WANDA For You

بواسطة HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." المزيد

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Plan

9 2 1
بواسطة HEYNEENAMOR

Gia's POV

7am ang calltime namin ni Arman para babain niya ako dito sa reception area ng condominium niya. Oo, dito lang ako maghihintay sa kanya. Ayokong kumatok sa unit niya. Baka ano pa masaksihan ko dun. Ay naku.

Komportable akong nakasandal sa mahabang sofa dito habang nagchecheck ako ng emails sa Ipad ko. Panay din ang tingin ko sa orasan. 6:50 na kasi at may sampung minuto na lang si Arman para babain ako dito. Kasi kung hindi? Ako na mismo ang aakyat doon para bulabugin yung pinto niya. Alam ko kung saan ang unit niya dito. Actually si Direk Pat lang ang nagbigay sa akin ng address nito.



6:55 na pero wala parin ito. Ilang minuto na lang.

Umayos ako bigla ng upo ng makita ko na si Arman na nakasimangot na nakatingin sa akin habang naglalakad siya palabas ng elevator.

Ang aga-aga, parang napanisan ng ulam yung itsura niya.

Tumayo ako ng medyo malapit na siya sa akin.. Akala ko ay lalapitan niya ako pero ang walanghiya ay naglakad lang ng tuloy-tuloy na tila ba walang naghihintay sa kanya. Inis akong sumunod sa kanya palabas ng building.






"Wow hah? Good Morning!!!" sarkastik na sabi ko dito ng harangan ko ang dinadaanan niya upang humarap sa kanya. Baka kasi di niya talaga ako nakita. Tss..

Napahinto naman ito sa paglalakad tsaka niya ako galit na tiningnan. Aba?


"Audition ang gagawin ko ngayon. Hindi ka kailangan doon! Sana nagpahinga ka na lang sa bahay mo." inis na sabi nito. Medyo matagal na prinoseso ng utak ko yung sinabi niya. Double meaning ang dating sa akin ng sinabi niya. Una, binibigyan niya ako ng rest day para magpahinga dahil concern siya "kunyari" or ayaw lang talaga niya akong makita at makasama. Pero syempre, Si Arman yan. So sa pangalawang meaning ang ibig niyang sabihin.

"Sasama ako!" inis na sagot ko dito tsaka ko siya sinabayan sa paglalakad niya.


"Hindi ka papapasukin doon! Bawal outsider dun!"


"Aba?! Hoy! Ako? Outsider? Excuse me! Pinapasamahan ka sa akin ni Direk Pat! At may special access ako oh! Look ! Tingnan mo ang ID ko!"


"Sinasayang mo lang yung oras mo. Hanggang labas ka lang mamaya. Masyadong confidential ang details ng audition!"



"Ano bang klaseng audition yan hah? Gaganap ka bang ex-convict? Illegal ba yan?? Tss. Well, bagay naman sayo kung ganun ang role!" pang iinis ko dito habang sumusunod parin ako sa kanya. Hanggang sa makarating na kami sa labas ay tila ayaw niya talaga akong pasamahin.





"Sana dumiretso ka na la ng doon diba? Makikisakay ka lang naman sa kotse ko eh!"



"Okay na yung libre, kailangan kong magtipid ngayon Arman!" He looks confused ng sabihin ko iyon. Kumunot kasi ang noo nito.



"Diba may kotse ka? Sa Music School, diba may dala kang kotse noon?" tanong nito bago siya pumasok ng kotse niya.



"Oy! Naalala yung una naming pagkikita!" pang aasar ko dito. And syempre, sinungitan na naman ako nung Alien na ito. Diretso itong sumakay ng kotse niya. Mabilis din akong pumasok sa kabilang pinto sa tabi niya! Mahirap na, baka iwan na naman ako. OA nito! Jinoke lang! Tss.. Pero naalala niya.




"Paano ko makakalimutan yung una nating pagkikita. Ayon yung pinakapanget na araw na dumaan sa buhay ko. Sobrang bad day.. Dahil sayo."



