The Boy in My Daydream

By dunkindeinut

682 39 7

A Novel. Brianna Elise Laurel from FEU MedTech has a stalker following her named Austin Balmaceda - the pink... More

Disclaimer
Chapter 01: Stalker
Chapter 02: The Squad
Chapter 03: Tag
Chapter 04: Interruption
Chapter 05: Creep
Chapter 06: Sides
Chapter 07: I Like You
Chapter 08: Runaway
Chapter 09: FYD
Chapter 10: Venipuncture
Chapter 12: Bestfriend...
Chapter 13: Friendzoned
Chapter 14: Food Trip
Chapter 15: Ped Xing
Chapter 16: Colors
Chapter 17: Study Date
Chapter 18: Happy Together
Chapter 19: Hangover
Chapter 20: Promise
Chapter 21: Pain
Chapter 22: Paint
Chapter 23: Blame
Chapter 24: Street Food
Chapter 25: Letter
Chapter 26: Knowing
Chapter 27: Gifts and Presents
Chapter 28: In My Life
Chapter 29: Photobooth
Chapter 30: Tired
Chapter 31: Chances
Chapter 32: Mirrorball
Chapter 33: Into The Night
Chapter 34: Daydream
Chapter 35: Mourning Light
Chapter 36: Emergency
Chapter 37: Cuts
Chapter 38: Sleep Now, Brianna
Chapter 39: Three Months Later
Chapter 40: Necklace
Chapter 41: Flashback [Part 1]
Chapter 41.1: Flashback [Part 2]
Chapter 41.2: Flashback [Part 3]
Chapter 41.3: Flashback [Part 4]
Chapter 41.4: Flashback [Part 5]
Chapter 42: Healing Phase
Chapter 43: Progress
Chapter 44: Graveyard Shift
Chapter 45: One Year Later
Chapter 46: Wandering Places
Chapter 47: Haven't Seen You in Ages
Chapter 48: Come Back To Me
Chapter 49: Location Unknown
Chapter 50: Finding My Way Back Home
Author's Note

Chapter 11: Sunset Café

13 1 0
By dunkindeinut

NAKARATING NA KAMI sa school at saktong pagdating namin ay simula na ng klase. Nagsimula na ulit kaming magpansinan ni Billy. Siya ang nangungulit sa akin na bumili ulit kami ng piyaya mamaya at lilibre niya daw ako para magkasundo kami. Tinanggihan ko naman muna yun dahil sinabi ko sa kanya na magmi-meet kami ni Austin after class.

He creased his forehead and looked confused, after I mentioned Austin's name. "Kayo na ba?"

"Magkaibigan lang kami. Avery told me everything. He's a good person at ka-blocmate niya si Ave." Pagku-kwento ko habang nagta-type sa iPad ko.

"Uuwi ka ba after mong makipag-meet kay Austin?" tanong niya ulit sa akin at inayos ang pagkaka-upo sa kanyang upuan.

Napatingin naman ako sa kanya. "Malamang, ano sa tingin mo? Hindi ako uuwi?"

"Tsk! Baka gantihan mo 'ko kasi mag-isa ka sa dorm natin last time." He pursed his lips and looked at me worryingly.

Umiling na lang ako ng bahagya. "Gosh! Punta ka kaya sa Dapitan kung ayaw mo mapag-isa. May hinahabol ka diba do'n sa Dapitan?" Pag-iiba ko ng usapan naming dalawa.

"Mini-meet lang, hindi hinahabol." He corrected.

Tumingin naman ako sa kanya at bumuntong-hininga. "Gano'n na rin naman yun! It's either you chase or meet her, you still want her. Wala ka kasing balls, e!"

"Tsk! Mahiya naman sa'yo na biglang nag-tiwala sa isang stalker," Ngumisi pa siya at ibinalik ang atensyon sa iPad niya.

"I'm digging into the deep, okay! He's not trustworthy enough to be my friend. May trust issues pa rin ako sa kanya." I said, defending me and myself only.

Umiling siya. "Trust issues or Heart issues? Baka naman tinamaan ka na sa kanya!" Pang-aasar niya.

