SB19 Series Bonus Chapters

By StellZyyy

2.9K 121 146

More special/bonus chapters from SB19 Series. ----- Date Started: August 08, 2022 More

Intro
Vera on Elli being a Fangirl
Gender reveal of Pablo & Bianca's first child
Jeff and Ara's Talk
[DL: What ifs] (AU) 1/3
[DL: What ifs] (AU) 2/3
[DL: What ifs] (AU) 3/3
Ivy's Pregnancy
JC's Joy

Love At First Con

116 5 3
By StellZyyy

BONUS CHAPTER 7: Love At First Con

Shawarawt sayo sunshineeyyyyyy for guessing the title right! Galing-galing naman niyan. 😚👏

-

BEATRICE's POV

"They never disappoint talaga..."

Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Nakita kong nakangiti siya at proud na nanonood sa limang lakaking nagpeperform sa stage.

We're here at a coliseum where SB19's concert is currently happening. Sobrang daming tao ang nanonood. Pero nandito kami sa unahan nakapwesto para maayos kaming makapanood. We're on the VIP seats.

"Ang galing nila noh?"

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa lalaking nasa tabi ko kung hindi lang ito nagsalita ulit at kung hindi niya ako nilingon.

"Miss, alam kong gwapo ako. Pwede na ba akong maging sixth member nila?" he playfully asked.

Napakurap-kurap ako bago napaiwas ng tingin.

"Ang hangin mo naman, kuya." sabi ko.

"Wag mo 'kong tawaging kuya. Mukhang magkasing edad lang tayo. May pangalan ako, Miss. Tawagin mo nalang akong Rafa." the guy beside me said.

I gulped as I nodded.

I can't look at him now because he just caught me staring at him.

"Go, love! Go boys!"

I suddenly took a glance on ate Ivy on my right side. Kasama ko siyang nanonood ngayon. Actually, sinama niya ako para may kasama siyang manood ng concert nina kuya Josh.

"Swerte naman ni Josh. Meron siyang supportive girlfriend." dinig kong usal nang isa ko pang katabi which is yung nagpakilala bilang Rafa.

"True." I uttered.

The guy didn't speak after that. Nagfocus nalang siya sa panonood.

Fanboy na fanboy ang dating niya. Alam ko mag-isa lang siya. Mula pa kasi kanina hindi ko maiwasan na hindi siya pansinin dahil magkatabi lang naman kami.

"Damn, ang angas talaga nila. Ang aangas pa sumayaw oh. Alam mo bang kaya ko rin 'yan?" he said again that caused me to look at him again.

Napatingin din naman siya sa akin tsaka tinaasan ako ng kilay.

"Kaya mo? Show it to me then." I tried challenging him.

He suddenly smirked and shook his head a bit.

"Baka pag pinakitaan kita ng moves ko, ma-fall ka." sabi niya.

"What?" di makapaniwala kong sambit.

"Hello? Kanina pa nila pinerform yung What? Mana na 'yan oh." sabi niya sa akin tsaka itinuro pa yung SB19 na hindi pa tapos magperform ng isa pang kanta nila.

Mahina akong napasinghal. I let out a soft chuckle.

Ba't ba ako natawa? Gusto ko ba yung pamimilosopo niya?

"Manood ka na nga lang diyan." sabi ko sakaniya.

"Hala natawa siya. Ang cute mo po." I heared him said.

Hindi ko nalang siya pinansin at nanood nalang ng performance. Pero alam ko, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa simpleng sinabi niyang iyon.

I enjoyed watching the concert. First time kong makita yung grupo ng boyfriend ni ate Ivy na magperform live. And just like what the guy beside me said earlier, they never disappoint.

"Bea, let's go at the backstage. Hindi pa rin naman agad tayo makakalabas, ang daming tao." Ate Ivy suddenly said when the show is done.

May lumapit na rin kasing staff rito sa amin na obviously, kilala siya. Pinapatawag daw siya ni kuya Josh.

"Ah, ate, kayo nalang po. I'll just stay here." I said.

"Are you sure?" she asked me.

I smiled and nodded.

The staff assisted ate Ivy as they went to the backstage. Samantalang nanatili naman ako sa pwesto namin.

"Magpinsan ba kayo? Kasi sa pagkakaalam ko, wala namang kapatid 'yon si Ms. Ivy."

Nagulat ako nang marinig ko ulit ang boses ni Rafa.

I thought he left dahil umalis na siya kani-kanina lang.

