Jeff and Ara's Talk

204 8 14
                                    

BONUS CHAPTER 3: Jeff and Ara's talk

-

ARA's POV

"Mommy," I hummed in response to AJ while I'm combing her hair with my fingers. "Dadating po ba si Daddy ko?" tanong niya na ikinatigil ko saglit.

I suddenly looked at the time. Malapit nang mag-alas nuebe ng gabi. Pero si AJ na three years old palang ay gising pa. Dapat ay tulog na siya ngayon eh, may hinihintay lang siya.

"Bukas ata, 'nak." I said, unsure.

I bit my lower lip.

Right, she's waiting for her father to come here tonight.

Ang usapan namin ng ama niya, pupunta siya rito ng alas syete ng gabi. Pero magdadalawang oras na ang lumipas at wala pa rin siya. Wala ring kahit text man lang na nagsasabing hindi siya matutuloy o ano kaya pati ako ay hindi ko alam kung makakapunta pa ba talaga iyon o hindi na.

"Gusto ko na po mag-sleep. Antok na 'ko..."

Agad naman akong tumango sakaniya. Halata ko na nga rin pati sa boses niya na antok na talaga siya.

Pinahiga ko na siya sa kama tsaka siya tinabihan. Agad naman na siyang yumakap at sumiksik sa akin. Marahan ko namang hinaplos ang buhok niya para madali siyang makatulog.

We've been like this for years. Ganito lang kami. Kaming dalawa lang. Tinaguyod ko siya nang ako lang mag-isa.

I may not be that good daughter to my late parents, I may not be a good friend, but I wanted to be the best mother to AJ. At iyon ang ginagawa ko ngayon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nakayakap pa rin sa akin si AJ. Nagising ako nang merong mahinang yumuyugyog sa balikat ko.

"Di ka naglolock ng pinto ng unit niyo. Paano nalang kung may ibang nakapasok dito? Ara naman, kasama mo si AJ oh."

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni AJ sa akin at nilagyan ko nalang siya ng unan sa tabi niya para mayakap niya bago ako bumangon at bago ko harapin nang maayos si Jeff. Oo, siya yung dumating.

"Hindi ko lang namalayan na naka-idlip na rin pala ako. Papatulugin ko lang naman sana kanina si AJ dahil inaantok na siya at di ka na mahintay." paliwanag ko sakaniya.

Jeff sighed as he light shook his head.

Dahan-dahan siyang lumapit kay AJ para hindi ito magising tsaka niya pinatakan ng halik sa ulo yung bata. He even caressed her hair a bit.

"I'm sorry..." I heared him whispered to her.

Umiwas nalang ako ng tingin at lumabas na ng kwarto. Pumunta ako sa sala at naupo sa sofa. Mabilis din naman akong sinundan ni Jeff kaya agad din akong nagsalita at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Bakit ngayon ka lang? Ang sabi mo roon sa bata ay alas syete ng gabi." paninimula ko. "Jeff, nag-antay si AJ sa'yo. She waited for you until she just fell asleep. Tinanong niya pa ako kung dadating ka ba kahit na hindi ko sigurado kung oo o hindi." sabi ko sakaniya.

"I'm sorry." he apologized. Nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ko. He licked his lower lip as he lightly massage his jaw line. "Pero may dahilan naman eh. Hindi ko siya nakalimutan, hindi ko kayo kinalimutang puntahan." he said.

I raised a brow at him.

Alam kong may sasabihin pa siya kaya hindi na muna ako nagsalita at hinayaan nalang siya.

"Alam na nila, sinabi ko na." tinapunan niya ako ng seryosong tingin. Awtomatiko namang napababa ang nakataas kong kilay.

I suddenly got nervous.

Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Isa lang naman ang ibig sabihin no'n, na nasabi na niya sa pamilya niya na meron siyang anak. That he had a daughter from someone who's not even a friend or what to him.

"A-Ano? Kamusta? Galit ba sila?" tanong ko.

"Nagulat. Pero yung nagalit, hindi naman." sabi niya. "Gusto nilang makita si AJ, yung apo nila. Will that be okay with you?" he asked.

"Oo naman." usal ko. "Kailan ba? Para masabi ko na kay AJ bukas na sasama siya sa'yo, na pupunta kayo sa mga magulang mo." saad ko.

"Anytime this week, pwede rin namang bukas din agad. Tsaka, sumama ka."

Napalunok ako't napaiwas ng tingin.

"And we need to talk, Ara. We need to talk about our set-up. Okay lang naman sa'yo diba na nasa akin si AJ minsan?" Jeff asked.

Wala sa sarili akong tumango. "Oo naman, karapatan mo naman 'yon eh." sabi ko sakaniya.

"And also, kailangan na rin nating ayusin yung pangalan ng anak natin sa mga papeles o dokumento niya. Let AJ use my last name. I'd give it to her." he said.

I noodded in agreement.

Aria Jane T. Salazar sounds good. AJ will finally have her father's last name.

"Ikaw? Do you have any conditions?" Jeff asked me again.

Napatingin ulit ako sakaniya tsaka napailing.

"Wala naman. As long as our set-up on being a parent to AJ won't have any problems, okay na sakin iyon." I answered him.

I mean, that's our only role. Magpaka-magulang kay AJ, 'yon lang ang gagawin namin, wala nang iba...

----------

Wow, nakakamiss mag-update HAHAHAHA. Forda busy ang author niyo sa school kaya wala masyadong update. Hope you understand. :>

- Zy

SB19 Series Bonus ChaptersWhere stories live. Discover now