Hinampas ko siya sa braso at napa-aray naman siya dahilan para matawag siya sa recitation ni Prof. Natawa na lang ako dahil hindi siya makasagot. He makes face that looks like he's terrified.

Kaka-demonstrate lang namin ng venipuncture kanina pero mukhang naubusan siya ng dugo. Nag-mukha tuloy siyang anemic kahit tinurukan lang siya sa may ugat kanina.

Ako naman ang sumunod na tumayo at nag-recit. Nakasagot ako sa mga recits and assessment s. I am very motivated this day because everything seems so perfect.

Thank god Austin's advice gave me the best motivation for today. It's really helpful.

***

It's almost quarter to Six in the evening at wala pa rin si Austin. Saan na ba kasi yun? Ang tagal kong hinihintay dito sa may labas ng campus, pero hindi siya dumadating.

Para tuloy akong tanga na naghihintay sa wala.

Nakatayo ako dito sa may gilid ng pader at naka-cross arms pa habang hinihintay siya dito sa waiting shed. I began to receive messages from our group chat. I opened the inbox and all of their chats popped up. Marami silang pinag-uusapan. Binasa ko na lang ang mga chats nila habang hinihintay ko si Austin.

Sam:
gagi hahaha

Troy:
Sabi sau e

Avery:
tsss

Avery:
@Brianna

Avery:
Ok na daw kayo ni Austin ha?!?!

Liv:
Gus2 q na umalis d2 sa UP Film 😭😭😭

Liv:
Gus2 ko na mag-drop pero ayoko pa...

Billy:
Nasa Dapitan na ako @Brianna

Billy:
uwi ako mga 8.

Billy:
Jan na ba si Austin mo?

Avery:
Yieee!

Avery:
Brianna, goodluck sa'yo ay kay Austin💓💓💓

Billy:
Hoy!

Me:
Wala pa siya dito Billy.. baka uuwi na lang ako. tagal niya e ʕಠ_ಠʔ

I sighed deeply, because of disappointment. Medyo malamig na dito sa labas at mukhang uulan na naman. Sa sobrang lamig ng simoy nb hangin na tumatama sa aking balat ay pakiramdam kong uulan na, medyo madilim na kasi at mas kumulimlim ang paligid kahit madilim na. Wala pa naman tuloy akong jacket.

I looked again on the screen of my phone to check on who texted me. It's Billy and Avery. I haven't yet read their messages kaya napag-desisyunan kong mamaya ko na lang yun basahin. I was about to type on the keyboard of my phone, but something is blocking the light of the bulb.

Bakit parang may payong sa taas ko?

I began to look up when I saw that there's an umbrella on top of my head. Napatingin rin naman ako sa harap ko at nanlaki ang mata ko. Laking gulat ko na lang na pina-payungan pala ako ni Austin. Malapad rin ang ngiti niya nang makita niya ako. Pinilit ko na lang ang sarili kong ngumiti pabalik sa kanya. Suminghal ako at umiling tyaka binulsa ang phone ko.

Akmang hahakbang na sana ako papalayo, pero biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para mapa-atras ako. Bumuntong-hininga naman ako sa inis at tumingala kay Austin. Ang tangkad ba naman kasi.

He smiles amusingly. Umirap na lang ako. I crossed my arms on him and arched my brows, "Bakit ngayon ko lang?" Disappointed kong sabi at iritado dahil ngayon lang siya dumating at masyado niya akong pinaghintay ng matagal.

He scratched at the back of his head at luminga-linga pa siya sa paligid bago ako sagutin. "Bumili ng payong sa 7/11."

My eyes widened and looked surprised by his answer. "Weh? Bumili ka talaga ng payong?"

He showed me the price tag of the umbrella at pinagyabang niya yun sa akin. Tinawana niya pa ako dahil naka-nguso ako sa pagka-disappointment ko sa kanya.

"Diba? Sabi ko sa'yo maghintay ka, e. Hindi mo ba natanggap text ko sa'yo?"