"Nakakagulat ka!" ani ko sakaniya.

He just chuckled softly. "Sorry po." he said.

I just sighed before answering his question.

"Hindi kami mag-pinsan. We are friends, bestfriend rather. Kaya ko lang naman siya tinatawag na ate kasi matanda siya sakin nang tatlong taon." I said as I explained to him. "We were friends since we were teenager. And now I work at their company in Paris." I added.

"Oh, anong ginagawa mo rito?"

My brows furrowed a bit as I looked at him.

"Bwisit ka! Malamang sinama niya ako pagbalik niya rito sa Pinas." sabi ko sakaniya.

He just laughed at me again.

Ano ba 'to, nakakainis! Cute pa naman siya.

"So, Bea ang pangalan mo?" he once again asked.

"Ba't gusto mong malaman?" tanong ko tsaka bahagyang tinaasan siya ng kilay.

"Kasi crush kita."

My eyes widened a bit.

"Ano?!"

"Alam mo, ang ganda mo pero parang bingi ka naman." sabi niya. "Ang sabi ko, crush kita." aniya.

"Bakit?" tanong ko.

How? What the hell... Ngayon niya nga lang ako nakita tapos sasabihin niya 'yon. Unbelievable.

"Ewan... Dapat ba may dahilan para magkagusto ka sa isang tao?" sambit niya. "Kasi kung ganon lang din naman, paano nalang kung mawala na yung rason kung bakit mo siya nagustuhan? Edi wala na rin? Iiwan mo nalang, ganon?"

Natahimik ako.

Well, he's right at some point.

Grabe naman 'tong lalaking 'to, biglang nagseryoso sa mga sinasabi niya.

"Pero kung may boyfriend ka na, I understand. You can just ignore what I said." he said and smiled at me. But not like his smile earlier na mas malaki.

"No, wala, I don't have a boyfriend." agad kong sagot.

Wala pa akong nagiging boyfriend kahit noong nasa France ako. Tanging sarili ko lang ang pinagtutuonan ko ng pansin habang nandoon ako.

"Talaga?" his face brightened up.

I just nodded and smiled at him.

Feeling ko namumula na ang pisngi ko kaya umiwas na ako sakaniya ng tingin.

This is so new... I never felt this kind of feeling before.

Pasimple akong humawak sa bandang dibdib ko dahil naramdaman ko ang biglang malakas na pagtibok ng puso ko.

Shit. Hindi na ata 'to normal.

"Bye. I have to go home, Rafa." I said and looked at him once again.

I gave him a smile before I fastly walk away from him.

"Bea, wait!"

Tinawag niya ako at alam kong sumunod siya sa akin.

Mas binilisan ko nalang ang lakad ko at halos tumakbo na rin ako habang tinatahak ang daan palabas nitong venue.

"Bea, sandali. Hindi mo pa sinasabi buong pangalan mo. Paano kita mahahanap niyan?"

Naabutan ako ni Rafa at hinawakan niya pa ang isa kong braso kaya napahinto ako.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Sasagot na sana ako nang bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa sling bag ko.

Agad ko 'yong kinuha at nakita kong tumatawag si Mama.

"Sorry, I really need to go, Rafa." sabi ko sa lalaking nasa harap ko at mabilis na umalis sa harap niya.

Napabuntong hininga ako nang makita ko ulit yung lalaki sa picture. Ate Ivy posted our pictures together at SB19's concert, tapos ngayon may isang picture doon na kita si Rafa. Sideview lang pero halata mo nang gwapo ang itsura niya.

I never knew this would be possible. Ilang araw na mula nung gabing iyon nang magkakilala kami pero sa nagdaang mga araw, hindi siya naalis sa isip ko.

Napatingin ako sa taas ng screen ko nang may message na magflash doon. My eyes widened when I saw a familiar name on it.

itsme_rafa
Found you!
Hi, Bea! Sana natatandaan mo pa ako.

Mabilis na kumilos ang daliri ko sa pagpindot. I accepted his message request and tap the chat box to send a reply.

Bonjour!
Of course!
Wait, pano mo ako nahanap?

It didn't take long when he responded. Agad niyang naseen ang reply ko.

itsme_rafa
Naisip kong tignan sandali yung account ni Miss Ivy
Nagbakasakali ako, mabuti nalang may mga tagged pictures ka sa account niya kaya nahanap agad kita.
Sorry kung out of nowhere 'tong message ko ha
Naexcite lang hehehe

I bit my lower lip. Pagkatapos kong basahin ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.

