakad lang po kasi ako para mahabol yung renewal interview."

Totoo naman ang sagot ni Lucas ngunit hindi pa rin ito tinanggap ng masungit na sekretarya, bagkos ay pinagsungitan lamang niya si Lucas.

"Naku, wala nang magiinterview sayo ng ganitong oras, hijo. Pano pa iproprocess yang scholarship mo." agad na sinabi ni Ms. Caridad.

"Ma'am, baka naman po pwedeng ilusot nalang interview. Papirmahan nalang po kay dean, importante lang naman po mapirmahan ngayon para maihabol ko po sa late enrollment bukas. Last day na po kasi ng filling bukas."

"Mr. Almeda, kanina pang alas dos nakaalis si Dean at kailangan niya habulin ang 3PM flight para sa isang summit niya sa hongkong tonight. Kaya kanina pa niya tinapos before lunch lahat ng papers na need niya pirmahan."

"Ma'am, wala ho bang officer-in-charge na pwedeng pumirma in dean's stead? Kailangan na kailangan ko lang po talaga mapirmahan itong scholarship grant ko. Baka po pwede kayo nalang?"

Agad naman tumaas ang kilay ni Ms. Caridad sa sinabi ni Lucas.

Mabilis niya itong sinagot nang,"I am not authorized to sign any documents intended for the dean. As far as I could remember, there are no instructions left by the dean that anyone is instructed to sign in his stead."

Agarang natahimik si Lucas sa sagot ni Ms. Caridad. Para bang kahit anong suggestion niya ay may nakaready ng pang block ang sekretarya.

May halo din na inis ang nararamdaman ng binata. Hindi kay Ms. Caridad dahil naiintindihan naman niya na baka dahil ginagawa lang ni Ms. Caridad ang trabaho niya kaya gano'n na lamang siya magsalita sa binata.

Bagkos ay sa pagkakataon galit si Lucas. Naiinis siya dahil naubos ang oras niya sa pagtulong sa iba ngunit sarili niyang problema ay hirap siyang masulosyonan.

"Paano po ito, ma'am? Kapag hindi po nagrant scholarship ko, hindi po ako makakapag enroll. Konti pasuyo na lang po sana ma'am baka po pwede niyo naman po ako matulungan." mabilis na panuyo ni Lucas.

Subalit, muli namang nawalan ng energy itong si Lucas nang mabilis na sumagot si Ms. Caridad nang," I already answered you, Mr. Almeda. I'm sorry but there's nothing I can do about your case at this point."

"ma'am, mawalang galang lang ho pero nakadepende po sa scholarship na to ang pagenroll ko sa taong to. Ma'am, di naman po siguro lingid sa kaalaman niyo ang estado namin sa buhay. Sa scholarship lang po ako umaasa na makapagaral. Ngayon, kung hindi po isasign ang scholarship ko, hindi po ako makakapagenroll."

Tinignan lamang ng sekretarya si Lucas mula paa hanggang ulo bago sumagot ng,"sana naisip mo yan bago dumating ng late dito."

Agarang lumabas ng office ang sekretarya at di na muling pinansin ang pagsuyo na pinipilit ni Lucas.

Naiwan lamang siya sa labas ng dean's office habang sumasakit ang ulo kakaisip papano niya ba matutustusan ang pangmatrekula sa taong ito.

Maraming bagay ang ngayo'y gumugulo sa isipan ni Lucas. Tulad na lamang kung papaano niya ngayon ipaliliwanag sa kanyang lola Amparo na hindi siya nabigyan ng scholarship sa St. Anthony University.

Mabilis na nagfast forward sa isipan ni Lucas ang lahat ng kanyang mga future plans na ngayon ay biglaang gumuho dahil sa pagkawala ng scholarship niya.

Sinisisi ni Lucas ang sarili sa nangyari. Kung sana mas naging maaga pa siya, malamang ay hindi na na siya naipit sa ganitong sitwasyon.

Agad na sumagi sa isip ni Lucas ang dalagang natulungan. Ayaw man niya sabihin ngunit inis ang tangi niyang nararamdaman ngayon sa babaeng iyon.

Nang dahil sa kamalasang kakambal ng babaeng 'yon maski siya ay naambunan. Heto nga at ngayo'y nawala na lang parang bula ang scholarship na inaasam niyang abutan sana sa araw na ito.

Lumabas na rin si Lucas sa campus matapos niyang kunin ang iba pa niyang gamit sa locker room at kausapin ang mga kaklase patungkol sa Scholarship niya.