"Hindi," I lied.

"Oh, ito, suotin mo hoodie ko," He lend me his hoodie jacket. "Malamig at malakas ang ulan ngayon. Sabi sa weather forecast ni kuya Kim," patuloy pa niya.

Umiling ako. "No, I'm fine with..." I wrapped both of my hands around my arms to keep myself warm. "I'm fine without your hoodie."

Tipid siyang ngumiti at pinipilit niya ako suotin ang kanyang pink hoodie. "Bilis na... mabango 'to. CK ang pabango ko."

"Amuyin mo pa hoodie ko," Pabiro niyang alok. He let out a small chuckle and grinned.

Bawat segundo ay sinasagi niya sa braso ko ang kanyang hoodie na nakatupi na hawak niya ngayon. I looked on his face. He's begging me to wear his hoodie.

"Ayaw ko." Mabilis kong pagtanggi.

"Osige, manigas ka diyan sa lamig. Binibigyan na kita, tapos ayaw mo naman." Inis niyang sabi sa akin. Binigay naman niya sa akin ang hawak niyang payong at kinuha ko naman iyon.

See? Hindi katiwa-tiwala... not being a gentleman. Akalain mo yun?

Inagaw niya naman sa akin ulit ang umbrella matapos niyang ipakita sa akin at ipag-malaki ang favorite niyang hoodie. Nagulat na lang ako sa ginawa niya dahil agad niyang sinuot sa ulo ko ang hoodie at nandilim ang paningin ko. He reluctantly wore his hoodie on my head.

Infairness, ang bango.

I sighed heavily at sinuot na yung hoodie niya. Lumalamig na kasi at lumalakas na buhos ng ulan. Ang lamig pa naman ng hangin. Nang mai-suot ko na ang malambot at ma-comfy niyang oversized pink hoodie ay bigla akong na-initan, and at the same time ay mas naging comfortable ako. Ang bango pala talaga at amoy pang-mayaman pa.

I tied my hair first at pinabigay ko sa kanya yung bag ko na medyo mabigat. I'm glad he didn't insisted on carrying my heavy bag na maraming laman. Pagkatapos kong itali ang buhok ko ay napansin ko naman kanina pa pala siya nakatingin sa akin. He looked at me from the bottom to the top and smiled.

"Cute." He complimented and wrinkled his nose.

"Sino?"

"You."

My cheeks blushed. Nararamdaman kong umiinit ang psingi ko dahil sa sinabi niya. Mukhang ba akong ka-cute o baka trip niya lang kasi oversized talaga ang pink hoodie niya na suot ko ngayon. I looked at myself from bottom to the top and checked on my hoodie that I'm wearing. Ang payat ko at ang liit ko pala. Hanggang balikat lang ang tangkad ko sa kanya.

I playfully slapped his chest. "Ulol!"

"Aww.. why did you do that?" He mocked that he's hurt then laughed at me.

"Tara na kasi, marami pa akong gagawin. Saan ba kasi tayo pupunta?" Inis kong tanong sa kanya.

He let out a small grin. "Umm.. café and bookstore."

"Yun lang, edi sana si Avery na lang sinama mo." Reklamo ko sa kanya.

"But I want you," panimula niya.

My heart began to beat fast. Ano? Anong sinabi niya? Totoo ba narinig ko?

"to be my date."

"Date?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yes... friendly date. Maybe, a coffee date. It's the least I could give you for this day. Sayang paghihintay mo para sa akin kung wala tayong gagawin matino ngayon." He sincerely explained to me and raised his eyebrows.

"Tara na!" I crossed my arms at nagbaba ng tingin. I heard him let out a soft chuckle and we began to walk. It was only a casual walk.

Naapiyas rin sa aming direksyon ang ulan. Nag-desisyon naman si Austin na mag-tricycle na lang daw kami. Tumanggi ako, pero siya 'tong mapilit. No choice kundi maghanap ng tricycle at pumunta sa bookstore na pupuntahan namin. Kaming dalawa ang sumakay sa likod ng trike, dahil baha na ang daan at sa likod na lang ang pag-asa. Ayaw ko mabasa pantsuit ko dahil lang sa baha.