Gosh, bakit ako kinikilig?! This is the first time my reaction went like this when talking to a guy. Ano bang meron?

Pinakalma ko ang sarili ko. I composed myself first before I replied to him.

I tried to be serious. Pero habang magkausap kami ay kusa nalang gumuguhit ang ngiti sa labi ko.

"Ma, aalis na po muna ako!"

"Oh, may lakad kayo ni Ivy?"

I shook my head and smiled a little.

"Isa ko pang kaibigan, Ma. Dalhin ko rito mamaya para makilala mo." sabi ko sa Mama ko.

Pagkatapos magpaalam kay Mama ay umalis na rin ako. I will be seeing Rafa.

Rafa and I became friends. After the concert where we met, pangatlong beses na namin 'tong magkikita. Every weekend magkasama kami kapag wala siyang work. We go out, we eat together, we go to places. At kapag magkasama kami, mas nakikilala ko siya. Sa aming dalawa siya ang mas makwento, at doon ako natutuwa.

And I am not dumb to not get the things we've been doing. Sinabi niya sa akin last week kung anong nararamdaman niya, making me open up to about my feelings. It was mutual. Pero kahit na ganon, he insisted on courting me still.

"Mamaya sumama ka sakin pag-uwi. I want you to meet my Mom." I told Rafa while we are eating at a restaurant.

"Sige lang. Magpapa-good shot na agad ako kay Mama." he casually said.

"Mama?" ani ko.

"Doon din naman punta no'n eh. In the future, Mama na rin tawag ko sa Mama mo." he said and wink at me.

Napailing nalang ako, pero nakangiti.

After eating at the restaurant, naglakad-lakad muna kami sa isang mall. Tapos doon niya napagpasyahan na bumili ng something para kay Mama. He bought foods for my Mom.

"Oh, ito ba yung kaibigan mo? Napakagwapo mo naman, hijo."

Tumingin ako kay Rafa para tignan ang reaksyon niya sa sinabi ng Mama ko. As expected, nakangiti na naman. Oh, how I love his smiles. Nakakainlove.

"Gwapo po ba, Tita? Bagay po ba sa anak niyo?" he asked my Mom.

Napatingin sa akin si Mama, medyo nagtataka. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Mama, si Rafa... Manliligaw ko."

"I'm amazed. Close agad kayo," natutuwa kong sabi kay Rafa nang maihatid ko siya sa may gate ng bahay namin.

Gabi na. Dito na siya pinakain ng dinner ni Mama. Parang ayaw pa ngang pauwiin dahil ang ganda ng kwentuhan nilang dalawa. Parang siya na yung anak. Pero nakakatuwa, natutuwa ako. I saw his respect towards my Mom, and it's enough for me.

"Mabait Mama mo eh. Parang ikaw. Madaling makagaanan ng loob." he said.

I just nodded because I agree.

Weeks passed and we're still in that routine. Madalas weekends lang kami nagkikita dahil doon siya free. But despite of it, he never fail to send me messages, delivery foods, o kung ano-ano pa.

Valentines Day ngayon. It's a weekday but Rafa promised me na lalabas kami. Kaya naman napagpasyahan na sagutin na siya mamaya.

"Happy hearts day, Bea ko,"

"Wow, thank you!" pinasalamatan ko si Rafa nang dumating siya na may dala pang isang boquet ng bulaklak.

"You're welcome po." he said and smiled. Umupo na rin siya sa upuan niya.

We're having a dinner. Ako na ang nagplano nito dahil alam kong may work siya. Ito lang yung magagawa ko para sa amin dahil ayoko rin namang istorbohin ang pagtatrabaho niya. I let him focus on his work at ako na sa mga ganito.

"Ang ganda mo lalo ngayon. Masyado ka namang halata na pinaghandaan mo 'to."

"Pinaghandaan ko talaga." pag-amin ko.

Naglalakad-lakad kami. We were here at a small park. Dito kami dumiretso pagkagaling sa restaurant.

We sat at a near bench to rest. Kinuha ko naman ang isa niyang kamay kaya napatingin siya sa akin.

"Rafa, alam mo naman na temporary lang yung stay ko rito sa Pilipinas ngayon, diba?" sambit ko.

"Oo," he uttered. "Kasi taga roon ka talaga sa Paris, matagal ka na roon. Tsaka nandoon din yung work mo." sabi niya.

