WANDA For You

By HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Lunch

8 2 0
By HEYNEENAMOR

Gia's POV

KAILAN ba ako magkakaroon ng masayang araw kapag katrabaho tong tao na ito. Sobrang unpredictable niya! Hindi ko alam kung kailan siya mantitrip. Nasakto pa kanina. Ang ganda ganda ng moment ko kasama ang mga naging classmate ko sa UP before noong nag take ako ng creative writings na unit —— na hindi ko natapos dahil kailangan kong magfocus sa totoong trabaho ko dati. Bagay na sobrang pinanghihinayangan ko.

Naiiyak ako sa mga advice nila sa akin kanina ng biglang dumating tong bwisit na Alien na ito at tinawag akong —— Love! Wala siyang karapatang tawagin akong Love. Lalo na't hindi naman totoo. Alam ko, sinusubukan niya akong asarin, bwisitin at pagtripan. Iyon lang naman ang alam niyang gawin sa akin eh.

Napatingin ako sa relo ko, alas dose na pala ng tanghali at kasalukuyan parin kaming nasa kalsada ni Arman. Papunta sana kami sa isang Clothing Store para makuha yung ni-rent niyang suit para sa kasal ng sinasabi niyang kakilala sa Cebu. My God. Hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapaalam sa bahay na pupunta akong Cebu sa weekend.




"Mag lunch muna tayo bago natin daanan yung damit." rinig kong sabi nito.




"My God! Nakaramdam ka din ng gutom! Finally!" OA na reaksyon ko. Oo! Kasi gutom na din talaga ako. Kanina pa. Di lang ako nagsasalita.


"Gutom ka na din pala, di ka nagsasalita diyan. Baka mahimatay ka diyan, kasalanan ko pa! Ako kasi nakakatiis akong late kumain!" sabi nito.



"Late kumain? Kawawa naman yang intestine mo! Gasgas na sa hangin! Sure ka bang healthy ka pa?" tanong ko dito.



"Alam mo, ang weird mo. Ano namang kinalaman ng pagiging RM mo sa health ko? Doctor ka ba hah?" nagsusungit na naman ang Haring Alien.




"Whatever! Hmp—— pero saan tayo kakain?"



"Hindi kita ililibre kung iyon ang naiisip mo!" mabilis na sabi nito.



"Alam ko! At hindi ako magpapalibre sayo ngayon nu! I'm a grown independent woman with a meal budget nu! Anong tingin mo sa akin? Mahirap? Gusto mo ikaw pa ilibre ko eh!"




"I don't need your money , old independent witch!" aba! Gago to ah!



"Wow? Lolo Arman! Nahiya ako bigla sa OLD. Wow! Coming from you??!! Wow!!!" inis na sabi ko. Tumawa ito saglit tsaka sinilip ang restaurant sa harap namin.




"Sakto, wala masyadong tao." sabi nito sabay baba ng kotse niya. Sinilip ko ang tiningnan nito. Pares ? Kumakain siya sa Paresan?


Mabilis akong sumunod sa kanya papasok sa loob ng Paresan. Maliit lang ito na store pero de-aircon naman sa loob. Tila kilala na siya ng mga tao dito dahil inassist agad kami sa bandang dulo—— sa 4 seater na table.





"Kumakain ka pala ng Pares?" curious na tanong ko dito.




"Why? Do I look like a "steak" kind of a person?" medyo mayabang na tanong nito kaya umismid ako.




"Akala ko kasi hindi ka nagra-rice."





"Malulungkot ka ba kapag nawala ang abs ko? Baka naman isipin mo pa to bago ka matulog hah! Well, nakita mo naman na to kanina diba.." ang yabang talaga!! Arrghh! Oo, I saw his abs earlier—— during the Audition. Pinaghubad kasi siya ng top bago siya sumayaw. At hindi naman na secret na napanood ko ang sayaw niya dahil nasabi ko nga kanina. Kung alam ko lang na magtatanggal siya ng top edi sana nanahimik na lang ako sa loob ng kotse niya diba. Pero seriously——- may maganda talaga siyang katawan. Totoo. Pangit nga lang ugali.




"Hey! Abs ko iniisip mo no?" tanong nito pagka snap niya ng fingers sa harap ko. Tulala na ba ako?



"Yuck! Bakit ko iisipin ang abs mo? Ayokong masuka. Wala pa akong kinakain." he laugh! Tsaka siya nagtaas ng kamay para tumawag ng server. Nagpakuha ito ng dalawang glass ng tubig. Ilang minutes pa kasi kami maghihintay ng orders eh.


Nang dumating ang orders namin, tiningnan ko agad ang food ni Arman. Halos pareho lang kami ng dami ng kanin at ulam. Hindi ba talaga siya nag da-diet? Paano siya nagkakaroon ng ganung klaseng katawan! Grabe.




"Mukhang suki ka nila dito ah. Kilala ka nila eh.."





"Hideout namin to ng barkada before nung nag-aaral palang kami sa college."



"Ay, may friends ka pala." pang-iinis ko dito.




"I have! Pero hindi madami. Alam ko gets mo ako. Scorpio ka diba? Ganun ka din ba. Pili lang ang mga pinapapasok mo sa buhay mo?" he asked me. Wait, he really ask me? Iba pala nagagawa ng gutom kay Arman, nag oopen na siya ng conversation with me!




"Not actually like that but—— hey! miss congeniality kaya ako!!! I mean, yeah—- hindi ako basta basta nagpapasok ng bagong tao sa buhay ko , super lala ng trust issue ko sa lahat—— pero friendly ako! If same ko ng wavelength & vibes, I can be your friend to talk to—- if that person trusted me , like he or she can open up with me, I can be open too. I can share. But not everything ! I sets boundaries." sagot ko dito. Ngayon, nag-angat ng tingin si Arman at tila ba kinikilatis niya ako. Nakatingin siya sa mga mata ko na tila inaalam kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Kita mo to. Lala din ng trust issue diba!


"Miss Congeniality pala. Kaya pala kung saan ka mapunta, may mga kakilala ka." rinig kong sabi nito.



"Where? When? Yung kanina? Naging classmates ko sila sa UP before noong sumubok akong kumuha ng Creative writings. Nakakatuwa nga eh. Saan sila dinala ng pangarap nila. Nakapagsulat na sila ng napakadaming Scripts—- Theater man yan or Mainstream." nakangiting sabi ko . Ngiti na may halong panghihinayang. What if I didn't quit. I'm a graduate of BS Accountancy. I had my diploma na noong sumubok akong pumasok ng College para kunin ang kursong pangarap kong kunin talaga sana. Pero syempre. Being the only child—— I need to work na . Kailangan ko ng kumita ng pera para makatulong sa bahay. Wala naman silang ibang maasahan kundi ako lang. Tumatanda na silang pareho. Kailangan ako naman ang kumayod. Kaya naisantabi ko ang pangarap ko. Hindi ko natapos ang Creative Writings at nagfocus na lang sa totoong trabaho ko. But now? Nag quit din naman ako. At susubok muli. Bakit hindi.






"So gustong-gusto mo pala talaga magsulat?" he asked me habang inaabot ang tubig niya.




"Nagpatuloy akong magsulat even if nagwowork ako as an Auditor. Pero nahinto din. Wala namang pupuntahan."




"Walang pupuntahan. So ang ibig mong sabihin, trash lahat ng mga naisulat mo? Hindi ka nagagalingan sa sarili mo?"



"Arman, mahirap magpatuloy kung alam mong wala na —- kahit isa ang naniniwala sa kaya mong gawin." seryosong sabi ko dito.




"And nabuhayan ka ng loob because of Direk Pat?" tanong nito. I smiled.






"Oo."







"Sana nag apply ka na lang as a book writer sa kanya kesa bilang RM ko." biglang singit nito sa seryosong usapan. Kita mo yan! Ang sama talaga ng ugali.



"Madami pa akong dapat aralin at seminars na dapat upuan at pakinggan. Itong trabaho ko sayo Arman, pansamantala lang ito! Happy ?"




"Aba dapat lang! Hindi ko din kakayanin na magtagal ka as my RM! Umingay ang buhay ko Gia."



"Maingay ba talaga ako? Ang tahimik ko lang kaya!"




"Nakakailang text ka sa akin ng mga reminders na 100 times mo na ngang minemention sa akin pag kasama kita. Mukha ba akong makakalimutin? Tss."



"Oo. Matanda ka na kasi!" pang iinis ko dito.






"Magbayad ka na ng kinain mo! Magbabayad na ako ng sa akin." sabi ni Arman habang kinukuha yata yung wallet niya sa bulsa.




"Sagot ko na tong lahat!" biglang sabi ko dito. Kumunot ang noo niyang tumingin sa akin.



"Manlilibre ka?"




"Ayaw mo?"





"Hindi naman. Nagtataka lang ako." sabi nito habang tinatawag ang server kanina.



"Sagot ko na to Arman. Basta sagot mo ticket ko sa Cebu sa weekend ah." sabi ko dito kaya natawa siya. Bakit tumatawa na to. Nakakain lang ng Pares eh.



We are about to leave ng may tatlong tao na pumasok dito sa Paresan.
















Arman's POV




I secretly smile nang si Gia na ang nag insist na mag bayad ng kinain namin. Actually, wala akong balak na pagbayarin siya. I can. Kaya ko namang magbayad. I just tested her. Well, she passed. Pero may kapalit nga lang. Ang ticket namin papuntang Cebu. Mabuti na lang at pinaalala niya. Hindi pa kasi ako nakapag booked.


We are about to leave ng may tatlong pamilyar na tao ang pumasok sa Paresan.




Anong ginagawa nila dito??











"Hey! Arman??" rinig kong sabi ni Simon ng makita niya ako. Napatingin ako sa reaksyon ni Sammy at Nel habang nakatingin sila kay Gia na nabunggo pa sa likuran ko dahil huminto nga ako ng lakad. Nagtaka si Gia at gumilid upang mas makita ang tatlong tao na kakapasok lang sa Paresan.







"Oh? Bakit kayo nandito?" tanging nasabi ko.





"Us? Bakit nandito? Hello! Pambansang kainan ng barkada ito diba? Ikaw! Bakit ka nandito——- kaya pala hindi ka na sumasam sa amin dito kasi may iba ka ng gustong kasama—— sino siya?" Simon is Simon. Ang pinakamatanong sa barkada.




"Hi! I'm Gia Guevarra, Road Manager ni Arman!" at ang miss congeniality ay nagpakita na nga ng gilas. Imbes na ako ang sumagot ay lumapit ito kay Simon at nagpakilala. Nakipagkamay pa. Ganoon din kay Sammy at Nel.






"Road Manager ka ni Arman? ——-ay yung
Ugl—y——-" mabilis akong lumapit kay Simon ng pasimple ko siyang inakbayan at diniin ko ang balikat niya para hindi niya matuloy ang sasabihin niya. He's about to say "Ugly Witch" na pangalan ni Gia sa phone ko.




"Hi Gia! Nice to meet you! I'm Sammy! This is my boyfriend, Nel & He's Simon! Mga friends kami ni Arman!" masayang pakilala ni Sammy. Teka nga, bakit ang saya-saya nila? Nanalo ba ako sa Lotto at makikibalato sila ? Tsss.





"Tama na yan. We need to go. May TRABAHO pa kaming kailangang gawin." sabi ko sa kanila sabay lakad paalis. Nakakailang hakbang pa lang ako ng mapansin kong hindi sumunod si Gia sa akin at nakangiti itong nakipagkamay kay Sammy. What?



"Gia!" tawag ko dito at lumingon naman siya pero saglit lang dahil ang atensyon niya ay nakay Sammy.


"Arman, kung gusto mong umalis na, dito muna si Gia. Kailangan namin siyang kilalanin eh." alam kong may halong pang iinis ang tono na iyon ni Sammy. Hinatak ni Sammy si Gia para makaupo sila. At ang dalawang kasama ni Sammy, nakisabay din sa trip nito. Ano ba talagang balak nila? Ang makipagkaibigan sa kanya??? Tss.






Gia's POV

Arman's friends are so very funny! I so love the vibes! As in. Feeling ko same kami ng wavelengths! Sobrang bait nilang tatlo. And upon knowing na they are Scorpio's too, grabe. Ano bang meron sa water signs at napapalibutan ako ng mga ito now a days.  Super bait nila—— kaya nagtataka ako kung bakit nila naging friend si Arman.




"Oh My God! Nasa Adarna ako! Cast ako nun! Napanood mo pala iyon??" ang hyper ni Simon. Tuwang-tuwa ako sa kanya.