***

"Morayta Bookstore lang pala.. ba't pa tayo nag-tricycle?" Inis na reklamo kong tanong sa kanya nang makababa na kami sa tapat ng bookstore.

"Para hindi na tayo maglakad." He simply answered at pinag-buksan niya ako pinto. Pumasok naman ako tapos siya naman ang sumunod.

"Bakit tayo nandito?" I asked him.

"Hi Ma'am, Sir! Welcome to Morayta Bookstore!" Bati nung cashier librarian.

"To help you with your studies."

Awtomatiko akong lumingon sa kanya. "Ha? Marami na akong libro!"

"No, you need some books with concrete and credible sources at para mabawasan na rin kakatitig mo sa phone mo. Nakakahilo kaya sa phone." He advised at nag-tungo na doon sa med library. Hinabol ko naman siya papunta doon.

"Tyaka, pwede ko naman magpa-print dito at magpa-scan dito ng documents mo, e." habol pa niya habang natingin ng mga libro.

He's now finding a book for me. May hinablot naman siyang isang manipis na libro at binigay iyon sa akin. His eyes were fixed on reading on the titles from the book spine na nakapatas sa bookshelf. Kinuha ko naman mula sa kanya ang kailangan kong med book.

"You need to read hardbound textbooks too... kahit meron ka ng mayroong mga PDF Files. You can try going to National Book Store for more related med-related books," He recommended and began to give me more books. Ang ninipis lang ng libro na binibigay niya sa akin.

"Excuse me? May printer ako sa dorm!"

"Hanggang kailan naman tatagal ang ink ng printer mo eh nakakaabot ka nga ng 15-20 pages ng pdf and pptx file na umaabot sa 30-50 slides." He judged my printer. Ngumisi naman siya, habang ako naman ay sumimangot. Lastly, he gave me one big hella book na mukhang aabot sa 250 pages ang laman.

"Ang bigat at ang dami. Tulungan mo ako!"

He helped me to carry some of my books na binigay niya sa akin. Sa kanya yung tatlong makapal, habang yung sa akin naman ay yung maninipis at magaan. Akala ko ay tapos na kami pero dumaan pa siya sa may school supplies na mayroong mga bondpapers at mga pens and highlighters.

Mabuti na lang at may nakita siyang basket at doon namin nilagay ang mga pinambili namin. He also bought index cards, highlighters, Pilot pens, and correction tape for me. Napuno namin ang isang cart. Nanlaki ang mata ko sa dami niyang binili.

"Huy! Ang dami naman. Bawasan natin." I worried habang nakatingin sa basket. Ang daming school supplies at books na kinuha namin.

Yung allowance ko, good for one week dahil nagtitipid pa ako. Hindi ko naman kaya na bilihin ang lahat ng 'to.

Nagpunta na kami sa counter at nag-share kami ng bayad. Sinabi niya na sagot na daw niya yung mga books na binili niya para sa akin, habang ako naman ay magbabayad na lang sa ballpens or whatever. Mabuti naman at hindi lagpas 1k ang nagastos namin.

Walanghiya ako sa kanya. I didn't asked for anything that I needed, especially the ooks we bought from the bookstore. Gosh! Dami ko naman babasahin nito.

"We will go to Rex Bookstore. May bibilhin lang ako para sa aming dalawa ni Avery." Sabi niya nang makalabas kami sa bookstore at naglakad na dito sa sidewalk.

I should've been studying right now pero nasasayang ang oras ko dahil kay Austin.

Bigla naman akong naka-ramdam ng kurog sa tiyan ko. Kumakalam na. Kaunti lang kinain ko kanina dahil nagkaroon kami ng biglaang demonstration after naming kumain nila Billy sa Yellow Cab.

"Gutom ka na?" He asked me when I motioned on him. Tumabi ako sa kanya at nag-halupkip ng braso. I rested my head on his shoulder at humikab, habang ang isa kong kamay ay hawak ang paper bag na may laman ng school supplies.