Naglakad papunta ng paradahan si Lucas dala ang sama ng loob. At dahil sa konti nalang ang tira sa baon niya ay kinailangan pa niyang manghiram sa kaklase ng pamasahe.

Dagdag sa utang na loob nanaman ni Lucas ang paghiram ng pera, subalit nilunok nalang niya pride niya dahil kailangan nga naman niya ng pamasahe pauwi.

Habang nakapila si Lucas sa may paradahan ng bus, ay napansin niya ang isang hiring flyer na nakapaskil sa bulletin board.

Mabilis na napukaw ang atensyon ni Lucas ng isang poster tungkol sa hiring para sa isang barista sa cafe. Ang sabi doon ay kahit walang experience basta willing matrain ay puwedeng mag-apply.

Kung kaya naman agad na naisip ni Lucas na puntahan na lamang ang naturing na Cafe.

"Teka parang malapit ata to doon sa Montecillo University ah." Matapos magisip ni Lucas kung tutuloy nga ba siya sa Cafe upang magbakasakaling mag-apply sa trabaho ay mabilis itong sinubukan na tawagan ang kanyang lola Amparo upang magpaalam.

Subalit, nakailang tawag na si Lucas sa cellphone ng kababatang kaibigan niya na kasalukuyang nagbabantay kay Lola Amparo, ngunit wala naman sagot ni isa ang linya ng kanyang tinatawagan. Kung kaya naman napilitan na lamang si Lucas na magtext na hindi siya makakauwi ng maaga sa kadahilanang kailangan pa niya magtungo sa Cafe na malapit sa Montecillo University.

Matapos ang halos thirty minutes na byahe mula Manila ay binyahe naman ni Lucas ang Diliman kung asaan ang Cafe na may opening. Malapit nga ito sa Montecillo University. Isa itong sikat na elite institusyon sa bansa.

Halos lahat pa nga ng nag-aaral dito ay galing sa mga prominente at mayayamang pamilya. although mayroon din naman mga scholar kung tawagin, halos karamihan pa rin sa population ng Montecillo University ay mabibilang sa category ng "Rich Kids".

Napailing bahagya si Lucas matapos mapadaan sa Kabilang kalye ng Montecillo University. Saglit niya itong tinanaw mula sa di kalayuan at napabugtong hininga na lamang siya.

"Napakaunfair talaga ng mundo." bulong nito sa sarili matapos mapalampas ang mga luxury cars na naglalabasan sa exit ng University main gate.

Mabilis naman itong dineadma ni Lucas sabay diretso ng lakad niya papunta sa cafe. Papasok na sana siya sa loob nang maalala niya na kailangan pa pala niya magprint ng resume. napakamot na lamang si Lucas ng ulo dahil sa lahat ba naman ng pwede niyang makalimutan ay magprint pa ng resume.

Napailing nalang siya dahil mapapagastos nanaman siya para sa printing. Bagamat nanghiram siya sa mga kaibigan ay medyo alanganin na basta na lamang gumastos si Lucas. mahirap na rin kasi na maubusan pa siya rito sa Diliman at wala naman siya kakilala.

Sobra naman ang napahiram ng kaibigan sa kanya pero mabuti ng magtipid siya at di basta na lang masayang ang bawat piso sa dala niyang pera ngayon, ayaw na rin niya maulit ang nangyari ngayong umaga. Sa tuwing naalala niya ang nangyari ay naiinis lamang siya dahil nawalan siya ng scholarship nang dahil dito—ng dahil sa babaeng yon.

Nang makabalik siya sa coffee shop na pag-aapplyan ay nadatnan niyang may kausap ang may-ari ng cafe na lalaking tila asa early fifties na sa kanyang itsura ngunit matipuno pa rin.

"Ah andyan ka na pala. Upo ka muna sa tabi." saad ng may-ari kay Lucas.

Napatingin naman ang lalaking kausap ng may-ari ng cafe at di na nito napigilan pa ang magtanong. "Working student?"

Noong una ay tila nagdadalawang isip pa nga si Lucas na sumagot at baka hindi naman siya ang kinakausap ng lalaki. Ngunit agad naman niyang narealize na wala naman nakaupo sa likuran niya para kausapin ng lalaki.

"Uh, yes po, sir." Biglang sagot naman ni Lucas.

Muling ibinaling ng lalaki ang tingin sa may-ari ng Cafe sabay sabing, "You can let him sit with us, and then you go ahead with the interview."

"It's alright, Pare."

"No, no, it's okay. This kid looks like he needed the job, so, interbyuhin mo na."