"Really? Anong role mo dun? Di ko na kasi naabutan ang meet & greet nung nanood ako kasi may pinuntahan pa ako after pero I super love the show!"



"Siya yung bato don." biglang singit ni Arman sa usapan namin ni Simon. He's sitting besides me. He gave us 30 minutes bago kami talaga umalis. Well, kahit 1 hour pa nga pwede naman kasi super lapit lang ng next na pupuntahan namin. Actually, napipilitan lang siyang mag stay ng 30 minutes. Kanina pa to nakasimangot at hindi yata gusto ang nakikitang pakikipag usap ko sa mga friends niya. Bakit kaya.

"Hello! Hindi ako bato dun!! No no no! Sorry! Main cast ako dun!" sagot ni Simon.



"OMG? Ikaw ba yung hari?"




"Yes! I am." proud na sagot nito at tinap-tap namn ni Sammy ang likod ni Simon bilang suporta sa proud na kaibigan. Hahaha. So cute.



"So madami ka na palang napanood na mga Philippine Theater shows. Good yan! Support Local!" singit ni Nel.



"Yes! Support local! Hello, ang daming amazing shows dito! Nakakaiyak lang na hindi sila sinusuportahan ng gobyerno.." sabi ko dito at lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ko.



"Naging political commentary ka naman ngayon. Baka tumakbo ka ng presidente niyan hah." sabi ni Arman—— way niya para inisin ako.



"Bakit hindi." mataray na sagot ko dito. Napatingin ako kila Sammy ng tumawa sila.




"Gia! Sama ka naman sa amin minsa kapag may out of town ganap kami! Pwede ka ba namin i-hired as newly part of the group?" nakangiting tanong ni Sammy.





"Oops, No! No! No! Hindi pwede ! Hindi pwede." tila pinal na sabi ni Arman. Na tila ba nasa kanya ang huling approval.



"Arman talaga! Bakit hindi? Mabait naman si Gia hah!"




"Akala niyo lang yun." sagot nito kaya inirapan ko siya. Gets ko si Arman. Kakasabi nga lang niya kanina na hindi siya nagpapapasok basta-basta ng bagong tao sa buhay niya. And alam ko kung gaano ka importante sa kanya ang small group of friends na meron siya.



"Mukhang kailangan ko pa yatang mag take at makapasa sa 100 examinations bago makapasok sa grupo niyo! Hahahahah. Pero thank you Sammy for the kind words! I really appreciate!" dinaan ko na lang sa biro pero bakit ganun. Deep inside, nasaktan ako . Na need ko pa ng validation ng isang tao para maging kaibigan ang mga kaibigan niya.






"Gia! Pahiram ako ng phone mo !"  sabi ni Sammy sa akin. Binigay ko iyon and ayun na nga, na-save na niya ang number niya and after that, she asked my Instagram account—— followed. That's so cute. She's so kind & Pretty talaga! Feeling ko magkakasundo kami!



"Okay! 30 minutes is over. We have to go!" tumayo na si Arman at wala na akong magawa. Tumayo na din ako at nagpaalam sa kanya. I hug Sammy and may binulong ito sa akin kaya natawa ako..



Pagsakay namin ng kotse ni Arman, nagtanong na nga ito kung ano ang binulong ni Sammy sa akin.





"Bakit ba! Sa amin na lang iyon." sagot ko dito.








"Ano nga kasi iyon? Hindi ko to papaandarin!"







"Sure ka? Sasabihin ko ? Baka magalit ka. Lalong di mo paandarin tong kotse". natatawang sabi ko.








"isa——"







"Ganun daw talaga pag matandang binata na, masungit"









And I saw his dark aura staring at me ng sabihin ko iyon. Gusto kong bumulahaw ng tawa dahil alam kong inis na inis na siya.





Bahala ka mainis! Deserve mo yan!







👽

Continue Reading

You'll Also Like

332K 10.2K 46
Camilla Salvador is about to get married with Frederico Santiago, the man of her dreams, when she found out that she's already married to a man named...
GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.
359K 6K 42
Tatlong taon ang lumipas. All the memories still lingers inside his head and his heart. Ilang beses na nya itong sinusubukang itapon pero paulit-ulit...
5.3K 502 35
Sa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ...