Babysitting My Billionaire Ex...

unforgettwblue द्वारा

17.7K 1K 79

Talitha × Hercules अधिक

Babysitting My Billionaire Ex-Husband
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 (Part 2)
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 22

478 41 5
unforgettwblue द्वारा

Months past. Tinuloy ko ang buhay na meron ako. Kinalimutan ko ang nangyari iyon pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung anong nangyari sa kaniya matapos ko siyang iwan sa gitna ng gabi na mag-isa.

Napailing na lang ako bago naglakad papasok sa Resort. Si Caitlin ay nagtungo sa Maynila kaya ako na lang ang mag-isang nagbabantay kay Hero.

Nitong mga nakaraang araw na narito ako ay napapansin ko ang pagkabalisa ni Caitlin at minsan ko na rin siyang nahuli may kausap sa telepono dis-oras ng gabi!

Hindi ko siya magawang itanong lalong lalo na baka ayaw niya rin na sabihin sa akin. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero sana ayos lang siya sa mga ginagawa niya.

I love Caitlin so much because she's my friend for a long time at parang kapatid ko na siya kung ituring. Siya ang naroon ng mga panahong sukong-suko ako sa sarili ko at gusto ko ng mawala sa mundong ito. Ayoko siyang nasasaktan katulad ng nangyari sa kanila ni Dale. I don't want to see her crying again to the same guy who hurt her.

Napabuntong hininga ako bago napatingin kay Hero na tinatapik ang aking pisngi.

I smiled at him and pinched his cheeks. Napangiti na lang ako bago ko siya nilagay sa may carpet na puno ng mga laruan niya.

"Love you, Momma," nabubulol na sabi nito. Napangiti naman ako bago ko ginulo ang kaniyang buhok.

Naalis ang atensyon ko kay Hero dahil sa isa mga staff ko na si Jenna na tinawag ako. Lumingon ako sa kaniya.

"Bakit, Jenna?" tanong ko

"Ma'am, pasensiya na po sa istorbo pero po sa may resto, nangugulong iyong customer. Hindi naman po sinasadya ni Mae iyong nangyari," simpleng sinabi ni Jenna.

Napatango ako sa kaniyang sinabi. Napabuntong hininga ako bago ako tumayo at tumingin kay Jenna.

"Puwede bang bantayan mo muna si Hero?" Sabi ko sa kaniya.

Mabilis itong tumango at ngumiti sa akin. Nagpaalam muna ako kay Hero bago ako nagtungo sa resto. Iginala ko ang tingin ko pagpasok ko sa resto kaagad na dumapo ang tingin ko sa babaeng nakatayo habang kaharap ang dalawang staff ko na si Clea at Lara.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang kaniyang ginawa kay Lara. Sinampal niya ito at ibinuhos ang tubig sa kaniyang mukha. Mabilis na lumapit ako sa kanila ng akma muli nitong ibubuhos ang basong may laman na tubig huli na ang lahat bago ko pa maiwas sila Lara sa kanila dahil ako na ang basa.

Tila nagulat naman ang babae sa aking pagdating. Napapikit na lang ako sa kaniyang ginawa narinig ko ang pagsinghap nila Lea sa tabi ko kaya dinilat ko ang aking mga mata.

Nakakunoot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Tinaas baba niya ang kaniyang ulo bago muling tumingin sa akin. Tumaas ang kilay nito.

"At sino ka naman? Hinahanap ko ang manager niyo. Napaka walang kwenta ng mga staff niyo rito. Kaunting utos lang ay mali mali pa ang binibigay sa amin dito. Sayang lang ang perang binabayad namin dito."

Napakuyom ako sa aking kamao bago sarkastikong ngumiti sa babae. Hangga't kaya kong respetuhin ang  mga sinasabi niya ay magpipigil ako.

"Hindi naman po tamang ganiyanin ang mga staff ko," seryosong sabi ko.

Mas lalong tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi ko at bahagyang ngumisi.

"Ikaw ang ba ang may-ari nitong resort?" malaking ngumisi ito sa akin. "Kaya naman pala... Kaya naman pala, may pinagmanahan sa amo. I don't like your staff here. Ang kukupad nilang kumilos at hindi marunong makinig sa mga inuutos."

I scoffed. "Una sa lahat po. Empleyado ko po sila, ako ang nagpapasahod sa kanila. Pangalawa, hindi niyo kailangan sabihin sa kanila. Pangatlo wala kayong karapatan para pagsalitaan ang mga empleyado ko. At pang-apat umalis na kayo rito at baka magbago ang isip ko na gawin ang ginawa niyo sa empleyado ko."
Namilog ang mga mata nito dahil sa sinabi ko at kaagad ding nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Ang nanlalaki nitong mata nito ay sumama ang mukha.

"How dare you to say that? I'm your customer here! You should respect me here. Nagbabayad ako rito kaya kayo kumikita," galit na sigaw nito sa akin.

"Customer ka nga pero hindi ka naman marunong rumespeto sa employee ko. Binabayaran niyo nga kami pero iyang ugali niyo hindi na ata mababayaran, sobrang sama kasi, e."

Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya. Bago ako tumalikod ay nakita ko ang mas lalong pagsama ng mukha niya na tila umuusok ang ilong ng sabihin ko iyon sa kaniya.

Tama naman ako. Wala siyang karapatan para sabihin lang iyon. Kahit ako ay hindi ko ginagawa sa kanila iyon.

Napabuntong hininga na lang ako bago muling bumalik kung nasaan si Hero. Napakunoot ang aking noo ng makita kong wala na sila Lara sa pinag-iwanan ko sa kanila.

Wala si Hero pero ang mga laruan niya ay narito. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Hindi naman umalis si Lara para kunin ang mga anak ko, 'di ba?
Iginala ko ang tingin ko habang naglalakad ako palabas ng resort. Nagtungo ako sa swimming pool kung saan kaunti lang ang tao roon.

Pagdating ko sa pool area ay may mga taong naroon. Mga bata na naglalaro sa swimming pool habang kasama ang mga magulang nila.

Napaiwas kaagad ako ng tingin before I findi Hero and Lara again. Ngunit hindi pa ako nakakapunta sa playground when I saw Lara na naglalakad patungo sa puwesto ko.

Mabilis na tumakbo ako patungo sa kaniya.

"Lara!" I called her name kaya kaagad kong nakuha ang atensyon nito. Namilog ang mata niya at kaagad na lumapit sa akin.

"Ma'am! Si H-Hero po!" Hinawakan ko ang braso niya at tinititigan siya.

"Nasaan siya? Nasaan ang anak ko..." tanong ko

Naiilang na umiwas ito sa akin ng tingin. "N-Naroon po siya... m-may kasamang lalaki po. Sabi naman niya po kilala niya naman po kayo."

Lalaki? Sino naman ang bibisita sa kaniya? Si Leon ba? Hindi naman siya siguro iyon, 'di ba? Kasi kung siya iyon ay kilala naman siya sa buong resort at hindi na kailangan mataranta pa.

"Sinong lalaki? Lara naman sabi ko bantayan mo si Hero, e!" hindi ko mapigilang ang inis sa tono ng boses ko.

Napayuko naman ito dahil sa sinabi ko kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Nasaan sila?"

"S-Sorry po, Ma'am! Nagpakilala po kasi siya sa akin at sinabing kilala niya kayo!"

Hindi ko na pinansin ang kaniyang sinabi at patakbong nagtungo sa playground. Sinadya ko talaga magpalagay ng playground para makapag laro ang mga bata rito.

Nang makarating ako sa playground ay iginala ko ang tingin ko hanggang sa dumapo ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa duyan habang karga karga nito ang anak ko.

Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha pero pamilyar sa akin ang likod niya, ang katawan nito at ang pananamit niya. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

Wala sa sariling napalunok ako sa aking laway. Hindi naman siya siguro iyon, 'di ba? Hindi niya ako pupuntahan dahil hindi naman niya alam kung nasaan ako.

"Who are you? Hero, anak!" Namilog ang aking mga mata ng unti-unting lumingon sa akin. Para akong natulos sa kinatatayuan ko ng magtama ang mga mata namin. Sumalubong sa akin ang berde niyang mata ma sobrang lamig ang tingin sa akin.

Wala sa sariling akong napalunok. Para akong matutumba sa aking kinatatayuan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"A-Ano... A-Anong ginagawa mo rito?" wala sa sariling na usal ko.

"I'm here for you," he said in a serious voice.

Muling napalunok ako at napabuntong hininga. "Anong kailangan mo sa akin? Akin na ang anak ko."

Lumapit ako sa kaniya para kunin sa kaniya ang anak namin ngunit iniwas ang anak ko sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko sa kaniyang ginawa.

"No. I will not give you my son to you. You hide my son from me, Talitha!" his voice was controlled but his eyes were angry.

Nanginginig na napaatras ako dahil sa sinabi niya. Para akong tinusok ng karayom dahil sa sinabi niya.

"H-Hindi... You can't do that, Hercules!" my tears rolled down my eyes. "Ano pa bang gusto mo? Umalis na nga ako sa buhay mo, 'di ba? Hindi pa ba sapat iyon!"

"Hindi pa!" He shouted "Hindi pa, Talitha. Hindi pa sapat kung wala ka sa buhay ko! I don't know why you need to leave me instead na pag-usapan natin."

Pagak itong tumawa bago binaba si Hero. May binulong siya kay Hero kapagkuwan ay malawak na ngumiti ang anak ko sa kaniya.

Sinundan ko ng tingin aking kung saan ito tutungo. Akma ko siyang susundan ng pigilan nito ako.

"We need to talk... alone," he said.

Umiling ako sa kaniya pinaparating na hindi ako sang ayon sa kaniyang gusto.

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Umuwi kana sa Manila, wala kang mapapala sa akin."

"Hindi ako aalis ngayon at alam ko na buhay ang isa sa mga anak natin," aniya.

Natigilan ako sa kaniya sinabi. Nakakaalala na siya? Parang ngayon lang pumasok sa isipan ko na kanina pa niya binabanggit na anak niya si Hero.

"T-Teka... Nakakaalala kana?" mahinang usal ko sapat na para marinig niya iyon.

Umawang ang labi niya sa sinabi ko at napaiwas ng tingin sa akin. Pilit na hinuli ko ang mga mata niya.

"Hercules, nakakaalala kana?" I stepped closer to him. Hinawakan ko ang balikat niya para magtama ang mga mata namin.

"K-Kailan pa?" nanginginig na sabi ko sa kaniya.

"A month ago..." his voice broke. "I-I have temporary loss memory. W-When I woke up I don't remember anything what happened years ago... I just remember that I'm married with you."

Umiiling iling ako sa kaniya at napaatras sa hindi maka dahilanang rason.

A month ago?

So when I'm with him... Naalala na niya ako. Noong kasama ko siya sa ship ay nakakaalala na siya?

"Mababaliw ata ako kapag iniwan mo ako!"

"Mababaliw ata ako kapag iniwan mo ako!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ko ang sinabi niya sa akin dati.

Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kailangan niyang itago sa akin ang totoo? Ginawa niya akong tanga!

Mabilis na lumapit ako sa kaniya at pinaghahampas siya sa dibdib.

"Napakasama mo! Ginawa mo akong tanga! Pinaniwala mo ako!" Sigaw ko sa kaniya at tuluyan na akong napahagulgol.

Wala siyang ginawa kundi tanggapin ang panghahampas ko sa kaniya, pipigilan man ay iniiwas ko kaagad sa kaniya ang kamay ko.

"B-Bumalik kaba para saktan na naman ako? Hindi kaba napapagod nasaktan ako? S-Sa pagsasama natin, Hercules... Puro masasakit na salita ang natatangap ko! Hindi lang salita kundi pananakit sa akin!" Nanginginig na sigaw ko sa kaniya

Malumanay itong nakatingin sa akin. Tila hindi na siya nagulat sa sinabi ko.

May alam ba siya?

"I-I know and I'm sorry... I'm sorry for everything. I know everything... I know what happened to you years ago. H-Hindi ko alam," he grieved. "I'm sorry, baby."

Hindi ko siya sinagot at tanging paghagulgol ko lang ang sagot ko sa kaniya.

Sa tuwing nakikita ko siya lagi na lang akong umiiyak, lagi na lang akong nasasaktan. Nasasaktan ako dahil hiyang hiya ako para sa akin, sa lahat.

Tumingin ako sa kaniya, nanginginig ang labi ko. "Ngayon nalaman mo na, nandidiri kana rin ba sa akin?"

Mariin niya akong tinitigan. "No. You're my wife. Mahal kita."

Umiling ako sa kaniya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. "H-Hindi iyan ang tamang sagot, Hercules. Saka hindi na rin tayo mag-asawa, remember?"

"Who said you're not my wife anymore? I told you we didn't divorce," he said in a serious voice. "You receive annulment paper, right? It's fake, Talitha."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Para akong naloko sa sinabi niya. Umiiling na tumingin ako sa kaniya at pagak na natawa.

Hindi totoo iyong papel na iyon? Kasal pa rin ako sa kaniya?

----

jaemaexx

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

703 255 38
Allena Grace Meartinez a kinda bad girl but with a good heart , her attitude can never be the same as any other girl for she has suffered many bad th...
3.2K 398 26
THRONE SERIES #2 Royalty is defined by tremendous qualities rather than frivolous pomp. *** She gently stepped in through the majestic doors and sat...
371K 19.4K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
231K 1.1K 8
Hi I'm Cziane Danniela "Ziane "Ocampo, 20yrs old, Fresh Graduate and currently working at Morillio Company. Alam nyo ba crush na crush ko ang boss ko...