[DL: What ifs] (AU) 2/3

217 11 17
                                    

BONUS CHAPTER 4.2: What if Stell was with her?

-

Dahil sa pagbubuntis ko ay mas lalo kaming napalapit ni Stell sa isa't isa. I'm aware of it, and maybe he is too. Madalas na ulit kaming nagkikita. He's always with me whenever I have a check up until now that I'm on my fifth month already.

Hindi ko nalang siya pinupuna tungkol doon dahil baka bigla rin niya iyon marealize at bigla siyang tumigil. Ayaw ko naman 'yon.

"Let's go, let's go! Mamaya, kahit anong gusto mong kainin, ako magbabayad. It's my treat for you. Happy birthday!"

Nakangiti lang ako habang nakakapit si Elle sa braso ko.

We're still here at the church. Sinamahan niya akong magsimba dahil birthday ko.

"Thank you, Elle." I told her. "Pero, gusto mo bang sumama nalang sa akin? Sa amin ni Stell, susunduin niya 'ko, may pupuntahan daw kami." sabi ko sakaniya. "Para may kasama na rin tayong kumain." sabi ko pa.

"Ay," aniya tsaka napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin tuloy ako. "Gagawin mo pa akong third wheel sainyo. Kayo nalang, magpakasaya kayo."

I bit my lower lip and lightly looked down.

Nang makalabas na kami ng simbahan, sakto ring dumating na si Stell. I guess he estimated the time.

"Hoy, ingatan mo 'yan ah." Elle suddenly said and looked at Stell beside me.

"Elle," saway ko dahil parang nananakot yung tingin niya.

"Char lang." aniya tsaka tumawa. Yumakap na rin siya sa akin kaya niyakap ko rin siya pabalik. Kumaway ako sakaniya tsaka sumakay sa kotse.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sandali kay Stell habang nagddrive na siya.

"Sa bahay." simpleng saad niya.

"Bakit? Anong gagawin natin doon?" nagtataka kong tanong.

"Dalhin daw kita roon sabi ni Mama."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinabahan. Parang gusto ko nalang bumaba at wag nalang sumama sakaniya.

Kinakabahan ako kasi baka kung anong marinig ko mula sa mga magulang niya. Baka kung ano nalang ang sabihin nila sa akin. Kahit na nakilala na ako ng Mama niya noon, kinakabahan pa rin ako dahil iba ang sitwasyon ngayon.

Habang papunta kami ni Stell sa bahay nila ay tahimik lang ako dahil kinakabahan talaga ako. Hindi ako mapakali.

"Tara na, naghihintay sila sa loob."

Napalunok muna ako bago lumapit sakaniya. Nandito na kami sa labas nila.

I felt a hand on my lower back kaya napatingin ako sakaniya. Parang wala lang naman sakaniya 'yon at sa unahan lang siya nakatingin.

Pagpasok namin sa loob ay agad na sumalubong sa amin ang Mama ni Stell. Mas lalo akong kinabahan kaya napausog ako ng kaunti kay Stell.

"Hija, medyo malaki na nga ang tiyan mo!" sambit ni Tita tsaka agad na lumapit sa akin. Niyakap ako nito kaya nagulat ako. Pero kalaunan ay yumakap na rin ako.

"Ah, opo, f-five months na po eh." sabi ko pagkatapos ng yakap.

"Happy birthday!"

Mas nagulat ako nang batiin niya ako.

"Sabi ni Stell ay birthday mo kaya pinapunta ka namin dito. Naghanda ako para sa'yo, tara."

Hawak ako sa palapulsuhan ni Tita. But I suddenly looked at Stell when I heared from her mother that he told her about my birthday.

SB19 Series Bonus Chaptersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن