Vera on Elli being a Fangirl

477 16 8
                                    

BONUS CHAPTER 1: Vera on Elli being a Fangirl

-

VERA's POV

I immediately went out on my room as soon as I finished my work. Today was supposed to be my day off but I didn't get to finish my work the past few days dahil nagkasakit si Elli, ofcourse I'll pay my full attention to her, ofcourse I'll take care of her. Mabuti nalang at magaling na siya ngayon.

I'm on my way to Elli's room to check on her and Elle. Nandito si Elle. Pinapunta ko siya rito para magbantay sandali kay Elli dahil tinapos ko pa yung trabaho ko kanina at si Liza naman ay busy, nagrereview for their exams.

Hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ng anak ko ay narinig ko na agad ang pinapatugtog niya. Napailing nalang ako.

"Elli, baby." I called her when I entered her room.

Naabutan ko silang parehas nakahiga ni Elle. Elli is holding her Tita Ninang's phone. At doon nanggagaling yung sound. Ang lakas naman, kaya pala rinig na rinig kahit nasa labas palang.

"Elli, lower down the volume. Masyadong malakas." sabi ko sakaniya.

Sinunod naman niya ako at hininaan na niya yung volume. Pagkatapos ay tumalikod siya sa aming dalawa ni Elle.

I saw her opening the YouTube app. Napabuntong-hininga ako. Alam ko na yung papanoorin niya tuwing hawak niya yung phone ni Elle.

For sure, content ng SB19 ang pinapanood niya. Pinapanood niya yung Daddy niya. Pero di niya 'yon alam.

"Kumain na ba siya?" tanong ko kay Elle nang bumangon na ito mula sa pagkakahiga.

"Oo, pinakain ko na. Masyado ka naman atang busy kanina, tinawag ka pa kaya niya. Di mo naman narinig kaya pinakain ko nalang din agad." sabi niya sa akin.

Tumango nalang ako tsaka nagsalita ulit.

"Tinapos ko lang yung ilang trabaho ko." sabi ko. "Tara, doon tayo sa ibaba." pag-aaya ko sakaniya tsaka ako bumaling kay Elliana. "Elli, we'll just go downstairs ah." sabi ko rito.

"Eat ka na po, Mommy." she told me as she took a glance at me.

I smiled and nodded. "Yes po, later." sabi ko sakaniya.

Pagkatapos ay lumabas na kami ni Elle ng kwarto ni Elli. Bumaba kami sa living room. Pahinga ko na rin 'to. Medyo sumakit pa tuloy ulo ko dahil tutok ako sa laptop ko.

I then suddenly thought of Elli kaya bumaling ako kay Elle.

"Kanina pa ba gumagamit ng phone si Elli? Baka sumakit nanaman ulo no'n." nag-aalala kong sambit.

"Hindi noh. Ilang minuto lang bago ka pumasok doon sa kwarto niya, kakahiram niya palang sakin nung phone ko." sabi ni Elle kaya napanatag naman ako. Ibabalik din naman kaagad 'yon ni Elli yung phone niya mamaya.

I sighed heavily tsaka ako pasalampak na naupo sa sofa sa sala.

"Bigat no'n ah. Any problems?" Elle asked.

Natahimik naman ako sandali.

I've been thinking about Elli. Nag-aalala kasi ako for some reason.

I looked at Elle and asked her something. "Ni minsan ba, hindi nagpumilit si Elli na sumama sa'yo na pumunta sa pinupuntahan mo, kila Justin, basta kung saan kasama niya yung mga kagrupo niya." sambit ko.

"Wow, Vera, ah... Pinagdududahan mo na ba ako?" Elle dramatically asked that made me roll my eyes. "For your information, tsaka alam mo naman na diba, kapag pinapaalaga mo sakin minsan ang anak mo, sinasabi ko sa'yo kung umaalis man kami, sinasabi ko kung saan kami pumupunta. At hindi ko naman siya sinasama basta-basta doon sa studio nila. Alam ko naman na hindi ka papayag." paliwanag niya kalaunan.

"Kung bakit ba naman kasi naging fan pa si Elli ng grupo nila eh..." pabulong kong saad.

Minsan talaga napapareklamo na ako ng ganito eh. Kapag napapansin ko na masyadong nagiging tutok si Elli sa panonood sakanila at minsan ay napapakwento pa siya sa akin. Though minsan natutuwa ako, pero nag-aalala pa rin ako.

"Okay lang 'yon, ano ka ba? It's her Dad's group. Tsaka, hindi lang naman siya yung bata na fan nung lima ah." Elle defended.

"Alam ko 'yon, Elle." sabi ko. "Napapaisip lang kasi ako na baka isang araw, bigla nalang akong pilitin ni Elli at sabihin niya sakin na gusto niyang makita yung lima. Ano nalang gagawin ko?" saad ko.

"I'm here. Ako sasama sakaniya kung ayaw mo. Kung ayaw mo siyang makaharap..." she said.

Napatikom ako ng bibig ko.

Ayoko talagang makaharap 'yon. Alam ko kung sinong tinutukoy niya. It's none other than Stell... Elli, my daughter's Dad.

Wala na akong pakialam sakaniya 'yon. Namumuhay naman siyang matiwasay, ano pang pakialam ko sakaniya?

"Almost seven years na, oh... Seven years old na si Elli in three months. Tapos ikaw mukhang galit pa rin sa ama niya." pabiroong saad ni Elle sa huli niyang sinabi.

Di nalang ako nagsalita.

Galit na kung galit, di ko pa rin maiwasan na makaramdam no'n kahit na hanggang ngayon na ilang taon na ang lumipas. Sino ba namang di magagalit sa nangyari noon?

Tama na 'tong nangyayari ngayon. Atleast Elli knows Stell, even not as her father. Atleast nakikita kong masaya siya tuwing napapanood niya yung Daddy niya, kahit na hindi niya pa alam.

'Yon lang muna sa ngayon. I'll let Elli be a fangirl to her Dad, hanggang doon lang muna. Hindi pa ako handa sa kung anong mangyayari sa hinaharap. But I just hope that everything will went well. Ayokong masaktan at mahirapan ang anak ko.

----------

Sinong character/s naman ang gusto niyo? (Characters from DL, FWY, and CP muna since silang tatlo palang ang completed stories. And kahit hindi mismo yung mga lead characters, kahit yung mga malapit lang sakanila, I might also consider to write some chapters about them.)

- Zy

: )

SB19 Series Bonus ChaptersWhere stories live. Discover now