"Huwaaaw? Hoy Arman ! Ako di naman nu! Panget pa sa panget yung araw na iyon! Nakatagpo lang naman ako ng may sungay na Alien!! Hashtag Mayabang , Hashtag Mahangin!" inis na sabi ko dito ng hindi siya tinitingnan. Nagsimula na itong magmaneho kaya isinuot ko na ang seatbelt ko. Ilang beses palang naman akong nakakasakay dito pero tila kabisado ko na ang dapat na gawin sa seatbelt. Ewan ko ba pero I felt comfortable na sa upuan na ito kahit na kapag lumingon ako sa gilid ko ay pumipitik na ang ugat ko sa ulo at nagsisimula ng tumaas ang presyon ko. I hate him!!! Super! Kahit pumikit ako ay mortal enemy ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko din naman yung negative energy niya towards me. Alam kong ganoon din siya sa akin. Maybe, hindi talaga pwedeng pagsamahin ang dalawang Scorpio kahit na pareho itong water sign.





Naging tahimik ang buong biyahe papunta sa Main Hall ng Philippines Theater Academy kung saang gaganapin ang audition. Actually, nang mabasa ko nga yung about dito, naexcite ako bigla. Hindi dahil para sa alaga ko hah, kundi para sa sarili ko. May isang dula na naman akong masasaksihan. At gawang pinoy pa. Buhay na buhay parin talaga ang ang Philippine Theater. I'm a huge fan ng sining na sariling atin. Grabe.




"Dito mo na lang ako hintayin. Wag ka ng pumasok sa loob." rinig kong sabi ni Arman pagkahinto niya ng kotse sa tapat ng Theater Hall.




"Ano? Dito? Sa loob ng kotse mo? Ayoko! Mamamatay ako dito! Baka ma-suffocate ako dito! Baka maubusan ako ng hangin!" reklamo ko dito. Syempre drama ko lang iyon. Gusto ko kasing pumasok sa loob.



"Mamamatay agad? Di ba pwedeng ma-oospital ka muna?—— Aray! Wow hah? Makahampas? Close?" masungit na sabi nito.



"Ayokong mag stay dito! Papasok ako sa loob!"




"Bawal ka doon!" pagpupumilit nito. Napapikit ako at umisip ng isa pang idadahilan.



"Okay. Bye." biglang sagot ko dito kaya nagtaka siya kung bakit pumayag ako.



"Oh, papayag ka naman——-"




"Basta walang iiyak kung may mabasagan ng salamin ng kotse hah!" pagbabanta ko dito. At itinaas ko ang kaliwang kilay ko habang hinihintay ang reaksyon niya.



"Subukan mo ! Hindi lang kulungan ang punta mo!"



"Ay saan pa??"



"Sa kangkungan!"




"Wow. Takot ako!" sabi ko in a sarcastic way tsaka ako nagmadali na tanggalin ang seatbelt ko para bumaba. Walang nagawa si Arman kundi bumaba na lang din.

Nauna itong pumasok at nakasunod lang ako. Tila kinakahiya ako ni Arman kaya ako na ang dumistansya. Hindi na ako sumunod sa kanya sa loob at nag stay lang ako sa lobby kung saan may parang mini museum ng mga artworks at paintings ng nga Musical Shows na nagawa na ng production na ito. Feeling ko tuloy ay nasa Cultural Center of the Philippines ako. Kinuha ko yung access ID ko na ibinigay ni Direk Pat. Isinuot ko iyon at ng mapansin kong nakapasok na si Arman sa audition room ay tumungo na din ako doon. Pero hindi ako magpapakita sa kanya. Gusto ko lang naman sumilip. Iyon lang.