Umiling ako. "Hindi pa." I denied.

He just nodded, "Hmm... okay."

****

Mabilis naman kaming naka-rating sa Rex bookstore. Pumasok naman kami sa loob at sinabing maupo daw muna ako sa tabi at maghahanap lang siya ng libro. Luckily, he brought all the books that he needed. Hindi ko akalain na gano'n siya kabilis bumili ng libro. Literal na apat na law books lang ang kanyang binili, pero makapal at mabigat iyon kumpara sa 'kin.

Naglakad naman siya na may bitbit na paper bag at tinaasan niya pa ako ng kilay at ngumiti. "I told you, mabilis lang."

"Ayos na?"

Tumango siya at kinuha yung mabigat na paper bag na may laman ng mga librong kailangan ko at binuhat niya 'yon. Tumayo na rin naman ako at lumabas na kami sa bookstore. Pinayungan naman niya ako at naglakad na kami papunta sa Morayta Footbridge.

"Sa'n tayo pupunta?" I asked him nang makataas na kami ng hagdan at sinara na niya ang payong. Nasa tulay na kami pero hindi niya pa rin ako sinasagot.

Sinampay niya yung payong sa kanyang balikat. Kinuha niya sa akin ang paper bag ko at binitbit niya yon. Dalawang paper bag na ang dala niya ngayon.

"Doon sa may Paredes Street." He answered nang makababa na kami sa footbridge. "May sulit na coffee shop do'n.

Medyo tumila na rin ang ulan. Atleast may payong siyang dala at binigay niya sa akin yon para magsama kaming dalawa sa iisang payong. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad, hanggang sa makarating kami roon sa café na tinutukoy niya.

Naglakad naman kami dito sa may eskinita at tumigil kami dito sa tapat ng isang coffee shop. Tumingin naman kaming dalawa sa harap ng isang building. Inside of the shop is so bright, warm and cozy. Sobrang decorative and aesthetic sa loob gawa ng mga painting at bulb lights. Tumingala naman ako kung anong pangalan ng café.

"Del Rio Sunset Café." I muttered and looked again on the coffee shop.

"Umm... shall we go inside? Alam kong gutom ka na kaya huwag ka nang mag-senti diyan." He reached for my hand and embraced it.

Nagulat ako sa ginawa niya at napatingin ako sa aking kamay na hawak niya ngayon. I looked at him. He smiled frankly.

"Bago ka mag-inarte, let me ask you one thing first," Lumapit siya papalapit sa akin at bahagya naman akong umatras.

"Ask me what?"

"Ano muna oorderin mo?" He asks.

"Edi kape," panimula ko. "Hindi ko alam. Kung anong meron na menu diyan, edi yun ang bibilhin kong pagkain."

He let out a sigh at sinenyasan niya akong pumunta na kami sa loob ng coffee shop. Sabay naman kaming pumasok dalawa at binati naman kami ng barista.

Nanlaki ang mata nung isang babaeng barista at napa-awang ang kanyang labi nang makita niya kaming dalawa. Lumingon naman ako kay Austin na ngayon ay tipid ang ngiti at tinaasan ang kilay yung babaeng tinititigan niya ngayon.

"Oh my god! Austin!"

Austin smiles back at the girl who's approaching in front of him. "Hi, Eliane!"

The girl hugged her afterwards. Ang lapad nang ngiti ng babae na kaharap ni Austin ngayon! Mukhang mapupunit na ngiti niya. Nag-yakapan naman sila, habang ako naman ay parang bigla na lang nawala ang presensya.

"Oh, Hi! You must be the girl who's Austin keeps talking about?" The girl glanced at me and gave me a small smile.

I gulped and looked surprised. Who? Me? Ako ba ang tinutukoy ng babae na kaharap ko ngayon?

Continue Reading

You'll Also Like

39.5K 1.1K 106
On a mission to tidy up her room instead of studying for their upcoming exams, Adelaide found a flattened piece of paper tucked between the pages of...
4M 168K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.2M 62.7K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
1.3M 102K 41
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...