I nodded. "Therefore, alam mo na if ever umalis ako, kapag nagdecided nang bumalik si ate Ivy sa Paris, wala nang weekly dates. Malayo na tayo sa isa't isa."

"Magkakalayo lang tayo physically. But our hearts are close together. Wag kang mag-aalala, hindi ako titigil sa panliligaw kahit na nandoon ka na. Tsaka, mag-iipon ako. Bibisitahin kita roon." he said.

"Hindi mo na ako kailangang ligawan kapag nasa Paris na ulit ako." sabi ko sa kaniya.

"Ano?" napatitig ako sa kaniya nang mabigla siya sa sinabi ko. Gulat siyang napatingin sa akin, hindi makapaniwala. "B-Bea... Teka, binabusted mo ba 'ko? Akala ko ba-" napahinto siya sa pagsasalita tsaka napaiwas ng tingin sa akin.

I'm just beside him, looking at him. Mukhang malalim ang iniisip niya. Sobrang seryoso ng mukha. Malayo sa nakilala kong Rafa sa concert.

"May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Am I making you uncomfortable? May nagawa ba akong mali? Ano? Sabihin mo lang, aayusin-"

"Hey, Rafa," I called him as I held his jaw to make him look at me properly.

I stared directly at his eyes and I saw worry and fear. For the first time, ngayon ko lang iyon nakita sa mga mata niya.

"Sinasabi ko na 'wag mo na akong liligawan kapag nasa Paris na ako kasi magmula ngayon, hindi na kita manliligaw." pagkaklaro ko sa kaniya. I saw confusion in his eyes kaya nagsalita muli ako at dahan-dahang ngumiti. "You are my boyfriend now, Rafa." I told him.

His lips parted a bit. From confusion, ngayon ay gulat at hindi na naman siya makapaniwala.

"Stop worrying. Anong busted? Eh unang kita palang natin, ang saya mo na kasama eh. Ngayon pa ba kita aayawan?" ani ko.

Rafa just sighed and gave me a light smile.

"Misis ko naman, pinakaba mo 'ko eh,"

"Hoy, anong misis ko!" saad ko tsaka mahinang hinampas ang braso niya. "Sinasagot palang kita, ginawa mo naman kaagad akong misis mo." tumatawa kong saad.

He chuckled a bit while staring at me.

"Doon naman tayo papunta eh." he said and held my hand. "Ang sabi nga nung boyfriend ni Miss Ivy, si Josh, na the best way to predict the future is to create it... We'll create a relationship that will be full of trust and love, Bea. Tiwala at pagmamahal ang magiging pundasyon natin para sa malinaw at magandang future na magkasama tayo." he said, making my heart flutter.

I smiled genuinely.

Rafa never fail to make me feel things that makes me flutter, happy, or whatever it is that would make my heart at ease. First meeting, nung nasa concert palang kami, he already made an impact in my heart.

"Halika nga," aniya at inalalayan ako sa pagtayo.

He put my hands on his shoulders and he placed his on the sides of my waist.

"Alam mo bang first time ko lang din pumunta sa concert ng SB19 nung nagkakilala tayo? Ang swerte ko nga eh, hindi lang dahil sa nakita ko sila, kundi dahil nakilala kita." sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Nung niligawan kita, alam kong dadating yung araw na aalis ka at babalik na sa Paris. But that didn't stop me to do what my heart wants. I wanted to make you mine, and now you are..." he said. "Distance won't make me stop loving you. Pero focus muna tayo sa ngayon, ha? Magkasama pa tayo. Gagawa pa tayo ng memories na babaunin mo sa Paris." sambit niya.

Tumango ako habang nakangiti.

"Je t'aime, Rafa." I told him sweetly.

He chuckled before replying, "Mahal din kita, Bea."

Those are just four words but it sounds so good in my ears. Para bang hindi siya nakakasawang pakinggan, para bang hahanap-hanapin ko iyon.

I closed my eyes when Rafa planted a soft kiss on my forehead before gently pulling me for a hug.

Agad akong yumakap pabalik. The hug feels so warm. Dinama ko ang yakap naming dalawa.

Hindi pa man ako umaalis pero ngayon palang, alam kong ito na ang hahanap-hanapin ko sa Paris. Seems like I'll be more looking forward on going back here, going back to him.

Continue Reading

You'll Also Like

257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
169K 3.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
14.7K 817 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
2.6M 61.6K 83
Georgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya an...