Arman's POV


Actually, special audition ang mangyayari today. Noong isang linggo pa natapos ang audition para sa special role na ito pero nag extend sila para sa akin. Ang kwento ay hindi daw sila nakapili from previous na nag audition kaya gusto nilang subukan ako. Dapat talaga ay last week pa ako mag a-aaudtion kaso may emergency na nangyari at hindi natuloy kaya noong tinawagan ako ni Direk Fidel na nag open sila ulit ng audition for a "Emilio Jacinto" role, hindi na ako humindi. Pinaghandaan ko talaga ito dahil baka ito na ang magiging last Philippine Theater role ko—— Yes, may offer na ako abroad to do a West End shows. Baka wala talaga sa Pilipinas ang future ko. Maybe abroad.






Tulad ng ibang mga auditions, pinakanta nila ako. Walang problema. Napakadali lang . Buong buhay —- hinding hindi ako mapapagod na kumanta! Kaya sisiw lang iyon para sa akin. Next thing is pina-arte nila ako. Well, may mga dula naman na akong napagbidahan at nakatanggap na din tayo ng mga awards dahil doon kaya sisiw parin ito. Pero nagulat ako sa huling ipinagawa nila. They want me to dance. Oo, sumasayaw ako pero very basic. Nagulat lang ako na kailangan palang sumayaw ngayon. Akala ko ay Acting at kanta lang dahil hello, bakit nila papasayawin si "Emilio Jacinto?" pero wala akong choice. I need to dance. Bahala na.







Matapos ang auditions, maghihitay pa ako ng isang linggo para sa resulta nun. Nagmadali na akong lumabas dahil may susunod pa kaming pupuntahan nung Witch kong RM—- teka, nasaan na ba yun?

Lumabas akong building ng Theatre Hall at naabutan ko si Gia na kausap ang ilan sa mga writers ng Philippine Theater Academy. Nasa bandang dulo sila malapit sa basketball bench. Malayo sa direksyon ko. Tila kakilala sila ni Gia. Pinagmasdan ko kung paano makipagchismisan ang RM ko. Pero bakit ganun? Ibang-iba siya makipag-usap sa ibang tao. Like, she's so professional. May hinhin at magaan ang mga galaw. Hanggang sa napansin kong tumawa ito. Tawa na alam kong masaya siya. Walang filter. Napaka-raw. At ngayon ay nilapitan siya ng isang babae tsaka hinawakan sa mga kamay. Kunot-noo parin akong nakamasid. Tila naluha si Gia ng may sabihin ang babae sa kanya tsaka siya niyakap nito. Hanggang sa nag group hug na sila. Parang matatagal na silang magkakilala. Ganun ang tingin ko.

She's the real Gia diba? Kapag kaharap niya ang ibang tao. Pero bakit pag kausap niya ako at kaharap ay palagi siyang galit. Sa akin lang ba siya ganun? Napaisip ako. Kapag kausap naman niya sila Direk Pat, ibang-iba. Malayo sa kung paano niya ako pakitunguhan. May galit ba talaga to sa akin? Tss.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasid kay Gia. Nakangiti parin itong nakikipag-usap. Ano bang pwede kong gawin para mawala yang ngiti na yan.


Ah , alam ko na.





















"Love!" malakas na sigaw ko at sabay-sabay silang napalingon sa akin. I smiled at kumaway ako habang papalapit sa kanila.



Diba, nawala ang ngiti ni Gia ng makita akong papalapit sa direksyon nila.







"Let's go na?" I asked her ng makalapit ako.





"Sir Arman? You called her Love—- oh my God! Kayo ba ni Gia?! Oh My God!" halos di makapaniwalang reaksyon ni—- sandali, kilala ko ito... Tama! Si Faye! Isa sa script writer din namin noon sa isang Musikal.




"Hah? No!! Oh My God! Eeew!" agad na reaksyon ni Gia sa sinabi ni Faye.