At dahil sa pamimilit ng lalaki sa may-ari ng cafe, agad na pinalapit na si Lucas at kinuha ang resume nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng may-ari ng cafe nang makita ang laman ng resume. "High school valedictorian, at consistent dean's lister pa sa St. Anthony. Why do you still need to work part time if you're supposed to receive full scholarship and a subsidy for this?" tanong agad sa kanya ng may-ari ng cafe.

Agad na napatameme si Lucas. Hindi kasi niya sigurado kung tama ba na sabihin niya ang nangyari ngayon araw.

"Actually sir, I failed to meet my appointment time para magrenew ng scholarship today kaya hindi na po nagrant sa akin ang scholarship ko. I had to help a lost girl on the way to St. Anthony. Hindi po kasi maatim ng konsensya ko na hindi tulungan lalo na mukhang nawawala po siya baka mapano pa."

"Baka naman kasi maganda lang yung babae? Nako mga kabataan talaga ngayon." Ani ng may-ari.

"To be honest, sir, maganda nga po siya kaso medyo masama ugali. Napakamaldita po kasi."

At bigla natawa ang bisitang lalaki sa may tabi. "Sorry, don't mind me. Tuloy niyo lang." saad niya sabay pigil ng tawa.

"Maldita naman pala, bakit mo pa tinulungan? Siguro type mo?"

"Hindi po sir, pero pinalaki po kasi ako ng lola ko na maging matulungin sa iba kahit pa mukha silang maldita."

"So ano na nangyari sa scholarship mo after mo di umabot?" tanong ng may-ari ng cafe.

Napayuko na lamang si Lucas after niya maalala ang masaklap na sinapit ng scholarship grant niya. "Mukhang maibibigay na sa iba ang slot ko, sir. They didn't give my case any consideration."

The owner of the cafe sighed. "Well, considering na ihire kita, how would you handle managing school and work?"

"Sir, i'm efficient po when it comes to time management. Sadyang hindi lang po talaga ako prepared sa nangyari today lalo na po kanina."

"So what if it happens in my cafe and you're on duty, iiwanan mo ba ang trabaho mo to help a lost girl?"

"I understand it's a tricky question, sir. Honestly, I could tell you na hindi po syempre to please you. But I would not simply put a blind eye. Pwede naman po ako makigamit ng telepono to call for help sa pamilya nung nawawala without leaving my job."

At lahat sila ay napatingin sa telephone line ng cafe sa may gilid.

Mabilis nanaman na napangiti ang lalaking bisita ng may-ari ng Cafe, "Gusto ko ang cleverness ng batang to. You know, I could sign you up for a scholarship grant in Montecillo University."

Nanlaki ang mga mata ni Lucas sa narinig at dagli niyang sinabi, "Talaga po, sir?"

"Well, that is if kakayanin mo ipasa yung scholarship exam of course."

"Kakayanin po," buong tapang na tugon ni Lucas.

Ngunit bago pa man nakapagsalit ang bisitang lalaki ay agad na nagsalita ang may-ari ng Cafe, "Aba tignan mo nga naman ang pagkakataon, scholar grantor na rin ba ngayon?"

"Baka ipasok ko siya sa scholarship grant ng asawa ko or family friend namin, whichever scholarship he may pass. He reminded me of my son, actually. Ilang taon ka na at anong course mo na nga ba uli, hijo?" tanong ng lalaki kay Lucas.

"Twenty years old po. Civil Engineering po kinukuha ko."

Bigla naman natigilan ang lalaki, "Well, magkaiba kayo ng course actually but you are the same age as my son. If palarin ka sa MU, baka possibleng makasalubong mo siya university."

Nakangiti lamang ng diretso si Lucas at hindi na niya maipinta ang tuwang nararamdaman. Napaisip siya na kahit pala minalas siya sa paglakad ng scholarship grant niya sa St. Anthony ay nabigyan naman siya ngayon ng pagkakataon sa Montecillo University.

Ngunit sa kabila ng offer sa kanya ng mabuting lalaki, ay tila ba may bigla na lamang bumagabag sa isip ni Lucas.

Nang matapos ang interview ay agad na rin naman umalis si Lucas upang umuwi sa kanila, bitbit ng binata ang isang calling card na iniabot sa kanya ng bisitang lalaki ng cafe.

Sa paguwi ni Lucas ay napapaisip siya kung tatanggapin niya ba ang scholarship grant sa kadahilanang baka hindi naman niya kayanin ang pamumuhay sa loob ng Montecillo University. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 534 42
My Christian faith and the present time | Randomness and true testimonies | A author who is a believer and also a wattpader <3
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
394K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
96.2M 1.1M 98
(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.