"Pero kasi tinawag ka niyan—-"





"Guys, mauna na kami hah? Kailangan ko munang magtrabaho. Tsaka di ko pa to natuturukan ng gamot. Baka maging Alien to bigla, hehe—- bye!" lihim akong natatawa sa reaksyon ni Gia dahil I put her again in an awkward situation—— na alam kong ayaw na ayaw niya. Hinatak ako ni Gia palayo sa mga kaibigan niya. Natawa akong lumingon sa mga kaibigan niya at kumaway ulang magpaalam.









"Pwede mo na akong bitawan. Ang layo na natin sa kanila." utos ko dito at mabilis naman niyang ginawa. Ang sama na naman ng tingin niya sa akin na tila ba sinusumpa na niya ako ngayon.




"Ang kapal naman ng mukh mong ipahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko!"



"Pinahiya? Ano bang ginawa ko? Eh mukhang kinilig pa nga sila for you!" kaswal na sagot ko dito!





"Tinawag mo akong L.O.V.E sa harap nila? Sinong di mapapahiya dun? Mabuti sana kung totoo!" sagot nito kaya ako naman yung na-awkward. Natawa akong pumasok ng kotse.





"Mabuti sana kung totoo?? Hahahah.."






"You can't play with me Arman. You can't!" pagbabanta nito.





"So ikaw , pwede. Pag ako, hindi? Hah! I can. I can , Gia ." kampantent sabi ko dito.






"Hindi kita hahayaan."





"Oh well, masanay kana. Pinili mo ang trabahong ito eh."




"At hindi kasama sa trabaho ko ang paglaruan mo, Arman." galit at seryosong sabi nito. Ooppss. Mukhang may magreresign na bukas. Hahahahaha.




"Nangangamoy resignation letter ah." sabi ko pagka-paandar ko ng sasakyan.





"Diyan ka ba masaya? Ang makitang mawalan ng trabaho ang tao sa paligid mo? Napaka selfish mo naman.." seryosong sagot nito.




"Hindi mo ako kilala kaya mo akong sabihan na selfish. Hindi mo ako kilala Gia."




"Iyon na nga. Hindi kita kilala. Pinipilit ko nga ang sarili kong kilalanin ka dahil gusto ko, maging maayos yung trabaho natin. Pero kung palaging ganito. Kung puro ka laro—— ewan ko na lang. Hindi ko na alam." tila ubos pasensyang sabi nito.




"Ayoko ng magpapasok ng bagong tao sa buhay ko Gia. At hindi mo kailangang makilala pa ako. Tama na yung alam mong Artist ako na alaga mo at RM kita. Hanggang doon lang. Ilang months lang tong trabaho na ito."




"Pwede ka bang maging mabait sa akin. Kahit iyon lang. Simpleng hiling lang ito. Maging mabait ka naman kahit minsan." pakiusap nito. I paused.






"No , I can't." sagot ko dito.










Napatingin ako kay Gia ng itaas niya ang middle finger niya tsaka siya humarap sa akin.





"Deserve mo to!" inis na sabi niya. Nagulat ako. Witch talaga!!! Medyo natawa ako. Ang sarap niyang inisin talaga. Parang mas masasanay akong ganito siya. Yung laging galit sa akin.






"Hahahaha. Wow? Scary!" pang aasar ko dito.







"Tatawa-tawa ka diyan! Akala mo kung sino! Grapevine lang naman yung kayang sayawin!" biglang sabi nito kaya napapreno ako bigla.








Ano? Napanood niya ang dance audition ko?












🤪

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

332K 10.2K 46
Camilla Salvador is about to get married with Frederico Santiago, the man of her dreams, when she found out that she's already married to a man named...
37.5K 1.5K 58
Mga lalaking paasa, mahilig magpaiyak at mahilig magbitaw ng promise at higit sa lahat hindi sya naniniwala sa salitang 'FOREVER'. Yan si Marilyn Apa...
53.5K 1K 24
The Princess Series Book Two. Jasmine Cortez has been hurt and broken once before, and ever since then she never found love too interesting. One wou...
Two Is Better Than One بواسطة ...

قصص المراهقين

5.3K 502 35
Sa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ...